MAAGA akong nagising kinabukasan. Actually to be honest. Hindi talaga ako nakatulog dahil siguro bago ang tinulugan ko at namamahay ako.
6:30 na ng umaga kaya gising na din si Trish at bihis na din ito dahil alas syete daw ang unang subject nya.
"Good morning Sabrina" Ngiting bati nito ng hawiin ko ang curtain na pinantabing ko sa higaan ko saka ko na inayos ang kama ko.
"Morning" tipid na ngiting sabi ko din saka na tumungo sa banyo para makapag hilamos.
Paglabas ko ay nandoon parin si Trish at parang inip itong may hinihintay.
"Hindi ka paba aalis? Baka malate ka sa klase mo" Tanong ko dito kaya napa angat sya ng tingin sakin.
"Wala akong ganang pumasok. Si Sir Ibañez kase ang magtuturo ngayong first subject ko" Walang gana ngang sagot nito saka na binalik ang tingin sa hawak na cellphone.
"Terror siguro iyon kaya ayaw mo siyang pasukan" Wala sa sariling sabi ko saka tinungo ang kusina para maghanda ng makakain namin.
"Actually hindi naman siya terror. He's a freaking hot and handsome pa nga" Sagot nito na kina nuot ng noo ko.
"Oh yun naman pala bakit ayaw mo pang pumasok? For sure yung ibang mga classmates mo ay nag uunahang makapasok sa klase nya para makita lang siya" Ani ko dito na kina tango tango nya saka pabuntong humingang tumingin sakin bago magsalita.
"He's my Ex-Fling" Sagot nito na kina tanga ko.
"What do you mean Ex-Fling?" Tanong ko kaya napa tingin sya sakin na ARE YOU SERIOUS ABOUT YOUR QUESTION-LOOK
"Naka One Night Stan ko sya before. E habol ng habol kaya naiirita ako!" Sagot nito na lalong nagpalaglag ng panga ko dahil sa mga pinag sasabi nya.
"You mean nag s*x?" Di makapaniwalang tanong ko with matching nanlalaki pa ang mga matang titig na titig sakanya.
Natawa ito sa naging reaksyon ko bago ito tumango bilang sagot sa tanong ko.
"Don't Tell me Virgin kapa?" Tanong nito sa natatawang tono.
"B-big deal ba k-kung Virgin pa ako?" Nahihiyang tanong ko din kaya nanlaki ang mga mata nya habang titig na titig sakin.
"Seriously?!" Di makapaniwalang tanong nya sakin kaya tinanguan ko ito bilang sagot.
"Mygad! You're old enough Sabrina! we're on 20th century, Hindi na uso si Maria Clara no!" Natatawa at histeriyang sabi nito na kina ngiwi ko.
"Eh anong gagawin ko? E sa Virgin pa ko e" Kamot ulo kong sabi na kina tawa nya ng pagak.
"Eh Kiss? Hug? and Holding hand? Natry mo na ba? Don't you freaking dare to tell na Wala ka ding experience doon. Ipapagawa na kina ng rebulto!" Di makapaniwalang sabi nito saka naiiling pa.
"Yun nagawa ko na dun sa Ex-boyfriend ko" Nahihiya kong pag amin kaya napa hinga sya ng maluwag.
"Mygad! Akala ko ay pati doon inosente ka. Pssft!" Nawiwindang nyang sabi saka ito lumapit sakin at hinarap ako sa salamin.
Pinakatitigan nya ako sa mukha pababa sa may dibdib hanggang sa may balakang ko kaya nahiya ako bigla.
"Maganda ka naman. Pinagpala ang hinaharap mo. May curve din ang body mo. Mistasa at makinis ka din. Ay Pak! Madaming maghahabol sayo dito" Aniya saka ako pinaupo sa harapan ng Vaniety at magsisimula na sana siyang ayusan ako ng pigilan ko sya.
"H-hindi pa ako naliligo" Nahihiyang sabi ko na kina ngiwi nya.
"Oo nga pala. Sige na! Mag breakfast kana muna at maligo para maauysan kita.
"Wag nalang. May klase pa ako saka hindi ko kailangan yan" Nahihiya man ay sinabi ko na talaga ang kanina ko pa gustong sabihin.
Natigilan sya sa sinabi ko kaya napapahiya nyang ibinalik ang mga gamit nya sa bag nya saka humingi ng paumanhin sakin.
"Im sorry Sab. I didn't to mean like that to you" Paumanhin nito na agad kong inilingan.
"Naku! Hindi naman offend. Gusto ko lang kase na magpaka totoo sa sarili. Ayos lang sakin na ganito ako. Wala din naman kase akong pake kung meron o walang magka gusto sakin. Nandito ako para mag aral"
Mahabang lintaya ko sakanya na kina tango tango nya saka humingi uli ng paumanhin.
"I'm sorry again Sab. Na excite lang kase ako dahil ngayon lang ako may nakasama sa dorm at kasundo ko pa agad. Wala kase akong kaibigan kahit sa loob ng university dahil iba ang tingin nila sakin.
Malungkot na kwento nito na kina nuot ng noo ko. Nagtataka sa tinuran nya.
"Bakit naman?" Tanong ko.
"Ang pagkaka alam kase nila sakin ay isa akong Malandi, Pokpok , kabit at kung anu ano pa na pangit bilang isang babae" Naiyak na nitong sabi kaya niyakap ko sya para i comfort
"Sshh! Don't say that. Kung alam mong hindi ka ganon ay wag mo nalang silang pansinin. Bahala sila kung ano ang isipin nila sayo basta ikaw, magpaka totoo ko. Kung b***h ka. Go on! Wala silang pake. Buhay mo yan" payo ko dito kaya tumahan na sya sa pag iyak saka ako nginitian.
"I'm so Lucky to have you Sab. Sana di ka nila katulad na mapanghusga pag nalaman mo ang tungkol sakin" Anito saka na bumitaw sa pagkakayakap ko at nagsimula ng mag ayos sa sarili.
Nagsimula na din akong kumain ng agahan at naligo dahil 9am ang una kong subject. Dalawang subject ang papasukan ko sa University bago ako pumunta ng EU Hospital na nandito din sa loob ng unibersidad. Kahanga hanga diba?
Nang makalabas na ako ng banyo ay wala na si Trish sa kwarto namin. Siguro ay pumasok na ito sa susunod nyang subject dahil alas otso na din. Nagmadali akong tumungo sa cabinet para makapagbihis na.
Matapos makapag bihis at nakapag ayos ng kaunti sa sarili ay isinukbit ko na sa likod ko ang bag ko saka na lumabas ng kwarto
Nasa tapat na ako ng elevator ng may makasabay akong dalawang babae na gaya ko ay nakauniporme din na puti ngunit magkaiba lang ang mga desenyo. Ako kase ay naka puting dress na pinatungan ng white gown habang sila naman ay skirt at blusang puti na gaya sa mga nursing student.
"Good morninh Dra." Sabay nilang bati sakin na kina singhap ko.
"Naku! Studyante pa ko" Nahihiyang sabi ko ngunit nginitian lang nila ako.
"Ganito po talaga kami pag ahead ang kurso saamin" Magalang na sabi nung isa kaya napa ngiti ako.
Pagkabukas ng elevator ay sabay sabay kaming sumakay doon. Kinuha ko naman sa bag ko ang schedule ko para tignan kung saang building at floor ang una kong subject at kung sino ang profesor ko.
"Balita ko ay ngayong araw papasok si Doc. Chavez" Dinig kong sabi ng isa sa dalawang kasabay ko
"Naku! Kung siya ang Senior natin ay gaganahan akong pumasok araw araw" Kinikilig na sagot naman ng isa kaya gumaya din ang isa.
Napailing nalang ako dahil sa mga pinag kukwentuhan nila. Pagkabukas ng elevator ay inunahan kona sila saka na tinungo ang may kalayuang building sa unang subject ko.
Wala na masyadong estudyante ang makikita sa unibersidad dahil halos may klase na ang lahat.
Habang tinatahak ang daan patungo sa building ko ay namamangha kong pinagmamasdan ang bawat madaanan ko. Wala ka kaseng maipipintas sa sobrang ganda at linis ng paligid.
Napabalikwas ako ng may biglang lumapit sakin at sumabay sa paglakad ko.
"Hi" Nakangiting bati nito kaya napatanga ako sakanya.
Napaka gwapo kase nya lalo na nung lumabas yung naglalaliman nyang mga dimples sa pisngi.
"H-hello" utal kong bati din kaya natawa sya ng bahagya.
"Are you a transferee?" Pagkuwan ay tanong nya kaya agad ko syang tinanguan.
"Oo e" Tipid na ngiting sagot ko dahil nahihiya ako sakanya.
"Anong year muna?" Tanong muli nya
"2nd year" Tipid kong muling sagot
"Oh we're same! Sa Phyco.room kaba papunta?" Tanong nito na kina gulat ko nung una pero agad ding naka bawi saka ko sya nginitian bago tinanguan.
"Great! Magkaklase pala tayo. Kaya sabay na talaga tayo" Anito at nagtuloy na nga kami sa pag lalakad
"By the way. I'm Zaijan Jimenez and you are?" Pagkuwan ay pakilala nya ng makapasok na kami s loob ng building ng Medical building.
"I'm Sabrina Montes" Pakilala ko dito na kina tigil nya sa paglalakad at gulat na tumingin sakin.
"You mean you're the Top 1 passer for the Full scholar for this year?" Gulat at di makapaniwalang tanong nya.
Kumunot ang noo ko sa tinuran nya bago ko sya sinagot. Like Paano nya nalaman diba?
"Oo. How did you know?" Takang tanong ko.
"Nah! Sikat ka dito sa buong university. Balita kase ay ikaw palang ang pangalawa sa nakakuha ng Full scholar na pinamimigay ng EU taon taon." Kwento nito na pinamulahanan ko ng mukha kaya napatungo ako.
"Wala bang nagte- take ng exam non para sa mga gustong makapasok dito?" Tanong ko.
"nyay! Walang nagbabalak, kaya kung may pera ka magbayad ka nalang ng pang tuition mo para makapasok dito kesa sa i take ang nakakabaliw na exam na iyon" Histeryang sabi nito kaya medyo napa ngiwi ako dahil kakaiba ang pilantik ng mga kamay nya.
"Paanong nakaka baliw? E puro basic questions lang naman ang nandon. Like example What is Science ganon" Natatawang sabi ko dito na kona ngiwi nya.
"Oo yun nga lang ang question. Ang tanong Isang long bond paper lang ba ang answers? I'm sure isang buong libro ang sagot" Anito na kina tawa namin ng sabay.
Totoo kase ang tinuran nito, Kung gaano ka simple ang tanong ay siyang hirap naman ng sagot. Nung ako kase ang mag take ng exam ay inabot ako ng apat na oras na may limang oras lang para masagutan ang lahat ng iyon. 100 questions ang nasa exam at passing rate ay 80. Kaya ako ang nag top 1 dahil nakakuha ako ng 98 na score. nagkapalit kase ang mga answer ko doon sa dalawa kaya kinonsida na mali ang dalawa kaya imbes na perfect score ay naging 98 nalang.
Nang marating namin ang floor at room namin ay sabay kaming pumasok sa loob. Natigilan ang iilan palang na studyante na nandoon ng makita kami.
Nagulat pa ako ng hilahin ako ni Zaijan sa may bandang dulo at itabi ako sakanya.
"Dito kana please" Nagpapa cute na pakiusap nya kaya natawa ako saka na naupo sa tabi nya.
Nang madako ang paningin ko sa mga kaklase namin ay parang papatayin na nila ako sa tingin ngunit sa diko malamang dahilan kaya kinalabit ko si Zaijan para tanungin ito.
"Uy bakit ang sama nila makatingin sakin?" Bulong kong tanong sakanya kaya pinalibot din nya ang paningin para makita ang sinasabi ko.
"Selos lang ang mga iyan dahil katabi moko" Sagot nito na kina ngiwi ko.
Magsasalita pa sana ako ng biglang may tumabi sakin sa bakanteng upuan na nasa tabi ko at sya ding pasok na Napaka hot at gwapong proffesor ata. Im not sure pero parang.
"Good morning Class" bati nito samin kaya confirm na prof nga sya pero makalaglag panty.
"Good morning Sir" Malandi, nang aakit na tugon ng mga kaklase kong babae kaya napa ngiwi ako dahil sa inasta nila.
Binulatlat ni Sir ang hawak niyang log book saka nito iginala ang mga mata nya na parang may hinahanap. Natigil ang mata nya saakin kaya napasinghap ako dahil sa gawi ng pag titig nya sakin.
"You!" Turo nya sakin kaya napatayo ako" Come here and introduce your self" Anito kaya dali dali akong pumunta sa harap, sa tabi nya para magpakilala.
"Good morning classmates. My name is Sabrina Montes. And nice meeting you all" Bati at pakilala ko sabay tungo ng bahagya
Dinig kong nagsinghapan ang mga kaklase ko kaya nag angat ako muli ng paningin para tignan sila. Gulat ang lahat ng mga reaksyon nila habang si Zaijan ay ngingisi ngisi na nakatingin sakin.
Napakunot ang noo ko doon sa isang katabi ko dahil blangko lang ang reaksyon nya at parang walang gana sa buhay.
"So! You're the Lucky and smart scholar for this year" Pagkuwan ay sabi ni Sir kaya napadako sakanya ang tingin ko.
"Yes sir" Confident na sagot ko na kina tango tango nya.
."Interesting huh!" Anito kaya napatingin ako ng deretso sakanya para makita lang ito kung paano ako pakatitigan na kina ilang ko.
"You can seat now Ms.Montes" Nakangisi padin nyang sabi kaya tinanguan ko nalang sya saka na bumalik sa upuan ko.
What's with that smirk?....