Episode 9

1834 Words
Pagod na pagod na naman ang pakiramdam ko sa maghapon na naman na pagtitinda pero kapag umuuwi ako ng bahay namin at nakikita ako sina nanay, mga kapatid at mga pamangkin ko ay napapawi lahat ng pagod ko. “Manang, mukhang pagod na pagod ka, ha? Kung bakit naman kasi kailangan mo pang magpakapagod sa pagtitinda na pwede ka namang kumuha ng kasama mo?” Sa lahat talaga ng pwedeng sumalubong sa akin ay ang taong grasa pa talaga ang siyang umagaw sa bitbit mga gamit. “Wala akong pambayad ng tindera. At saka kaya ko naman na ako lang mag-isa.” Sagot ko. “Kaya mong mag-isa? Kaya pala kapag dumadagsa ang mga tao ay natataranta ka na? Siya nga pala naalala ko may utang ka pa nga pala sa akin, ano?” Itinirik ko ang mga mata ko. “Hindi ba at ayaw mo naman ng bibingka? Ang arte mo kaya nagbago na isip ko. Tama na iyong pinagmeryenda kita ng tulungan mo ako.” At saka ako na upos sa mahabang bangko sa terrace. Ngalay na ngalay ang mga binti ko kaya itinaas ko na at saka ko tinawa ang mga maliliit kong pamangkin para magpamasahe. Nag-uunahan pa sila na lumapit sa akin at madalas pa na mag-away-away dahil gusto ng isa ay siya na lang ang lalapit sa akin at ganun din ang gusto ng iba. Maingay at magulo ngunit musika sa pandinig ko ang kaingayan ng pamilya ko lalo na nga itong mga pamangkin ko. Kaya hindi ako pwedeng tumigil sa paghahanapbuhay dahil maliliit pa sila. Hanggat kaya kong magtrabaho ay babangon ako para kumita ng pera. Ganito naman ang eksena na madalas sa bahay namin tuwing sasapit na ang pa dapit-hapon dahil nga kanya-kanya ng uwi galing sa mga trabaho at eskwelahan. Isa lang naman ang hindi kadugo na naririto. Ay si Zakarias yon. Kasama niya madalas ang mga kapatid kong lalaki lalo na ang panganay kong kapatid. Dito lang naman sila sa loob ng bakuran. Kwentuhan na madalas ay may kasamang inuman. “Gutom ka, ano? Heto para sayo talaga to.” Sabay lapag na si Zakarias ng isang karton ng pizza at isang one point five na softdrinks s lamesa na malapit sa akin. “Hindi naman ako gutom.” Tugon ko pero medyo naglaway na ako makita pa lang ang karton ng pizza. Kung bakit ba kasi sa sarili ko ay napaka kuripot ko? Pwede naman akong kumain ng mga paborito kong pagkain pero ang tipid-tipid ko. “Paano ka na naman nabusog? Mula kaninang tanghalian ay wala ka naman ibang kinain?” Kunot-noo akong napatingin sa lalaking nasa harap ko at nagtataka na pati pagkain ko ay alam niya. “At bakit mo naman alam? Kumain ako ng bibingka kanina sa tindahan.” Katwiran ko kahit hindi naman talaga ako kumain. “Syempre alam ko dahil nararamdaman ko.” Seryosong sagot ni Zakarias na mataman pa akong tinitigan. “Alam mo puro ka kalokhan? Mabuti pa ay bumalik ka na sa pakikipagkwentuhan at magpapahinga ako.” Pagtataboy ko na sa taong grasa. “Nilapitan talaga kita dahil alam kong pagod ka. Gusto mo na ako na ang magmasahe sayo? Buong katawan?” Isang nakakamatay na tingin ang ginawa ko kay sa Zakarias. “Pagod ako, kaya lubayan mo ako.” Pero sa halip na umalis ay inilapit niya sa akin ang lamesa kung nasaan ang pizza at softdrinks na dala niya. “Kumain ka na. Alam ko na nahihiya ka lang na makita ko kung paano ka kalakas kumain ng pizza. Kaya mo ngang ubusin lahat ng mga ito.” Paano niya nalaman? Kapag talaga gutom ako ay kahit dalawang karton ng pizza ang binili niya ay kaya kong ubusin. Balako ko naman na kumain pero mamaya na lang kapag wala na siya. Kapag hindi niya na ako nakikita. Ngunit may nagpa-tao po sa labas ng bakuran namin. Si Judy ang lumabas para sinuhin ang tao. “Ate, may naghahanap sayo.” Imporma ni Judy sa akin at may pagkatamis na ngiti pa sa kanyang mga labi. Ako naman ay nagtataka kung sino ang naghahanap sa akin. Wala naman akong inaasahan na parcel na darating ngayong araw. “Sa akin? Sino raw?” tanong ko at saka na tumingin sa gate kung saan may matangkad na lalaki ang pumasok. Hindi ko masyadong makilala at malabo na ang mga mata ko kapag malayo. “Magkaklase raw kayo noong high school, te,” sabi ni Judy. “Baka may utang ka noong magkaklase kayo at nabalitaang nakakaluwag-luwag ka na sa buhay kaya maniningil na.” Pagsingit naman ni Zakarias. Lumabas na ako ng terrace para salubungin ang lalaking naghahanap daw sa akin. At habang papalapit kami ng papalapit sa isa't-isa ay unti-unti ko na siyang nakikilala kaya naman napangiti na rin ako. Hindi ko akalain na magkikita kami at sasadyain niya pa talaga ako dito sa bahay. “Hi, Jo!” masigla niyang pagbati ng pareho na kaming tumigil sa paglalakad. “Anton? Tama ba ako at ikaw yan?” nagagalak kong tanong sa bisita ko. Tumango at abot tainga yata ang ngiti. “Oo, ako ito, Jo. Mabuti naman nakilala mo pa ako. Buong akala ko ay baka nakalimutan mo na ako.” At saka pa nagkamot ng ulo si Anton. “Hala! Bakit naman kita makakalimutan? Paborito kitang kaklase noon kaya hindi mangyayari na makakalimutan kita!” bulalas ko naman at saka na niyaya ang hindi ko inaasahang bisita na pumasok na sa aming bahay. Pinakilala ko siya kay nanay at sa mga kapatid ko na natuwa rin na yata dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may lalaki na bumisita sa akin. Narito kami ngayon sa sala ng bahay at nagkakamustahan tungkol sa mga nakalipas na taon. “Mabuti naman iho at naalala mong pasyalan itong si Jona?” tanong ni Nanay na aligaga rin sa pag-asikaso sa bisita ko. Hindi niya alam kung anong idudulot niyang pagkain at inumin kay Anton. “Madalang din po kasi akong nakakauwi ng bansa dahil po sa trabaho. At nagkakataon na sa tuwing bababa ako ng barko ay wala naman po si Jona sa bansa at ngayon ko lang po nabalitaan na umuwi na pala siya.” Hindi ko alam yon ha? Matagal niya na siguro akong nais na kamustahin. “Sa barko ka nagtatrabaho? Seaman ka?” manghang tanong pa ni Nanay. Tumango naman si Anton at sinabi nga na seaman siya pero hindi binanggit na isa siyang capitan ng barko. Ibig sabihin lang ay hindi talaga nagbago si Anton. Siya pa rin ang paborito kong kaklase kaklase na masipag, matiyaga at hindi mayabang. Napapansin ko na panay ang pasok ni Zakarias sa loob ng bahay at balik-balik sa kusina. Malamang na inaalam niya lang kung sino ang bisita ko. “Nay, kung natatandaan niyo po na may kwento ko sa inyo noong nag-aaral ako na may kaklase po akong madalas ma-late sa school dahil namimitas pa ng mga camia, siya po yon. Si Anton po,” saad ko kaya nanay na para bang napa-proud ako para kay Anton. Ang layo na kasi ng narating niya. Mula sa mahirap na mag-aaral na kailangan mo ng mamitas ng mga camia para may baon sa susunod na araw hanggang sa maging kapitan ng barko. “Mabuti naisipan mo ng umuwi, Jo? Buong akala ko ay wala ka ng balak na umuwi ng bansa.” Pinagpiraso ko ng isang slice ng pizza si Anton at saka ng isang basong malamig na softdrinks “Pinauwi na rin kasi ako ni nanay at ng mga kapatid ko. Tapos na rin kasi sa pag-aaral ang bunso namin kaya wala na rin sigurong dahilan para manatili pa nga sa ibang bansa. At gaya mo, seamang bunso kong kapatid.” Kwento ko. “Nakakahanga ka talaga, ano? Biro mo kinaya mo talaga ang malayo sa pamilya mo ng mahigit isang dekada para matustusan lahat ng pangangailangan niyo.” Papuri ni Anton. “Kailangan talaga noong mga panahon na iyon na may isa sa amin ang magiging matapang. Pero kung nakakahanga ako sa paningin mo ay ikaw rin naman. Sobra akong natuwa na ang layo na pala ng narating ng isang Anton. Kumpara sa akin na isang maldita at bully noong magkaklase tayo ay dapat na ikaw talaga ang siyang hangaan at hanggang ngayon napaka down to earth mo, ano.” Papuri ko rin naman kay Anton. Marami pa kaming pinagkwentuhan ni Anton lalo ng masasayang mga alaala namin noong nag-aaral pa kami. “Pwede ba akong dumalaw uit dito, Jo?” seryoso niyang tanong ng magpaalam na rin siya na uuwi na para makapagpahinga na rin daw ako. Nakwento ko na rin kasi na nagtitinda na ako at napansin niya rin na mukha akong pagod pero hinarap ko pa rin daw siya kaya todo pasalamat siya. “Oo naman. Bukas lagi ang bahay namin para sa lahat. Kaso nga lang ay ganitong oras dapat dahil buong maghapon ay nasa tindahan ako.” Sagot ko sa kanya. Tumango at ngumiti si Anton na para bang masayang-masaya sa pagpayag ko na pwede siyang dumalawa. Nagpaalam na rin ang bisita ko kay nanay at sa mga kapatid ko. Ako na lang ang naghatid sa labas kay Anton. At hindi ko akalain na may sasakyan pala siyang dala. Isang kulay pula na BMW. Sobra akong natutuwa sa kung anuman ang narating ngayon ni Anton. “Jo, may ibibigay sana ako sayo kanina pero nag-alangan kong balikan sa sasakyan ko ng makita kitang may kasamang lalaki kanina.”. Si Zakarias siguro ang tinutukoy niya.. Namilog ang mga mata ko ng mula sa loob ng sasakyan niya ay inalabas niya ang isang bungkos ng kulay pulang mga rosas at saka ibinigay sa akin. “Hindi nga? Akin ba talaga to?” ang hindi ko makapaniwalang tanong pero may kasunod pa pala siyang ibibigay. Chocolates. At maraming klase ng mga chocolates. Unang beses sa buhay ko ang makatanggap ng mga ganitong regalo lalo na sa isang lalaki. Hindi lang pala mabait at masipag itong si Anton. Galante pa pala siya. “Nagustuhan mo ba? Nag-aalangan nga ako at baka hindi mo naman gusto ng mga ganyan.” Umiling ako. “Sobrang nagustuhan ko, Anton. Sobrang salamat ng marami. Pero kahit wala kang pasalubong ay pwede kang bumalik dito.” Inisip ko na agad na matutuwa ang mga pamangkin ko dahil marami akong chocolates pero bago pa umalis si Anton ay may dalawang paper bag siyang inabot para raw kay nanay at sa buong pamilya ko. Hinatid ko na lang ng tanaw hanggang mawala na sa paningin ko ang sasakyan ni Anton na umalis na. Nagmamadali na akong makabalik sa loob ng masalubong ko si Zakarias na bahagyang natigilan ng magtagpo ang aming mga mata. Sinulyapan niya pa ang mga dala ko partikular ng malaking bungkos ng bulaklak na hawak ko. Pinagtaasan ko na siya ng kilay sa pag-aakala na aatake na naman siya ng pang-aasar pero wala siyang kahit na anong sinabi. Nagtuloy siyang lumabas ng bakuran at nilampasan na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD