CHAPTER 17

2118 Words
Deanna Point of View Tatawagan ko sana si Jema pero naalala ko na wala pala itong cellphone. Mapuntahan na nga lang siya. After a few minutes nakarating na din ako sa dorm nila. I texted ate Pau. "Ate Pau pakisabi naman kay Jema na nasa labas ako." Ilang minuto ako naghintay at lumabas na nga si Jema sa dorm nila. "Bakit nandito ka?" "Ang ganda naman ng tanong mo." Pinapasok ko ito sa loob ng kotse ko. "Nag-meryenda ka na?" "Hindi pa." "Meryenda tayo." Inistart ko ang makina. "Saan mo gusto?" "Gusto ko ng banana cue at turon!" "Saan meron nun?" "Hindi ko alam, basta gusto ko nun. Hanap tayo." "Cge." I said. Nagikot-ikot kami at mabilis naman kami nakahanap na nagtitinda nun. "Ang sarap. Ayaw mo?" "Kumain ka lang, gusto ko ng ramen." "Cge kain tayo pagtapos ko." Nagpabalot pa ito atsaka kami umalis sa lugar na yun, tumungo kami sa UPTC para kumain sa ramen restaurant. "Umorder ka na." "Ikaw na, ikaw may gusto kumain ng ramen eh." She said. Tumayo naman ako at umorder sa cashier. "Okay na?" I nodded. "Yeah. Nga pala birthday muna next week. Advance happy birthday." Ngumiti lang ito pero malungkot. Sino ba naman ang hindi malulungkot? Wala ka ba naman cellphone at kotse, kahit ako malulungkot eh. "Thank you." "Saan celebration mo love?" "Wala, ayoko mag-celebrate dagdag gastos lang yan." Sabi niya "Luh? Masyado naman malungkot ang birthday mo." "Okay lang yun, sanay na ako." "Mag-celebrate tayo kahit sa condo ko lang, imbitahin natin yung teammates mo tsaka iba mong friends." Sabi ko. "Bahala ka. Sa akin ayoko na mag-celebrate kasi mas mahalaga sakin ang pera ngayon lalo na't kulang pa yung pera na pang-operasyon kay tita Chadeng." Hindi na ko nagsalita pa. Nang matapos kami kumain ay hinatid ko na ulit siya sa dorm nila. "Uhm . . Jema wait lang." I held her hand. "Gamitin mo muna 'to." Binigay ko rito ang isang cellphone. Oppo lang ito, dati kong phone. "Wag na, Deans. Nakakahiya." "Tanggapin muna." Hinapit ko ang baywang niya. "Ikakasal din tayo soon kaya wag ka na mahiya sakin, besides girlfriend mo ko kaya wala ka dapat ikahiya sakin." "Maraming salamat, Deanna." I smiled. I kissed her forehead bago siya tuluyan pumasok sa dorm nila. Sumakay na ko sa aking kotse at nagdrive pauwi sa condo. Birthday niya ngayon and walang pasok, naghanda ako ng maiinom para sa teammates niya and sa iba pang darating. Pinapunta ko muna si manang Leah at Peter sa tita ko tutal sabado naman ngayon. Dumating nang maaga si Ponggay dahil sasamahan niya ako sa mall. "Anong gagawin natin dito sa mall?" Tanong niya habang naglalakad kami. "Bibili." "Nang alin?" "Phone. Diba naikwento ko sayo yung nangyari sa tita ni Jema?" I said. "Oo nga pala." Pumunta kami sa bilihan ng phone, bumili kami ng iphone XS max para kay Jema. "Mamaya may palaro ako, maganda yung mga price." "Uy kasali ba ko dyan?" She asked. "Oo naman, lahat kasali." Bumalik na kami sa condo unit, nilapag ko na ang mesa at inayos ito. Hinanda na din namin ang mga pagkain na pinaluto ko. Hindi lahat ng teammates niya ay nakarating kaya hindi ganun karami ang bisita. Pero nandito sila Cy, Donna, Eya at Mafe. Nandito din yung ibang teammates ko. "Deans ano yan?" Tanong ni ate Bea sa mga nakalapag na box sa isang mesa. "Palaro. Mamaya pa yan." "Anong laman ng mga box, Deans?" Tanong naman ni ate Ly. "Oo nga, Bb. Anong laman?" Tanong ni Jema at niyakap ako. "Secret." Nagsimula na ang inuman at kainan pero syempre kinantahan muna namin si Jema bago nagsimula ang kantahan at inuman. "Ate Deans buksan muna yan!" Sigaw ni Jaycel. "Hahahah! Easy lang guys." "Ahas laman niyan." Sabi ni Ponggay kaya inirapan ko ito. "De joke lang." I took the box na naglalaman ng mga papel, isa-isa ay bubunot sila. Kinuha ko ang mic. "Guys lahat kukuha ah, kung ano yung makuha dapat tanggapin. Bawal ang mahiyain, lalo ka na Jema." "Hahahah! Makapal mukha ko ate Deans." Sabi ni Ayumi kaya nagtawanan kaming lahat. Una kong pinabunot ay si ate Jia. "Oh ate Jia bunot ka." Bumunot naman ito. "WHAAAA!! TEN THOUSAND!!" Inabot ko naman dito ang isang envelope na naglalaman ng ten thousand. "Congrats te Ji." Sunod na pinabunot ko ay si Jaycel. "SIX!!" "Box ka. Buksan muna ngayon para malaman nila." I said while smiling. Kinuha nito ang box at binuksan sa harap namin lahat. "WOW!!" Sunod-sunod silang bumunot, si Jema ay nakayakap lang sakin habang nakangiting pinagmamasdan ang mga bisita namin. "Jema it's your turn." Bumunot ito. "Number one." Kinuha niya ang box at inopen. "Susi?" "Sino nakakuha ng mga susi dyan?" I asked and stood up. Nagtaas ng kamay si Aya at ate Kyla. "Swerte niyo." Inaya ko sila bumaba para makita kung para saan ang susi. "Wait close your eyes muna, Jema." "Kami din, Deanna?" Ate Kyla asked. "Hindi na kailangan." Inalalayan ko si Jema maglakad. "Stay here, wait lang." Lumapit ako kila Aya. "Aya may driver license ka diba?" "Oo Deans." Ngumiti ako. "Congratulations sa inyo." Tinuro ko ang kotse na nakaparada. "Ayun ang premyo niyo." "WHAAA!" Sigaw ni ate Kyla at niyakap ako. "Thanks Deans." Niyakap din ako ni Aya. "Kulay white yung sayo Aya then yung sayo ate Kyla kulay blue." Nakangiti lang sila ate habang pinagmamasdan kami. Nilapitan ko na si Jema. "Ang tagal, Wong." "Sorry. Kung ano yung makita mo dapat tanggapin mo ah?" "Oo na." "Promise, walang bawian?" "Oo, ano ba yan?" "Cge open your eyes na." I said and smiled. Jema Point of View Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, hindi ko akalain na ito pala yun. Wala akong idea na ito pala yun. Tell me lord, ano bang ginawa kong mabuti at binigyan niyo ko ng isang Deanna Wong? Dahan-dahan akong humarap kay Deanna. "Happy?" Hindi ko siya sinagot bagkus ay niyakap ko lamang siya. "Uy wag ka na umiyak." Hinampas ko ito. "Pinapaiyak mo ko." "Hahaha! Maya ka na umiyak, buksan mo muna." Sinamahan niya ako tingnan ang loob ng kotse. "Ano 'to?" May box sa upuan. I took the box and inopen ko. "Iphone?" "Para sayo yan." "Deans hindi ko na ata 'to matatanggap, sobra sobra na." "Hep, diba nangako ka?" "Pero——" "Ah basta tanggapin mo yan. Wag ka na mahiya, girlfriend naman kita. Isa pa wag mo isipin ang sinasabi ng ibang tao para hindi tayo nag-aaway." "Wow matured ka na ah." "Sira." Bumalik na kami sa condo unit para ituloy ang kasiyahan. "Uy Deans ang daya mo." "Bakit?" Kunot noong tanong ni Deanna kay Ponggay. "Sabi mo may ibibigay ka sakin." "Ah . . Bukas nalang, nakalimutan ko eh." "Pangako?" Ponggay asked. "Oo." Alas dose na ng madaling araw natapos ang inuman, lasing na lasing si Bea mabuti nalang may unit ito dito kaya madali namin siyang naihatid. Nang makaalis silang lahat ay nagsimula na kami maglinis ni Deanna tapos ay nagpahinga na rin kami. Deanna Point of View One Year Later . . . . . Nang makita ko siya mabilis akong lumabas ng restaurant pero tumakbo ito at hindi ko man lang naabutan. s**t!! Baka kung anong isipin niya.  "Sorry ms. Yuel pero kailangan ko na umalis." Paalam ko at kinuha na ang aking cellphone. "Hindi pa tayo tapos mag-usap ms. Deanna." "Sorry. Sa susunod nalang ulit tayo mag-usap, tatawagan nalang kita." I said and umalis na sa restaurant. Mabilis akong nakarating condo at pagpasok ko sa loob ay hindi ko ito nakita. I went to the bedroom and I saw her. "Umalis ka!" "Love, it's not what you think."  Akmang lalapitan ko siya kaso hinawakan nito ang isang baso. "Subukan mo lumapit, ibabato ko 'to sayo." "Wait lang, wag ka naman ganyan." "Lumabas ka na baka maibato ko talaga 'to sayo." She said. Lumabas nalang ako. Lumipas ang isang taon ko at napapansin kong napapadalas ang pagseselos niya. Ano bang problema niya? Hindi naman siya dati ganyan. Mula ng matapos ang season 82 ay nag-focus nalang ako sa business. Wala na si Peter na kila dad and mom na and yung business ko ay binigay ko nalang kay Luigi, actually hindi ko talaga binigay, binayaran niya yun. Si manang Leah ay bumalik na kila tita. Ngayon ang hawak kong business ay yung kay dad na, meron pa din hinahawak si dad na business pero doon yun sa china. My phone was ringing so I decided to answer the call. "DEANNA!!!!" Nailayo ko ang phone ko sa aking tainga dahil sa sigaw ni ate Jia. "Ano ba yan ate Jia!" "Hoy bata ka! Bakit pinaiyak mo si Jema?" "Huh? Hindi ko siya pinaiyak." "Anong hindi?! Eh tumawag sakin ngayon, umiiyak. Naku Wong! Yari ka sakin kapag nalaman kong niloloko mo yan." She said. "Grabe ka naman ate Jia, hindi ko magagawa yan." "Siguraduh——" Binabaan ko si ate Jia, ang ingay eh. Si Jema ay patuloy pa rin sa paglalaro sa pro league and creamline pa rin siya, nawala lang sa creamline ay si ate Michele and ate Mel, lumipat na sila sa PSL. Sa condo ko na rin nakatira si Jema at hindi na siya tumitira sa dorm nila. Ilang minuto na ang nakalipas mula nang mag-away kami kaya I decided na pasukin na ito sa kwarto. Naabutan ko siyang nakadapa sa kama at naririnig ko ang kanyang hikbi. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. "Love." I sit on the bed. "Sorry na." Humiga ako at dahan-dahan siyang niyakap. "Don't touch me." "Sorry na. Ano bang nagawa ko?" Humarap siya sakin at tiningnan ako nang masama. "Anong hindi mo alam?!" Bumangon ito at hinampas ako. "HINDI MO ALAM?!!" "Yung sa restaurant ba? Isa lang yun sa mga ka-meeting ko, hindi ko babae yun." "Hindi babae? Eh nahuli ko nga kayo na nagsusubuan." "Huh? Hindi ko siya sinusubuan, siya kaya ang nagsusubo sakin." Sabi ko. "Pareho lang yun." Hinampas muli ako nito. "Aray!" "Nagrereklamo ka?" Nakakainis! Dahil sa inis ko ay hinatak ko ito pahiga at pumaibabaw sa kanya. "Ano ba?!" "Shut up!" Hinalikan ko ito, pinagsusuntok niya ko pero hindi ko na pinansin ang sakit, mas masakit ang mararamdaman ko kapag nasampal niya ko. Jema Point of View Unti-unti akong nalulunod sa mga halik niya kaya naman ang ending bumigay din ako. Nakakabwiset! Hindi ko siya kaya tanggihan kapag ganito siya. "Hmm . ." Naramdaman ko ang labi nito sa balikat ko. "Ang bango mo." "Ano ba Deanna!" Pagsusungit ko pero patuloy pa rin ito. "Isa." "May nangyari na satin, masungit ka pa rin." "Tse! Lumayo ka nga." Dumistansya ako sa kanya. "Nabi-bwiset ako sayo, wag ka lalapit sakin." "Sorry na kasi, promise lalayuan ko na yung babaeng yun. Hindi ko na siya kakausapin." Bigla naman akong na-guilty kasi tungkol yun sa business niya, i'm sure mahalaga sa kanya ang taong yun. "Bahala ka." Kinuha ko ang aking t-shirt at short, sinuot ko ito at lumabas ng kwarto. Dumeretso ako sa kitchen para kumuha ng tubig. *CRING!*CRING!*CRING!* Pumunta ako sa sala para sagutin ang tawag. "Hello, who's this?" "Si Luigi 'to Jem." "Ah Luigi, napatawag ka?" "Nandyan ba si Deanna? Hindi kasi siya sumasagot sa phone eh." He asked. "Ah oo, nasa kwarto siya." "Ah Jema cge na, tawag nalang ulit ako." Bumalik ako sa kwarto, naabutan ko si Deanna na nanonood. "Tumawag si Luigi, hindi ka daw niya ma contact." Kumuha ako ng kumot sa cabinet saka lumabas. Dun ako sa kabilang kwarto matutulog, ayoko siya makatabi. Gumising ako nang maaga at hindi ako maabutan ng traffic. Nagluto muna ako ng breakfast para kay Deanna bago tuluyan umalis. Sa gym nalang ako kakain tutal ayoko siya muna makita. Hay! Kung hindi lang siya sinubuan nung babae na yun, hindi ako magagalit ng ganito. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sakin, hindi naman ako ganito. Ang laki ng pinagbago ko. "Hi Jema." Bati sakin ni Risa. Ngiti lang ang sinagot ko. Sa lobby ako kumain, mabuburaot lang ako ni Kyla kapag nakita niya ko kumain. "Ms. Jema may naghahanap sayo." Sabi nung guard pagkalapit sakin. "Nasa labas po." "Lalaki o babae?" Tinabi ko muna ang aking pagkain. Istorbo! "Babae po, friend niyo daw siya." Lumabas ako. "KRING!" Siya pala, akala ko kung sino. "Anong ginagawa mo dito?" "Namiss lang kita te Jem, ilang weeks tayo hindi nagkita." "Oo nga eh, alam mo na . . . Malapit na pvl." "Oo nga eh, manonood kami nila kuya Cy." Sabi niya. "Cge." Umalis din ito agad dahil may training daw sila. Tinapos ko muna ang aking pagkain bago umakyat sa itaas. Naghintay pa kami ng ilang minuto bago nagsimula kasi late dumating si coach Ed at coach Joyce. *****************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD