Natapos ang dalawang subject ko sa Medical building. Naka sunod naman ako sa mga topics nila dahil lagi akong nag aadvance reading.
Nasa may canteen ako ngayon at parang ignorante na namamangha nanaman sa ganda ng kabuohan nito. Hindi siya mukhang canteen dahil ang daming Stall na mabibilhan. Para na itong Food court ng isang Mall sa sobrang lawak at dami ng mga nagtitinda.
Hindi required ang cash dito, Yung gold card lang na may pangalan mo ang pwede mong gamitin para makabili ka na lalong nagpamangha sakin.
Bumili lang ako ng isang cup ng kanin at isang klase ng ulam na umabot na agad sa halagang isang libo. Grabe!
Para sa isang pananghalian ay isang libo na agad ang bayad. Maka butas bulsa pala dito.
Naupo ako sa isang mahabang mesa na may umuukopa sa bandang dulo kaya sa kabilang dulo naman ako pumwesto.
Kyaahh! Andyan na sya!
OMG! He's so Hot!
Lalo syang gumwapo!
Waahhhhh!......
Tilian ng mga babae na nandito sa canteen kaya naagaw ang lahat ng atensyon ng isang Lalake na naka suot din ng White gown, papasok dito sa canteen.
Hindi ko na pinansin pa ang pinagkakaguluhan nila. Tao lang din naman yon kaya bakit ko pa pag aaksayahan ng panahon diba?
Isusubo ko na sana ang panghuli kong kain ng may biglang tray na lumapag sa harapan ko kaya natigilan ako sa balak kong pagsubo saka tiningala ang isang artista?... Modelo?... Anghel?.. Aaghh! What ever! Basta nakapa perfect nya para sa salitang gwapo lang.
"Can i join you Dra?" Tanong nito saka binitin ang sasabihin na para bang tinatanong ang pangalan ko.
"Montes.. Sabrina Montes" Ilang man ay sinagot ko ito na kina ngiti nya ng pagak saka naupo sa katapat kong silya.
"So! You're the Lucky and Smart Passer" Anito na kina tango ko nalang.
Pssft! Puro ganyan ang intro pag nalalaman nila ang pangalan ko. Talaga ngang sikat ako. Kaimbyerna!
Girls! Look may nilapitan si Doc
Pareho sila ng cout baka magkaklase
Nah! Ngayon ko palang nakita yung girl
Transferee ata.
She's not able to catch our Dream guy.
Ang swerte naman nya!
Bulungan nanaman ng mga kababaihan na nakatingin sa gawi namin. So sya yung tinitilian nila kanina na pumasok dito huh.
"What year mo na Ms.Montes?" Pagkuwan ay tanong nito kaya binalingan ko sya ng tingin matapos inumin ang tubig ko.
"2nd year Doc?" Sagot at patanong sa pangalan nya.
"Oh i'm sorry. I'm James Chavez by the way" Pakilala nito kaya tinanguan ko nalang siya saka na tumayo
"Nice meeting you Doc. Chavez, I have to go, Have a nice day" Sabi ko dito ng nakangiti saka na nagpaalam at deretsong lumabas ng canteen ng hindi na hinihintay ang sagot nya .
Habang naglalakad sa unibersidad ay diko maiwasang mailang dahil sa mga pinupukol na tingin nila sakin. Kung makatingin kase sila at parang hinahalukay na buong pagkatao ko. Para bang sinasabi nila na hindi ata ako bagay sa school na ito dahil sa pananamit ko na naiiba sakanila.
Okay! i addmit it! Kayo na ang may class at ako na ang cheap! Happy na?
Hindi ko nalang sila pinansin saka na nagtuloy patungo sa EU Hospital para sa susunod kong subject. Ayon sa Schedule ko ay hahanapin ko ang Senior ko na si James Chavez at ito na ang bahala sakin. Wait! What again?.... James?.... Chavez?....
"Waaaaahhh!" Sigaw ko ng mag sink in sa utak ko kung sino ang James Chavez na iyon.
Natauhan ako sa pag sigaw ko ng pagtinginan ako ng mga tao na nasa palibot ng hospital.
"Sorry po" Paghingi ko ng tawad sa bawat matignan ko dahil ang sama ng pagkakatitig nila sakin kaya minabuti ko nalang na pumasok na sa hospital at doon na hintayin si Doc Chavez na alam kong nasa canteen pa.
Minabuti kong basahin na ang kabuohan ng schedule ko habang hinihintay si Doc chavez. Baka kase may nakaka windang nanamang rebelasyon ang malaman ko kaya mas okay ng prefer diba?
"Are you waiting for me Dra. Montes?" Pagkuwan ay Tanong ng boritong boses sa harapan ko makalipas ang ilang minutong paghihintay.
Napa buntong hininga muna ako bago ko ito hinarap ng may ngiti sa labi.
"Yes Doc" Ngiting sagot ko, kaso ay nginisihan lang niya ako saka na ito naglakad sa hallway ng hospital na agad ko namang sinundan.
Pumasok ito sa elevator kaya sumunod din ako. Malay ko ba kung saan sya pumunta kaya susunod nalang ako sakanya para sure. Pagka sara ng elevator ay kinabahan ako dahil sa atmospyre na bumalot sa loob ng elevator. Kaming dalawa lang ang nandito ngunit nakaramdam ako ng kaba na pinagtaka ko.
"Is there any problem?" Pagkuwan ay tanong ni Doc kaya napatingin ako sakanya na nakatitig din pala sakin.
"W-wala po Doc" Sagot ko saka nag iwas ng tingin sakanya dahil nakaka ilang ang pagtitig nya.
Feeling ko ay hinuhubaran na nya ako sa gawi ng pagtitig nya sakin. Napakalagkit kung tumitig.
Pagbukas na pagbukas ng elevator at nauna akong lumabas kaya dinig ko itong natawa pero hindi ko nalang siya pinansin. Lumakad nanaman ito sa hallway kaya sinundan ko ito. Nang tumigil ito sa nurses station ay tumayo lang ako sa likuran nya. Nagtingin kase ito sa mga chart ng pasyente kaya hihintayin ko nalang sya.
"How's Pacient 202?" Tanong ni Doc Chavez sa Nurse on duty na parang sinisilian sa kilig habang naka titig sakanya.
"He's stable for now Doc. No any signs for trigger syntoms" Malandi. Maarteng sagot nito na kina ngiwi ko.
Bigla akong napa singhap ng iabot ni Doc Chavez ang hawak nyang blue chart na agad ko tinanggap saka ito lumakad nanaman kaya sinundan ko nanaman.
Nakita ko pang umirap sakin yung nurse bago kami tuluyang makaalis sa Nurses station.
Pumasok kami sa isang room na may number na 202, tantya ko ay ito ang pasyenteng pinag uusapan nila. Nang makapasok kami ay nadatnan namin ang isang lalake na sa tingin ko ay nasa mid 30's. Tahimik itong nakatulala sa may bintana. Hindi alintana ang pag dating namin.
"He is Mr.Javier Sarmiento. I want you to review about he's condition without any questions to me" Pagkuwan ay sabi ni Doc Chavez na kina tango tango ko.
"Gusto ko ay araw araw mo siyng dalawin dito tuwing class hour mo sakin" Patuloy na sabi nya saka nito nilapitan ang pasyente.
"Hi Mr.Sarmiento" Bati nya dito ngunit wala syang natanggap na sagot o kahit guton man lang.
Chineck nito ang mga aparatus na nakasabit sa stand na naka connect sa pasyente ngunit tahimik parin at walang kibo si Mr.Sarmiento.
"Pwede ko ba siyang maka usap Doc?" Tanong ko dito kaya natigilan sya sa ginagawa nya saka pinakatitigan ako na para bang tinatanong kung sigurado ako, kaya tinanguan ko agad siya.
"Go on" Sagot nito saka nagpatuloy sa ginagawa kaya nilapitan ko na ang pasyente.
Nagulat pa ito ng makita ako pero napangiti din.
"Hello Beautiful Lady" Bati sakin ng Pasyente na kina gulat namin ng sabay ni Doc Chavez.
"Hello Mr. Handsome" Nagugulat man ay pinilit kong pagpaka kaswal saka sya binati pabalik.
"How may i help you?" Magiliw na sabi nito na lalong kina gulat ni Doc Chavez ngunit sinamantala ko na iyon dahil baka hindi na maulit.
"Can you tell me something about what you feeling now?" Tanong ko saka ko kinuha ang isang notebook ko at ballpen para maisulat ang mga sasabihin nya.
"hmm..." Napapa isip nito sabi bago ito muling nagsalita" Feeling ko ay masakit ang dito ko" Sagot nya sabay turo sa tiyan nya kaya isinulat ko muna iyon sa notebook ko bago ko siya muli kinausap.
"bakit naman po masakit? Hindi po ba kayo kumain?" Tanong ko ngunit hindi na siya sumagot saka nya tinignan ang pagkain na nasa mesa.
"He didn't eat his food. Lagi siyang nagwawala pag hinahatiran at pinapakain sya" Pagkuwan ay si Doc Chavez na ang sumagot sa tanong ko kaya isinulat ko iyon sa notebook ko bago ko siya kausapin.
"Palagi po bang ganon Doc?" Tanong kong muli na agad nyang tinanguan kaya may pumasok na ideya sa isip ko saka ko inilabas sa bag ko ang isang biskwit na hindi ko pa kinakain saka ko nilapitan si Mr.Sarmiento at ibinigay yon.
Binalak pa akong pigilan ni Doc Chavez dahil baka ma trigger ko daw siya at masaktan ako ni Mr.Sarmiento, ngunit nginitian ko lang sya at sinabing " I can handle this"
Tinanggap ni Mr.Sarmiento ang biskwit na binigay ko ngunit pinaka titigan at sinuri nya muna yon bago binuksan. Napahinga kaming sabay ni Doc Chavez ng kainin ni Mr.Sarmiento ang binigay ko saka ko kinuha ang may sild pang bottle water at inabot kay Mr.Sarmiento. Gaya nung una ay pinaka titigan muna nya iyon at sinuri bago binuksan at inimon.
Isinenyas ni Doc Chavez ang gamot na nasa side table kaya dali dali kong kinuha iyon at inabot kay Mr.Sarmiento.
"Inomin nyo na po itong gamot nyo para makapag pahinga napo kayo" nakangiting sabi ko dito saka inabot ang may balot pang gamot.
So gaya din nung mga pagkain ay pinakatitigan at sinuri muna nya ulit yon bago binuksan at ininom. Sinamahan ko siyang maka higa sa kama nya para makapag pahinga na sya. May halo kaseng pampatulog ang gamot na ininom nya kaya sure akong ilang minuto lang ay makakatulog na siya.
Ilang minuto lang ang lumipas ay nakatulog na nga si Mr.Sarmiento kaya lumabas na kami ng room nito.
Walang imik na naglakad si Doc Chavez patungo nanaman sa kung saan kaya sinundan ko nalang ito saka ko binulatlat ang chart na hawak ko na pagmamay ari ni Mr.Sarmiento saka iyon binasa.
Napatango tango ako ng mabasa ang iilang sintomas na nagpakumpirma sakin sa totoong lagay ni Mr.Sarmiento na agad ko sinulat sa Notebook ko.
Nangunot ang noo ko ng mapagtanto na wala na pala si Doc Chavez sa harapan ko at nahinto na ako sa paglalakad na nasa tapat ng isang bukas na pinto. Sumilip ako doon at kita ko si Doc Chavez na prenteng nakaupo sa couch nya habang nakatingin sakin.
"Aren't you going inside or what?" anito na kina ngiwi ko saka na pumasok sa loob ng... Opisina? Oo Opisina nya.
Itinuro nya ang pwesto kung saan ako uupo sa katapat nya, kaya naupo ako doon at inilapag sa kandungan ko ang chart at notebook na dala ko.
"So i guess my findings kana about he's condition base on your acting and skills" Panimula nito ng maka upo ako.
"Ngayon ko na po ba ipepresent ang mga findings na naobserban ko sa kaso nya Doc?" Pangungumpirma ko na agad nyang tinanguan
"Kung mas mabilis mong ma pick up ang case ng isang pacient is better. Para maka lipat tayo sa mas rear na cases" Sagot nito na agad kong tinanguan.
Huminga muna ako ng malalim bago siya hinarap ng deretso at inisplika ang mga naobserban ko.
Namamangha ito habang nakikinig sakin kaya lalo akong ginanahan.
"As you can see Doc, He' having a illution, Ang akala nya ay may inilalagay kayo na kung ano sa pagkain nya kaya hindi nya iyon tinatanggap at kinakain.He is suffering from the mental condition of Paranoia" Patuloy kong pag eeksplika sa kondisyon ni Mr.Sarmiento.
"So How about Paranoia? Can you explain what is it?" Tanong nya kaya napa upo ako ng ayos bago sya sagutin.
"Paranoia is the feeling that you're being threatened in some way, such as people watching you or acting against you, even though there's no proof that it's true. It happens to a lot of people at some point. ... You don't think you're paranoid at all because you feel sure it's true."
Paliwanag ko na kina mangha nya kaya napapalakpak sya dahil sa pagka mangha
"Amazing Ms.Montes. we did not make a mistake in choosing you for the full scholarship" Anas ng isang boritong boses na nagmumula sa likuran ko kaya napatayo ako sa kinauupuan ko at tinignan kung sino iyon.
May Edad na ang lalaking ito na sa tingin ko ay nasa 50's or 60's. Hindi ko siya kilala kaya napatungo nalang ako.
"Good afternoon Director" Bati ni Doc. Chavez sabay alalay dito para makaupo sa isa sa mga couch na nandito.
"You may seat now Ms.Montes" Nakangiting sabi ni Director ng maka upo na ito kaya napa upo na din ako.
"Ms.Montes this is Director Dave Chavez, He's the owner of this Hospital and the Easthern University" Pakilala ni Doc Chavez sa may edad na lalake na kina gulat ko.
"It's my pleasure to see you in person Director Chavez" Magalang at medyo nahihiya kong bati dito na kina tawa nya ng bahagya.
"Nah! Cut the word Director. You can call me Lolo Dave" Anito na kina gulat ko lalo.
Seryoso?
"Did you heard her presentation?" Pag iiba ni Doc Chavez sa topic kaya napa baling sakanya ang Director at tatango tango ito bago bumaling muli sakin.
"Yeah! I heard a lot, kaya namamangha ako dahil siya palang sa labing anim na naging Juniors mo ang nakakuha sa totoong case ni Mr.Sarmiento" Namamangha nga nyang sabi kaya lihim akong natuwa dahil sa nalaman
Syempre! Achievement nanaman iyon para sakin. Biruin mo? Ako lang sa Labing anim na Juniors ang nakahula sa case ni Mr.Sarmiento? Oh Diba achievement yun. Hoy!