Chapter 9

1041 Words
Blue's POV Love. Isang pamilyar na salita na madalas kong mabasa sa mga children's book. Katulad ng I love my pet. I love ice cream. I love New York. Salitang sa mura kong isipin ay akala ko'y simple lamang ang kahulugan. Ngunit ng banggitin ni Lily ang katagang yan gamit ang nakakapanibagong malumanay at nakakapanindig balahibong lambing, lihim akong napangiti. Sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng kakaibang ligaya dahil sa salitang iyan. Naging malaking palaisipan ito para sa akin, parang isang puzzle na level 10 sa hirap o isang Math equation na nangangailangan ng complex solution. Isang tanong ang nagpabago ng lahat. What is love? Sa pa-bloom ko pa lamang na isip, love is equal to blueberry cheesecake na masyado niyang paborito at patagong ninakaw sa bag ko. Yan lamang kasi ang alam kong laman ng isip niya. Simple. Pambata. Walang malisya. Malay ko bang may hugot na lalim itong si Lily. Hindi ko masyadong binigyan ng pasin ang sinabi niya. Kailangan ko munang samahan si Denise dahil kalilibing lamang ng kanyang mama. Si Denise ay pinsan ko. Hindi ko alam kong bakit hindi talaga sila magkasundo ni Lily. Siguro dahil pareho sila ng ugali. Mataray, maldita pero may tinatago rin namang kabutihan. Nung gabing ihatid ko sa bahay si Denise, nagulat ako sa sinabi niya. "Oi si Blue, may lovelife na." Panunukso ng makulit kong pinsan. Takbo akong umuwi ng bahay. Agad na ginoggle and salitang love. "May iba pa ba itong meaning." Tanong ko sa aking sarili. Love is an attraction based on s****l desire. Napalunok ako. "Malayong ito ang ibig sabihin ni Lily." Isip ko habang napatango bilang pagsang-ayon. Naghanap na lang ako ng synonym ng salita. Love is synonym to affection, attachment, devotedness, fondness, passion. Naging malinaw sa akin ang kahulugan nito. Ang hindi ko na lamang maintindihan ay kong bakit sinabi ni Lily ang salitang yan sa akin? Ako na paboritong i-bully niya. Na kahit na aklat na bigay ni lolo ay di nalampas sa lupitt niya. Sabihin na nating nagbago na ang pakikitungo niya sa akin, pero andun pa rin ang takot ko sa kanya. Kaya bakit niya sinabi yun? Anong ibig niyang sabihin? Magdamag din akong di nakatulog sa paghahanap ng kasagutan. Hindi na ako pumasok ng araw ng pag-alis naming. Alam kong pupunta si Lily sa bahay para makapag-usap kami. At buo na rin ang loob ko na magtanong sa kanya. Napa-sandal ako sa labas ng gate naming habang natatawa sa aking pagbabalik-gunita. Una ko siyang nakita ay nagulat ako, lagi ko kasi siyang nakikita na binu-bully ang mga kaedad niyang bata, kahit lalake walang sinasanto. Pero ang masdan siya sa malayo habang nakikipaglaro at panoorin siyang nagbabasa sa bintana ang naging libangan ko. Naging misteryo para sa akin kung bakit gusto ko siya laging Makita. Kung bakit sa kabila ng lahat, gusto ko pa rin siyang maging kaibigan. Pakiramdam ko kilala ko na siya dahil sa madalas kong pagtatanong tungkol sa kanya. Wala akong maisip na sabihin sa una naming pagkikita. Kaya naman isang tanong na "Anong pangalan mo?" na lamang ang nasabi ko. Nang iba ang sabihin niyang pangalan, nalungkot ako. Kaya naman ng mapansin ni mama ang kakaibang kilos ko, agad kaming dumalaw sa bahay nila Lily at sadyang iniiwan sa bahay nila. At buti naman hindi rin nagtagal ang pambu-bully niya sa akin at agad niya naman akong tinanggap na kaibigan. Salamat sa aklat ng lola ko. "Blue, alis na tayo." Napalingon ako sa tawag ni mama. "Ma, sandali na lang po. Parating nap o si Lily." Paglalambing k okay mama. "Alright. We'll go after 15 minutes." With finality na sabi ni mama. Wala akong nagawa kundi ang mapatango na lamang. "Nasaan ka na ba Lily?" isip ko. "Nakalimutan na naman niya siguro na 15 minutes late ang wall clock sa room. "Halika na Blue." Tawag ni mama sa akin papuntang sasakyan. "Sige tita. Mauna na po kami." Pagpapaalam ko sa mama ni Lily. "Ingat kayo hijo. Ako ng bahala kay Lily." Ang huling narinig k okay tita. Napahinto ako sa paglalakad, napatingin sa daang laging tinatahak ni Lily pauwi galing school. "Blue, tara na!" I heared mom called at madali na rin akong pumasok sa kotse. "Bye, Lily." Yan na lamang ang naisip ko habang pinapaandar ni Manong Ruben ang sasakyan. I was leaning to the window. I am trying to control my tears from falling. I suddenly remember why I like to call her Lily. Mom is very fond of flowers. One day I went to the garden and saw mom na nagdidilig ng halaman. "Blue, alam mo ba kong anong halaman ang pinaka-paborito ko?" tanong ni mama sa akin. "Si mommy namin eh. I'm a boy, I'm not interested to flowers." Pagra-rason ko. Pero nakita kong nag iba ang aura ni mama. "Ano po ba mommy?" habol kong tanong bago pa magalit si mommy. "Lily of the valley." She said smiling. "San po bay un sa mga tanim nyo?" tanong ko uli. "Walang ganun dito Blue. Sa mga malalamig na lugar lang yun lumalaki." Napatango na lamang ako dahil wala na akong maitanong. "Alam mo ban a ang ibig sabihin ng bulaklak na iyan ay You will surely find happiness." She paused at akala ko tapos na ang sasabihin niya. "Kaya ikaw Blue, find a Lily- someone who will bring you happiness." And she smiled widely. "Blue!" rinig kong tawag ng pamilyar na boses. Agad akong napatingin sa rearview mirror at agad na pinahinto ang sasakyan. Takbo akong lumapit kay Lily. "Lily." Pag-aalala kong tawag sa pangalan niya. Ang dami kong gusting itanong ngunit hindi ko na nasundan uli ng tawagin niya ang pangalan ko. "Blue." Rinig kong tawag niya at nawalan na siya ng malay. Madaling nagdatingan sila tita para buhatin si Lily sa isakay sa kotse. Naiwan akong basa sa ulan at tulala. Nakita ko ang bag ni Lily. Madali akong pumunta sa malapit na shed at nagsulat sa likod ng notebook ni Lily. Dito ko sinabi lahat ng gusto kong malaman niya na hindi ko nasabi sa kanya ng personal. Nang makarating na kami sa airport, inihabilin ko ang bag ni Lily kay Mang Ruben. Aasa ako Lily... Aantayin mo ako...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD