Lingid sa kaalaman ng dalagang si Vina... “Sarap ng kain natin kanina, Pare, ah! Tingnan mo, busog na busog, oh!” bungad ng isang lalaking preso na malaki ang pangangatawan at maitim ngunit maraming tato sa balat kay Frado, kapapasok lamang ng kanilang selda. “Nasarapan yata! Suwerte ng kupal na iyan, ano? Araw-araw na masarap kinakain!” singit naman ng isa ring preso na medyo tigasin. Hindi na lang umimik si Frado at naupo sa isang karton sa gilid at nagpahinga. Hindi niya na lamang pinansin ang mga kasama rito sa selda dahil lilikha na naman ito ng gulo sa kanila. Inisip na lamang ni Frado na hindi siya papatol dahil ayaw niyang bigyan pa ng mga alalahanin ang anak na si Vina. Ngumiti siya. Napadighay si Frado at narinig iyon ng mga kasamahan niya na ngayon ay nakatingin sa kaniya. P

