Normal naman ang mga nakalipas na araw sa buhay ni Vina at Vince. Ginagawa nila ang kanilang mga trabaho at pinagkakaabalahan. Hindi rin nawala sa kanila ang kumustahan. Si Vince ay pinagbubuti ang kaniyang trabaho, si Vina naman ay ang pagbisita sa kaniyang Tatay Frado, pakipagkikita at kumustahan sa mga kaibigan na sina Seah, Miro at Jinna, at siyempre, si Vina rin ang nagbabantay at siya ring naglilinis ng mansiyon ni Vince Pedrosa. Masaya naman si Vina. Isang umaga, bandang alas-nuwebe, Sabado, napagpasyahan nina Vince at Vina na muling puntahan ang tiyahin. Bibisitahin nila ito dahil kahit papaano, may pakialam pa rin naman ang dalaga sa malupit na tiyahin. Kadugo pa rin naman ito at may malasakit pa rin siya rito. May malasakit pa rin ang dalaga sa kabila ng mga panlalait, pamama

