CHAPTER 18

1821 Words
Deanna Point of View Habang nasa office ako biglang dumating si Ate Bea. "Hey bruh!" "Anong ginagawa mo dito ate?" Tanong ko at pinaupo ito. "Dinalaw ka. Katatapos lang ng training namin eh." "Umuwi na si Jema?" I asked. "Hindi ko alam, nauna ako umalis sa kanilang lahat eh." "Uhm . . Ate Bea nandito ka na rin, pwede ba magtanong?" "Nagtatanong ka na nga." She laughed. "Normal lang ba yung laging nagseselos?" "Bakit laging nagseselos si Jema?" "Oo, kakaiba na siya ngayon. Muntik niya na ko kagabi batuhin ng baso, hindi naman siya ganun magselos dati." Sabi ko. "Hm . . Lagi ba yan?" "Oo lagi nagseselos." "Naku hindi normal yan, kung ako sayo ipa-check up mo siya." She said. Kumunot ang aking noo. "Huh? Ipa-check up?" "Oo, may sakit kayang ganun. May pinsan ako yung asawa niya laging nagseselos tapos pina-check up niya. Nalaman niyang may sakit itong Pathological Jealousy." "Interesting, ngayon ko lang narinig yan." "Hindi ka kasi nag-aaral." Hindi ako umimik. May sakit kaya siya? Pero imposible naman magkaron siya nun. "May gamot pa ba dun sa sakit na yun?" "Oo ata, hindi ko sure." Tumango ako. Pagkaalis ni ate Bea tinawagan ko si Jema. "Jema pumunta ka dito sa office ko." "Bakit?" "Wag na madaming tanong, basta pumunta ka na lang." I ended the call. Maya't-maya dumating na ito. "What?" "Sit down. May pupuntahan tayo mamaya, tatapusin ko lang ang mga papers na ito." "Saan naman?" Umupo siya sa couch. "Sa hospital, may ipapagawa lang ako sayo." "Ano yun?" Tanong niya. "I don't know basta sundin mo kung anong ipapagawa sayo nung doctor." Ala singko ay tumungo na kami sa hospital. "Maupo ka muna, kakausapin ko lang si doc." Pumasok ako sa isang room at nakita ko ang doctor na titingin kay Jema. "Hi doc." "Hi ms. Wong, nasan na ang Girlfriend mo?" "Nasa labas po." I said. "So ano ba gusto mo malaman tungkol sa kanya?" "Gusto ko malaman kung meron ba siyang pathological jealousy. Madalas kasi siya magselos doc kahit wala naman dapat ikaselos." I said. "Cge. Papasukin mo na siya para mai-check ko siya." "Doc kung meron man sakin mo sabihin, wag sa kanya." "I know." She said and smiled. Pinapasok ko na si Jema habang ako ay naghintay muna sa labas. Isang oras bago bumukas ang pinto at lumabas doon si Jema. "Okay ka lang?" "Oo, puro siya tanong. Nakakaboring si doc." Lumabas si doctor. "Ms. Wong, pwede ba kita makausap?" "Cge doc." I looked at Jema. "Hintayin mo ko, may pag-uusapan lang kami ni doc." I kissed her forehead bago pumasok sa room ni doc. Jema Point of View Nakakabagot si doc. May gusto ata sakin yun, tinanong pati yung personal life ko. Habang hinihintay ko si Deanna sa labas ay naglakad-lakad muna ako. Nakasalubong ko si ate Michele sa hallway. "Jema?" "Ate Michele." "Anong ginagawa mo dito?" She asked. "Ah hinihintay si Deanna, kausap yung doctor. Ikaw? Bakit nandito ka ate?" "May sakit si Marco, ako ang nagbabantay." "Ah okay. Cge ate babalik na ko baka hinahanap na ko ni Deanna." Paalam ko. Pagkabalik ko naabutan ko si Deanna na nasa labas na. "Saan ka galing?" "Naglakad-lakad lang. Tapos ka na?" "Oo. Let's go." She held my hand. Habang nagdadrive ito pauwi, napansin kong napaluha ito kaya nagtaka ako. "Why are you crying love?" "Wala." She smiled and wiped her tears. "Gutom ka na? Gusto mo kumain muna tayo bago umuwi?" "Uwi na tayo, inaantok na ko." Kumapit ako sa isang braso niya. I closed my eyes and smiled. Nang makarating kami sa condo nagluto agad ako ng makakain namin para sa dinner. "Jema." Pumulupot ang dalawang kamay niya sa baywang ko. "Lagi mo tatandaan, mahal na mahal kita." Pinatay ko ang stove at humarap sa kanya. "May problema ka ba?" Kitang-kita ko sa mata niya ang lungkot at para siyang naiiyak. "Wala, masaya lang ako." "Weh? May problema ka eh." "Wala ah." Kumalas ito at tumalikod. "Bilisan muna dyan." Bumalik na ko sa pagluluto, habang nagluluto ako ay naiisip ko si Deanna. May problema kaya siya sa company niya? Naupo ako sa dining chair at tinawagan si Mafe. "Mafe?" "Ate!!" "Ingay mo. Kumain ka na?" I asked. "Oo, kakatapos lang namin kumain ni Donna." "Good. Kamusta grades mo? Kaya pa ba?" "Oo naman, strong kaya ako." She said. "Good. Cge na, tumawag lang ako para kamustahin ka." "Labyu." She said and ended the call. Tinawag ko na si Deanna para kumain, habang kumakain ay may tumawag sa kanya kaya kumunot ang aking noo. "Sino yan?" "Ah . ." Sinamaan ko ito nang tingin. "Sino yan?" "Si ate B-bea, sagutin ko lang." Tatayo na sana ito pero hinawakan ko siya. "Babae mo ba yan kaya hindi mo masagot ang tawag sa harap ko?" "Hindi ah." "Kung hindi dito mo yan sagutin kung ayaw mo mag-away tayo." I said seriously. Sinagot naman nito. Nakakainis! Feeling ko pinagtataksilan ako ni Deanna. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ang bagay na ito. Nababaliw na ata ako . . . . Deanna Point of View Pagkatapos ko maligo ay nagbihis agad ako, may meeting pa pala ako. "Jema mauuna na ko." "Madaling madali ka ata." "May meeting ako." Sabi ko. "Sino? Yung babae mo na naman?" "Tigilan mo nga ako, Jema!" "Bakit? Totoo? Guilty ka?" She asked. "Ayoko makipagtalo sayo Jema." Humarang ito sa pintuan. "Alam mo kung lolokohin mo lang ako, mabuti pa maghiwalay na tayo!" "Shut up!" Hinawi ko ito at dire-diretsong lumabas. Nakakabadtrip! Nakakaubos siya ng pasensya. "Ms. Wong." "Why?" "Pupunta daw po si ms. Yuel dito mamaya." "Cge, papasukin mo nalang kapag dumating." I said to my secretary. Pagdating ko sa office inayos ko agad ang mga papers dahil ipapadala ko pa ito kay dad. Nasa china siya kasama si mom and Peter, doon na nag-aaral si Peter. Tanging si Joseph at Ditchie nalang ang nasa cebu. Si ate Cy kasi may sarili naman family kaya may sarili din na bahay, sa cebu din kaso medyo malayo sa bahay namin sa cebu. "Good afternoon ms. Wong." "Ms. Yuel." Nakangiti kong sinalubong ito. "Pasensya na siya nangyari nung meeting natin." "Okay lang." Saglit lang din kami nag-usap dahil may meeting pa ito. Hinatid ko ito sa lobby. "Ms. Wong maraming salamat." "Wala yun." Bumeso pa ito sakin bago sumakay sa kanyang kotse. Napangiti na lamang ako, tinawag ko ang guard. "Yes, ms. Wong?" "Pakikuha naman yung susi ng kotse ko." Utos ko. "Cge po, saglit lang." Tumungo ako sa hospital kung saan ko pinatingin si Jema. Kinausap ko ang doctor na tumingin sa kanya. "Doc, ano bang kailangan kong gawin? Nagseselos na naman siya, pati mga ka-meeting ko pinagseselosan." Napatawa ito nang mahina kaya kumunot ang aking noo. "Ms. Deanna kailangan mo nang mahabang pasensya, lalo na't may sakit ang iyong girlfriend." Naku! Napaka-impatient ko pa naman. "Ano bang kailangan kong gawin para magamot siya?" "Wala kasing gamot ang sakit na iyon pero may paraan para mawala ang sakit na yun." "What?" I asked. "Iparamdam mo lang sa kanya na mahal na mahal mo siya at walang iba, honestly nagkaron din ako ng ganyan na sakit pero pinaramdam sakin ng partner ko na mahalaga ako sa kanya at wala akong dapat ikabahala." "Eh doc lagi ko naman pinaparamdam sa kanya yun." "Kung lagi dapat mas lagi pa, yung tipong halos sa kanya na umiikot ang buong oras mo." She said and smiled. "Pero doc I have a work, hindi pwede na sa kanya nalang lahat ng time ko." Sumeryoso ito. "Kung ganun mas mabuti pang hiawalayan muna siya, hindi mo pala kaya ibigay lahat ng time mo sa kanya eh. Kung kailan kailangan ka niya tsaka ka pa wala." Lumunok ito. "Iwanan muna siya kung hindi mo kaya ibigay ang iyong buong oras, baka mag suicide pa siya nang dahil lang sa selos." Umalis ako sa hospital habang iniisip ang sinabi ni doctor. Hiwalayan ko siya? Hindi ko kaya. Hindi ko siya iiwan. Tama si doc . . . Kailangan ko nang mahabang pasensya at kailangan niya ko kaya hindi ko siya iiwan. Pauwi na sana ako kaso biglang dumating sa office ko si ate Jia at ate Ly. "Hoy Deanna! Bakit mo na naman pinaiyak si Jema?" "Umiyak siya?" I asked ate Jia. "Mugtong-mugto ang mata, Deanna." Ate Ly said. Kinwento ko ang sakit ni Jema sa kanila para naman maintindihan nila ako atsaka baka matulungan pa nila ako. "Paano nagkaron si Jema?" Ate Jia asked. Si ate Ly naman ang sumagot. "Biglang nagkakaron ang tao ng ganun, lalo na't kapag may naiisip siya sa partner niya. Biglang dumarating ang sakit na iyon at walang gamot sa ganung sakit." Nagtagal lang sila nang ilang minuto at umalis na din, kailangan ko na din kasi umuwi. Jema Point of View Umiiyak ako habang inaayos ang aking gamit sa maleta. Kailangan . . . Kailangan ko nang hiwalayan si Deanna. Masyado na kong pabigat sa kanya. Kailangan ko muna ayusin ang aking sarili bago ako bumalik sa kanya. Hindi ko kaya ata na nakikitang nahihirapan siya sakin. Mahal na mahal ko siya at handa akong gawin para sa kanya kaya iiwanan ko siya para hindi na siya mahirapan pa. "Jema?" Tumayo ako at binuksan ang pinto ng kwarto. "Bakit?" "Hi l——Bakit may maleta ka?" "Deans aalis na ko." Lumapit ito sakin. "Huh? Anong pinagsasabi mo?" "Deanna let's break up." Dahan-dahan bumagsak ang aking luha. "Hindi ko na kaya." Nangingiligid ang kanyang luha. "Bakit? Dahil ba kanina? I'm sorry, hindi ko sinasadya." Ngumiti ako kahit sobrang sakit. "Deans hindi dahil dun . . . Alam ko na ang totoo, may sakit ako. Narinig ko kayo nila ate Ly." Nagagalit sila ate Ly kay Deanna dahil dumating ako sa CMS-Asia na mugtong-mugto ang mata. Pagtapos nang training umalis sila ate Ly at ate Jia, kutob ko pupunta 'to kay Deanna kaya palihim akong sumunod. Hindi ako napansin ng secretary ni Deanna dahil busy ito. Nasa labas lang ako, medyo dinikit ko ang aking tainga sa pinto para marinig kung anong pinag-uusapan nila. "May sakit si Jema . . . Meron siyang Pathological Jealousy." Nagulat ako sa aking narinig. Dali-dali akong umuwi at sinearch ang ibig sabihin ng pathological jealousy. Nang malaman ko kung anong klaseng sakit ito ay parang nawindang ang aking buhay. "Jema please don't leave me." Umiiyak niyang sabi. "Deans ayoko na. Hindi ko kayang nakikita kang nahihirapan dahil sa akin." "Mas lalo akong mahihirapan kung iiwan mo ko!" She hugged me. Pilit kong tinutulak siya pero mas malakas siya sakin, wala akong nagawa kundi yakapin nalang siya pabalik. "Please Deans . . . . . I promise, babalikan kita kapag maayos na ko." Dahan-dahan lumuwag ang pagkakayakap niya sakin. "Maraming salamat Deans." I kissed her lips before ako umalis ng condo. Mamimiss ko siya pero kailangan ko 'tong gawin para sa aking sarili. Babalikan kita . . . . Pangako *************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD