Matagal na rin mula nang sumagi sa isipan ni Vina ang isang bagay ukol sa mga Tramos at hanggang ngayon ay wala pa ring kasagutan sa kaniyang lalong lumalalim na kuryosidad. “Paano ang ibang mga Tramos? Ang ibig kong sabihin ay paano sila makikita? Paano nga ba malalaman na sila ay mga Tramos?” tanong ni Vina. Tahimik ang coffee shop, sinabayan pa ng isang classical music. Mayroon ditong ilang mga estudyante, employees, mga office workers, mga simpleng tao, at kung sino pa. “Gusto mo silang makita talaga? As in?” Tumango si Vina. Gusto lamang tugunan ang kuryosidad bunga ng ang mga Tramos nga ay nabubuhay pala talaga at hindi lamang sa mga kuwentong bayan—na nakasasalamuha rin ng mga tao sa pang-araw-araw na buhay. “You will not be scared nor terrified? You really sure you want to see

