"Bunso, gising na." Rinig ko ang malambing na pagtawag ng boses ng lalake. Si kuya, naglalambing na naman.
Ilang segundo rin ang lumipas at akala ko ay umalis na siya. "Wala na akong balak kumain, di pa ako ready makita uli si Blue." Isip ko habang nakapikit pa rin.
On the way na sana ako sa dreamland nang maramdaman ko ang bahagyang pag-galaw ng kama. Istorbo naman si kuya eh!
"Bunso." Mahina niyang tawag sa pangalan ko. Pero nagpanggap pa rin akong tulog. Pero nakalaklak ata si kuya ng ilang botelya ng inuming may label na "Persistence" Kaya hindi pa rin siya tumigil sa pag-gising sa akin. Ramdam ko ang unti-unti niyang paglapit at pagyugyog sa braso ko para gisingin ako. Wa epek yan kuya, di magigising ang nagtutulog-tulogan!
"Gigising ka o hahalikan kita?" Agad akong napamulat at napa-upo sa gulat. What? Did I hear it right? Napakurap ako dahil sa sobrang dilim ng kwarto. Ang tanging liwanag lamang ay nagmumula sa bahagyang nakaawang na pinto.
Mas lalong nawala ang hang-over ko sa pagtulog nang makarining ako nang malakas na pagtawa. "Bwisit! Hindi si kuya ito, kung tama ang hinala ko-" hindi ko na natapos ang naiisip ko nang biglang bumukas ang ilaw. Napatakip na lamang ako ng mga mata dala na rin ng pagkasilaw.
"Wake up, Sleeping Beauty. Prince Charming is already here, do you still want a kiss?" Ay naman. Sa kilig ko. Scratch that. Sa inis ko ay agad kong kinuha ang unan at madaling inihagis sa kanya.
"Aba. Sobrang feel at home ha. Wala ka bang sense of privacy?" mataray kong tanong sa kanya with matching irap pa.
"What's the fuss? Dati nga tabi pa tayo matulog eh." he chuckled.
"Dati yun kasi-" lagot! Di niya dapat malaman na affected pa rin ako.
"Bakit ka nandito? Tsaka tigil tigilan mo nga ako Blue. What's with bunso? Yucks!" tapos nag-act ako na nasusuka talaga.
"Your brother asked for my help para gisingin ka. Kanina pa kaya siya labas pasok sa kwarto mo. Frustration is an unsderstatement nung Makita ko siya Lily. Kaya naman he asked for my help." Then he walks closer. "Nothing has changed, you're still the sleepy head I've known." I've known or I've left? Make it right Blue!
"Remembering the past won't do you any good." I said. Tumayo na rin ako and face him. "Maraming nang nagbago. Yung dating akalang nating d**o sa kanto ngayon puno na, yung Pluto hindi na ngayon planet, yung school ko hindi na lang basta College kundi University na at yung Blue na nakilala ko dati, ngayon palaaway na." Did I sound ampalaya?
Huminto muna ako para huminga dahil nakalimutan kung mag-pause sa haba ng sinabi ko. Nameywang ako bago uli nagsalita. "See, nakita mo na kung anong nagagwa ng Time. It has the power to change everything. Kung ikaw nagbago, ako pa kaya." Pagamamayabang ko. Pero mas lalo akong na-bwisit dahil sa haba ng sinabi ko, hindi naman pala siya nakikinig. Pinagmasdan ko siyang ikotin ng kanyang mga mata ang buong kwarto, na para bang si detective conan na sinusuri ang crime scene.
"Enjoying the view huh?!" I asked para maalala niyang nasa loob pa rin siya ng kwarto ko.
"You're talking about time and change, right?" he looked at me.
"Secret. Aba, kung nakinig ka eh di sana hindi ka na nagtatanong nan." ang loko, nakikinig naman pala.
"Pansin ko nga Lily ang laki ng pinagbago mo." Good. Buti naman hindi ako nahalata.
"Of course." Pagmamayabang ko.
"Mas lumala ka. You being sarcastic and-" he left it hanging. "You're still enjoying the same stuff." He said trying to hide his grin. Sabay kuha ng Doraemon Stuff toy na naka-display sa cabinet. "Favorite ko din ito." Takte! Paano ko ba nakalimutan na ang buong room ko ang ebidensiya ng kabaliwan ko. "You still like color blue? Mine as well." He said while flashing his so nakakalokong smile.
Takbo akong lumapit para kunin si Doraemon sa kamay niya. Pero madali niya rin itong inilipat on his other hand kaya naman maswerte kong kamay niya ang nahawakan ko. Natulala ako sa kamay naming magkahawak. Ramdam ko ang mabilis na pintig ng puso ko.
"Enjoying it, huh?" that paved the way para magising ang nagulantang kong diwa.
Madali kong inagaw si Doraemon. "Alam mo, dumudugo na ang ilong ko sa'yo. English ka ng English ang sakit sa bangs. Humanap ka nga ng ibang makakausap." Singhal ko sa kanya. Alam kong ang lame nang reasoning ko, wala na talaga kasi akong maisip eh.
"I will. Pero hanggang kelan mo gusto makipag-holding hands sa akin?" Sabay wagayway sa kamay naming magkahawak. "Maghahanap pa kasi ako ng kausap." Madali kong kinalas ang kamay ko sa pagkakahawak. Patola! Ang landi mo kasi Lily! Hindi ko na magawang tumingin sa kanya dahil sa sobrang kahihiyan.
"Lily, still there?" hindi ko na siya sinagot.
"Kakain na. Bumaba ka na ha." I nod in response.
Akala ko aalis na siya pero bigla siyang naglakad papalapit sa akin. He's looking at me with intent.
"Anong gagawin mo?" . Napahawak ako sa dibdib ko.
Nagpatuloy siya sa paglalakad until he is only inches away from me. Napalunok ako ng di oras, at unti-unting napapikit.
Napamulat ako when he suddenly grabs the Doraemon in my hand. And I heard him laugh. Nakakarami ka na Blue!
"Anong nasa isip mo?" Inosente nyang tanong habang nakataas ang isang kilay. Boom Panes!
"Akin na lang ito ha!" he's tone is not pleading but demanding. And as he trailed his way out of my room, naiwang akong nakanganga, tulala at confused.
"I hate you Andrei Blue Wright!"
"May araw ka rin!"