Chapter 38 Third Person POV MAHIGPIT na nakakuyom ang mga kamao ni McKenzie habang mabilis na tinatahak ang hallway papunta sa kanyang opisina. Ramdam ng lahat ang bigat ng presensiya niya, 'yong uri ng galit na hindi kailangang isigaw para maramdaman ng empleyado niya. Kilala nilang lahat ang ugali ng boss nilang–strikto. Kanina, pilit pa niyang nilulunok ang inis. Pero ngayong wala na siya sa loob ng kwarto, hindi na niya makontrol ang bugso ng damdamin. Damn that man. Ano ba ang ginagawa ng hayop na 'yon dito sa ospital ko? paulit-ulit sa isip niya habang naglalakad. Bawat staff na masalubong niya, awtomatikong napapayuko, umiiwas ng tingin. Kahit si Nurse Joy, na kilala sa tapang, biglang tumahimik nang makita siya. "Joy," malamig niyang tawag. "O–Opo, Doc?" agad nitong sagot, h

