Deanna Point of View
Five Months Later . . . .
Maaga ako gumising para maghanda sa training. Bago ako umalis nagpaalam muna ako kay manang Leah.
"Kayo na po bahala kay Peter." Inabutan ko ito ng pera saka umalis.
Habang nagdadrive ako papunta sa BEG, sinuot ko ang aking earpiece at tinawagan si Jema.
"Hello love?"
"Good morning." I said.
"Morning. Saan ka?"
"Papunta sa gym. Ikaw? Nasa CMS-Asia ka na?" I asked.
"Yeah. Kararating ko lang."
"Kumain ka ba ng breakfast?" I asked.
"Kakain palang, late na ko nagising eh."
"Damihan mo yung kain mo ah? Cge na. I love you."
"I love you too." She said and ended the call.
Nang makarating ako sa gym naabutan ko silang nag-aayos na ng net. "Morning!"
"Morning ate Deans." Bati ni Faith.
Bumati din ang ibang rookies. Nilapag ko ang bag ko sa bench, napansin ko naman na wala si Ponggay.
"Nasaan si Ponggay?" I asked.
"I'm here!"
Lumingon ako sa aking likod. "Saan ka galing?"
"Kararating ko lang."
"Tsk! Tulungan mo sila mag-ayos ng net." I said.
"Kaya na nila yan." Sabi niya at naupo.
"50 push-up O tutulong ka dun?"
Napatayo naman ito. "Sabi ko nga tutulong na ko eh."
Hinintay muna namin sila coach O bago nagsimula mag-warm up. "Deanna!"
Lumapit ako kay coach O. "Bakit coach?"
"May emergency meeting lang kami, ikaw muna bahala sa kanila. Stamina kayo tsaka lakas ng palo. Okay?"
"Yes coach." Nag-push up kami 50 tapos 50 squat thrust then pinag-water break ko na sila. "15 minutes lang then spike and block na tayo."
"Ate Deans may bisita ka!"
"Sino?" I asked Erika.
"Ayun oh." Sabay turo nito sa entrance ng BEG. "Si Brent Paraiso yung diba?"
"Yeah, lapitan ko lang." Nilapitan ko si Brent. "Hey! What are you doing here?"
"Dinadalaw ka." He hugged me. "Ang bango mo pa din kahit pawis ka na."
"Sira! Bakit naparito ka? Pinuntahan mo ba sila kuya Thirdy?"
"Yeah. Naisip kita kaya pinuntahan kita dito."
"Wow. Sweet mo naman, kailangan ko na ba kiligin?" I asked.
"Hahahah! Pwede kaso ayoko ma-spike yung mukha ko. Nakakatakot yung girlfriend mo, baka mamaya bigla na lamang may lumitaw sa harap ko na bola."
"Hahahah! Hindi naman ganun yun, mabait kaya yung girlfriend ko. Pero maiba tayo, may nabalitaan ako tungkol sayo." I said.
"Ano yun?"
"Nakikipagdate ka pala kay Trina."
"Uy sira hindi." He said.
"Weh? May picture kaya na lumabas sa twitter na mag kasama kayo, nagselos kaya si Luigi."
"Huh? Bakit naman siya magseselos?"
"Matagal na siyang may gusto kay Trina, hindi lang umaamin kasi torpe." I said.
"Hala hindi kami nagde-date, nagkataon lang na nakasalubong ko siya then nagkaron lang kami ng short conversation."
"Sus, dyan din nagsimula yung love story ng lola at lolo ko."
"Sira!" He said and laughed.
Nagpaalam na ito na aalis kaya bumalik na ko sa teammates ko. "Back to training." I said and kinuha ang bola.
Isa-isa namin sinetan ni Jaja ang mga spikers at yung mga middle blocker ay tiga block.
Jema Point of View
Ala una na natapos yung training namin kaya't diretso kami lahat sa pinaka-malapit na restaurant dito sa CMS-Asia.
"Nakakagutom." Sabi ni ate Pau.
"Bakit wala si Celine ngayon?" Tanong ni ate Jia.
"Ininvite siya sa isang fiesta sa iloilo." Sagot ko.
"Ah . . Wala man lang pasabi." Ate Jia said.
"Biglaan yun, nagmamadali nga daw eh." Sabi ni ate Rose.
Nang matapos kami kumain ay bumalik na kami sa dorm. "Guys alis muna ako, may date kami ni Rocco."
"Ingat te Mel!" I said.
"Goodluck." Coleen said.
Nag-decide kami maglaro ng truth or dare dahil nakakaboring. "Samahan niyo naman ng pagkain."
"Si Jia talaga pinaka-magaling sa pagkain." Sabi ni ate Michele.
Tatawag na sana kami sa shakey's para umorder ng pizza nang biglang may dumating na delivery boy.
"Deliver po para sa inyo."
"Kanino galing?" Tanong ni ate Jia.
May chineck ang lalaki sa isang papel. "Uhm . . Kay ms. Deanna Wong po. Bayad na po yan and ito naman po yung drinks. Cge po."
Binigyan ni ate Jia ng tip ang lalaki atsaka ito umalis. "WHAAAA!! ANG BAIT NI WONGSKIE!"
"Mabuti nalang hindi na ko gagastos." Sabi ni ate Pau. "Thank you very much, Deanna Wong."
"HAHAHAH!"
Buong maghapon ay naglaro lang kami ng truth or dare, hanggang ngayon ay hindi pa rin tumatapat sakin ang bote.
Swerte ko ata ngayon . . .
"Ugh! Tumapat na satin lahat kay Jema nalang hindi, ayaw ata kay Jema nung bote." Sabi ni Risa.
"Palitan niyo." Ate Fille said.
*RING!*RING!*RING!*
I stood up. "Sagutin ko lang guys." Lumayo ako sa kanila ng unti atsaka sinagot ang tawa.
"Hello?"
"Anak!"
"Ma, bakit po?" I asked.
"Nak may mahihiraman ka ba ng pera dyan?"
"Bakit ma? May nangyari ba?"
"Anak naaksidente kasi ang tita Chadeng mo, nagulungan kasi ng truck ang paa ng tita Chadeng mo. " She said.
"Huh? Bakit po? Nasan na si kuya Gerald?"
"Anak wala kasing masyadong pera ang kuya Gerald mo pero nagta-try din siya mangutang sa ibang bansa." She said.
"Magkano po ba ang kailangan?"
"Kailangan ng one hundred thousand para sa operation ng tita Chadeng mo plus yung mga gamot pa."
"Cge po, gagawa ako ng paaran. Bye na po." I ended the call.
Hays! Saan naman ako kukuha ng ganun kalaking pera? Ni wala nga akong ipon para sa sarili ko eh. Plus kailangan ko pa bigyan ng allowance ulit si Mafe.
Ih! Kainis naman.
Deanna Point of View
May game kami bukas kaya puspusan ang training namin ngayon. "Ate Deanna, ano ngang team ulit kalaban natin?" Tanong ni Cacee.
"Banko Perlas kaya kailangan natin paghandaan."
"Hay! Mabigat na team pala ang kalaban natin." Ponggay said.
"Yeah kaya dapat maging mautak tayo sa laro. Ang hirap lalo na't wala na sila ate Kim." I said.
Eight o clock na ng gabi natapos ang aming training. Umuwi agad ako sa condo unit, naabutan ko si Peter na natutulog na. "Oh anak, bakit ngayon ka lang?"
"May game po kasi kami bukas."
"Nakatulog na yung kapatid mo kakahintay sayo. Nga pala kumain ka na ba?"
"Hindi na po, wala akong gana. Pasok na po ako sa kwarto." I said.
Naligo at nagpalit ako ng damit bago nahiga sa kama. Binuksan ko ang TV gamit ang remote then I pick up my phone. I called Jema. "Hello?"
"Hi baby."
"Oh bat ang tamlay ng boses mo?" She asked.
"Pagod ako eh, kakauwi ko lang."
"Ganun? Gusto mo puntahan kita?"
"Wag na, alam ko pagod ka rin." I said.
"Hindi ah. Wala kaya akong naging training ngayon."
"Bahala ka, bye na." I ended the call.
Maya't-maya bumukas ang pinto. "Hi."
"Pumunta ka talaga."
"Syempre." Humiga ito sa tabi ko. "Bango mo. Dito ako matutulog ah?"
"Sure." I said.
Nalaman niyang hindi pa ko kumakain kaya hinatak niya ko palabas ng kwarto, nilutuan niya ako ng favorite kong food.
Nagising ako na wala na sa tabi ko si Jema. Tumayo ako at ginawa ang aking morning rituals, nang matapos ako lumabas na ko ng kwarto. "Morning ate!"
"Morning Peter. Manang umalis na si Jema?"
"Nasa kitchen. Sabi niya siya na daw ang magluluto ng breakfast."
I nodded. Tumungo ako sa kusina, dahan-dahan akong nag-back hug. "Good morning."
"Sweet!"
Napalingon kaming dalawa sa taong nagsalita. "Ate Bea? What are you doing here?"
Naupo ito sa dining chair. "Makikikain, walang pagkain sa unit ko."
"Anong akala mo sa unit ko? restaurant?" Naupo ako sa harap nito, narinig kong tumawa si Jema.
"Pumayag naman si Jema na kumain ako rito eh, diba Jem?"
Lumingon naman si Jema. "Oo kaya wag ka na mag-reklamo dyan, Deanna." Pinagpatuloy niya na ang pagluluto.
Tumahimik nalang ako at naglaro ng ML sa phone ko. "Deanna, kamusta training niyo kagabi?"
"Ayun, nakakapagod at stress."
"Bakit?" She asked.
"Mula ng mawala kayo lagi na kami pinapagalitan ni coach O, feeling ko bumalik ang team sa zero. Nahihirapan ako ihandle kahit nandyan naman si Ponggay para tulungan ako."
"Hay! Sorry ah, bawal ko kasi kayo tulungan eh."
"I understand."
Ate Bea, ate Kat and ate Mads ay part na ng creamline habang si ate Kim ay sa PSL naglalaro ka-teammate si ate Jho.
Jema Point of View
Pagkaalis ni Deanna umalis na din kami ni Bea, sasamahan niya ako ibenta yung kotse ko. Ito ang naisip ko na paraan para may maipadala na pera para kay tita Chadeng. Kapag kasi hindi na-operahan si Tita, hindi na siya makakalakad habang buhay.
"Sigurado ka ba, Jema? Pwede naman kita pahiramin ng ganun kalaking pera."
"Bei wala akong ipambabayad sayo . . . Basta yung pangako mo, wag mo sasabihin kay Deanna."
"Cge kung iyan ang gusto mo." She said.
Siya ang may kilala dun sa buyer ng kotse ko kaya siya ang kasama ko papunta doon sa tao. Hays! Mamimiss ko 'tong kotse ko, ang tagal din na sakin 'to, almost three years. "Hi ako si Jema, ang may ari nung sasakyan."
"Hi. Pwede ko ba matingnan ang loob?"
"Sure."
Sinamahan ito ni Bea sa pagtingin habang ako ay gumilid muna. Maya't-maya tinungo nila ang kinaroroonan ko. "Okay na, ito yung cheque."
"Maraming salamat." I said.
Inaya pa kami kumain nito kaya pumasok kami sa isang restaurant. Pauwi ay nag-grab nalang kami ni Bea pero nagpahatid ako sa dorm namin. "Salamat, Bea."
"Cge."
Pumasok ako sa dorm namin, si Kyla lang nakita ko. "Nasan sila?"
"Umalis, ako nga lang naiwan dito."
"Kawawa ka naman." Naupo ako sa tabi nito. "Bakit nanonood ka niyan? Kadiri ka naman."
Nanonood kasi siya ng fifty shades of grey. YUCK!!!
"Pa-inosente ka, parang hindi niyo nagawa ni Deanna yan ah." Sabi niya dahilan para hampasin ko siya sa braso.
"Hindi talaga namin ginawa ang bagay na iyan."
"Sinungaling!" She said.
"TSE!"
Maya't-maya dumating si ate Ly kasama si kuya Kiefer. "Hi Jem, hi Kyla."
"Hi kuya Kief."
"Kayong dalawa lang dito?" Tanong ni ate Ly.
Tumango kaming dalawa. "Oo te Ly, aalis ka pa?"
"Oo, babalik din ako."
Pagkaalis nilang dalawa nag-decide kami manood sa netflix, pinanood ulit namin ang bird box. Kinagabihan nalaman kong nanalo sila Deanna kaya I called her. "Hey! Panalo kami."
"I know, congrats."
"Thank you, Bb. I love you so much." She said.
"I love you very much."
"Bye muna baby, may interview pa eh."
"Okay. Lablab." I ended the call.
Habang hindi pa sila dumarating ay nagsimula na kami kumilos ni Kyla. Siya ang naglinis ng buong sala habang ako ay nagluto na para sa dinner, nag-saing na din ako.
***************