Minsan, dahil ayaw nating mag-alala ang mga taong mahal natin sa buhay, nagagawa nating maglihim o kahit magsinungaling sa kanila. Minsan, mas pipiliin na lamang natin na atin na lamang ang problema at huwag na itong banggitin pa sa kanila dahil hindi natin nais na sila ay mag-alala at mabahala. Mas pipiliin na lamang natin na sarilihin ang ating suliranin dahil naniniwala tayong iyon ang nararapat, iyon ang tama, at iyon ang mas makabubuti. Hindi nalalayo ang situwasyon ng dalagang si Vina Oliveros. Ukol ito sa nangyaring ginawa ng kaniyang tiyahin sa mansiyon ni Vince. Gusto niyang banggitin kay Frado ang panggugulo ni Isabel. Gusto niyang ikuwento ang mga binabalak nito upang sa gayon ay may alam si Frado sa nangyayari kay Vina bilang sila ay mag-ama dahil iyon ang nararapat. Gusto

