Chapter 2

1002 Words
"Papa, magugunaw na ba ang mundo?" tanong nang madrama kong ina kay papa na laglag ang pangang nakatingin sa akin. "Cupcake, hindi tayo namamalik-mata. Si Rain talaga yan." mangiyak-ngiyak pa si papa habang sinasabi yan. Kinikilabutan pa rin ako sa tawagan nila ni mama. Eww! "Papa-Mama" tawag ko sa kanila. Kung alam ko lang na ganto ang magiging reaksyon nila hindi n asana ako nagsuot ng mini dress na ito. Decent naman ang cut nito ah? Problema ng mga to? "Masyado lang kaming natuwa Anak." With matching pahid pa ng panyo sa kunwaring luha niya. "Sa wakas, dalaga ka na. Akala ko talaga magiging tomboy ka na. First time ka nagsuot ng dress, dati kahit anong pilit naming ng ate mo ayaw mo talaga. Kahit nung debut mo hindi ka talaga nagpatalo at nag jeans ka lang." Gusto ko nang umiyak dahil sa kadramahan ng magulang ko. "Magsisimba po kami ni ate kaya ganto yung attire ko." Pulang pula na ako sa kahihiyan. "Sige po, kung ayaw nyo magpapalit na lang ako--" isusumpa ko ang araw na to! "Wag na anak. Bagay na bagay sa'yo ang suot mo. Hayaan mo, mag shopping tayo bukas para bumili ng maraming ganyan. Papa, peram ng credit card bukas ha?!" excited na tanong ni mama kay papa. "Oo cupcake. Kahit sagarin niyo pa basta ganyang klase ng damit ang bibilhin nyo." Supportive si Papa! Hindi ko rin naman maalis ang magtaka at magulat sila sa suot ko ngayon. Bestfriends ko ang jeans, shirt and chucks. Kaya nung makita nilang naka-dress at doll shoes ako, todo sa reaction ang nakuha ko mula sa kanila. Napa-isip kasi ako dun sa huling sinabi ni France. "Magpaganda ka, magkikita na kayo bukas." Na LSS ata ako sa linyang yan kaya paulit ulit na nag-play sa utak ko. Ang epekto? Napatakbo ako sa Mall para bilhin tong suot ko ngayon. Hindi ko rin talaga alam kung anong sumapi sa akin. "Ma, alis na--" napatitig si ate sa akin. Inikot ang tingin mula ulo hanggang paa. At isang malakas na tawa ng pangongotya ang hindi nya napigilang pakawalan. "Ate naman eh. Magsisimba pa lang tayo gumagawa ka na agad ng kasalanan." Magsama-sama kayo! "Sorry, sorry." Pero ang lakas pa rin ng tawa niya. "Ang nice naman ng color blue na dress sa'yo. Bagay na bagay bunso." May kasunod na hirit pa ito! "Speaking of Blue, ngayon ang uwi nun Mama no?" sabi ko na nga ba eh. "Oo. Kaya umuwi kayo nang maaga ha. Wala nang lakwatsa pagkatapos magsimba." Sabay baling sa akin "Ikaw rain, wag ka muna pupunta sa plaza para maglaro ng Volleyball. Me bisita tayo kaya gusto ko kumpleto tayo." Siya na ang VIP! "for sure uuwi yan ng maaga." Mahina but audible enough for me to hear it. Ate naman eh! "Ano yun Rose?" sige ipaulit mo pa mama. "Wala po. Ang sabi ko po excited na akong Makita si Blue. Binatang binata na siguro yun." Sabay tingin ni ate sa akin ng mapanloko. "Halika ka na." Hila sa akin ni ate. "Aalis na po kami Ma, Pa." Nagmano kami saka tuluyan nang umalis. -- Wala akong naintindihan sa mga sermon ng pari. Ang isip ko ay naglalakbay sa kung anong pwedeng mangyayari mamaya. Scripted man, pero marami na akong napractice sa isip ko na pwedeng sabihin sa kanya. Tulad ng "Kamusta ka na? Binata na ah!" pero masyado atang FC yun. Kung ito naman, " It's Rain, remember me?" para namang gusto ko talagang maalala niya ako. Pwede ring "Oi. Long time no see. How's life in the US?" pero masayadong cliché. At ang epic, "Blue? Ikaw na ba yan. Gosh. Halos din a kita makilala." I sigh frustratedly. Bwisit Ka Blue! Bakit ka pa kasi uuwi? Pero teka, marunong pa ba yung mag-tagalog? "Earth to Rain-" that cut me from over thinking. "Po?" I asked. "Kayo ni France, ang tahimik at parang ang lalim nang iniisip." Kami? Si France din? I turn and saw France na hindi mapakali at parang nakalunok ng kung ano dahil sa sobrang tahimik. Pinabayaan ko na lang, for sure hindi niya kaya ang makasama si ate sa iisang sasakyan. Bakla daw? Eh wala ngang bahid ng kabadingan sa kilos at pananalita niya. Halata namang patay na patay ito kay ate. "Wala naman po. Iniisip ko lang kong anong ulam sa bahay ngayon." Bilhin mo na rin po sana ate kahit walei ang rason ko! "Okay. Pero excited na akong makita si Blue." Ayan na naman. Bumabalik na naman sa favorite topic niya. Ate, please! "Oi Rain, okay ka lang? Di ako sanay na tahimik ka." Nag-aalala niyang tanong. "Opo. Antok lang po ito. Tulog po muna ko, paki gising na lang po ako kapag nasa bahay na tayo." I lean to the car's window and try to pretend na matutulog talaga ako. Kahit na antok talaga ako dahil magdamag akong gising, ang puso ko ayaw pa rin akong patulugin ngayon dahil sa sobrang lakas ng t***k nito. Ano na lang kaya kapag nagkita na kami? Baka atakehin na talaga ako nito. "We're home." ate said candidily. Si france naman nagmadaling bumaba sa sasakyan. "Sige Rain, Kitakits na lang sa Monday." I thought aalis na siya pero nagsalit siya ulit. "Ate Rose, salamat sa paghatid ha." He looks agitated. Huli ka bakla! "You're always welcome." Sabay kindat sa kawawa kong kaibigan. His heart is melting for sure! At tama nga, dahil nagtatakbo na ang bakla paalis. "Ate, may gusto ata si France sa'yo. Crush mo din siya?" I asked innocently while making my way out of the passenger's seat. "Huh?" She's blushing. I caught her off guard. " Hindi ah. Ikaw na bata ka, pumasok ka na nga." I smell something fishy but disregard the thought when I saw an unfamiliar car parked in front of our house. My world stops turning. My heartbeat accelerated and became wilder. I can sense fear crept in my system. "I'm so not ready to meet him." I exclaimed frustratedly.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD