Chapter 5: The Lost Chamile

4091 Words
Buong buhay ng dalagang si Vina Oliveros, naniniwala siya sa kaisipan na hangga’t hindi niya nakikita ay hindi niya ito paniniwalaan. Nakatatak na sa kaniyang isipan na lahat ng bagay o pangyayari, hindi niya paniniwalaan hangga’t hindi ito nakikita ng mismong mga mata. Sa pamamagitan noon, hindi kailanman malilinlang ang dalaga ng mga tulad na tao. Malawak ang pag-iisip at prinsipyo ni Vina ngunit ang kaniyang paniniwala ay limitado. Hindi naniniwala si Vina sa mga nilalang na Tramos. Sila ay produkto lamang ng mga malikhaing imahinasyon dulot ng mga alamat at kuwentong bayan na nagpasalin-salin sa mga dumarating na henerasyon. Ang mga Tramos ay nasa isip lamang ng mga mortal. Ngunit ngayon ay sinubok ang paniniwala ni Vina sa nasabing nilalang. Hindi siya makapaniwala! Dahan-dahang nagbago ang hugis ng katawan ni Vince! Napalitan ang bawat parte ng katawan nito at tinubuan ng puting manipis na balahibo! Mula ulo hanggang paa, nagbago ang lahat! Hanggang sa isang iglap, napatakip si Vina sa kaniyang bibig nang maging puting tigre ito... Ang mas nagpabilis ng t***k ng puso ni Vina, isang bagsak na sumulpot ang mga buntot nito na hindi lamang isa kung hindi lima! Puti rin ang buntot ng puting tigre. Hindi ito tulad ng buntot ng mga pangkaraniwang tigre dahil ang mga buntot ay tulad ng sa mga FOX o sa Tagalog naman ay SORO. Namimilog ang mga mata ni Vina! Puting tigre at maraming puting buntot? Saktong-sakto ang pagkakalarawan! Ang anyo ng Tramos! “Hindi...” bulalas ni Vina na tila nabuhusan ng pagkalamig-lamig na tubig. Napailing-iling siya at nagpikit-dilat ang mga mata. Kinusot-kusot pa ang mga ito ngunit kahit ano ang gawin niya, hindi nagbago ang nakikita niya—nasa harap niya ngayon at kasama niya ngayon ang isang puting tigre na may limang puting buntot—isang Tramos! At nasa mismong harap niya lamang ito ngayon! Umilaw ang mga mata ng Tramos na kulay asul. Naglakad ang Tramos na si Vince patungo kay Vina at kulang na lamang ay tila ba atakihin na sa puso ang dalaga! Para bang nakakita ito ng multo ngunit higit pa sa multo ang mga Tramos! Ang mukha ng dalaga ay tila ba nakasalubong ang tauhan ni kamatayan. “Naniniwala ka na ba, Vina?” tanong ng Tramos na si Vince at unting-unti ang paglaki ng mga buntot nito, naging higante at saka muntikan pang maabot ang chandelier sa laki! Sa nakitang iyon ni Vina... Ilang sandali pa ay dahan-dahang pumikit ang mga mata nito at nanghina ang tuhod. Hindi naman nagpahuli si Vince. Tatama na sana ang ulo ni Vina sa babasaging table matapos nitong mawalan ng malay nang kaagad siyang makapag-teleport nang mas mabilis pa sa kidlat sa kalangitan at sa isang iglap lamang, nasalo niya ang dalaga—saktong nakabalik na si Vince sa kaanyuan nito bilang taong lalaki. “I can’t blame you for passing out,” mahinang saad ni Vince at matamis na napangiti kay Vina. “You will see more so brace yourself...” Walang kahirap-hirap na binuhat ni Vince ang dalagang nawalan ng malay. Kusa at awtomatikong bumukas ang pinto ng isang kuwarto gamit lamang ang pag-ilaw ng mga mata ni Vince. Ito ang kuwartong inihanda niya para kay Vina noong gabing iyon ngunit umalis si Vina noon. Ngayon ay ito ang unang beses na magagamit ni Vina ang sarili niyang kuwarto dahil siguradong-sigurado si Vince—sa mansiyon niya na titira ang dalaga. Ang kuwarto, talaga nga namang pambabae ang kabuuang disenyo at arkitektura. Maliwanag dahil bukod sa dalawang ilaw sa kisame at sa gitna nito ay may mini chandelier ay ang mga kagamitan sa paligid ay light colors at hindi masakit sa mata. Maliwanag at tahimik ang apat na sulok ng kuwartong ito. “I hope, hindi ka umalis bukas,” anang binata habang marahang inilalapag si Vina mula sa pagkakabuhat niya sa paraang bridal style. Seryoso ang mukha ni Vince. Maamo namang natutulog ang dalaga. Kinumutan ni Vince si Vina at inayos din ang pagkakahiga nito. Maging sa pagtulog, tunay na napakaganda ng dalaga. Hinawi ni Vince ang ilang mga hibla ng buhok na humaharang sa mukha ni Vina ngunit nang mapagtanto ang ginawa niya, agad rin namang natauhan. “There’s only one thing why I wanted you to know about me, Vina...” pagsasalita ni Vince na bagaman tulog ang dalaga ay gusto pa rin itong kausapin. “But first, I wanted you to live here para alam ko ang lahat ng ikinikilos mo...” Mahinang napatawa si Vince. “Siguro, maging ikaw ay hindi naniniwala sa akin. Halos lahat kayo ay hindi naniniwala at nakatutuwang malaman na kabilang ka sa kanila, Vina. And now that you saw me as a Tramos, I hope na paniwalaan mo. Don’t use ignorance as defense mechanism if magising ka bukas.” Tumayo si Vince at muling umilaw ang mga mata nito. Mabilis na nagbago ang kaniyang anyo mula sa tao—naging isang puting tigre. Umusbong ang limang buntot na tulad ng sa mga fox o soro at dahan-dahang lumaki ang mga buntot na halos sakupin na ang kalahati ng kuwarto ni Vina. Ito ang tunay na anyo ni Vince. Hindi isang mortal. Hindi siya tao. Isa siyang Tramos. Napatitig ang mga asul na mata ni Vince kay Vina, kasabay ng pagpasok ng mga alaala sa kaniyang isipan—ang pangyayari noong araw na iniligtas ni Vince si Vina sa paparating na truck at isang bagay ang nawala kay Vince. Kasalukuyang nakatingin si Vince sa sales ng pinatatakbong restaurant. Every three months ay sinusuri niya ang sales ng walong restaurant. Napangisi siya habang tinitingnan ang sales report—tumataas pa ang rate nila. Sa tuwa ni Vince, lumabas siya ng mansiyon na naka-formal attire upang magtungo sa malapit na branch ng hawak na restaurant. Imortal man at isang Tramos, matagal na panahon ng natutuhan ng binata na kapag ang isang nilalang ay natutuwa, dapat itong magdiwang at magsaya—patunay na ang nangyari ngayon na tumataas ang sales nila. Ngunit may humadlang sa plano. Ang planong magdiwang nang kahit simple ay hindi na naituloy pa nang maparaan si Vince sa isang jail. Ang sinasakyan niyang kotseng two seater audi na kulay itim ay huminto sa parking area. Nakita niyang may isang lalaki ang nang-hostage ng isang simpleng babae. Napapikit si Vince sa inis. Hindi talaga siya tinatantanan ng ganitong mga senaryo. “Ang mga mortal nga naman, mahilig sa laro. After that, hindi naman pala kayang tapusin. Humans are indeed vulnerable to mistakes,” saad ni Vince na umiiling pa sa sarili. Agad siyang sumandal sa two seater audi na binili dalawang buwan pa lamang ang nakalilipas. Pinanuod niya ang nangyayaring kaguluhan at nang makita ang mukha babae ng babae, agad siyang napatindig ng tayo. Tila ba may kakaibang ihip mg hangin ang dumampi sa kaniyang balat dahilan nito para umilaw ang kaniyang dalawang mata at naging asul ito. Light blue, kumikinang, tila ba diyamante ito. “Walang lalapit! Masasaktan ang babaeng ito! Pakawalan ninyo ako!” Naglakad si Vince patungo sa gawi ng lalaki na nagwawala at sa hostage nitong babae. Kaagad namang nahawi ang daan. Bawal makisali ang kung sino-sino pagdating sa mga ganitong senaryo at mga awtoridad lamang ang maaaring kumilos sa ganitong trabaho. Kung bakit nahawi ang daan at hindi inawat ng mga pulis si Vince na makisasali sa nangyayari? Kung bakit walang pumigil sa kaniyang pulis gayong isa siyang sibilyan? Dahil ito sa mga mata ni Vince na naging light blue at umilaw. Isa sa kaniyang kapangyarihan bilang imortal at bilang isang Tramos ang pagmamanipula ng mga tao, ng isipan nito—ngunit limitado lang ang bilang. “Sino ka?! Ano ang ginagawa mo?! Isang hakbang mo pa ay tutuluyan ko na ito!” sigaw ng lalaking nang-hostage nang lumapit si Vince at kampante lang itong nakapamulsa. “Paano kung ayaw ko?” sagot ni Vince. “Papatayin ko ang babaeng ito!” Sarkastikong napatawa si Vince nang mahina. Napatingin siya sa kaniyang wrist watch na bagay na bagay sa kaniyang maugat na kamay paakyat sa braso. Hindi man nais makialam ni Vince ay wala siyang magagawa dahil sa babae. “You’re wasting my precious time. I hope you enjoy your stay behind bars,” huling sinabi ni Vince bago titigan sa mata ang lalaki. Hindi rin nagtagal ay nawalan ito ng malay at natumba sa kaniyang kinatatayuan at saka naman nakawala ang babaeng hostage. Umalis na rin siya roon at sumakay ng kaniyang two seater audi car at tumulak patungo sa malapit na branch ng Four Central. Pagdating ay nag-CLOSE muna sila para sa morning dulot nga ng sinabi ni Vince na simpleng pagdiriwang, kasiyahan at kainan ng mga employees. Tuwang-tuwa naman sila. “Thank you for the effort of everyone. Hindi ito mangyayari kung hindi dahil sa inyo.” Nagpalakpakan ang mga employees mula sa mataas na position, hanggang sa mga regular at part-time employees. Mataas ang paggalang at tingin ng mga ito kay Vince dahil bukod sa kagalang-galang ito, matipuno, guwapo, maasahan at butihing general manager ng branch, maayos at maganda rin ang pakitutungo ng binata sa kanilang lahat. Inihanda ang mga pagkain sa pinagdikit-dikit na dining table. Ang ilan ay nasa kusina pa upang kumuha ng mga utensils. Ilang sandali pa, nahagip ng mata ni Vince dahil sa bilis ng kaniyang senses at reflexes—ten times kumpara sa mga mortal ang isang employee na kumukuha ng malalim na bowl. Sa cabinet iyon at nang kumuha ito ng isa, nasangga ang iba dahilan para maaari itong malaglag sa employee, walang kaalam-alam! Umilaw ang kanang mata ni Vince at naging asul ito. Bumalik sa dati ang pagkakaayos ng mga nasanggang bowl at naiwasan ang sanang insidente—na si Vince lang din naman ang nakaaalam. Nakahinga siya nang maluwag. Nakatulong ang pagiging imortal at pagiging Tramos niya sa mga ganitong bagay. “Thank you, Sir Pedrosa!” sabay-sabay na saad ng mga employees. Nagsimula na rin silang kumain at tahimik lamang si Vince na ngumunguya ng kaniyang beef stake. Sa gilid niya ay isang red wine. Nagtatawanan at nagkukuwentuhan naman ang mga tao. Mayroon din ngang lumalapit kay Vince na mga babaeng employees at mga katrabaho niya at hindi naman lingid kay Vince ang mga motibo nito. Kabisado na ni Vince ang mga imortal, ang mga behavior nila. Kabisado na ni Vince ang mga babaeng lagi na lamang nangungulit sa kaniya. Gaya ngayon na hinawakan pa ang kaniyang hita at batok. Hinaplos pa ang kaniyang tainga. “Excuse me.” Tumayo si Vince at pumasok sa rest room ng mga staffs. Pagharap niya sa salamin, kaagad siyang napapikit nang makarinig ng mga mahihinang paghikbi ng isang pamilyar na babae. Nararamdaman niya ang lungkot dito. Tinungo ng kaniyang reflexes ang babaeng iyon at nakita niyang wala sa sariling naglalakad ito patungong highway! At nakikita rin sa kaniyang isipan ang paparating na truck na sasalubong na sa babaeng umiiyak! Umilaw na naman ang kaniyang mga mata at naging light blue na kumikinang. Naglaho si Vince at sa isang iglap ay nasa tabi na siya ng babae malapit sa gitnang bahagi ng highway! Kaagad niya itong itinulak kasama siya at sila ay gumulo sa gilid ng highway! Ngunit napalaki ang mata ni Vince nang isang asul at maliwanag na marmol ang biglaang lumabas sa kaniyang bibig! Hindi siya makapaniwala! At papasok na ito sa bibig ng babang iniligtas niya! Bumagal ang paligid... Isang Chamile! Ang asul na marmol na maliwanag ay isang Chamile pagdating sa mga Tramos na tanging sila lamang ang nakakikita. Saktong pumasok ito sa bibig ng dalaga at gayon na lamang ang gulat ni Vince nang malunok ito. Aksidente ang lahat! Hindi lubos akalain ni Vince na maluluwa niya ang isa sa kaniyang mga Chamile! Mahalaga sa kaniya ang Chamile na iyon dahil katumbas noon ang isa sa kaniyang pang-imortal na kakayahan! Dali-dali silang bumangon at pinagpagan ang kanilang mga sarili. Nagpanggap si Vince sa harap ng dalaga na parang walang nangyari—na para bang hindi niya nailuha ang kaniyang Chamile na napakahalaga sa kaniya bilang isang Tramos... Bumalik sa katinuan si Vince nang biglang maramdaman ang pagbaling ng mahimbing na natutulog na si Vina sa kanang direksiyon. Kaagad ring bumalik sa pang-mortal na kaanyuan ang binata mula sa pagiging isang Tramos. Lumabas na siya ng kuwarto ni Vina na nangangamba ang dibdib. Kailangan niyang makagawa ng paraan dahil na kay Vina na ngayon ang isa sa kaniyang mga Chamile. Kinabukasan, maagang nagising ang dalagang si Vina. Tumama ang sinag ng araw nang direkta sa kaniyang mukha. Agad siyang napabangon at nag-unat-unat. Napahikab pa ito ngunit malapad at matamis ang ngiti. Napasarap ang kaniyang pagtulog. Nagmulat ng mga mata si Vina at napagtanto ang kaniyang kinalulugaran. Napayakap siya sa kaniyang sarili sa takot habang nanlalaki ang mga mata, nang maalala niya na narito nga pala siya sa mansiyon ng binatang si Vince! Hinding-hindi niya makalilimutan ang nangyari kagabi! Hinding-hindi kailanman! Ipinakita lang naman ni Vince ang tunay na kaanyuan bilang isang nilalang na Tramos! “Hindi panaginip ang lahat?! Totoo nga ang mga nangyari kagabi?!” hindi makapaniwala, tulala, takot, nagugulumihanan, hindi na alam ang gagawin na tanong ni Vina sa kaniyang sarili habang nanginginig ang tuhod at kamay. Talagang hindi panaginip iyon dahil kitang-kita niya ang pagbabago ng kaanyuan ni Vince! Saksi mismo ang kaniyang dalawang mga mata na mula sa katawan ng tao, naging isang puting tigre na may maraming buntot si Vince at hindi nagsisinungaling ang mata! Nang mapatingin siya sa clock na mismong nakadikit sa wall ng kuwarto, alas-siyete na ng umaga! Napasabunot pa sa sarili ang dalaga dahil naalala niyang matapos makita ang kaanyuan ni Vince ay nawalan siyang malay. Sadyang iyon ang naging initial reaction ng katawan ni Vina dahil sa gulat at pagkabigla. “Ano na?! Mananatili na lang ako rito?! Hindi ako aalis?! Kasama ang lalaking iyon?!” Takot na takot ang boses ni Vina. Humaharap siya sa standing mirror sa kuwarto. Maganda ang kinalalagyan niyang room at tunay ngang nakamamangha ngunit wala siyang panahon para purihin ito dahil kailangan niyang umalis! Isang malalim na buntonghininga ang siyang pinakawalan ni Vina. Napapikit siya at agad rin namang namulat. Kinagat niya ang labi. Marahan, maingat, hindi dapat makalikha ng kahit maliit na ingay si Vina. Lumabas siya ng kuwarto—sa isip-isip na sana ay hindi siya maabutan ni Vince at tulog pa rin ito. Kung titingnan ay para bang isang magnanakaw si Vina na pumasok sa pagnanakawan nitong mansiyon dahil maingat talaga ito sa ingay. Nang makalabas sa kuwarto, normal naman ang buong mansiyon. Tahimik. Wala si Vince. “Sana talaga ay tulog pa.” Dire-diretsong naglakad si Vina nang lubos ang pagkahinhin upang hindi lumikha ng ingay. At nang makarating siya sa double door, saka naman siya nakarinig ng isang ingay! Napalingon siya sa isang pinto ng kuwarto at doon ay kabubukas lamang ng pinto at agad na nanlaki ang mga mata ni Vina! Iniluwal nito si Vince na kaliligo lamang at basa ang buhok! Nagtama ang kanilang paningin at napalunok na lamang si Vina sa labis na kaba. Walang gumalaw na kahit isa sa kanila. Tahimik. Wala ng sinayang pang oras si Vina at kaagad na lumabas ng mansiyon at nagtatakbo sa malawak na labas ng mansiyon! Ito na ang kaniyang pagkakataon para makaalis sa mansiyon na iyon kung saan naninirahan si Vince matapos niyang makita ang anyo nito! Kung bakit takot na takot si Vina? Dahil ayon sa kaniyang ina noong siya’y bata pa, ayon kay Manong Dencio, ayon sa mga alamat at higit na kuwentong bayan, ang mga nilalang na Tramos ay pumapatay ng mga tao at puntirya nito ang mga laman-loob! Takot na takot si Vina dahil hindi niya lubusang maisip iyon! Mahal ni Vina ang kaniyang buhay! Nang marating niya ang higanteng gate, wala siyang sinayang na bawat segundo at lumabas na roon. Saktong pagkalabas, animo’y nabuhusan ng malamig na tubig si Vina nang bumungad sa kaniyang harapan si Vince. Tuyo na ang buhok nito, nakabihis na ng formal attire at ang nameplate nito na Pedrosa at General Manager na position. "Paanong..." tanging kumawala sa bibig ni Vina. Dahan-dahang umatras ang kaniyang mga paa sa kaba at takot. Paano nangyari?! “Saan ka pupunta? Hindi ka man lang ba mag-breakfast? You should eat first before leaving,” mahinahon na pagsasalita ni Vince. Kung ano ang kampante ng binata, siya namang kabaliktaran ng sa dalaga dahil halos hindi na huminga si Vina sa harapan ni Vince! “P-Paano? Naroon ka sa loob, hindi ba? Paano at naunahan mo pa ako?! N-Nakabihis ka na rin...” utal-utal na ani Vina. “Why? Don’t tell me, hindi ka pa rin naniniwala hanggang ngayon na isa akong Tramos?” paghahamon ni Vince at napangisi. “I told you, maniwala ka na lang and accept the fact that I am existing. Tramos really exists and I am the living evidence myself." Napahinga na lamang nang malalim si Vince nang umiling si Vina. “Paano ako ganap na maniniwala kung lubos na ang paghahalo ng mga bagay sa isip ko?! I am not like you! Magkaiba tayo! Masisiraan ako ng bait sa iyo!” tarantang sagot ni Vina. “Okay. Mauuna na ako sa iyo.” Tumalikod na rin si Vina at nagtatakbo palayo sa tapat ng mansiyon na iyon. Nang makarating sa isang tahimik na kalye, kahit papaano ay nabawasan ang kaba at takot sa kaniyang sistema nang mawala sa kaniyang paningin ang binata. Talagang hindi siya makapaniwala! Hinding-hindi dahil buong buhay niya, ito ang unang pagkakataon niya na nakakita ng isang kakaibang nilalang! Tunay na kakaiba at hindi pangkaraniwan! Kitang-kita niya ito at saki ang dalawa mismong mga mata sa pagbabago ng anyo ni Vince at sa tunay na kaanyuan nito! Ilang sandali pa... “Vina! Vina Oliveros! Ikaw ba iyan?! Vina! Sa likuran mo! Narito kami!” Napatayo si Vina sa kinauupuang semento at napalingon sa likuran. Nakahinga siya nang maluwag nang makita ang mga kaibigan na sina Miro, Seah, at Jinna na tumatakbo patungo sa kaniyang direksiyon. Alang-alala sa kaniya ang mga ito at nababahala pa. “Vina! Narito ka!” bungad ni Seah at mabilis na yumakap sa mahal na kaibigan. “Sa wakas ay nakita ka na namin! Akala namin ay dinakip ka na o may kumuha na sa iyong masamang loob! Grabe ang overthink namin sa iyo! Alam mo bang ganoon ka kahalaga, Vina Oliveros?!” “Narito ka lang pala! Pinaghanap mo pa kami!” singit naman ni Miro at sunod na yumakap kay Vina. “Gusto na nga naming tumawag at sabihin sa pulis ang nangyayari!” dagdag ni Jinna na halos hinihingal sa pagtakbo. “Ang kaso ay wala pang 24 hours ng disappearance mo! Hindi na rin masama na nakita ka namin ngayon at ligtas ka! Alam mo ba na hindi ako nakatulog nang maayos kagabi sa kaiisip?!” Napahinga nang malalim si Vina. “Isa-isa lang at marami ang kalaban.” Napatawa si Vina. Binatukan ng tatlo si Vina dahil nagawa pa nitong magbiro sa ganitong situwasyon. Agad rin naman silang napatawa at napayakap sa isa’t isa. Nakahinga nang maluwag si Vina dahil nakalayo na sa mansiyon ni Eldrin at higit sa lahat ay may kasama na siya ngayon. Naglaho ang takot dahil nakangiti si Vina. “Saan ka ba kasi galing?!” tanong ni Miro ngunit ilang sandali pa, napahawak si Vina sa tapat ng kaniyang puso dahil sa paninikip. “M-May tumulong sa akin at dinala ako sa isamg clinic. Pasensiya na kung hindi ko na nasabi sa inyo dahil sobrang sakit. Ang sabi naman ng doktor ay pagod lamang iyon at na-shock ako dahil sa over emotion ko dahil nga kagabi ay pinalayas ako ni Tiyang Isabel.” Kasinungalingan. Hindi totoo iyon. Walang ganoong nangyari. Hindi siya pumunta sa isang clinic wala rin siyang kinatagpong doktor dahil ang tunay at katotohanan, dumating si Vince at hinawakan siya nito—roon nawala ang sakit hanggang sa isang iglap ay nasa mansiyon na sila kagabi. Samantala, hindi ipinahalata ni Vina na ngayon ay nasasaktan siya. Naninikip na naman ang kaniyang dibdib—parehas ng kung ano ang kaniyang nararamdaman kagabi matapos siyang yakapin ng mga kaibigan... Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Vina! Ngayon ay sumasakit na naman ang puso dahil niyakap na naman siya ng mga kaibigan! Tama! Iyon nga! Ngunit ano ang nangyayari?! Bakit ito nangyayari kay Vina?! “Nakaiinis talaga ang tiyahin mo na iyon!” ani Jinna. Napatango na lang si Vina at ininda ang sakit at paninikip ng dibdib. Ano ang gagawin niya? Hindi niya alam ang gagawin dahil naririto ang kaibigan! Dalawang beses na itong nangyayari! Ibig sabihin ay sa tuwing hahawakan siya ng kaibigan o yayakapin ay mangyayari ito?! Ngunit bakit? Ano ba ang nangyayari sa kaniya? Hindi naman siya ganito noon! Saan at kailan ito nagsimula?! Bakit ito nangyayari kay Vina?! “Vina, ayos ka lang?” tanong ni Seah. “Oo naman! Bakit hindi?” natatawang ani Vina ngunit sa kaloob-looban ay naninikip ang dibdib at parang inuubos ang kaniyang lakas at enerhiya. “Ayos lang ako! Natutuwa nga ako na walang nangyari sa ating lahat! Tinulungan ako ng kaibigan ko kagabi kaya ayos na ako.” Matamis na ngumiti si Vina ngunit sa loob ay nasasaktan. Para bang may kung ano ang nasa kaniyang puso at nagiging dahilan ito para makaramdam ng biglaan at hindi lalong maipaliwanag na sakit. Basta, ang alam ni Vina, may isang taong kailangan niya ngayon. Iyon ang tanong nagtanggal sa kaniya kagabi ng nararamdaman katulad ng sa mgayon. Ngunit ano ang gagawin niya? Wala si Vince! Tinaboy niya ito kanina at tinakasan pa nga! “Nag-breakfast ka na ba, Vina? Kumain muna tayo at ilibre ka na namin. May mga klase rin kami. Alam mo na, graduating sa kolehiyo. Ano, tara?” haya ni Seah at tumango lang si Vina ngunit sa isip-isip ni Vina, hindi niya alam kung hanggang saan at hanggang kailan niya maiinda at makakayanang tiisin ang sakit. “Hindi na pala!” biglang bawi ni Vina dahil kapag nanatili pa siyang kasama ang mga kaibigan, baka muling mangyari ang siyang nangyayari ngayon! “Kayo na muna dahil nga may pupuntahan pa ako. Next time na lang.” “Sumama ka na! Minsan lang ito! Isa pa ay dapat kaming matuwa dahil wala namang nangyaring masama sa iyo!” “Dadalawin ko kasi si Papa sa kulungan...” Nagkatanguan na lamang ang tatlo dahil sa naiintindihan nila si Vina. “Mag-iingat kayo, ah? Huwag ninyo na rin akong masyadong alalahanin dahil ayos na ako. Mayroon na rin akong nahanap na pansamantalang tuluyan. Mag-iingat kayo!” paalam pa ng dalaga rito. Nang mawala sa paningin ni Vina ang tatlo niyang kaibigan, napahawak siya sa kaniyang puso at napaupo sa batong semento. Roon niya ininda ang kanina pang naninikip na dibdib at kumikirot na puso. Mahina siyang napadaing at napapikit na lamang. Ano ang gagawin niya gayong hindi niya nga alam in the first place kung bakit ito nangyayari? Napayuko siya at tumulo ang luha. Hindi na maipaliwanag ang sakit. Nag-angat siya ng tingin nang makitang may humingong kotse sa kaniyang harapan. Sa tuwa ni Vina, agad siyang napatayo at sinalubong ang taong papalabas doon! Dumating sa kaniya si Vince! “Vince! Tulungan mo ako!” Lumapit sa kaniya si Vince at hinawakan ang kaniyang kamay. Gaya ng inaasahan ni Vina, gaya ng nangyari kagabi, nawala nang unti-unti ang pananakit ng didbib ng dalaga. “Kaedaran mo ba ang mga kaibigan mong iyon?” tanong ni Vince at tumango si Vina. Hindi alam ni Vina kung paano nalaman ng kaharap na binata na naririto siya sa sa isang tahimik na kalye ngunit gayunpaman at nakahinga siya nang maluwag. “Napagtanto mo na na hindi ka dapat lumapit sa kanila, tama?” tanong ni Vince na ikinatango ni Vina sa ikalawang pagkakataon. “Huwag kang lalapit muna sa kanila. Huwag ka rin masyadong makisalamuha sa kahit sino. Kahit masangga, masagi, dumikit ang balat mo, kahit ano. Huwag kang didikit sa kahit sino, naiintindihan mo?” Tumango si Vina dahil para sa kaligtasan niya rin naman ito. Nagpaalam na ang binatang si Vince at naiwan naman si Vina sa tahimik na kalye. Ngayon ay malinaw na kay Vina ang lahat ng mga nangyayari. Tunay nga na isang Tramos si Vince at naniniwala na siyang totoo nga ang mga Tramos. Nakamamangha lamang na ang dating kinatatakutan ng mga tao na Tramos, ang dating nilalang na hindi lalong pinaniwalaan ni Vina, ngayo’y harap-harapan niya nang nakasasalamuha at nakauusap. “So totoo pala talaga ang mga Tramos?” nakangising ani Vina sa kaniyang sarili't napatango-tango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD