Advance Happy Birthday to my dearest friend eshnie. May God bless you always =)
______________________________________________
"Ang sakit ng ulo ko." Reklamo ko habang naka-upo na sa kama.
Daig ko pa si Cinderella na dapat by 12 midnight ay nakauwi na. Ako by 10pm, dapat nagsisimula na ang journey sa dreamland. Pero dahil sa mga pinanggagawa ni Blue, masyadong na-excite ang malandi kong puso. Nagtatalon at kung may paa lamang ito, baka tumakbo na papunta kay Blue. Napatingin ako sa salamin sa kaliwang bahagi ng kwarto. Nakapanlulumo ang nakikita ko.
"Eyebags to the left, eyebags to the right." Napasabunot ako sa buhok ko.
"Ang epekto ng isang oras na tulog." I sighed frustratedly. Bahagya akong napatingin sa wall clock at-
"9:00 o'clock"
"Jusko! Patay ako kay Mama." Madali akong bumangon at nagtatakbo palabas ng kwarto.
"Good Morning!" pambungad na bati ng lalakeng kabubukas lang din ng pinto.
"Whatever!" sabay irap ko sa kanya. Pero sa totoo lang, kung ganto kagwapo ang babati sa akin, solve na araw ko. But for my sanity's sake, I need to pretend. Nang tuluyan na siyang nakalabas, nagulantang ako sa view na nakita ko.
"Blue naman. Ang mura ng t-shirt bakit di ka makabili? Hindi ba marunong mag t-shirt ang laking States?" Pagtataray ko ng makita kong wala siyang suot na pantaas. Katatapos lang ata nya maligo nito.
"Nahiya naman ako sa'yo." Aba't sumasagot pa. "Sa pagkakaalam ko mas mura ang suklay. Hindi rin ba marunong magsuklay ang mga Filipino. Wait, baka sa'yo lang yun applicable." At domoble na ang tawa niya pagkatapos niyang magsalita.
"Kapal! Nagsalita ang feeling Amerikano." Ay grabe. Nakakapikon na talaga siya. Ano ba naman ito? Halong kilig at inis ang dala ng lalakeng ito.
"Buti gising ka na." Pag-iiba niya ng usapan. "Akala ko need pa kitang gisingin eh."
"Kelan ka pa naging taga-gising ko? Baka gusto mong isama kita sa antique na orasan ni Lola para tuwing mag-aalarm yun saka ka lang lalabas." Pang-aasar ko sa kanya.
"Since yesterday." At tumawa na naman ang loko. "That's an old style. Kiss lang for sure gising ka na." Sabay ngiti ng sobrang mapanloko habang nakatingin sa akin.
"Blue!" sigaw ko sanya. Wala na akong pakialam kong magising man sila Mama. Pero mas lalo pa siyang tumawa.
"Mag-breakfast ka na at Mag-ayos. Sasamahan mo pa ako sa school."
"Manigas ka!" akma n asana akong lalakad nang magsalita siya uli.
"Lily naman. Mamili ka. Isusumbomg kita kay tita o better kiss na lang para samahan mo ako?" Kiss na naman? Puro salita hindi na lang gawin. Haha.
"Blue!" galitna tawag ko sa pangalan niya. Kinuha ko ang tsinelas na suot ko at agad na inihagis sa kanya pero madali siyang nakapasok sa kwarto at naisara ang pinto.
Hindi ko alam kong anong dapat kong maramdaman sa kinikilos ni Blue. Nakakapanloko, nakakakilig, nakaka-bwisit. Nagsasama nang lahat. Bigla ko tuloy naalala ang Dinner kagabi-
"Sa wakas, nagising din ang bunso naming." Pambungad ni Mama sa nakakairitang boses. "Salamat Blue ha, ikaw lang pala ang makakagising sa tulog mantika naming prinsesa." Sige ma, ipahiya mo pa ako.
"No sweat tita. Ang dali nga pong gisingin ni Lily eh." Pagmamayabang niya. Ikaw ba naman takutin, sinong hindi magigising?!
"Bunso." Tawag ni kuya sabay tapik sa braso ni Blue. "The magic of Blue. Alam mo bang-"
"Kain na po tayo." Putol ko sa gusting sabihin ni kuya. For sure kalokohan lang naman ang sasabihin niya. Good- Dahil hindi na natuloy ni kuya ang sasabihin. Bad- Kasi nakuha ko ang atensyon ng lahat. At ang mapanuring mata ang aking pamilya ay nakatutok sa akin.
"Tara na po, let's eat." Pagyaya ni Blue na pumutol sa pag-uusisa ng aking pamilya. Did Blue just save me? Hayy, buti na lang.
Teka lang. Parang nangyari na ito 12 years ago? Ramdam ko ang mga butil ng pawis na namumuo sa noo ko. Hindi ako makakain ng maayos. "Pwede ba Blue, wag mo akong titigan." Isip ko. Bakit kasi magkaharap kami ng upuan?
Si kuya at Si ate pigil ang tawa. Si mama naman ay parang tuwang-tuwa pa sa nakikita. Si papa naman as usual, patay malisya.
"Bunso, ayaw mo ban g pagkain? Wala atang bawas ang paborito mong adobo?" Si ate na halatang sinadyang magtanong.
"Busog pa po kasi ako." Pagsisinungaling ko kahit nagmamaktol na ang mga bulate sa tyan ko.
"Rain, samahan mo sa school si Blue ha." Si mama na nag-uutos na naman.
"Pero ma, may pasok-" hindi ko na natapos ng sumabat si Blue sa usapan.
"Okay lang po. Ayoko pong abalahin pa si Lily." At siya na ang magaling magpa-awa.
"Pasensiya Blue ha." Si mama na mukhang disappointed talaga sa inasal ko. Masaya na sana dahil nanalo na naman ako, pero ng makita ko ang mukha ng pamilya kong takang taka- alam kong may hindi magandang mangyayari.
"Blue." Tawag ni kuya. "Okay lang bang Lily ang tawag mo kay bunso?" nanlaki ang mata ko sa tanong ni kuya. Kung may laman lang ang bibig ko malamang naibuga ko na iyon sa pagkabigla.
Tumingin muna sa akin si Blue bago sumagot "Bakit po? Okay lang-" nagulat ang lahat ng tumayo ako.
"Mama" tawag ko. Uminom muna ako ng isang basong tubig bago nagsalita uli. "Sasamahan ko na po si Blue bukas." Agad akong tumakbo sa kwarto. Tama lang ang ginawa ko, dahil hindi titigil si mama hanggang hindi nakukuha ang gusto.
--
"tulala ka na naman."
"Ay palakang nalaglag sa kawali!" sabay hawak ko sa dibdib ko sa sobrang gulat. Kanina pa pala ako nakatayo at tulala sa harap ng kwarto niya.
"I'll give you 30 minutes to prepare. Kung wala ka pa sa sala after that, ako na mismo ang magbubuhat sa'yo pababa." Wow! Bakit ba ang galing niya manakot?
"tick-tock. I'm counting." He said while pointing his index finger on his wrist watch. Agad-agad lang? Dali akong napatakbo papasok ng kwarto para sundin siya. Wait! Ako, sumunod? Ako, natakot?
"Oh My! This is not good!"