"Sshh." Pagtahan niya sa akin. Naramdaman ko ang unti-unti niyang paglapit.
"Wag kang lalapit." Saad ko habang nagpapa-unahan ang mga luha sa aking pisngi pero hindi pa rin siya tinitignan.
"Hindi kita sasaktan kaya wag kang matakot." Malumanay at malambing ang kanyang boses.
"Ayoko kong makipag-usap sa nagsasalitang multo. Lumayo ka sa akin." Unti-unti nang nawala ang mga luha ko pero ang takot ko andun pa rin. Narinig ko ang kanyang mahinang pagtawa.
"Hindi ako multo, bata lang din ako tulad mo." Agad ko siyang hinarap at nakita ang isang harmless, cute, tabaching-ching at nerd na bata." Iniabot niya ang kamay niya para tulungan akong makatayo pero hindi ko iyon tinanggap.
"Itong bola na ito ang hanap mo? Pasensiya nakita kasi ito ni aling Maria at agad namang iniabot sa akin dahil akala niya pagmamay-ari ko ito." Iniabot niya sa akin ang bola at agad ko naman iyong kinuha. Hindi pa rin ako kumibo dala na rin ng hiya.
"Ako nga pala si Blue." Masaya niyang pagpapakilala sabay lahad ng kamay. Hindi ko iyon pinansin kaya malungkot niyang binawi ang kanyang kamay.
"Ikaw ba yung batang nakita ko na nakatingin sa bintana, yung naglalaro ng basketball tuwing gabi?" inis kong tanong sa kanya.
"Oo--"
"Bakit puno ka ng dugo nung makita kita? Bakit hindi kita nakikita?" gusto ko sanang idagdag kung paano niya ako tinakot pero hindi pwede. Nakakahiya!
"Natapon kasi yung strawberry juice ko. Lumalabas naman din ako pero madalang lang. Home schooled ako at tsaka... wala naman kasi akong kaibigan dito." Malungkot ang pagkakasabi niya.
"Sige mauna na ako. Hinahanap na rin siguro ako ni Mama." I was about to run when I heared him speak again.
"Pwe- pwede bang malaman ang pangalan mo?" nauutal niyang tanong.
"Blue ang pangalan mo di ba?" tumango siya.
"Ako pala si Red." Patakbo akong lumabas ng bahay. "Nice one Rain." I said to myself while catching my breath.
Two days after I was informed na may bisita daw kami for dinner. Naisip ko baka si tita Tess yun dahil birthday ng pinsan ko bukas. I was just wearing a white printed shirt and shorts. Nasa library ako waiting for the guests to arrive.
"Rain, let's eat dinner. Nandito na sila tita." Sabi ko na nga ba si tita Tess yun eh.
"Thanks Kuya." I said at takbong pumunta sa Dining Area.
I was surprised to see unfamiliar faces. And what shocked me is seeing the boy named Blue in our house.
"Andito na pala ang bunso namin." Sabay hila sa akin ni Mama para ipakilala. "Monette, ito nga pala ang bunso ko." Agad naman akong nagpakilala.
"Ako po si Lily Rain M. Ibang-Ibang. I'm eight years old and currently in the first grade." Ganyan kasi ang gustong pagpapakilala ni Mama, kaya naman It's like a reflex to me.
"Ang cute naman ng bunso mo." Nakita kong proud na ngumiti si Mama. "Nga pala, meet Andrei Blue. Our one and only son." Sabay hila sa batang nakatago sa kanyan likuran.
"He's a very shy boy. But I hope you can be good friends since you're of the same age." Dagdag ng Papa niya.
"You can call me Blue." He shyly said.
"C'mmon. Let's Eat dinner na." Pag-aaya ni Mama.
It was uncomfortable eating with the same table with him. Tingin siya ng tingin sa direction ko. Hirap tuloy akong lumunok ng pagkain ko. It's creepy. But our parents are oblivious to it. Pero si Ate at Kuya, parehong nagpipigil ng tawa.
After that dinner, inasar ng inasar na ako ni Ate at Kuya.
"Dalaga na si bunso. Naunahan mo pa si Kuya Thorn mo ah." Pang-aasar ni ate.
"Si bunso may crush na." Biro ni Kuya na nagsisilbi na sa aking morning greeting.
Napadalas ang pagpunta ni Blue sa bahay. Gusto raw kasi ng parents niya na may kalaro siya sa halip na mag-isa sa bahay. Wala naman akong problema kay Blue, pero ang presensiya niya ay unti-unting naging bangongot para sa akin. Si Ate at si Kuya kasi, hindi na tumigil sa pang-aasar. Kaya naman sinimulan ko ang plano kong pagtataboy kay Blue. Lahat ata ng pambu-bully ay ginawa ko na. Nandyan ang tapunan ko siya ng pekeng ipis, kainin lahat ng baon niyang pagkain, sirain ang remote control car niya at lagyan ng langgam ang loob ng sapatos niya, pero sa sobrang bait ni Blue at ako na lang ang nahiya sa kanya. Hanggang sa sumagad na rin ang pang-aasar ng mga kapatid ko kaya mas lalong nag level-up ang pambu-bully ko. Ginunting ko lang naman ang aklat na bigay pa ng yumaong lola ni Blue. Sobrang nagalit sa akin si Mama kaya tomodo din ang konsensiyang naramdaman ko. Wala akong narinig na kahit anong panunumbat kay Blue pero simula nun, hindi na siya pumunta uli sa bahay. Dalawang linggo na ang nakalipas ng huli ko siyang Makita. Masaya ako dahil hindi na ako inasar pang uli nila Ate at Kuya pero andun pa rin ang pakiramdam na nasobrahan ata ang ginawa ko.
Until one day-
"Rain!"
Mabuti na lamang at naitulak ako ni Blue dahil kong hindi, baka duguan na ako ngayon at nasa ospital na. Nakita ko ang gasgas sa siko at tuhod niya. At kahit na siya ang nasaktan, kapakanan ko pa rin ang inuna niya.
"Okay ka lang?" sabay lahad ng kamay niya. Unti-unting nagliwanag ang paligid at tanging ang mukha nya na lamang ang nakikita ko. Ngumiti siya at agad naman akong nabighani sa suot niyang braces. Simula nun, naging best friend ko na siya. Takang taka si Mama, Papa, Ate at Kuya sa biglaang pagbabago ko. Hindi ko na rin pinansin ang pang-aasar ng mga kapatid ko. Nahilig kaming manood ng Doraemon at mag-basketball.
"Lily Rain pala ang kumpleto mong pangalan."
"Oo."
"Bakit Rain ang tawag nila sa'yo? Mas gusto kong Lily ang itawag sa'yo." Nakaramdam ako ng kakaibang tuwa.
"Bakit naman?" tanong ko sa kanya.
"Wala naman, gusto ko lang." Natatawa niyang kinamot ang kanyang ulo.
"Sige. Pwede mo akong tawaging Lily. Exclusive right mo lang yan ha." Kasi naman ayaw ko talagang tinatawag sa pangalang yan.
"Talaga?" Masaya niyang tanong.
"Oo nga."
"Salamat Lily." Nagulat ako sa bigla niyang pagyakap sa akin.
Maayos ang lahat, Masaya akong kasama si Blue. Nakikipaglaro na rin siya sa ibang mga bata. Pero nagbago ang lahat ng dumating ang dakilang asungot, Alexandria Fall Chua. Kasing edad lang din namin siya. Unti-unti niyang inagaw si Blue sa akin. Minsan ko na lang siya makita, lagi niya kasing kasama ni Alex.
Ang mas masakit pa, nalaman kong aalis na si Blue para mag-aral sa America. Pero hindi ko masulit ang oras na kasama siya, dahil sa tuwing mag-aaya akong makipag-laro, darating na lang bigla si Alex. Ang sakit lang, pero hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan.
"Rain, take it easy! Maraming pagkain kaya hindi ka mauubusan."
"Ate, bakit ganun, kahit anong kain ko hindi pa rin mawala yung sakit. Naiinis po kasi akong Makita na kasama ni Blue si Denise."
"Dahil kahit anong kain mo, hindi nan kayang punuan ang puwang sa puso mo. Rain, importante ba sa'yo si Blue?"
"Opo."
"Kung ganun love mo siya."
"Ano po yun?"
"Ganito Rain. Love ang tawag sa nararamdaman mo sa taong importante sa'yo. Kaya kung ako sa'yo, sabihin mo kay Blue yang nararamdaman mo bago siya umalis."
"Opo Ate." Tama ang mga sinabi ni ate. "Salamat po talaga." Takbo akong umalis ng kwarto para hanapin si Blue. Narining ko pa ang paghalakhak ni ate. Pero hindi ko na pinansin dahil siguro Masaya lang siya para sa akin.
Alas sais na ng gabi kaya madilim na rin. Nakita ko si Blue kasama si Denise na nakaupo sa nakalatag na tela sa bakanteng lote.
"Blue." Hingal kong tawag sa kanya.
"Lily." Masaya niyang bati.
"Pwede ka bang makausap?"
"Hindi." Ang malditang si Denise ang sumagot. "Busy kasi kami, next time na lang pwede?"
"Bukas aalis ka na, kaya kelan pa tayo pwedeng mag-usap kong hindi ngayon?"
"Lily." Tawag ni Blue sa pangalan ko. Naiiyak na ako pero hindi ko alam kong bakit.
"Halika na Blue." Ito namang si Blue ay agad namang sumunod. Akma na silang aalis ng hawakan ko ang kamay ni Blue.
"Blue , love kita." Tama. Sabi ni ate love ang tawag sa nararamdaman mo sa taong importante sa'yo.
Nakita ko si Alex na pinipigil ang tawa. Anong problema sa sinabi?
"Bukas na lang Lily. Dadaan ako sa bahay niyo bago umalis." At tuluyan na silang umalis.
Kinabukasan, nakalimutan kong 1st day pala ng pasok. 5pm ang alis nila Blue sabay din sa uwian ko. Nang mag-ring ang bell ay takbo akong umuwi. Nasa kala-gitnaan ako ng daan ng biglang umulan. Basang basa na ako pero hindi ako tumigil para magpa-tila. Kailangan kong makita si Blue sa huling pagkakataon.
Nang makarating ako ng bahay ay nakita ko ang sasakyan nila Blue na papa-alis na. Takbo kong hinabol iyon.
"Rain, hija."
Narining ko pa ang tawag ni Mama pero hindi ko na siya pinansin.
"Blue." Tawag ko habang tumatakbo.
Kailangan kong mahabol si Blue. Takbo lang ako nang takbo hanggang sa hindi ko na namalayan ang layo ng tinakbo ko. Unti-unti akong nilamon ng pagod at napaluhod na lamang sa daan. Hindi ko alam kung anong nangyari pero bigla na lang huminto ang sasakyang kanina ko pa hinahabol. Iniangat ko ang aking tingin at nakita ko si Blue.
"Lily. Basang basa ka na." Sabi niya nang makalapit na siya sa akin.
"Blue." Mangingiyak-ngiyak kong banggit sa pangalan niya. And all of sudden everything went black. His worried countenance was my last memory of him. At hanggang ngayon, hindi na mawala ang inis ko kay Ate.