bc

The Fool's Game

book_age16+
4
FOLLOW
1K
READ
opposites attract
humorous
lighthearted
straight
city
like
intro-logo
Blurb

What?!"

"Anong what? Hindi ka ba natutuwa na uuwi na si Blue dito?"

"Masaya, sobrang saya po" saad niyang nanlulumo " kelan daw po?"

"Sa linggo daw. Nga pala Lily-"

"Mama, Rain po-"

"Ewan sa'yo.. samahan mo na rin siya pumunta ng University bukas. Balak niya atang dito na mag-aral."

"What?!"

"What lang ba ang natutunan mo sa school? Ha? Sayang pala ang tuition na binabayad namin."

"Iskolar po ako-"

"Lily Rain-"

"Mama naman eh."

"Dito na rin pala muna siya titira habang under renovation pa yung bahay nila."

"What?!"

"Ang saya di ba?! Magkakasama na kayo uli ng Bestfriend mo."

I'm so dead!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Bakit ba sa tuwing dumarating siya nagugulo ang buhay ko? At hindi na nakuntento sa simpleng arrival, laging grand entrance, kulang na lang latagan pa siya nang red carpet para super VIP na. Naiinis talaga ako. Syete! Bakit ngayon pa? After 12 years na missing in action siya sa buhay ko ngayon niya pa naisipang bumalik. Payak at payapang buhay lang naman ang ginusto ko, pero sa pagdating niya malayo na atang manyari yun. Sa mga taong yun, ni sulat, tawag o text wala akong natanggap. Papayag na sana ako kung sa Antartica o sa North Korea siya napunta, pero naman, USA-the land of the free! - ganun na ba kawalang signal at connection dun na kahit friend request ko hindi niya magawang i-accept? Kung gaano ang kina-rich at gifted niya ganun naman siya ka-poor sa technology. Sobrang outdated! Nung mga taong wala siya, ang gulong kinamulatan ko ay ang talak ni mama bilang morning greeting, tantrums ni kuya dahil sa paulit-ulit na pagkabigo sa pag-ibig at ang chika minute ni ate sa katirikan ng araw habang nilalantakan ang pan decoco at kapeng paborito niya. Pag nakisabay pa si papa sa mga sentimento dahil sa bagsak na ekonomiya ng bansa, tatakbo na lang ako sa kwarto para isipin siya. Siya? Naisip ko na naman. Syete! "Bakla, sayang ang tinapay. FYI, kinakain yan, hindi yan stress ball. Sige ka, pagnakita ka ni Ate Rose na nilalamutak yang pan de coco tyak dadanak ang dugo dito." "Paki mo?! umalis ka na nga dito." sabay irap ko sa kanya. "Hilig mo pumunta dito sa gantong oras para mag-meryenda. Wala ba kayong pagkain sa bahay?" "Bakla ang sama mo. Sige ka, papanget ka lalo nan." sabay kagat na naman ng pande coco. "Ang galing kasi nang baking skills ng ate mo. Can't get enough of her pan de coco." "Yucks! Where are your manners? Don't talk while mouth is full." Sita ko sa kanya. "Tse. Nagsalita ang babaeing matimtiman at di makabasag pinggan." Sarkastiko niyang tugon. Kelangan kong makaganti! "Crush mo si ate no? Umamin ka?" Out of the blue ay bigla kong naitanong habang pilit kong pinipigilan ang tawa ko. "Eww ka. Bakla ako di ba?! di kami talo." Pansin ko talagang sobrang defensive nang isang ito kapag nabanggit si ate. "Defensive masyado. Boto nama ako sa'yo eh. Bagay kayo." tomodo na ako sa halakhak dahil sa di mapintang mukha nya. "Remind lang kita baka makalimutan mong huminga ha. Teka, balita ko babalik na daw si Blue. Okay ka--" Pinutol ko na siya bago pa dumilim, umulan at bigla na lang magkaroon ng kidlat at kulog sa kwartong ito. "Wait France, pa-open nga muna ng radyo. Top ten Countdown na eh." Pag-iiba ko nang usapan. "Tse. Evasive-" "Dali na." Pagpupumilit ko. "Opo, ito na nagmamadali na mahal na princesa." Pang-aasar niya. "Good boy." "Hindi ako aso. Baliw ka talaga." Humalaklak na naman ako. Kapag kasama ko talaga itong baklang ito, no dull moments. Hawak-hawak ko ang tyan ko sa kakatawa nang- Paki usap ko sa'yo wag ka nang magbabalik. Pagkat itong puso ko ay sa'yo pa rin nasasabik Kung saka-sakali man aking nang nababatid Sa'yo ay mahuhulog lang kaya't Wag na wag ka nang magbabalik "Patayin mo yan!!!!" Asar. Even the song is teasing me. "Ano? Sinong papatayin?" he's playing dumb this time. "Damn, papatayin mo ang radyo or I'll kill you first?." "None of the above." "Francisco Romano Sy!!!!" "Calm down.. sige na, ito na." Tumatawa siyang tumayo para patayin ang radyo. "Epic ang reaction mo bakla." "Paki mo?!" "Miss mo na siya?" "Ask that again and you're dead." Pinandilatan ko na rin para matakot siya nang bongga. Pero wa epek. "Move on na kasi bakla. 12 years mo nang inalagaan yang feelings mo. Kung sa human stages of development hindi na baby yan, adolescent na y an. Please lang, wag mo nang antayin na mag-debut pa yan. Kalimutan mo na kasing nabasted ka--" "France!!!" sigaw ko sa kanya. "Eh ano nga yun kung ikaw ang pinaka-batang nabasted?!" Bwisit! Halatang pinipigilan niya ang tawa niya. "Sa ngayon, two words lang ang makakatulong sa'yo." He suddenly changed his tone. Sumeryoso din sa wakas. "Ano yon?" mahina kong tanong. "Oi. Interesado siya." Malandi talaga ang baklang ito! "Bahala ka na nga!" akma na akong tatayo nang nagsalita siya ulit. "Move on." --HAHAHAHAHAHAHAHA.- Hindi ko na mapigilang tumawa. "Move on? Patawa ka bakla. Matagal na kaya akong naka-move on." "Talaga lang ha." Sabay hawak sa baba na tila nag-iisip. May sasabog na bomba sa bibig nito for sure! "Sure ka? Eh ano yong dramang ginawa mo ten years ago?" "matagal na yun bakla." Confident kong sabi. "Tse. Pasimula pa lang yan." he's grinning and i hate it! "No doubt bakla ka nga, chismosa." Baka sakaling mapikon at umalis na. "Oo naman. Aminado naman ako dyan." Siya na ang proud! "Five years ago, nilibre mo ako ng lunch the whole month para lang sa stolen picture nyong dalawa." Oo, at naubos ang ipon ko dahil dun. "Yun lang--" he cut me before i can finish. "hep-hep, patapusin mo muna ako... two years ago, halos magwala ka dahil nalaman mong i-nadd nya ako at ibang friends natin sa sss at ikaw hindi. Nag-antay ka ng isang buwan pero walang request na dumating. Isang linggo kang parang nakalunok ng leon nun at parang naghahanap ng away. Nung i-nadd mo siya hanggang ngayon hindi pa rin kayo friends. At ang malala, you threatened me to give you my sss password." Na hindi niya rin talaga binigay kahit in-offer ko pa ang cellphone no. ng crush niya. "Dati pa yun. I've moved on." I said trying to convince him. "Don't make me laugh bakla. Yung collection mo nang Doraemon, yung paulit-ulit mong panonood ng Ocean's Eleven, yung playlist mong puro The Script songs at ang pinaka-malaking ebidensiya... ang room mong puno ng color blue, mula sa pintura, kama, aparador pati tiles ng CR mo tsaka--- pati ata yung suot mong panty eh. Lahat nang paborito niya ginusto mo rin.. at lahat yun, nagsusumigaw in your very own room. Manhid lang ang hindi makaka-halata." "Tapos ka na sa litanya mo?" Bakit ang mga bakla masakit magsalita? Lahat nang sinabi niya tumagos sa puso ko. "Not done yet. And lastly, nang makita mo sa magazine at billboard ang mukha nang karibal mo-The Great Alexandria Fall Chua- parang gusto mong bumagyo para liparin ang mukha niya." "No-" "Denial Queen." "Sabi na ngang hindi eh." "Okay sabi mo eh.. pakopya na ng assignment." "Manigas ka!" "Mga broken-hearted talaga matataray." Oh Well! Below the bealt yan! "Lumayas ka dito. Isusumbong kita kay Ate!!" pagtataboy ko sa kanya. "Aalis na kamahalan." He acted like a servant bowing down to a princess and maneuvers his way to the door. At last aalis na rin ang bakla. He suddenly stops and turns to face me. "Paganda ka ha, magkikita na kayo bukas." He winks and I heard a squealed in the door as he sprinted his way out. "Damn. I'm doom!!!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook