CHAPTER-17

1787 Words
CHAPTER-17 Kinabukasan ay maaga akong nagising. Mugto pa din ang mga mata ko dahil sa magdamag na kakaiyak. Tulog pa si Trisha ng tumayo ako mula sa kama. Dumeretso ako ng banyo para makapag hilamos pagkatapos ay nagluto ng almusal namin ni Trisha. Pagkagising ni Trisha ay tapos na ang lahat ng gawain ko. Nakaligo na din ako at nagbibihis na para makapasok sa unang subject. Lately kase ay nahuhuli na ako sa mga klase ko kaya kailangan kong bumawi at maipasa ang sem na ito bago man lang ako tumigil at umuwi ng probinsya namin ay natapos ko lang ang isang taon dito. Desidido na akong titigil sa pag aaral dito at sa probinsya nalang namin ipag patuloy. May mga unibersidad naman doon ngunit di nga lang gaya dito na kumpleto at magagara. "Ang aga mo ata?" Bungad ni Trisha sakin ng makita nitong bihis na ako at nakapag luto na ng agahan namin. "Mahaba ang naging tulog ko kagabi" Pagsisinungaling ko dito na inilingan nalang nya dahil alam nyang hindi ako nagsasabi ng totoo. Dumulog na kami sa hapag para sabay na kumain. Hindi nagbalak na magsalita o magtanong si Trisha dahil alam nyang ayaw ko munang pag usapa. Pero naguguilty din ako dahil hindi na ito iba sakin. Gaya ni Rica na bestfriend ko sa probinsya namin ay tinuring ko na din itong tunay na kaibigan. Bumuntong hininga muna ako bago ako nagsimulang magsalita. Tumikhim muna ako para maagaw ko ang atensyon nya na nakatutok sa pagkain na. "Ah Trish! Titigil na ako sa pag aaral" Bungad kong sabi dito na kina awang ng labi nya. "Are you serious?" Di makapaniwalang tanong nito na agad kong tinanguan. "Pagkatapos ng Initiation ko at ang sem na ito ay babalik na ako sa probinsya namin at doon nalang ipagpatuloy ang pag aaral ko" Mahabang lintaya ko dito na kina tango tango nya. "Alam ko ang nararamdaman mo ngayon Sab. Ganyan din ako noon ng ako ang nasa lagay mo. Kaya naiintindihan kita" Tipid na ngiting sabi nito saka nya ginagap ang isang kamay ko na nakapatong sa mesa. "Salamat sa lahat ng naitulong mo sakin ah. Hinding hindi ko makakalimutan lahat ng iyon dahil kung hindi dahil sayo ay wala na sana ang Mama ko" Naiiyak ko ng sabi dito na agad nyang inilingan. "Shh! Don't say that. Okay lang iyon ano kaba! Sino pa bang mag tutulungan kundi tayo lang dahil minsan na akong napunta dyan sa lagay mo at alam ko ang pakiramdam na walang wala at nag iisa" Anito na nagpabagsak na ng tuluyan sa mga luha ko. Swerte parin ako kung tutuusin, sa kabila kase ng mga pinag dadaanan ko ay may mga tao parin na nakapaligid sakin na totoo at hindi mga peke. Oo play girl ito, maharot, pasaway at maingay ngunit hindi yon naging hadlang parang maging isang mabuting tao sa kapwa. Totoo ang kasabihan na Don't judge the book by it's cover Dahil hindi lahat ng pangit sa panlabas na anyo ay pangit din ang kalooban. Mas madalas pa nga na kung sino pa ang maganda sa panlabas ay siyang pangit naman sa panloob. Matapos naming makapag usap at makakain ay nagpaalam na ako kay Trisha. Maaga kase ang klase ko ngayon habang siya naman ay mamayang tanghali pa. Pagdating ko sa may hallway ay nakasalubong ko si Sir Kairo ngunit ito na mismo ang umiwas na animoy hindi ako nakita o kakilala. Ipinagkibit balikat ko nalang iyon saka na nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating sa classroom sa una kong subject ay natigilan ang lahat at nagkanya kanya na ng bulungan habang nakatitig sakin. Siya yung napapabalitang kabit ni Sir Hernandez Malandi pala hindi halata Nasa loob talaga ang kulo no! Iilan sa mga bulungan na mga ito na animo'y hindi naririnig ng iba. Nagugulat man sa mga naririnig ay pinagsawalang bahala ko nalang saka na dumiretso sa upuan ko. Matalim ang tingin na ipinukol sakin ni Sebastian habang si Zaijan naman ay naka ngisi na parang aso. "Ikaw ah! Mas gusto mo pala sa may asawa!" Bulong ni Zaijan sakin ng makaupo na ako sa tabi nya. Sinamaan ko ito ng tingin ngunit mas lalong ngumiti ng nakakaloko ang baliw kaya inis ko na siyang binalingan. "Wala akong alam sa mga pinagsasabi mo!" Pabulong man ay matigas kong pagtanggi sa akusa nito na kina ngisi nya saka nito kinalikot ang cellphone na hawak nya saka nya pinakita sakin ang isang post na may larawan namin ni Sir.Kairo. Madaming kuha ang nandoon, Mula sa magkita kami sa mall, sa pagsama nya sakin sa pagbili ng mga gamit sa NSB pati sa pagbayad ni Sir Kairo sa mga pinamili ko, maging sa pagkain namin sa isang resto hanggang sa makarating kami ng unit nya. Lahat ng iyon ay naka post sa isang social media na may caption na. " The Mistress" Napahilamos ako ng mukha sa nakita at nabasa. Madami na ding comments, likes and shares ang naturang post kaya hindi na kataka takang kalat na ito sa buong unibersidad. Dinig kong tumikhim si Sebastian pero hindi ko na ito pinag aksayahan ng oras saka nalang ibinaling sa iba ang atensyon ko ngunit ang makulit na katabi ko ay walang tigil sa pagsasalita na kina inis ko. "Nung una si Doc Chavez, tapos si Sebastian, Nakikita din kitang kasa kasama mo si Doc Lacson ngayon pala sa Engineering department pala ang type mo and take note may Asawa pa" Natatawang bulong muli ni Zaijan na kina pantig ng ulo ko kaya hinarapan ko siya "May problema ka don?" Inis kong tanong sakanya na agad nyang inilingan at biglang itinikom ang bibig na animo'y natakot saakin. "Kahit sino pa ang landiin ko dito ay wala kayong pakialam. I chismis nyo ako okay lang. Wala akong pakialam" Inis kong sabi dito saka ko nalang itinuon ang atensyon ko sa harapan dahil dumating na ang professor namin na magtuturo. Buong klase namin sa umaga ay walang nag iimikan saaming tatlo nila Seb at Zaijan. Si Seb ay blangko at walang kabuhay buhay ang ekspresyon nito na parang bumalik sa dati habang si Zaijan naman ay parang hindi matae sa kina uupuan at parang kating kati na sabihin ang laman ng isip nya ngunit mas pinili nalang na manahimik. Nang natapos ang klase namin sa pang umaga ay walang pasabi akong lumabas ng classroom dinig ko pa ang pag tawag ni Zaijan sakin ngunit hindi ko na pinansin pa ito at nag tuloy na sa paglalakad. Bawat madaan ko ay pinagbubulungan ako tungkol sa kumakalat na balita tungkol samin ni Sir Kairo hanggang makarating ng canteen. "Diba siya yung Top1 passer? Malandi pala at sa may asawa pa pumatol" Dinig kong sabi ng isang estudyante na sa tingin ko ay sa Engineering department base sa unipormeng suot nito. "Naku! Pag nalaman ng asawa ni Sir Hernandez ang chismis baka umuwi ng di oras yon dito sa pinas" Sagot naman ng isa sa mga kasama nito saka sila bumabaling ng tingin sakin dito sa canteen. Kasalukuyan akong nanananghalian dahil lunch break na. "Ano nalang kaya ang sasabihin ng anak ni Sir Hernandez no?" Anang muli ng naunang nagsalita. Napapikit ako ng mariin sa mga naririnig. Oo nga pala't may asawa at anak na si Sir Kairo na nakalimutan ko. Bigla tuloy akong nakonsensya sa mga pinag gagagawa ko dahil may mga tao na involve at masasaktan sa pagkakamaling ginawa namin ni Sir Kairo. "Hello Doc Ganda" Pagkuwan ay bati ni Doc Juancho saka ito umupo sa kaharap kong silya. "Himala! Dito ka kakain?" Nagugulat kong tanong dito ng makita ang mga pagkain na inilapag nya sa mesa. "Actually hindi sana talaga ako kakain dito, but i saw you eating alone kaya naisip ko na saluhan nalang kita" Mahabang paliwanag nito na kina tango ko nalang saka na nagpatuloy sa pagkain. "So How are you?" Pagkuwan ay tanong nito matapos makasubo ng pagkain na binili nya. "Ayos lang ako. Don't worry" Sagot ko dito ngunit kita sa mukha nya na hindi ito kumbinsido sa sinabi ko. "So the rumor is true?" Tanong muli nito na agad kong inilingan. "Yes we met in mall and i came in his unit but that was it and nothing more" Pagsisinungaling ko dito dahil ayaw kong pandirian nya ako at baka hindi ko pa magawa ang task ko sakanya. "I believe in you" Sagot nito na may kasamang tango saka na nagpatuloy sa pagkain at ganon na din ang ginawa ko. Matapos naming kumain ay sabay na kaming pumunta ng Hospital dahil pareho lang din naman ang pupuntahan namin. Nagbibiruan pa kami habang sabay na naglalakad. "Malisyoso nalang talaga ang lahat ng tao ngayon kaya dedmahin mo nalang ang mga chismis tungkol sayo" Ani ni Doc Juancho na kina tango ko. "Aminado akong malande, kahit sino ay pwede kong patusin" Wala sa sarili kong sabi na kinagulat at tigil nya sa paglalakad. "W-what?" Di makapaniwalang tanong nito na kina tawa ko. "Wala!" Natatawang sabi ko kaya sinamaan nya ako ng tingin. "Ano nga ulit yon? Baka nabingi lang ako" Tanong muli nito na nagpalakas ng tawa ko kaya nakaagaw ng ilan sa mga nakakasalubong namin. "Clown ba ako? Bakit tawa ka ng tawa dyan?" Inis nitong sabi ngunit alam ko naman na biro lang sakanya iyon. "Alangan na umungol ako diba?" Natatawa kong sabi na kina ngisi nya kaya natigilan ako. "I can make you scream in pleasure!" Ngisi nitong sabi na kina ilang ko bigla saka nag iwas ng tingin na kina tawa nya ng malakas "Hoy! Wag mong seryosohin yon. I'm just kidding" Natatawa muling sabi nito ng hindi ako nakasagot sa naunang sinabi nito "W-wag ka kaseng nagbibiro ng ganyan baka kase .." Naiilang kong sabi na kina tahimik nya. "Kase?" Tanong nito na lalong nagpa ilang sa sitwasyon ng pinag uusapan namin. "Kase.... Baka pumayag ako" Wala sa sariling sagot ko na kina awang ng labi nya at saka hindi na naka imik. Nginisihan ko ito na kinanlaki ng mga mata nya saka ko na siya iniwan at nauna ng pumasok sa hospital. Alam kong sa susunod na magkita at mag usap kami ni Doc Juancho ay hindi na gaya ng dati dahil binigyan ko na ito ng motibo para mag iba ang tingin nya sakin. Kailangan ko ng gawin ito dahil kailangan ko ng matapos ang task ko dahil naiinip na ang Leader ng organisasyon. Lagi na din akong ginugulo ni Ms.Heaven dahil bakit daw ako natagalan ako sa huling target ko. Akala siguro nito ay isang kanin na mainin na hihipan mo lang ay pwede mo ng kainin ngunit hindi ito kagaya non. dignidad at pagkatao ko ang nakasalalay dito kaya gusto ko pag isipan at pagplanuhan ng maigi bago ko gawin. BAHALA NA!.......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD