CHAPTER-18
NAKAKAHIYA SYA!
KAPAL NG MUKHA NO!?
KABIT PALA!
MALANDI RIN PALA!
SLUT!
B*TCH!
Isang linggo na ang lumipas pero sariwa parin sa kanila ang issue tungkol samin ni Sir Kairo. Kahit na pinabulaanan na ito ni Sir Kairo na walang katotohanan ang mga kinakalat nilang tsismis tungkol samin ay patuloy parin sila sa pagpapakalat nito.
May panibago nanaman kase silang nakalap na picture na magkasama kami ni Sir Kairo sa isang room sa department ng medicine dahil humihingi ito ng tawad tungkol sa namagitan samin at sa kumakalat na issue tungkol samin.
"Good morning Dra.Montes" Masiglang bati ng isang nurse incharge sa nurse station.
Nandito ako ngayon sa hospital dahil ako ang mag aasist kay Doc Lacson sa dalawang pasyente nya na aabot ng maghapon. Excuse ako sa lahat ng subjects ko sa pang umaga at gustong gusto ko yun dahil maghapon akong makukulong sa operating room, maghapon ko din hindi maririnig ang mga bulungan at pangungutya ng mga estudyante sakin.
"Dra.Montes! Pinapatawag kana po ni Doc Lacson nasa may opisina po sya" Anang isang babaeng nurse na nakasalubong ko sa hallway at parang ako talaga akong pakay nito.
Isang tipid na ngiti at tango nalang ang tanging nasagot ko dito saka na nagtungo sa elevator para maka tungo na sa opisina ng doktor.
Medyo good mood ako ngayon dahil bago ako lumabas ng dorm kanina ay nakausap kong muli si Mama. Palagi na itong tumatawag sakin simula ng makalabas ito ng hospital. Naiinip daw sya sa bahay kaya gusto nya ako laging kausap.
Tumatawag siya sakin tuwing Umaga bago ako pumasok at tuwing gabi pagkatapos kong mag aral at bago ako matulog.
Kahit papaano ay nakakalimutan ko ang mga problemang pinagdadaanan ko ngayon. Nabanggit ko na din ang plano ko kay Mama na titigil na ko sa pag aaral dito sa maynila para muli na kaming magkasama at doon nalang ipagpatuloy kung bibigyan pa ako ng pagkakataon na makapag aral.
Pagdating ko sa tapat ng opisina ni Doc Lacson ay syang labas naman ni Doc Chavez. Ibang iba na ang pakikitungo namin sa isa't isa kahit na ito ang señor ko noon.
Oo! Hindi ko na ito Señor ngayon dahil ibinigay na nya ako kay Doc Lacson at ang junior naman ni Doc Lacson ang napunta kay Doc Chavez. Bale nagkapalit sila sa hindi ko malamang dahilan, pero ayos na din dahil hindi ko din alam kung paano pakikitunguan pa si Doc Chavez kung ilag naman kami sa isa't isa.
"Good morning Doc" Tipid na ngiting bati ko dito saka bahagyang tumungo.
Gusto ko paring magbigay galang sakanya dahil kahit papaano ay naging mabuti ito sakin at madami akong natutunan sakanya kahit sa loob lang ng maiksing panaho.
"Good morning Ms.Montes" Balik bati nito kaya napaangat ako ng tingin sakanya.
Kahit may ngiti na nakaukit sa mga labi nito ay mababasa padin ang lungkot, pangungulila at pag aalala sa mga mata nya kaya muli akong tumungo para hindi na makita ang mga yon sakanya.
"Mauuna na po ako Doc. Have a nice day" Pag papaalam ko dito saka na sana pipihitin ang seradura ng pinto ng opisina ni Doc Lacson ng bigla akong hawakan sa kamay ni Doc Chavez kaya napatingin ako sakanya.
"Can we talk?" Tanong nito sa namamos na boses. Animo'y gustong umiyak at may nakabara sa lalamunan nito ngunit sinisikap nyang makapag salita ng ayos.
Tumingin ako sa relong pambisig ko at nakitang may 15 minutes pa ako kaya pumayag ako na mag usap kami.
Iginaya nya ako papasok sa opisina nya kaya pumasok na ako. Umupo ako sa usual kong upuan noon dito sa opisina nya at ganon din sya sa katapat kong silya.
"Ano pong pag uusapan natin?" Tanong ko dito ng ilang minuto na nya ako tinititigan at walang salitang lumalabas sa bibig nya.
"I miss you" Pagkuwan ay sabi nito na kina tuod ko sa kina uupuan ko.
Hindi ako nakapag salita sa sinabi nito ni ang iiwas ang mga mata ko sa pagkakatitig sakanya ay hindi ko nagawa. Basta ang lagay ko ngayon ay naka awang ang bibig ko habang titig na titig sakanya.
"I really miss you Sab" Muli nitong sabi kasabay ng pag patak ng luha nya sa magkabilaang pisngi.
"A-ano b-bang sinasabi mo?" Wala sa sariling tanong ko sakanya. Hindi parin inaalis ang tingin sakanya dahil gusto kong makita at mabasa ang mga kilos at pinapahiwatig nya kung totoo ba ang mga iyon.
"I know everything about you Sab. Alam ko din ang pinasok mong malaking gulo" Anito sa hindi ko inaasahang pagkakataon.
Natahimik ako. Iniisip kung anong gulo ang tinutukoy nya. Yung tungkol ba saamin ni Sir Kairo?
"Hindi ang issue nyo ni Mr.Hernandez ang tinutukoy ko kundi ang pagsali mo sa Elite Organisation" Muli ay sabi nito na kina tigil ko na talaga saka nanlalaki ang mga matang tumitig sakanya.
Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nito" Paano nya nalaman ang tungkol doon?"
"Alam mo bang delikado ang pinasok mong gulo? Mapapahamak ka sa ginagawa mo at pwede mo iyon ikamatay!" Muling anas nito ng wala itong makuhang sagot mula sakin.
Napatungo ako sa mga kamay kong nasa kandungan ko kasabay ng pagpatak ng mga luha ko.
"Wala na akong ibang choice kundi ang pasukin iyon James" Sa wakas ay nakapag salita ako ngunit sa garalgal at namamaos na tono dahil sa pag iyak ko.
"Maraming pwedeng sulusyon sa problema mo. Pwede mo naman akong lapitan" Anito sa nangangaral na tono kaya lalong bumuhos ang luha ko kasabay ng pag hikbi.
"Malaki ang kinailangan kong halaga! Kung hindi ako pumasok sa organisasyon na iyon ay wala na sana ang Mama ko" Umiiyak kong sabi dito na kina iling nya
"You can go to me and ask me to help you! Madami akong pera, kaya kong ibigay ang halagang kailangan mo! Or Pwedeng ako nalang ang gumamot sa Mama mo kung nagsabi kalang" Mahabang lintaya nito sa inis ng tono dahil pinapahiwatig nito na madami akong pwedeng option kesa sa sumali sa organisasyon.
"Bakit mo ba ako pinapakealaman? Bakit ba parang ng aalala ka sakin? Bakit?" Natanong ko na dahil naguguluhan na talaga ako sa mga kinikilos nya.
"Because i like you! No! I love you Sab! Yes i admit it! I love you and i don't know why" Sagot nito na kina tigil kong muli.
Pinoproses sa utak ko ang mga sinabi nito ngayon ngayon lang.
I love you...
I love you...
I love you...
Nagpaulit ulit iyon sa pandinig ko na parang sirang plaka.
"Alam mo ba kung bakit kita ibinigay kay Juancho?" Pagkuwan ay tanong nito matapos ang mahabang sandali ng katahimikan pagkatapos nitong umamin sakin.
"B-bakit?" Utal kong tanong at hindi maka tingin ng ayos sakanya.
"Dahil alam kong isa sya sa mga target mo at para matapos mo na ang initiation mo ay ako na ang gumawa ng paraan para magkalapit kayo" Pag amin nito na kina gulat ko.
"A-ano? Kelan pa?" Wala sa sariling tanong ko dahil sa mga pag amin nito.
"Since i gave you the case of Ellias" Sagot nito na kina pikit ko ng mariin.
Nag sink-in lahat sa utak ko ang mga pangyayaring iyon ng pareho kaming nagulat ni Doc Juancho dahil sa iisang room at pasyente ang punta namin. Inakala ko noon na co-incidents lang iyon at sinuswerte ako dahil target ko na ang kusang lumalapit sakin. Ngayon pala ay gawa nya lahat.
"Bakit mo ito ginagawa?" Tanong ko dito ng maimulat ang mga mata kasabay ng pag agos muli ng mga luha ko.
"Because i want to help you and i want you to finish your Initiation and come with me. " Sagot nito na lalong nagpa lakas ng iyak ko kaya napahagulgol na ako.
"Sumama ka sakin Sab. Ilalayo kita dito. Ilalayo na kita sa mga kahihiyan, pangungutya at pasakit na pasan mo. Ibibigay ko ang lahat sayo" Umiiyak na din itong sabi.
Kaya walang anu ano'y tumayo ako at sinunggaban ko siya ng halik sa mga labi nya na agad naman nitong tinugunan.
Iginaya nya akong maupo sa kandungan nya ng hindi napuputol ang halikan namin. Ramdam ko ang pagmamahal at pag iingat sa mga halik na iginaganti nya sakin kaya mas lalo akong naiyak.
Oo't wala pa akong karanasan sa totoong true love dahil niloko lang ako ng naunang nobyo ko, pero iba ang nararamdaman ko kay James ngayon sa gawi ng pag halik nya sakin. Ibang iba siya sa mga lalakeng nakaangkin sakin dahil sa simpleng halik lang nito ay pinapadama na nya sakin kung gano nya ako kamahal na labis labis na nagpapabugso ng saya sa damdamin ko.
Sabay kaming bumitaw sa halikan namin dahil kapwa na kami kapos sa hininga. Idinantay niya ang noo ko sa noo nya saka nya pinalis ang mga luhang naglandas sa mga pisngi ko gamit ang dalawang hintuturo nya.
"Finish you're initiation first, then we will go far from here. Trust me!" Anas nito sa namamaos na boses at tanging pag tango lang ang naisagot ko.
Muli nya akong dinampihan ng halik sa mga labi ko saka nya ako mahigpit na niyakap at ganon din ako.
Ilang minuto pa kaming nanatili sa ganong posisyon hanggang sa makatanggap ako ng mensahe mula kay Doc Juancho kaya nagpaalam na ako sakanya na aalis na. Sinabihan pa nya akong magkikita kami mamayang gabi na agad kong tinanguan bago ako tuluyang lumabas ng opisina nya.
Late na ako ng 5 minutes sa time ng unang operasyon namin ni Doc Juancho. Dumiretso na ako sa operating room dahil ayon sa text message na pinadala ni Doc ay nasa operating room na ito at hinihintay na lang nya ako.
Pagdating ko sa loob ay dali dali akong nagbihis ng suit at nag suot ng gloves saka na tumabi kay Doc Juancho na ngayon ay sinusuri na ang katawan ng pasyente.
Ilang minuto pa ang hinintay namin bago maging stable ang lagay ng pasyente para maumpisahan na ang operasyon.
Tumagal ng anim na oras ang naging opersyon namin sa unang pasyenteng isinalang. Ala una na ng hapon ng makalabas kami ng operating room.
Tutungo na sana ako sa elevator para makapag lunch na sa may pantry ngunit gulat akong napatingin sa kamay ni Doc Juancho ng hilain nya ako papasok sa pintuan ng Exit way.
Nanlalaki ang mga mata kong napatitig sakanya ng isandal nya ako sa malamig na pader at ikulong sa mga braso nya na naka lapat sa magkabilaan ko.
"Doc?" Tawag ko dito ngunit hindi man ito natinag at pinaka titigan lang ako.
Para bang kinakabisa ang kabuohan ng mukha ko sa gawi ng pagkakatitig nya.
"Hindi ko masisisi si Kairo kung mabaliw sya sayo kahit na napapabalitang may asawa't anak na siya" Pagkuwan ay sabi nya na kina noot ng noo ko.
"k-kilala mo siya?" Nagtatakang tanong ko.
"Yes Sab! Me and Kairo are really friends since highschool. Kasama ko din siya sa isang org. na kinabibilangan ko" Matalim ang titig nyang pinukol sakin kaya bigla akong nakaramdam ng takot.
Iba ang Juancho na kaharap ko ngayon sa Juanchong palabiro at makulit na laging nakikipag kulitan sakin noon.
"How wonder, how are you related to the Elite Org.?" Ngising tanong nito na kina lunok ko ng ilang ulit.
"A-ano po bang sinsabi nyo Doc?" Utal at kinakabahan kong tanong na lalong nagpangisi sakanya.
"Wag kang matakot Sab. Ako lang ito" Natatawang sabi nito na kina iwas ko ng tingin ngunit pilit nyang hinaharap ang mukha ko para magkatitigan kami.
"May ginawa ba ako sayo?" Tanong ko dito. Pilit inaayos ang pananalita dahil sa takot na maghinala ito lalo sakin.
"Napapa isip lang kase ako. Una ay si James, tapos ang pinsan nito na si Sebastian, then si Kairo? Anong meron sa kanila?" Nagtatakang tanong nito na lalong nagpa ilang saakin.
"Wala akong alam sa sinasabi mo" kaila ko na kina ngisi nya.
"Do you want me also?" Pagkuwan ay tanong nya na kinanlaki ng mga mata ko. Hindi nakasagot sa tanong nito at tanging pag titig lang sakanya ang nagawa ko.
Lalong lumaki ang mga mata ko ng bigla nyang siilin ng mapusok na halik ang mga labi kong nakaawang habang nakatitig sakanya.
Ilang minuto nyang nilasap ang mga labi ko ngunit hindi ko nagawang tumugon dahil sa gulat at pagkabigla sa ginawa nito kaya kusa na syang kumalas sa halik na siya lang ang nag enjoy.
"I want you mine Sab!"
Bulong nito na nagpakilabot sa buong katawan ko.