CHAPTER-19

1689 Words
CHAPTER-19 "May alam siya tungkol sakin" Kinakabahan kong sabi kay James. Magkasama kami ngayon at nandito kami sa isang sikat na restaurant malapit lang sa university. "Hindi malabong hindi nya malaman ang tungkol sa pinasok mo Sab. Juancho is not just an ordinary people" Seryosong sagot naman nito na lalong nagpalakas ng kaba ko. Hindi naman lingid sakin ang sinasabi nyang hindi pangkaraniwang tao si Juancho Lacson dahil una palang ay nabanggit na ni Ms.Heaven sakin na siya ang leader ng Elite Organisation. "Ano ng gagawin ko ngayon?" Nauubusan na ng pag asang tanong ko na kina buntong hininga muna nya bago ako sinagot. "Just go with the flow. Wag na wag mong aaminin ang mga speculations nya sayo and do what ever he wants to you" Seryoso muling sagot nito na kina lunok ko kahit wala pa akong kinakain o iniinom. Juancho want's to own me.. Paano ko gagawin yon? Oo makakaya kong ibigay ang katawan ko dahil yun lang ang kailangan ko sakanya wala ng iba pero ang angkinin nya ako ng buo ay sobrang labag na sa kalooban ko iyon. Mabait at masaya itong kasama ngunit yun ba talaga ang totoong ugali nya? Ibang iba kase ang pinakita nyang ugali sakin sa huli naming pag uusap. Animo'y ibang tao ang kaharap ko dahil sa bangis at nakakatakot nyang awra na never ko pang nakita simula ng magkakilala kami. "This is my only advice to you Sab. Never ever trust to him. Hindi lahat ng nakikita mo sakanya ay totoo" Pagkuwan ay muling sabi ni James na lalong nagpadami ng iniisip ko. Sumagi din naman sa isipan ko ang sinabi nya. Oo't maganda ang panlabas na anyo ng bawat tao pero hindi lahat ng maganda sa labas ay maganda din ang loob. Minsan mas madami pang Maganda sa labas pero nabubulok naman sa loob kesa sa parehong maganda mapaloob man o labas. Mabilis naming tinapos ang dinner namin ni James. Tumawag kase ang mga co-doctors nya at may emergency daw sila na kailangn ng presenya nya. Hinatid lang ako nito sa tapat ng dorm ko. Nung una ay ayaw pa nitong umalis at gusto pa daw nya akong makasama ngunit ng muling tumunog ang cellphone nito ay napapabuntong hininga nalang siyang nagpaalam na aalis na. Pagkaalis ng sasakyan ni James ay syang dating naman ng isang magarang sasakyan sa harapan ko. Napa nganga ako ng bumungad ang seryoso at madilim na tingin ni Doc Juancho sakin. "Get in!" Madiing utos nito na kina singhap ko kaya hindi agad ako nakatugon at nanatiling nakatayo sa harapan nya. "I said GET IN!" muling anas nito at pinaka diinan ang dalawang huling salita kaya dali dali na akong tumalima sa takot na baka bumaba pa ito ng sasakyan at sapilitan akong isakay. Nang makasakay ay hindi ko pa tuluyang naisasara ang pinto ngunit mabilis na nitong pinaharurot ang sasakyan na naging dahilan ng muntikan ko ng pagkahulog, buti at nakahawak ako sa handle ng kotse nito sa taas. "Ano ba!" Asik ko dito ng maayos ang sarili sa pagkakaupo at maisara ang pinto ng kotse nya kahit umaandar parin ito. Hindi nya ako sinagot at nagpatuloy lang sa pagmamaneho. Ilang minuto pa ang lumipas ay ipinasok nya ang kotse nya sa isang napaka laking gate na sa tingin ko ay mansyon ang nakatayo sa loob non. Hindi nga ako nagkamali dahil pagka pasok ng sasakyan nya sa loob ay bumungad ang tatlong palapag ng napakalaking bahay kaya napaawang ang bibig ko dahil sa pagkamangha. Kahit gabi na ay kitang kita parin ang kagandahan ng bahay dahil namumutawi ito sa dami ng ilaw na naka palibot sa bungad ng bahay. Nang tumigil ang sasakyan nya sa tapat mismo ng entrance ng bahay ay walang pasabi syang bumaba kaya ganon na din ang ginawa ko dahil mukhang wala naman siyang balak na pagbuksan ako ng pinto at alalayang bumaba. Inabot niya ang susi ng kotse nya sa isang lalake na naka black suit na bumungad sakanya pagkababa nya ng kotse saka na siya naglakad papasok sa malaking two door ng bahay kaya napapikit ako ng mariin bago sumunod sakanya. Dalawang katulong na naka uniform ang nagbukas ng two door at sabay na tumungo kay Dr.Juancho ng tuluyan kaming nakapasok sa loob ng malawak na bahay. "We're already eat" Strikto, nakakatakot at maotoridad nitong turan sa mga katulong na agad namang tinanguan ng dalaqa saka na sabay na umalis at nagtungo sa kung saan. "Follow me!" Muli ay maotoridad nitong turan na agad kong sinunod. Umakyat kami sa ikalawang palapag at sa pangatlong pinto ay tumigil ito at binuksan ang isa sa two door ng kwarto na sa tingin ko ay master's bedroom dahil ito ng namumukod tanging two door dito sa ikalawang palapag. Sinenyasan nya akong pumasok sa loob kaya dali dali akong pumasok kahit nanginginit ang mga tuhod ko o mas tamang sabihin na buong katawan ko dahil sa gawi ng pag uutos, pagsasalita at pakikitungo nito sakin na never pa nyang ginawa. "A-ano bang gagawin n-natin dito?" Nauutal at kinakabahan kong tanong sakanya ng makapasok nakaming dalawa sa loob. Hindi ako nito muli sinagot. Nanlaki ang mga mata ko ng makita itong naghuhubad ng suot na pang itaas sa harapan ko mismo habang nakatingin ng seryoso sakin. Mabilis kong iniwas ang tingin ko ng akmang tatanggalin na nya ang sinturon na suot nito. "Just stay looking at me!" Maotoridad muli nitong sabi ngunit hindi ko sya sinunod. "A-ano bang ginagawa mo?" Tanong ko dito na hindi naka tingin sakanya ngunit mabilis na natigilan ng maramdaman na nasa harapan ko na siya at hubo't hubad. "You want me right?" Ngisi nitong tanong na kina gulat ko. "C'mon Sab! I know about your task! Ibibigay ko lang ang gusto mo" Muling anas nito na lalong nagpagulat sakin at nanlalaki ang mga matang tinitigan sya. "A-ano?" Gulat kong tanong. "Diamon Org.? Initiation? and I'm your last target Am i right Sabrina Montes?" Muli ay sabi nito sa naka ngisi na nagpalaglag na ng tuluyan sa panga ko. "Paanong...." "Because i'm Juancho Lacson and no one can fool me Sabrina! NO ONE!" Pagputol na sagot nito sa tanong ko kaya hindi na ako naka imik. "Hindi ako ang klase ng tao na mauuto mo Sab. Unang lapit mo palang sakin ay ramdam ko ng may kailangan ka sakin" Muli ay anas nito habang nanlilisik ang mga matang nakatitig sakin. "Pina imbestiga na kita, mula sa probinsyang pinanggalingan mo, mula sa pagpasok mo sa EU, mula sa pagkakaroon ng sakit ng Mama mo, mula sa nangailangan ka ng pera hanggang sa pasukin mo ang Diamon Org para maisalba ang Mama mong nag aagaw buhay" Mahabang lintaya muli nito na nagpabagsak na ng mga luha ko. Muling nanumbalik lahat ng mga pagsubok na pinagdaanan ko hanggang sa mga oras na ito. "Do you know how dangerous am i? May idea kaba na kaya kitang patayin ngayon ng walang sino man ang makakaalam kahit na mga pulis? YOU'RE SO STUPID!" nanggagalaiting patuloy nitong sabi at tanging pag iyak lang ang naisasagot ko sa lahat ng mga sinasabi nya ngayon sakin. "I'm sorry" Sa wakas ay may lumabas ding salita sa mga labi ko ngunit hindi malinaw dahil sa paghikbi ko. "Magkano ang ibinigay sayo ni Heaven?" Pagkuwan ay tanong nya. "W-wala!" Pagtanggi ko dito. "How much Sab! I'll pay for you para hindi kana tumuloy sa organisasyon na yan!" Napapataas na nitong tono ngunit nagtitimpi parin sakin. "T-two M-million" Sagot ko na agad nyang tinalima. Nagtungo ito sa may side table ng kwarto nya saka ito may inilabas na parang maliit na notebook doon at mabilis na bumalik sa harapan ko. "I'll give you five million. Just please stop this all bullshit things you've do" Anas nito at nagsulat sa hawak nito check book pagkatapos ay inilahad sa harapan ko. "H-hindi ko matatanggap yan" Sagot ko dito habang umiiling. "Please Sab! Itigil mo na ito habang maaga pa. Habang may pagkakataon kapang umurong because once you enter, theres no turning back" Makaawa nitong sabi na bumalatay sa buo nyang mukha. Nawala ang mabangis at nakakatakot nyang awra dahil sa huli nitong tinuran. "Tatapusin ko lang ito at magpapakalayo na ako. Please" Pakiusap ko din. "Hindi ka makakalayo kapag natapos mo ang task mo at maging ganap na myembro ka na nila" Nauubusan na ng pasensyang paliwanag nito. "Bakit? Ipinangako nila na bibigyan nila ako ng proteksyon pag natapos ko ang initiation ko" Nagtatakang tanong ko na nabilis nyang inilingan. "Oo bibigyan kanila ng proteksyon, pero ipinaliwanag ba nila sayo kung ano ang magiging role mo sa organisasyon nila lalo na sa estado ng buhay mo?" Napapapikit nitong mariin sa mata at inihilamos ang mga palad sa mukha. "Wala na akong pakialam! Basta ang gusto ko lang ay matapos na ito para mabayaran ang nagastos nila sa operasyon ng Mama ko" Pursigido kong sagot na kina iling nya. "That's why im giving you five million to pay your dept to Heaven" Inis, gigil at galit na nitong paliwanag dahil nagmumukha na aking tanga sa harapan nya dahil nahihirapan itong magpaliwanag sakin. "Hindi ko matatanggap yan!" Desidido kong sagot saka ko kinuha ang cellphone ko at isinet iyon sa video recording at inilapag sa kung saan na makukuhanan kaming dalawa. Nagugulat syang tumingin sakin ng magsimula akong maghubad sa harapan nya. "Just this one Please!" Pabulong kong pakiusap sakanya ng tuluyan ko ng mahubad ang lahat ng suot ko kaya pareho na kaming hubo't hubad. Hindi sya nakakilos sa kinatatayuan nya ng mag umpisa akong maglakad papalapit sakanya ng dahan dahan. Itinaas ko ang isang kamay ko pahaplos sa mukha nya na kina singhap nya. "Just this one" Muling pakiusap ko kasabay ng pagtulo ng luha sa mukha ko at ang pagsunggab nya ng halik sa mga labi ko. Sa una ay sabik at marahas ang paghalik na iginawag nya sakin pero ng gumanti ako ay naging maingat at puno ng emosyon ang bawat dampi ng mga labi nya saakin. "Pagkatapos nito ay sumama kana sakin. Ilalayo kita dito" Namamaos nitong bulong na agad kong tinanguan at muli nya akong siniil ng halik sa mga labi. TO BE CONTINUE.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD