Madali akong pumasok sa bahay para magtago, este, maligo at magkapag-ayos. Natawag ko ata lahat ng santo para ipanalangin na hindi ko siya makita pagpasok ko. At agad naman akong tinugon dahil ni anino niya ay hindi ko nakita . Ang sabi ni Kuya nagpahinga muna daw siya sa kwarto dahil nahihilo pa ito sa mahabang byahe. At sa kasamaang palad ang kwarto na ibinigay ng aking ever supportive na mother ay isang hakbang lang ang layo sa kwarto ko.
Naligo ako at kinuskos lahat ng bahid ng grasang nanganganlong sa makinis kung balat. At nagawa ko pa talagang magyabang? I just wore a doraemon-printed shirt and shorts na hindi naman ganun kaikli.
Hindi ako lalabas. Not until atakehin na ako ng gutom. Yan ang pinangako ko sa sarili ko. Humiga ako sa kama, without the intention of sleeping but to process everything that happened earlier. I am staring at the ceiling like a fool when I suddenly remembered that I have an ever reliable friend na nag-masteral sa kalandian, este, love. Kelangan ko talagang makausap si France. I need his wisdom. Kahit kasi buraot yun eh ever reliable naman ang mga advices nun. I dialled his number. Agad naman niyang sinagot.
"Hello."
"Bakla. Kelangan ko ang wisdom mo." Eksaherada kong paki-usap.
"Yung notebook ko muna. Asan na?" Tse. Nakiki-sabay pa sa problema ko.
"Oo na. Hahanapin ko mamaya. Tulungan mo muna ako.
"Fine. Nagkita na kayo ni Blue ano?!" ganon ba ako ka-obvious?
"Bakla, anong gagawin ko. Gone is the good boy Blue." I sighed. "I think h'es playing tricks on me." I said frustratedly as I grumble on my bed.
"Patawa ka bakla." Hindi pa rin siya matigil sa kakatawa. "Wag assuming ha. Maraming namamatay sa maling akala. Rain, kahit hindi mo na ikwento ang details, alam ko OA yang reaction mo. Sabi ko nga sa'yo di ba, two words, 6 letters lang ang gamot sa kabaliwan mo. MOVE ON. Dala lang yan ng malawak at sagana mong imahinasyon. Walang kayo, there was never an--"
"France!" pagtitigil ko sa drama niya.
"Naman eh. Quit the drama. Me something talaga kasi-"
"Sorry. Nadala lang." He paused. "Look Rain, I'm a very busy person. Gagawa pa ako ng assignment dahil di mo ako pinakopya. Oh siya sige, sa school na lang tayo mag-usap uli. Tulog at kain lang ang katapat nan. Kung hindi pa rin, call doctor quack quack very quick para magpakunsulta dahil lumalala na ang kaso mo." He laughed evily.
"France naman eh. Ilalakad kita kay ate." Si ate lang ang alas ko, gagamitin ko na!
"Bakla ako... bakla... bakla... dugo ni Cleopatra ang nananalaytay katawan ko. Magtigil ka nga bakla. Sige na, babosh."
"Fran-"
He ended the call.
"Pero France." Kausap ko ang sarili ko habang nakatitig sa cell phone ko. "Lily ang tawag niya sa akin. Siya lang ang pinayagan kong tawagin ako sa pangalang yun. Ano ha? Hanggang ngayon ganun pa rin ang tawag niya sa akin. Anong ibig sabihin nun?"
Naalala ko ang bulaklak na bigay niya sa akin dati. Inipit ko iyon sa aklat at itinago sa box. Patakbo ko akong lumapit sa cabinet and grab the box kung saan nakatago ang mga alaala ng aking kabataan. I open the book and saw a preserved flower- a lily to be exact- and suddenly, I remember a cute and plump boy wearing a dorky eyeglasses and braces. The boy I admire for 12 years now. The boy who owns the every beating of my heart.
--flashback-
Araw-araw, kakaibang takot ang aking nadarama sa tuwing ako'y mapapatingin sa bintana sa kabilang bahay. Pakiramdam ko ay may laging nagmamasid sa akin. I was seven then, yet think and act maturedly. Kaya naman kahit na may mga kaluskos akong naririnig sa gabi, bounce ng bola sa gitna ng gabi at pag-galaw ng kurtina sa bintana ay hindi ko na lamang pinansin masyado. Malayong kamag-anak pa daw namin si Andres Bonifacio kaya naman "atapang a tao" ang lahi namin. Hindi palalamang, di padadaig at magaling mambully. Balik tayo sa unang topic ko. Ang sabi ni mama may nakatira naman daw sa kabilang bahay. Pero bakit wala akong nakikita? Katulong at Gardener lang ang lagi kong nasisipat.
Hindi ako mahilig sa mga kwentong nagsisimula sa "Once upon a time" at nagtatapos sa "and they live happily ever after." Masyadong Pambata. Hindi bumenta sa akin ang pagiging clumsy ni Cinderella, gullible personality ni Snow White, katamaran ni Sleeping Beauty at ang epic na pag-aantay ni Rapunzel sa Prince Charming niya. I was young yet already know the value of being independent at kakayahang ipagtanggol ang sarili. I'm no damsel in distress and hates the idea of prince charming kaya naman lagi akong napagsasabihan ni Mama na "Act like a Lady." Kung hindi educational books, laging request ko okay ate at kuya ay yung mga kwentong horror. Yung sagad to the bones ang dalang takot. Kaya naman mas nadagdagan ang pagiging matatakutin at pagiging paranoid ko. Isang araw, nagbabasa ako sa table malapit sa bintana. I heard a squelled on the adjacent window, at mahihinang yabag. Biglang nagtaasan ang balahibo ko. At dahil nga proud to be Andres Bonifacio descendant ako, nilakasan ko ang aking loob at unti-unting napalingon sa bintana ng kabilang bahay. I blink once... twice... thrice. Pero bakit andun pa rin ang batang nakasuot ng white t-shirt at nagkalat ang dugo sa damit? Napahawak ako sa aking bibig... nag-mental count hanggang tatlo at nagtatakbo pababa. Agad kong naikwento ang nangyari.
They all burst out laughing like what I've said is some kind of a joke. Dala lamang daw ng malawak naimahinasyon ang mga nakita ko. Pinagalitan pa ako dahil sa dalas kong magpa-kwento ng mga horror stories. Kilala daw ni mama ang nakatira sa kabilang bahay, in fact, best friend nya pa nga daw ito. Never pa daw siyang nakarinig na nagreklamo ito tungkol sa issue ng multo.
"May tao po dun? Pero bakit wala naman po akong nakikita. Puro mga kasambahay lang po mama." Pagdadahilan ko.
"Rain baby,busy sa business nila ang kumare ko. May extension kasi sila sa US ng business nila kaya hindi mo pa sila nakikita." Malambing na saad ni mama.
"Pero mama, I really saw a ghost." And I am not lying nor daydreaming!
"Rain, maki-pagbati ka na kasi kay France, wala ka tuloy kalaro. Stop bullying your friends." Pangangaral sa akin ni mama.
"Mama... pero po-"
"No but's young lady. Go outside and play with your friends. Don't forget to say sorry kay France."
"Opo." Wala na akong ibang naisagot.
Takbo akong lumabas ng bahay. Bakit ba hindi sila maniwala sa akin. I grabbed the basketball. Naisip kong makipaglaro na lang kay France. Madali lang naman suyuin yun. Naglakad ako palabas ng bahay. Napahinto ako sa tapat ng Blue na bahay. Ang gara sana pero ang creepy talaga. Akma na akong lalakad nang malaglag ang bola at pinanood kong unti-unti itong pumasok sa loob ng bahay.
Napalunok ako. Anong gagawin ko? Tatawagin ko na lang siguro si France para magpasama. Nagmadali akong pumunta ng Plaza. Sa kasamaang palad, masama pa rin ang loob niya dahil sa paglalagay ko ng lipstick, make-up at iba pang gamit na pambabae na puros kulay pink sa bag niya. Isang linggo na rin kasi ng mangyari yun pero hindi pa rin nawawala ang kantyaw ng mga kaklase namin .
Takbo akong bumalik. Importante ang bolang yun dahil me signature ni Kobe Bryant yun. Patay ako kay Papa kapag hindi ko naibalik yun. I trailed my way inside the house. Nanlumo ako dahil wala na ang bola kung saan huli ko itong nakita. "Nasaan na yon?" tanong ko sa sarili ko.
Kahit takot ako, nilibot ko pa rin ang buong bahay hanggang sa makarating ako sa garden area. May narinig akong mga yabag na unti-unting palapit sa akin. Saka ko lang napagtanto na malayo na ako sa gate ng bahay. Mahirap nang bumalik pa. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Nang bigla na lang may humawak sa balikat ko. Unti-unti akong lumingon at napatili ako sa sobrang takot. Napa-upo ako habang ang dalawan kamay ko ang nagsisilbing takip sa mukha ko. "Mama." Tawag ko sa sobrang kaba na nararandaman ko.
"Wag kang matakot. Ang bolang ito ba ang hanap mo?"
Nagsasalita na rin pala ang multo. Isip ko. Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko.
"Mama!" I shouted for my mother's name once again.
"Mama!"