Jema Point of View
Ten Months Later . . . . .
Sampung buwan . . . . Sampung buwan ko nang hindi nakakapiling ang aking mahal. Gustuhin ko man siya lapitan pero hindi pa ko maayos. But now maayos na ko ang kaso lang hindi ko alam kung paano ko siya lalapitan, nahihiya ako sa kanya.
Patuloy pa rin ako sa pagtra-training sa creamline at ka-teammates ko pa rin sila Bea. Minsan tinatanong ko sa kanya si Deanna at ang sabi naman nito ay maayos naman daw, yun nga lang naging workaholic nung iwanan ko.
Ayoko man gawin ang bagay na iyon pero alam kong yun lang ang solusyon para umayos ako.
"Jema tulala kana naman. Tara na nga!" Hinila ako ni Risa papasok sa mall, nandito kami para bumili ng knee pads.
"Pagtapos nito uuwi na ko." Nakatira ako ngayon sa isang apartment malapit lang sa CMS-Asia. "Ano bang klaseng knee pads yung bibilin mo?"
"Edi knee pads kaso gusto ko yung may design."
"Jusmiyo ang hirap humanap nun, dapat sa divisoria ka na lang bumili."
"Anong divisoria?" Ay oo nga pala, mayaman 'to. "Yun yung lugar ng mga magulong tao, diba?"
"Ah oo." Sagot ko.
Nagpalinga-linga ako at hindi sinasadya may nakita akong tao. May kasama siyang babae at sobrang saya nila.
Ouch!
Wala na bang pag-asa?
"Uy Jema!"
"Huh?" I looked at her. "Bakit?"
"Sabi ko tara na, ano bang tinitingnan mo diyan?" Tumingin ito. "Ay——Masakit ba?"
Sinamaan ko ito nang tingin. "Tara na nga!" Hinila ko na siya papunta sa cashier. Nakakainis!
"Bakit nga ba mahal kita? Kahit na may iba na ko . . . .??"
"Tumigil ka nga, panget ng boses mo."
"Hahahah! Pikon."
Kumain muna kami bago niya ko hinatid sa apartment ko. Wala na kasi akong kotse, nung umalis ako iniwan ko kay Deanna yung kotse saka cellphone.
Tanging alala lang namin na naiwan sakin ay yung singsing. Siguro kung hindi ko siya iniwan baka nagre-ready na kami para sa kasal.
"Hi ate!"
"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanila ni Donna at bineso silang dalawa.
"Binibisita ka. Akala namin mamaya ka pa darating." Donna said.
"Ah katatapos lang ng training ko kasi tas pumunta pa kami ng mall ni Risa." Sabi ko at naupo.
"Ate kumain ka na?" Tanong ni Mafe.
"Hindi pa nga eh."
"May niluto si Donna para sayo, kain tayo."
"Cge." Tumungo kami sa kitchen at pinaghandaan kami ni Donna ng makakain. "Ang sarap."
"Thanks ate." Donna said.
Nang matapos kami kumain ay nanood kami sa netflix nang palabas. Habang nanonood kami ng horror biglang naalala ko si Deanna.
Dati habang nanonood kami takot na takot yun pero nakakalungkot lang isipin na almost ten months ko na siyang hindi nakakasama sa panonood.
Laging mag-isa nalang ako, mabuti nalang nandyan yung kapatid at teammates ko.
Deanna Point of View
Hinatid ko muna si babe sa condo niya bago ako umuwi sa condo ko. Pagpasok ko sa loob sumalubong sakin si ate Maddie.
"Bakit nandito ka ate Mads?" I asked her and sit on the couch.
"Wala lang, hinihintay kita. Saan ka pala galing?"
"Sa mall, kasama si babe."
"Wow himala, nag-mall ka." She said.
"Syempre, namiss ko kaya si babe."
"Siya? Hindi mo siya namimiss?"
"Namimiss pero wala eh." I said in a sad voice. "Nga pala, nasan si Pongs? Hindi mo ata kasama."
"Nasa unit ko, natutulog."
"Kailan niyo balak magpakasal?" I asked.
Engaged na kasi sila ni Ponggay, ayaw na daw pakawalan ni ate Mads si Pongs kaya itatali niya na. Hahahah!
"Hindi ko pa alam, december ata."
"Malapit na pala, three months nalang."
"Hindi pa naman sure pero gusto ko kasi pasko para mas maganda." She said.
"Wow. Sana all."
"Pakasalan muna kasi yung babe mo."
"Hahaha! Sira." I said and laughed.
Maya't-maya umalis na din ito, sakto naman ang pagtawag ni babe. "Oh babe, napatawag ka? Miss muna ako agad?"
"Kapal mo babe! Itatanong ko lang kung nakauwi ka na."
"Ah . . Akala ko miss muna ako eh. Oo nakauwi na ko kanina pa, hindi naman traffic." I said.
"Mabuti naman, cge na babe marami pa kong gagawin. May training pa ko."
"Cge goodluck, i love you babe."
"Love you too." She said and ended the call.
Naligo at nagbihis muna ako para naman mawala ang init sa katawan ko. Kahit air-conditioned ang buong condo unit ko, nakakaramdam pa rin ako nang init sa katawan.
Eight o clock ng gabi ay tumungo ako sa office dahil tumawag ang secretary ko, hinahanap daw ako ni daddy.
"Dad." Pagpasok ko sa loob ay naabutan ko itong nakaupo habang nagkakape. "Nakauwi na pala kayo."
"Actually ako lang, naiwan ang mom mo sa china dahil ayaw niya iwanan mag-isa si Peter doon."
"Ah . . So bakit daw gusto niyo ko makausap?"
"Kamusta ka na?"
"Maayos naman dad, maayos din ang pamamalakad ko sa company na pinama mo sakin." Sabi ko.
"Mabuti naman kung ganun. Hindi pa ba siya bumabalik?"
"Hindi pa dad . . . Ayoko muna siya pag-usapan."
"Ilang months na ba?"
"Ten . . . Two months nalang one year na." Mapait kong sabi.
"May balita ka ba sa kanya?"
"Everyday dad."
"Anong klaseng balita? Good news or bad news?"
"Good news. Teka dad, pinapunta mo lang ba ako dito para pag-usapan natin siya?" Kunot noong tanong ko.
"Masyado ka naman high blood anak, hindi mo na ba siya mahal?"
Hindi ako umimik kaya naman binago na niya ang usapan namin. Hindi ko alam ang aking isasagot kaya nanahimik na lamang ako, ayoko magbitaw ng salitang hindi ako sigurado.
Maaga akong gumising para masundo ko si Babe at maihatid sa training niya. "Ang aga ah."
"Syempre may pasok pa ko." Nakasalubong ko si Jules sa hallway ng building. Naglalaro pa rin ito sa UAAP pero pang-fifth niya na, gra-graduate na din siya.
After an hour nakarating na din ako sa harap ng bahay nila babe. "Hi babe." She kissed my cheek.
"Hello. Let's go?"
"Yeah." She said.
Pinagbuksan ko ito ng pinto bago sumakay sa driver seat. Hinatid ko ito sa training gym nila.
"Cge na, aalis na ko."
"Mag-iingat ka babe, wag muna akong sunduin kasi may susundo sa'king iba."
"Mabuti naman. Bye babe." I kissed her forehead before pumasok sa sasakyan at pinaandar ang kotse papunta sa office ko.
Habang dumadaan ako sa hallway ng building ko, nakangiti ako. Pinagbubulungan ako ng mga tao pero hindi ko pinapansin, masaya ako eh.
Hindi ko alam kung bakit ganito yung feeling ko, feeling ko may mangyayaring maganda ngayong araw.
"Good morning, Jin."
Halatang nagulat ito ng batiin ko siya. "G-good morning din po ms. Wong."
Pumasok ako sa aking office at ginawa agad ang mga papers para maaga ako makauwi.
Tumunog ang intercom kaya sinagot ko ito. "Yes?"
"Ms. Deanna nandito po si ms. Kat, yung kaibigan niyo."
"Cge papasukin mo siya."
Maya't-maya bumukas ang pinto at pumasok si Kat, sinalubong ko ito ng yakap.
"Napapunta ka ate Kat?"
"Bisita lang." Inaya ko ito maupo.
Tumawag ako sa secretary ko gamit ang intercom, sabi ko ay dalan kami nang makakain.
"Ms. Deanna ito na po." Nilapag nito ang pagkain sa center table.
"Maraming salamat. Makakabalik ka na sa iyong trabaho." I said to her.
Ngumiti ito at tumango bago lumabas. "Ilang taon na yun?"
"Bakit type mo?" Nakangising tanong ko.
"Hindi ah, natanong ko lang."
"Sus, sumbong kita kay kuya Bacon." Sinamaan ako nito nang tingin. "De joke lang, twenty seven na yun."
"Bata pa pala. Cute niya."
"Ayiee! Sabihin ko yan kay Jin."
"By the way iniinvite ka ni sr. Acero para sa munting kasiyahan bago magsimula ang reinforced conference."
Biglang pumasok sa isipan ko siya kaya mabilis akong umiling. "Hindi pwede. Pasensya pakisabi nalang."
"Huh? Bakit hindi pwede?"
"Huh? Eh——basta! Marami akong gagawin." I said and stood.
"Sus, ayaw mo ba siya makita?"
"Sino?"
"Ano ba yan, Deans! Iniwan ka lang niya, naging tanga ka na."
"Sino ba tinutukoy mo?" I asked.
"Sino ba? Edi si Jema. Alam mo ba lalo siyang gumanda."
"Pakialam ko?"
Sa totoo lang mula nung hiwalayan niya ko, hindi ko na siya nakita. Siguro tinataguan niya ko, iniwan niya sakin yung car and phone niya na binigay ko.
Pero ang pinagtataka ko, hindi niya iniwan yung singsing. Pero wala naman na akong pakialam sa singsing na yun, hindi ko naman yun kailangan.
"So wala kang pakialam?"
"Wala." Umirap ako.
Jema Point of View
Habang nagtra-training ako kanina naaalala ko ang nakita ko kanina. Bago kasi ako pumunta kanina sa gym, dumaan muna ako sa UST.
Na-stuck ako sa traffic at habang tumitingin ako sa aking paligid, nahagip ng mata ko kung paano sila mag-paalam sa isa't-isa.
Napakasakit para sakin pero wala eh, pinakawalan ko eh. Pero masaya ako kasi alam kong iingatan siya ni Mich, hindi ako katulad ni Mich.
"Jema eight o clock ah, sa luxury bar." Ate Jia said.
Tumango lang ako at umuwi na. Nakakapagod ang araw na ito. Ayoko umattend kaso nakakahiya naman kila sr. Alan.
Tinawagan ko si Cy pagkarating ko sa apartment. "Hello?"
"Cy, san ka?" I asked.
"Nasa gym, bakit?"
"Madami ka ginagawa?"
"Hindi naman." He said.
"Samahan mo naman ako sa mall, mamimili lang ng susuotin para mamaya."
"Bakit? May aattend ka ng party?"
"Yeah, may pa-party si sr. Alan para sa incoming reinforced." I said.
"Hintayin mo ko diyan, saglit lang."
Nagluto muna ako para sa lunch ko, hindi pa ko nakakakain eh. Sakto pagtapos ko kumain at maligo ay dumating na si Cy.
"Let's go madam."
Pinagbuksan niya ko ng pinto ng kotse, sumakay naman ako at kinabit ang seatbelt.
Bumili ako sa forever 21 ng short atsaka sando na babagay sa short ko, bumili din ako ng new shoes.
"Daming pera ah."
"Wala nga eh, ang mahal kasi ng binabayad ko sa apartment." I said.
"Hay na ko. Maayos ka na, bakit hindi ka pa bumalik kay Deanna?"
"Wag na natin siya pag-usapan. Kumain nalang tayo." Hinila ko ito patungo sa isang restaurant, nilibre ko siya.
Eight thirty ako dumating sa luxury bar, halos nandito na silang lahat pwera lang kay Kat.
"Nasan si Kat?" Tanong ko kay Maddie.
"Hindi ko alam eh, parating na din yun."
Nandito sila Ponggay, Dani at Jules. Posible kayang dumating siya? Sa pagkakaalam ko kasi inimbita siya ni sr. Acero.
"NANDITO NA SILA!!"
Dahan-dahan akong lumingon sa gawi ng mga taong parating pa lamang. Oh my god! Dumating siya . . . Hindi niya ko pwede makita.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Kyla at hinawakan ako sa kamay.
"Ah magC-Cr lang."
"Wag ka na tumakas." She said and lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.
Umiwas ako ng tingin nang makita kong tumingin siya sa gawi namin. Alam ng lahat nang tao ang nangyari sakin at samin kaya i'm sure hindi na sila magugulat kung bakit kami ganito sa isa't-isa.
Pagsapit ng nine o clock ay puro sayawan na sa gitna ang naganap pero siya ay tahimik lang at ako. Pansin kong may tama na ito dahil sa namumula na ang kanyang mata.
Nakatitig pa ito sakin kaya nag paalam muna ako na magC-Cr lang. Hindi ako comfortable sa pagtitig niya sakin, naiilang ako.
"Excuse me." Pumasok ako sa isang cubicle at umihi.
Pagtapos ay lumabas na din ako. Sisigaw sana ako kasi may humila sa aking kamay pero napatigil nang makita kung sino ito.
"Hi."
Kasabay nun dinikit niya ang kanyang labi sa aking labi. Gosh! Totoo ba 'to?
**************