Jema Point of View
"Morning Jema."
"Morning."
Umupo ako sa solo couch. "Bakit hindi ka pa nakabihis, Jema?" Coleen asked.
"Hindi ako magtra-training."
"Huh? Alam na ba 'to ni coach?" Tanong ni ate Ly.
"Opo, uuwi ako ng laguna ngayon pero babalik din ako mamayang gabi." Sabi ko.
"Mag-iingat ka. Teka hindi ko napansin ang sasakyan mo sa labas." Sabi ni ate Jia.
Ngumiti ako ng tipid. "Binenta ko na po."
"Huh? Sineryoso mo talaga yung sinabi mo nung isang araw?" Ate Mel asked.
"Opo. No choice ako, kailangan ng tita ko ang pera."
"Alam ba 'to ni Deanna?" Kyla asked.
Umiling ako. "Hindi niya naman kailangan malaman." I stood up. "Cge po magbibihis na ko para makaalis na ko at hindi masyadong traffic."
Umakyat ako sa itaas para magbihis, tanging dala ko lang ay phone, cheque and wallet. Hay isang araw palang pero miss na miss ko na yung car ko.
"Hi ma."
"Anak." Niyakap ako nito. "Anong ginagawa mo dito?"
Inaya ko muna ito maupo. "Nasan si papa?"
"Binabantayan ang tita Chadeng mo sa Hospital."
"Eh si ate Jovi?"
"Naku nasa school pa."
I nodded. "Ma magkano ba ang operation lahat ni tita Chadeng? Lahat lahat."
"Naku tumaas nga dahil medyo lumalala ito. Halos two hundred thousand na yung kailangan na pera, wala pa yung pang-gamot doon."
"Huh? Bakit po? Sobrang laki naman ata."
"Lalagyan na kasi ng bakal ang paa ng tita Chadeng mo."
Nalungkot naman ako. Nilabas ko ang cheque at inabot kay mama. "Ma one hundred thousand lang itong pera."
"Saan mo 'to nakuha?" Gulat niyang tanong.
"Binenta ko po yung kotse ko."
"Ano?! Hindi mo dapat ginawa yun anak."
Hinawakan ko ang dalawang kamay ni mama. "Ma wag niyo na alalahanin yung kotse, ang mahalaga si tita Chadeng."
Naiiyak ito habang nakatingin sakin. "M-maraming salamat anak. Kahit hindi mo naman ito obligasyon, ginagawa mo."
"Ma pamilya tayo eh, diba ang pamilya nagtutulungan?" Tumango ito. "Nga pala ma nagpadala na ba si kuya Gerald ng pera?"
"Oo pero seventy five thousand lang, wala na siyang mahiraman sa kanila eh."
"Magkano pa ba ang kulang?"
"Wag muna alalahanin anak, kami ng bahala ng ate Jovi mo." She smiled.
Nagbihis muna ako ng pambahay saka kami pumunta sa hospital. "Pa." I hugged him.
"Anong ginagawa mo dito anak?"
"Pumunta siya dito para ihatid ang pera." Mama said.
"Pera? Saan mo naman nakuha iyon anak?"
"Basta papa, don't worry hindi ako nang holdup." I said and laughed.
Sinamahan ako ni mama at papa sa kwarto ni tita Chadeng, naabutan namin itong tulog.
Deanna Point of View
Nang matapos ang training namin, umuwi ako sa condo unit ko. Wala pa sila manang Leah nang makarating ako doon.
So natulog muna ako, wala akong klase this day. Nagising na lamang ako nang marinig ko na nag-open ang pinto.
Lumabas ako ng kwarto. "Hi ate!"
"Peter." I hugged him.
"Nandito ka na pala hija." Manang Leah said.
"Opo, kanina pa po." I looked at him. "Kamusta ang school? Wala bang nang-aaway sayo dun?"
"Wala po, lahat po ng classmate ko kaibigan ko."
"Mabuti naman. Sabihin mo sakin kapag may nakaaway ka ah."
"Yes ate." Habang nagluluto si manang Leah ng lunch namin, nanood muna kami ng TV. "Ate bili mo ko nito." May pinakita ito sakin na picture.
"Robot?"
"Opo ate, may ganyan yung kaibigan ko, ang ganda. Gusto ko din niyan."
"Walang problema. Pagtapos natin kumain, lalabas tayo nila manang."
Nang matapos kami kumain ay nagbihis na kami. Tumungo kami sa mall of asia dahil mas maraming laruan don.
"Uhm . . . Manang Leah may bibilin lang ako, kung ano yung kunin ni Peter kunin niyo lang, babalik din ako agad." I said.
Pumunta ako sa nike store, kailangan ko ng bagong sapatos. Pagtapos ko makapili ay binayaran ko agad sa cashier then binalikan ko na sila manang Leah.
"Okay na, Peter?" I asked while smiling.
"Opo ate."
Binayaran na namin ito sa cashier then tumungo kami sa arcade, naglaro kami habang si manang Leah ay nakaupo lang.
Kakauwi lang namin and kailangan na ni Peter matulog kaya pinaligo ko na ito.
Gabi na kami nakauwi dahil nagpabili pa si Peter ng mga pagkain niya tapos bumili pa kami ng t-shirt, binili ko na rin si manang Leah.
"Goodnight Peter." I said and sinara na ang pinto.
Pumasok na ko sa aking kwarto at nahiga sa kama. Ipipikit ko na sana ang aking mata nang tumunog ang aking cellphone.
I pick up my phone and answered the call. "Hello? Who's this?"
"Deanna."
"Oh tita." Bumangon ako. "Bakit po kayo napatawag?"
"Anak nakauwi na ba si Jema? Galing kasi ito kanina dito sa laguna."
"Hindi ko po alam eh. Tatawagan ko po."
"Anak walang cellphone yun, binenta niya kanina kasi nagkaron ng emergency." She said.
"Huh? Ano pong nangyari?"
"Hindi niya ba nabanggit sayo? Naaksidente ang tita Chadeng niya at nangangailangan ng malaking pera para sa operasyon kaya binenta niya ang sasakyan niya."
"Ibig sabihin po naka-commute lang siya papunta dyan at pauwi?" I asked.
"Oo anak."
"Uhm . . . Cge po bye na." I ended the call.
Nagmamadali akong nagbihis atsaka kinuha ang aking wallet, phone at susi ng kotse ko.
Nagpaalam muna ako kay manang Leah bago umalis. Habang nagdadrive ako tinawagan ko si ate Jia, wala pa daw si Jema doon kaya kinabahan na ko.
Oh no! Sana walang nangyari sa kanya, hindi ko na ata kaya kapag napahamak pa siya.
Tumungo ako sa terminal kung saan baba si Jema, nag tanong ako sa isang lalaki. "Kuya may dumating na bang bus galing laguna?"
"Oo."
"May nakita ka bang babae na maikli yung buhok tapos mas matangkad lang ako ng unti."
"Ay naku wala eh."
"Cge maraming salamat nalang." I said.
Nagpalinga-linga ako hanggang sa may nahagilap ang mata ko. "JEMA!!" Lumingon ito.
"Deanna, anong ginagawa mo dito?" Hindi ko siya sinagot bagkus ay hinila ko siya at pinapasok sa sasakyan. "Deanna, what's your problem?"
"IKAW!" Nagulat ito kaya huminga ako nang malalim bago nagsalita. "Bakit hindi mo sakin sinabi na may problema ka?"
"Anong problema?"
"Jema alam kong alam mo kung anong ibig kong sabihin." Napahigpit ang kapit ko sa manibela.
"Deanna, sino nagsabi niyan sayo?"
"Ang mama mo, tumawag siya sakin kanina."
"Mabuti pa ihatid mo na ako."
Naiiyak akong tumingin sa kanya. "Jema . . . Bakit ka ba ganyan? Girlfriend mo ba talaga ako? Mahal mo ba talaga ako?"
"Deanna alam mong mahal na mahal kita."
"Then Why?! Bakit ayaw mo magsabi sakin? Bakit ayaw mo humingi sakin ng tulong?"
"Deanna hindi mo naiintindihan." She held my hand kaya medyo kumalma ang pintig ng puso ko.
"Hindi ko naiintindihan kasi ayaw mo ipaintindi!"
Naiiyak na rin ito. "Alam mo kung bakit Deanna? Kasi ayoko isipin ng ibang tao na pera lang ang habol ko sayo!"
I looked at her. "Hihingi ka lang sakin ng tulong, mukhang pera na agad?"
"Deanna napaka-judgemental ng mga tao ngayon!"
"Bakit malalaman ba nila?"
"Hindi pe-----"
"Nahihiya ka? Mygod Jema! Engaged na tayo pero ganyan ka pa rin. Paano kung mag-asawa na tayo? Ganyan ka pa rin?!"
"Tama na Deanna, napapagod na ko."
"Pagod ka na? Makikipag-hiwalay ka na?!"
Isang sampal ang inabot ko dito pero ang kasunod nun ay hindi ko inaasahan. Hinila niya lamang ang mukha ko at naramdaman ko nalang na nakadampi na ang labi niya sa labi ko.
Nagising ako nang maramdaman kong may gumagalaw sa aking gilid. "Hm . ."
"Deanna . . . Ang lamig."
I opened my eyes and kinuha ang remote nung aircon, hininaan ko ito. "Okay na?" I looked at her.
Madaling araw ngayon at ito ay dinala ako sa isang hotel. Hay! May condo naman, sa hotel pa niya talaga ako dinala.
"I love you." She hugged me.
"Hindi pa ba kita ihahatid?"
"Sarado pa ang dorm, three o clock palang." She said.
"Tsk! Gusto mo lang ako masolo eh."
"Kapal ng mukha mo."
"Ako pa makapal, eh nirape mo nga ako." I said.
"Nagpa-r**e ka naman."
Yeah, may nangyari samin. This time hindi niya na ko binitin.
Jema Point of View
Hindi namin pwede gawin ni Deanna sa kotse ang ganun na bagay kaya pumunta kami sa hotel na pinaka-malapit.
"Bati na tayo?" I asked.
"Hindi pa, galit pa ko sayo."
I poked her waist. "Bati na tayo, sorry na."
"Ayoko, galit pa rin ako sayo."
"Eh . . . Anong gusto mo gawin ko?"
"Wala." Tinalikuran ako nito. "Matulog ka pa, maya-maya aalis na tayo."
"Uy bati na tayo. Gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ko."
Humarap ito sakin at nakangisi. "Talaga?"
"Oo."
"Kiss mo ko."
Kiniss ko naman ito sa lips. "Okay na?"
"Cge bati na tayo. Pero wait, gusto ko magsabi ka sakin ng totoo. Ano ba talagang nangyari at binenta mo pati phone mo?"
"Kailangan ng gamot ni tita dahil kung hindi siya mapapainom ng gamot baka hindi na nga ituloy ang operation at hayaan nalang na hindi na siya makalakad. May pera naman pambili kaso para yun sa operation, ayoko lang mabawasan kaya I decided na ibente nalang yung phone ko."
"Hays! Diba may anak yun? Nasan na yung anak niya?"
"Nagbigay na rin ng pera but hindi sapat kaya kailangan namin lahat mag-tulungan."
"Paano ka na ngayon? Ni wala ka ng phone pati sasakyan wala na." She said.
"Okay lang yun kaya ko naman bumili ng cellphone, ayos na sakin kahit yung nokia lang."
Hindi ito nagsalita. Pgdating ng alas kwatro umalis na kami ng hotel para walang masyado makakilala samin.
Hinatid niya ko sa dorm namin, mabuti nalang bukas ito. Dumeretso ako sa kwarto namin nila ate Pau.
"Jema?"
"Wag ka maingay." Saway ko kay Risa.
Bumalik na ito sa pagtulog, ako naman ay naligo. Ang lagkit ko. Nang matapos ako maligo saka ako nahiga sa kama ko.
****************