Chapter 07: Tagapagtanggol

2364 Words
Chapter 07 Malia Shanaya Torres NAKATITIG pa rin ako kay Doc kahit ramdam kong kinakalabit ang pride ko sa bawat salita niya. Huminga ako nang malalim, pilit pinipigil ang manginig ang boses ko. "You're wrong, Doc," diretsong sabi ko. "Hindi lahat ng tao naghihintay ng kapalit. Hindi lahat ng kabutihan may agenda. May mga tao pa ring marunong magbigay nang walang hinihingi. At kung naniniwala ka na laging may utang na dapat bayaran, then maybe you're the one living in a cage, not us." Bahagya siyang natawa, isang malamig at mapanuyang tawa. Pinilig niya ang ulo at kumunot ang kilay. "Naïve," sagot niya, parang sinampal ako ng salita. "You're too young to understand. You're living in a world full of wolves—hungry, merciless, and selfish. Kindness is just a mask they wear to get something from you. And sooner or later, you'll realize no one gives without expecting something back. No one—" "Hindi totoo 'yan!" mabilis kong putol, halos pasigaw. "Kung gano'n ang tingin mo sa lahat ng tao, ibig sabihin ikaw ang may problema, hindi kami. Iba-iba tayo ng paniniwala, Doc. Kung hindi mo kayang maniwala sa kabutihan, fine. Pero huwag mong ipilit sa akin na lahat ng tao masama. Because I refuse to see the world the way you do." Natigilan siya, nakatitig lang sa akin, parang sinusuri kung gaano katibay ang paninindigan ko. Then he smirked faintly, hindi ko alam kung amused ba siya o naasar. "Bold words," mahina niyang sabi. "Pero tandaan mo, reality has a cruel way of proving people wrong." Ramdam ko ang panginginig ng dibdib ko, pero hindi ako umurong. Tumayo ako sa paniniwala ko, kahit pa alam kong anytime kaya niyang durugin ang pride ko. Biglang dumating ang kambal. Napatigil kami pareho, at bago ko pa sila mapigilan, mabilis silang lumapit sa kanya. "Kuya Doc! Can we play with you?" masiglang tanong ni Adler, halos mapatalon pa. "Yeah, Doc, please. Sige na..." dagdag ni Atlas, sabay hila sa laylayan ng t–shirt ng lalaki. Napansin ko ang pagbabago sa mukha ni Doc Adrian, hindi niya maitago ang pagkailang, halatang may matinding pagkadisgusto. Pansin kong pinigilan niya ang sarili, pilit pinapakalma ang tono. "Mamaya na," malamig niyang sabi, diretsong nakatingin sa mga kapatid ko. "I have something important to finish right now." Pero syempre, dahil bata hindi tumigil ang dalawa. Kinulit siya ng kambal, parang hindi naririnig ang sinabi niya. Patuloy silang nakangiti, pilit naghahanap ng atensyon. "You'll play with us later, right? Promise?" giit ni Atlas, nakangiti pa rin. Nakita ko kung paano unti-unting sumisingkit ang mga mata ni Doc, at kahit nakangiti siya,,ramdam ko ang inis na pilit niyang tinatago. "Adler, Atlas," mabilis kong tawag, medyo mahigpit ang boses ko. "Stop it. Don't disturb him." Napakunot ang noo ng dalawa, kita ang disappointment sa mukha nila. Wala silang nagawa kundi tumakbo na lang papasok sa loob, parehong nakasimangot, halatang nasaktan sa pagtanggi. Humugot ako ng malalim na hininga. Akmang tatalikod na ako nang biglang magsalita si Doc, malamig at matalim. "You should do something about their behavior," aniya, tuwid ang tindig, nakatingin diretso sa akin. "They're too spoiled. If you keep letting them act like that, you'll regret it in the future." Dahil sa sinabi niya. Parang may malalaking kumurot sa dibdib ko. Uminit ang dugo ko na biglang umakyat sa ulo ko. Sino ba siya para magsalita ng gano'n? "Excuse me?" balik ko agad, bahagyang tumataas ang boses ko. "They’re just kids. You don't get to question how we were raised or how we're being taken care of." Umangat ang kilay niya, hindi natinag. "I'm just saying, discipline matters. If your parents can't teach them, then maybe someone else should." Nagpantig talaga ang tenga ko. Ramdam ko ang kaba at inis na nagsama sa dibdib ko, pero hindi ko binawi ang titig ko. "Don't ever talk about my family like you know us," madiin kong sagot, halos nanginginig na ang kamay ko sa pagpipigil. "You've met us for five minutes and you think you have the right to judge? You don't know anything, Doc. So don’t." Natahimik ang paligid, mabigat ang hangin sa pagitan namin. Nag-init ang bawat sulok ng mga mata ko, pero hindi ko hinayaan na makita niyang nangingilid ang luha ko. Huminga ako ng malalim at tumitig diretso sa kanya. "Wala kang alam sa pinagdaanan naming magkakapatid," madiin kong sabi, halos mabasag ang boses ko pero matatag pa rin. "You don't know the kind of nights we had to survive. You don't know the weight we carry every single day. So, tell me...who are you to judge us? Who are you to act like you understand?" Napatingin siya sa akin, pero hindi na ako naghintay ng sagot. Tinalikuran ko siya, kahit ramdam ko ang bigat ng mga luha na gustong kumawala. Sa bawat hakbang palayo, lalo akong binabayo ng sakit. Pagkatalikod ko, doon na tuluyang pumatak ang luha ko. Pilit ko iyong pinahiran ng kamay, pero patuloy lang na bumabagsak. Nagmadali akong pumasok sa loob at patakbong umakyat sa hagdanan patungo sa kwarto namin, at halos pabagsak na binuksan ang pinto ng kwarto namin. Pagkapasok ko, tuluyang bumigay ang mga tuhod ko. Umupo ako sa gilid ng kama, hinila ang bag, at kinuha ang larawan ng mga magulang namin na matagal ko nang tinatago sa loob ng mga credentials ko. Nakangiti sila sa picture, parehong nakatingin sa camera na parang wala silang ibang iniisip kundi kami. Hinawakan ko iyon ng mahigpit, halos mapunit sa lakas ng kapit ko. "Ma... Pa..." bulong ko, halos hindi ko na marinig ang sarili ko dahil sa hikbi. Doon na ako tuluyang napahagulhol hindi na kinaya ng dibdib ko ang lahat. Bakit ganito? Bakit ni'yo kami iniwan? Sana buhay pa kayo. Sana nandito kayo para bantayan kami. Ang hirap...ang hirap lumaking walang magulang. Ang hirap magpanggap na kaya ko lahat, na matatag ako para sa kanila, pero sa totoo lang... wasak na wasak na ako. I pressed the photo against my chest, as if hugging them would somehow make the pain easier. Pero lalo lang akong nanginig, lalo lang akong nalugmok sa lungkot. Kung nandito lang sana kayo...hindi ko kailangang ipagtanggol ang mga kapatid ko mag-isa. Hindi ko kailangang makipaglaban sa mundong hindi naman kami kailanman pinili. Ang sakit. Sobra. May taong kay daling manghusga. MABILIS kong pinunasan ang mga luha ko nang marinig ko ang maliliit na yabag papalapit. Agad kong isiniksik ang larawan nina Mama at Papa sa mga credentials ko bago pa ako abutan kung sino ito at biglang sumungaw ang isa sa kambal. "Ate..." si Adler. Malalim ang pagkakunot ng noo niya, halatang nag-aalala. "Bakit ka umiiyak? May umaway sa'yo?" Lumapit siya, tinataas pa ang maliit na kamao niya na parang handa nang makipagsuntukan. "Sabihin mo sa akin kung sino, ate. Inaway ka ba ni Doc? Ha? Kasi kung siya, lalabanan ko siya. I swear, I'll protect you." Napasinghot ako, pilit na pinipigilan ang hikbi, at umiling. "Wala, Adler. Walang umaway sa akin," sagot ko, mahina pero mariin. Pero hindi siya kumbinsido. Kita sa mga mata niyang nagliliyab ang galit kahit hindi niya alam ang buong kuwento. Kumuyom lalo ang maliliit niyang kamao, sa magkabilang tagiliran niya. "Don't lie to me, ate," mariin niyang sabi, halos nagngingitngit. "Kita ko eh... umiiyak ka. Hindi ako papayag na may mang–aaway sa'yo tapos tatahimik lang ako. Kung sino man yun, ako na bahala." Sabi niya na akala mo kay laking tao na. Bago ko pa siya mahawakan o pigilan, tumalikod na siya at mabilis lumabas ng kwarto, galit na galit. Napahawak ako sa sentido ko, napasapo ng noo. "Diyos ko, Adler..." bulong ko. Sa kanilang dalawa, si Adler talaga ang palaban—laging gulo kung gulo, laging handang ipaglaban ako kahit wala sa lugar. Si Atlas naman ang mas mahinahon, mas marunong dumiskarte. Pero ngayong nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Adler, kabado ako kung ano ang pwedeng mangyari kapag hindi ko siya agad nasundan. Kaya't napahugot ako ng malalim na hininga, tumayo, at mabilis na tinungo ang pintuan para habulin ang kapatid ko. Paglabas ko ng kwarto, wala na si Adler. Kinabahan ako, kaya't dali-dali akong tumakbo palabas ng shelter. Hindi nga ako nagkamali, nasa harapan na siya ni Doc Adrian, nakatayo roon na para bang matandang nakapamewang, nakataas ang baba habang nakatitig kay Adrian. "Hoy, Doc!" sigaw ni Adler, matigas ang boses kahit bata pa. "Wala kang karapatan saktan ang ate ko...kahit sa salita! Hindi mo siya pwedeng paiyakin. Kung gusto mong makipag-away, dito ka na lang sa akin. I'm not scared of you." Nagsalubong ang mga kilay ni Adrian, tila nagdadalawang-isip kung matutuwa ba siya sa tapang ng bata o maiinis dahil sa kabastusan nito. One corner of his mouth twisted upward in a sarcastic smile. At malamig ang tingin kay Adler. Agad akong lumapit, halos hingal pa. "Adler! Tama na!" Hinawakan ko siya sa braso at hinila palayo. :Stop this, please. Hindi ito tama." Pero umiling siya, ayaw magpatalo. Kumuyom ang maliit niyang kamao at iniangat iyon, parang nanghahamon. "No, ate! Kung sasaktan ka niya ulit, ako mismo ang makakalaban niya. Hindi ako papayag na may gagawa ng masama sa'yo. Kahit doktor pa siya!" "Adler, enough!" mas madiin na ang tono ko, halos nagmamakaawa. Mabilis kong yumuko at nag-sorry kay Adrian, halos hindi ako makatingin nang diretso. "I'm sorry, Doc. Pasensya na, hindi niya alam sinasabi niya." Pero nang tumingin ako kay Adrian,,hindi maipinta ang mukha niya. Kita ko ang pinaghalong inis at galit sa mga mata niya, mahigpit ang panga, at parang gusto niyang sumabog sa sobrang frustration. Para akong natusta sa lugar kung saan ako nakatayo, bitbit ang kapatid kong ayaw pa rin magpatalo. Biglang lumitaw si Sister Catalina, mabilis na lumapit sa amin. Kita ko ang pagtataka sa mga mata niya habang palipat-lipat ang tingin kay Adrian, sa akin, at kay Adler na nakapamewang pa rin. "Ano'ng nangyayari rito?" tanong ng madre, malamig pero may halong amusement ang tono. Akmang bubuka na ang bibig ko para sumagot pero agad akong inawat ni Adler. Hawak niya ang laylayan ng damit ko, at nagkatinginan pa kami, parang sinasabi niya na, "Ako na." At hindi nga siya nagpahuli. Tumayo siya nang tuwid, sabay turo kay Adrian. "Si Doc po, Sister! Inaway niya si Ate ko! He made her cry!" Napasinghap ako, halos mariing mapakagat ng labi. Si Adrian naman napatingala muna sa kawalan, saka mariing napabuntong-hininga. "Oh God..." namewang siya, bago hinarap si Sister Catalina na nakataas ang kilay. Napailing siya, halatang hindi makapaniwala. Para siyang batang nahuli sa kalokohan nang tanungin ng madre. Tumaas pa ang dalawang kamay niya, parang tanda na sumusuko siya. "Sister, I didn't...okay, fine, maybe I said something. But I didn't mean to 'hurt' anyone. Especially her." Tumuro pa siya saglit sa direksyon ko, bago umiwas ng tingin. Parang pinipigil ni Sister ang mapatawa. Kita sa mata niya ang aliw sa eksenang para bang isang doktor na suplado ay tiklop ngayon sa isang pasaway na bata. "Tsk, tsk, Mckenzie," biro ni Sister Catalina, nakahalukipkip at nakataas ang kilay. "So this is new. A big, tough doctor... folding against a child." Bahagyang lumaki ang mga mata ko. Mckenzie. Isa ba iyon sa pangalan ni Doc. At sa tono ni Sister, obvious na matagal na niyang kilala si Adrian. "Tara na, Adler. It's already three p.m, time for prayer," tawag ni Sister Catalina sa kapatid ko. Agad namang sumunod si Adler, pero bago tuluyang makapasok, bigla siyang huminto at humarap kay Doc. Tinaas niya ang dalawang kamao niya, seryosong seryoso ang mukha. "Don't you dare make my Ate cry again, Doc. Or else... lagot ka sa akin." Adler warned. Halos mapaawang ang bibig ko, natigilan lang ako sa hyper na eksena ng bata. Loko talaga itong si Adler. Sa sobrang tapang, para talagang matandang handang makipagsabayan kahit kanino. Hindi ko alam kung maiiyak ako sa hiya o matatawa na lang. Si Sister Catalina naman, napahagalpak ng tawa habang napapailing. "Ay naku, Adler," bulong niya na parang aliw na aliw. Pagkatapos ay tumingin sa akin. "Malia, sumama ka na rin sa dasal. Ikaw din, Mckenzie." Bago pa ako makatanggi, tumalikod na si Sister, inuna na ang mga bata. Huminga ako nang malalim, handa nang sumunod, nang biglang may humawak sa likod ng braso ko. Napasinghap ako at napalingon. Nakatungo si Adrian, halos ramdam ko ang hininga niya nang bumulong siya sa tenga ko. "See? That's what happens when you raise a child without proper discipline. No respect, no manners. And you think that's cute?" He said sarcastically. Para akong binuhusan ng malamig na tubig, pero imbes na umatras, tumaas ang kilay ko. I turned to face him, steadying my voice. "Bakit, Doc? Nanginginig ba ang nerves mo sa isang bata? Imagine—someone as smart as you, threatened by an seven–year–old boy." Puno ng sarcasm na sagot ko. Bahagya siyang napapikit, halatang pinipigilan ang sarili. At ako? Hindi ko alam kung matatawa ako sa mukha niya o mas maiinis pa sa mga salita niya. Pasimple pa niyang mas hinila ni Adrian ang braso ko at bahagyang humigpit iyon. Bago pa ako makakilos, mas inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. Ramdam ko na naman ang init ng hininga niya, dumaan sa balat ko na para bang sinadya niyang kilitiin ako mula loob hanggang buto. Mas lalo akong napasinghap, pero pinilit kong itago. I can't let him see na naaapektuhan ako sa ganitong lapit. "And you think that's funny?" bulong niya, dulas ng tinig na parang nang-aasar. Bahagyang huminto siya, saka muling nagsalita, mas mababa, mas mapanganib ang tono. "What's the odds...baka dumating ang araw you'll beg and kneel in front of me." Para akong tinamaan ng kidlat sa sinabi niya. Napakuyom ako ng kamao, at marahas kong hinila ang braso ko palayo. Marahas kong hinila ang braso ko, at umatras ako ng bahagya, diretso ang tingin ko sa kanya. "That won't happen," mariin kong sagot, halos tumulo ang apoy sa bibig ko sa sobrang inis. Ngumisi siya. Pero hindi iyon simpleng ngiti, may halong yabang, may apoy sa mata. Rage. Desire. Something darker na hindi ko pa lubos maintindihan. Parang pinaglalaruan niya ako, at mas lalo ko lang gustong patunayan na hindi ako basta-basta malulugmok sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD