Tuwang-tuwa pa rin si Vina nang mahagkan ang lahat ng mga binili sa kaniya ng binatang si Vince. Hindi maawat ang mga ngiti sa labi niya na hindi mapigilan tulad ng hininga niya. Lahat ng kasuotan mula casual, formal attire, dresses, hanggang sa pantulog ay kumpleto. Halos dalawang milyon ang ginastos ni Vince para sa mga ito kaya’t hindi pa rin napigilan ni Vina hanggang ngayon ang malula at higit sa lahat ay mamangha. Labis ang tuwa ni Vina. Parang lumulutang sa alapaap. Sino’ng mag-aakala na ang mga dating bagay na sinusulyapan lamang ni Vina mula sa malayo ay napasa kamay niya na rin ngayon? Hindi lubos akalain ng dalaga na lahat ng ito ay sa kaniya at tanging sa kaniya lamang. Tila ba idinuduyan siya ng langit sa labis na tuwa. Buong buhay kasi ni Vina Oliveros, hindi siya nagkaro

