Dalawang araw matapos malaman ni Vina na ang model at actress na si Giselle Librada at ang Vice President Dela Paz ng bansa ay mga Tramos din pala, mas lalo lamang na naging interesado si Vina sa mga nasabing nilalang. Hindi makapaniwala ang dalaga. Hindi naman sa nasobrahan ang kaniyang reaksiyon, sadya lamang ang mga personalidad na ito ay hindi basta-basta—may itinatago pala ang mga ito. “Giselle at President Dela Paz...” bulalas ni Vina habang tumatango-tango at malalim ang iniisip. Naiisip ng dalaga na sino pa kaya ang mga nilalang na Tramos na ikagugulat ni Vina na hindi pala tao? Isang araw nang bumisita si Vina sa kaniyang ama, naparaan siya sa isang magazine corner. Ang magazine corner na ito ay puro may kinalaman sa entertainment, showbiz, at product endorsements ng mga celeb

