Episode 8

1586 Words
“Auntie Jo, pinag uusapan ang live selling mo, ha? Ang sweet daw ninyo ni Uncle Zak. Naku! Hindi kaya kayo talaga ang para sa isa't-isa kaya kahit nangibang bansa kayong dalawa ay hindi kayo nakapangasawa ng ibang lahi?” tila nangangarap na tanong ng aking pamangkin na babae. “Tigilan mo ang kakapanood ng mga koryano, Lavinia. Huwag ka rin nagbabasa ng mga pocketbook. Mag focus ka sa pag-aaral at huwag kung anu-ano ang mga iniisip mo.” Sermon ko sa kanya. Kasalukuyan niya akong tinulungan na guntingin ang a punasan ng malinis na basahan ang mga dahon ng saging na gamit ko sa pagluluto ng bibingka. “Auntie, hindi na uso ang mga pocketbook ngayon. May w*****d na.” Tugon naman ni Lavinia na hindi ko naman tiyak kung anong ang w*****d na tinutukoy niya. “Basta, mag-aral ka muna at huwag mag boyfriend. Tama lang na magka crush dahil natural lang yon. Pero iwasan mo muna ang makipagrelasyon at makakapaghintay naman ang yan sa tamang panahon. Mahalaga matapos ka muna ng kurso mo sa kolehiyo. Mahirap kapag wala kang tinapos. Huwag kang tutulad sa akin na naging katulong lang.” Payo ko pa sa panganay kong pamangkin na alam ko naman na maraming manliligaw dahil hindi ko naman din pwedeng ipagkaila na maganda ay matalino. “Auntie, huwag mo na ngang sinasabing katulong ka lang. Kung hindi ka naging katulong sa ibang bansa ay hindi makakatapos ng pag-aaral si Aunti Judy at ang mga Uncle ko. Hindi rin lalaki at gaganda ng ganito ang bahay natin. Kaya ipinagmamalaki kita Auntie! At saka huwag kang mag-aalala, Auntie. Nagmana ako sayo. Hindi rin ako titigil magtrabaho hanggang sa yumaman ako kahit maging matandang dalaga na ako! “ bulalas pa ng sutil kong pamangkin. “Manahin mo na ang pagiging masipag ko huwag lang ang pagiging matandang dalaga ko. Hayaan mo ng ako lang ang ganito sa pamilya natin. Pero sa ngayon, mag-aral ka muna at magtapos, Lavinia.” May tiwala naman ako sa pamangkin ko. At nakikita ko naman talaga ang pagsusumikap niya. Sa edad niya ay hindi siya nahihiya na magtinda ng kung ano sa mga kaklase niya para may pera siya na panggastos para sa ibang pangangailangan niya sa pag-aaral. Wala rin binabayaran na tuition ang mga magulang niya dahil scholar siya sa university kung saan siya nag-aaral. “Pero, Auntie hindi ka pa naman matandang dalaga hindi ba? Wala kaya sa itsura mo na thirty four years old ka na. Parang magka edad nga lang tayo. Huwag kang maniwala kat Uncle Zak na isa kang Manang. Pakiramdam ko talaga may gusto sayo si Uncle kaya lagi ka na lang niyang inaasar,” sabi pa ng pamangkin ko. “Huwag mo na kaming ipagpareha ng taong grasa na yon at hindi kami bagay kahit na kailan.” Pagsalungat ko na sa nais tumbukin ng pamangkin ko. “Pero hindi ba, Auntie naging kayo ni Uncle?” Mabilis kong nilingon si Lavinia sa tanong niya. “Hindi naging kami kahit kailan.” Seryoso kong tugon. “Hindi nga po, Auntie? Bakit sabi ni Uncle Zak ay ikaw pa mismo ang nanligaw sa kanya kaya naging kayo?” Umusok yata ang bunbunan ko sa narinig. “Ano kamong sabi ng taong grasa? Ako pa ang nanligaw kaya naging kami?” inis na inis kong tanong. “Bakit, Auntie? Hindi ba totoo? Iyon kasi ang kwento ni Uncle Zak. Hindi nga raw kayo pormal na nagkahiwalay, eh. Basta ka na lang daw nag-abroad at iniwan siya ng walang paalam.” Kilala ko naman ang pamangkin ko. Hindi niya ugali ang magsinungaling o humabi ng kwento. Anong pinagsasabi ni Zakarias? Anong niligawan ko siya at naging kami? Malilintikan talaga sa akin ang lalaking iyon at pati ang pamangkin ko ay pinaniniwala niya sa kayabangan niya. “Kapag nagkita kami ng lalaking yan sasabihin ko sa kanya ang tungkol diyan. Ang kapal ng mukha niyang ipagkalat na niligawan ko siya.” Totoo naman na nagpapansin ako noon sa kanya pero bata pa naman ako noon. Kailangan komprontahin ko na siya para kung sakaling totoo man ang pinagkakalat niya ay matigil na siya. “Hayan pala si Uncle Zak, Auntie,” sambit ni Lavinia kasabay ng pagkarinig ko nga ng boses ng taong kinaiinisan ko. “Bakit Lavinia? Hinahanap ba ako ang Mabang na Auntie mo?” tanong ng taong grasa na lumapit pa sa lamesa kung saan kami gumagawa ng pamangkin ko. May mga inilapag siya pero wala akong pakialam. “Uncle, bakit sinasabi ni Auntie na hindi naman naging kayo? Hindi ka naman daw niya nilagawan?” tanong agad ni Lavinia na nagpawala yata sa kulay ng mukha ni Zakarias. Mukhang sa reaksyon niya pa lang ay pinatunayan niya ng totoo ang sinabi ng pamangkin ko tungkol sa sinabi niya. “Anong pinagsasabi mo? Totoo ba na galing mismo sayo na ako ang nanligaw sayo dati at naging tayo?” seryoso kong tanong. “Totoo naman hindi ba? Lagi ka ngang nakabuntot sa akin noon para mapansin ko lang.” Walang gatol na sagot ni Zakarias. “Bata pa ako noon kaya hindi ko pa masyadong pinag-iisipan ang mga ginagawa ko. At saka anong naging tayo? Hindi naging tayo dahil walang tayo. Kaya huwag kang maglakat ng fake news at baka ipabarangay kita.” Banta ko. “Anong fake news? Hindi mo nga maitanggi na nagpapansin ka talaga sa akin noon tapos sasabihi mong gunagawa ako ng fake news Kulang na lang talaga pati sa pagtae ko kasama kita noon. Ganun ka kapatay na patay sa akin, Manang.” Nanliit ang mga mata ko. Kulang na lang ay sampali ko si Zakarias manahimik lang ang bibig niya sa pagsasalita ng tungkol sa mga nangyari sa nakaraan. “Pero huwag mong dagdagan ang kwento. Kung ano lang ang malinawa na nangyari ay dapat hanggag doon lang. Nakakakilabot na malalaman ko sa pamangkin pa mismo na nagng tayo pala at pinagbibintangan mo pa ako nan ghost sayo dahil nagpunta ako ng ibang bansa ng walang paalam. Bakit naman ako magpapaalam sayo? Magulang na kita?” Parang wala lang naman kay Zakarias ang lahat ng mga pinagsasabi ko. Komportable pa siyang kumakain ng mga dala-dala niya sa lamesa kung nasaan din ako. “Alam mo huwag ka ng makipagtalo pa sa akin tungkol sa bagay na yan. Dahil ikaw naman mismo ang nagbalita sa lahat ng mga kakilala mo na ako ang gusto mong mapangasawa. Huwag mong itanggi! Maraming magsasabi na hindi ako nagsisinungaling. Kumain na lang tayo at wala naman din mangyayari sa pinaglalaban mo,” aniya sa akin at saka na nga siya kumain ng kumain. “Bakit ka ba dito kumakain gayong may bahay ka naman, hindi ba? Hindi mo ba naiisip na baka nakakaistorbo ka rito sa bahay ng may bahay?” naiinis kong tanong dahil may bahay naman siya pero lagi naman siyang narito mula umaga hanggang hatinggabi lalo na kung araw ng sabado at linggo. Pero ang taong grasa na tinatanong ko ay hindi man lang ako iniintindi. Patuloy lang siya sa magana niyang pagkain habang naka kamay. Kulang na lang ay itaas pa niya ang kanyang paa. “Uncle, sa susunod bumili ka naman ng hawaian pizza. Iyong gaya ng binili mo dati? Gusto ni Auntie Jona yon.” Request pa ni Lavinia. “At paano mo naman nalaman na gusto ko yon, Lavinia? Hindi ako kumakain ng pizza lalo pa at kung galing sa kung sino.” Angil ko. “Auntie, nakita kaya kita na kumuha ng dalawang slice ng hawaian pizza. Sarap na sarap ka pa nga sa pagnguya kasabay ng pag-inom mo ng kape.” Patuloy na giit ng madaldal kong pamangkin. Sadyang gutom lang talaga ako at ang pizza ang nagustuhan ko na noon ay nakapatong lang dito sa lamesa. “Lavinia, huwag mo ng ibuko abg tiyahin mo at baka magwala pa yan. Hayaan mo at siya naman ang sasakit ang tiyan sa kakatanggi na hindi siya kumain ng pizza.” Ngunit bigla siyang nasamid at madaling binuksan ang bote ng softdrinks na dala niya rin. “Hayan! Ang bilis ng karma, ano? Sinasabi mo pa na sasakit ang tiyan ko kaya ka nasamid. Pasalamat at may panulak sa harap mo dahil baka itakbo ko pa ang lahat ng lalagyan ng tubig palayo sayo.” Pang-aasar ko pa sa kanya. Tumingin pa sa akin si Zakarias na pinapalo pa ng bahagya ang kanyang dibdib. “Auntie, Uncle, ang cute niyong tingnan. Ang alam ko mga teenager lang ang ganyan mag-away. Dinaig niyo pa ang Aldub at Kathniel sa sobrang sweet niyong tingnan at pakinggan. Nakakakilig!” bulalas pa ng pamangkin ko at tiningnan pa kami ni Zakarias na para ba siyang kilig na kilig. “Palibhasa nga at Manang na ang Auntie mo kaya hindi na siya kinikilig kahit lagi ko naman siyang pinapakilig.” Pagsakay pa ni Zakarias sa biro ng pamangkin ko. “Uncle naman kasi! Dapat kasi binibigyan mo ng bulaklak si Auntie at hindi mo inaasar. Paano naman nga kasi siya kikiligin kung panay pahaging ka lang. Dapat kasi straight to the point ka na.” Payo pa ni Lavinia na akala mo naman ay talagang expert sa usapang ligawan. “Sayang lang ang pera sa mga bulaklak na ganyan. Pero kung diyan nga kikiligin ang Auntie mo ay sige. Ibibili ko siya ng mga bulaklak!” Tumaas ang sulok ng itaas kong labi sa narinig. Akala mo ba ay wala ako sa harap ng pamangkin ko at ng taong grasa kung mag-usap sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD