Nag-ingat nga si Vina sa hindi pagsama at sa hindi pakisasalamuha sa kahit sino. Kahit nga ay dumikit ang balat ay lubos na iniiwasan. Hindi papayag si Vina na masaktan. Kung kinakailangan niyang sumunod sa sinasabi ni Vince ay gagawin niya. Para din naman ito sa kaniyang kapakanan at kaligtasan. Mahirap ang hindi ka makadikit sa katawan ng balat ng ibang ito lalo pa sa mga matataong lugar. Kailangang maging doble na ang pag-iingat. Gayunpaman, hindi pa rin mawala kay Vina ang labis na pagtataka. Wala siyang alam. Ano ba ang mga nangyayari? Bakit nga ba ito nangyayari? Paano ito nangyayari? Saan ito nagsimula? Kailan nga ba ito nagsimula? Ano ang puno’t dulo ng lahat ng ito? Ito nga lang nga ba ang bagay na dapat gawin ni Vina? O mayroon pang iba? Anu-ano naman ito? Iwinaksi ni Vina an

