Episode 10

1556 Words
“Ate, heto na yata ang sagot sa lahat ng matiyaga naming pagdarasal na huwag kang hayaan na tumandang dalaga at bigyan ka ng isang lalaking makakasama sa buhay. At si kuya Anton ang sagot sa dasal namin para sayo!” kinikilig pa na sabi ni Judy habang yakap ang bulaklak na galing kay Anton at nakuha pa talagang isayaw-sayaw sa hangin. “Naku! Huwag kang basta magtitiwala, Jona. At ano kamo ang trabaho ng lalaking bisita mo? Seaman? Kasabihan ang mga seaman kaya mag-ingat ka, Jona. Baka mamaya ay may asawa na yan sa kung saang lupalop ng mundo. Huwag na huwag agad magtitiwala. Kahit naman si Zakarias ay kaya kang bilhan ng ganyang bulaklak at mga tsokolate hanggat magka-diabetes ka.” Kontra naman ng panganay kong kapatid at nadamay na naman ang pangalan ni Zakarias gayong si Anton ang pinag-uusapan namin. “Hindi ba yan yung kaklase mong pinagdadalahan mo rin ng baon dati, nak? Iyong kamo naaawa ka na baka hindi pa nag-almusal? Natandaan ko kasi na parang binanggit mo noon na may paborito ka ngang kaklase hindi ba?” Tumango ako. Mabuti naman a tanda pa pala ni Nanay. “Yes, Nay! Si Anton nga po iyon. Alam ko naman na magiging okay ang buhay niya pero mas matindi pa pala ang pagpapala niya. Seaman siya pero kapitan ng barko.” Napatakip pa ng bibig sina nanay at Judy sa nalaman tungkol kay Anton. “Ay! Kapag yan nanligaw sayo, Jo. Sinasabi ko sayo at baka yan na nga ang the one mo.” Naghawak kamay pa si nanay at Judy na nangangarap na yata ng gising. “Sandali nga muna, ano? Nay, dinalaw lang ako ni Anton para kamustahin dahil nga naalala niya na naging mabait ako sa kanya dati. At ang bulaklak, mga chocolates ay huwag niyong lagyan ng malisya. Sa palagay niyo ay magkakagusto sa akin si Anton? Nakita niyo naman na hindi ba rin pahuhuli sa mga magandang lalaki ang itsura niya ngayon. May magandang trabaho at mukhang nakaipon na ng malaki. Kaya paanong magkakagusto yon sa akin? Sympre hahanapin ng gaya niya ay iyong bagay sa kanya. Iyong office girl at hindi amoy bibingka na gaya ko. Kaya huwag kayong assuming.” Saway ko na at baka ipagkamali ng pamilya ko ang dahilan ng pagpunta-punta dito ni Anton. “Wow! Makalait ka naman sa sarili mo, nak? Ipinanganak kitang maganda dahil mana ka sa akin. At saka binibiro ka lang namin at baka sakaling kiligin ka. Nararamdaman ko rin naman na mabuting tao talaga yang si Anton lalo pa at matagal ko na siyang nakilala dahil bukambibig mo dati pero kung ako ang tatanungin talaga ay mas gusto ko na kung sakaling mag-aasawa ka ay iyong kilala ko. Kilala namin talaga ang buong pagkatao,” wika pa ni Nanay. “Sino naman po ang tinutukoy niyo, Nay? Si Uncle Zak?” diretsong tanong ni Lavinia sa Lola na Nanay din ang tawag niya. “Bakit hindi?!” agad na sagot naman ni Nanay sa kanyang apo. “Ay! sandali nga pala. Napansin niyo ba kanina si Kuya Zak? Napansin niyo na nakasimangot siya habnag kausap ni Ate ang bisita niya?” tanong ni Judy sa lahat. “Nag walk-out nga si Kuya. Sabi may titingnan lang sa bahay niya pero hindi na bumalik,” sabi ni Jon. Ang kapatid kong civil engineer. “Pustahan tayo uminom ng alak yon ng mag-isa.” Hula naman ni Joross, ang kapatid kong teacher. Ang wala lang dito ay ang kapatid kong pulis at ang bunso nga namin na kasalukuyan ng nasa barko. “Kawawa naman si Uncle Zak. Basta ako kay Uncle Zak pa rin ang gusto ko. Kaya hayan na ang chocolate. Hindi ko na kakainin at baka lalong malungkot si Uncle,” sabay lapag ng chocolate n hawak ng labindalawang gulang kong pamangkin na si Leo. “Leo, ano ka ba? Walang ganyan anak, ha. Bad yan. Walang ginagawang masama sayo nag bisita ng Auntie Jona mo.” Saway ng hipag ko sa pagmamaktol ng kanyang anak. Grabe naman ang pamilya ko. Kung maka react sa pagdalaw ng isang lalaki sa akin ay para bang siguradong-sigurado na silang manliligaw sa akin? Hindi ba pwedeng dinalaw ako dahil na miss ako? Ngunit hindi ko maiwasan na isipin ang naging kilos kanina ni Zakarias lalo na at wala siyang sinabi na kahit na ano ng nakasalubong kami kanina sa harap ng gate ng bahay. Hindi ako sanay na ganun siya. Sana na sanay ako na magbangayan kami. Maayos ko na inilagay sa isang flower vase ang mga rosas na binigay ni Anton bago ako nahiga sa kama. Sinilip ko muna ang cellphone ko at baka may mga importante akong mga messages. Nakita ko na may nag friend request sa akin at nabasa ko ang pangalan ni Anton kaya agad ko ng inaccept. At doon na nga nag pop up ang mga messages niya. Napangiti ako ng mabasa ang pasasalamat niya sa mainit daw na pagtanggap ko at ng aking buong pamilya sa pagdalaw niya kanina. Nagpasalamat din naman ako. Hindi niya alam na sobra rin akong na touched na naalala niya pa ako at talagang sinadya pa dito sa bahay para kamustahin. Ngunit maya-maya ay may nag pop-up na message at nagtaka ako ng mabasa ang kanyang pangalan. Alam ko hindi kami friend sa social media. Hindi ko nga alam ang social media account niya tapos ngayon ay makikita kong friends pala kami? “Baka naman i-post mo pa ang mga regalo na natanggap mo mula sa seaman loloko na yon?” unang message niya na nabasa ko. “O ano naman sayo ngayon kong i-post ko? Hindi ko ba pwedeng i-flex sa madlang people na minsan sa buhay ko nakatanggap din ako ng bonggang flower bouquet?” reply ko sa kanya. Akala mo ay kung sino siyang magsalita at pagsabihan ako gayong hindi ko naman siya kaanu-ano. “At balak mo talagang i-post? Huwag mo ng pangalandakan at baka hindi mo alam may asawa na pala yon at magulat ka na lang na biglang may sumugod sayo at awayin ka na lang.” Napailing na lang ako sa sagot niya. Masyado naman siyang concerned sa akin na parang tumanda ako na walang pinagkatandaan. At bakit ba lahat yata ng mga tao na nakakita kay Anton ay nag-a-assume na may gusto sa akin ang paborito kong kaklase? Tangka ko na sanang i-o-off ang cellphone ko ng may nakita pa akong message galing sa taong grasa. “At saka bakit binigyan mo ng pizza at softdrinks ang seamanloloko na iyon? Binili ko yon para sayo at hindi sa kung kaninong poncio pilato.” “Kaya ka ba nagagalit ay dahil sa pizza? Bukas papalitan ko na lang, okay? Matutulog na ako at antok na antok na ako.” Saka ko na sinend ang message ko. “Kung sabihin kong nagagalit talaga ako ay manghihingi ka ba ng sorry?” aniya sa akin. “Zakarias wala akong ginagawang masama sayo. At saka hindi ba at binigay mo na sa akin ang pizza? Ibig sabihin lang ay akin na ang pagkain. Kaya may karapatan akong ipamigay na.” Katwiran ko pa. “Akala mo lang wala kang ginawang masama pero meron, meron, meron,” aniya pa sa reply. Pero hindi ko na lang inintindi at binitawan ko na ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko dahil talagang gusto ko ng magpahinga. Ngunit kakapikit lang ng mga mata ko ng marinig ang pagtunog ng cellphone ko na indikasyon na may tumatawag. Madali kong kinuha sa pag-aakalang si Anton ang tumatawag ngunit si Zakarias lang pala. “Ano bang problema ng lalaking ito at hindi yata makapag move on sa pizza? Isang piraso lang namang binawas ko sa pizza na dala-dala niya ay para bang nakagawa na yata ako ng isang malaking kasalanan.” Mga nag-pop up din ang mga messages niya sa itaas na bahagi bg cellphone ko. “Nag-aalala lang ako sayo at baka magkagusto ka agad sa seamanloloko na yon. Syempre concerned lang din ako.” Aniya pa. “At saka mas gwapo naman ako sa seamanloloko na yon, ha?” “Mas matangkad ako at mas matikas ang pangangatawan. Baka hindi nga niya kaya ang paypayan ang mga nilulutong bibingka.” Hindi ko alam kong maiinis ba ako matatawa kay Zakarias sa mga pinagsasabi niya. Bakit kinukumpara niya kay Anton ang sarili niya gayong malayo naman talaga kung anong ugali nila. Si Anton likas ba hindi mayabang hindi gaya niya. Si Anton kaya nasabi kong paborito kong kaklase ay dahil nga mabait at hindi nang-aaway kahit pa siya binubully noon. Wala akong naalala na may masamang ugali si Anton. Hindi gaya ni Zakarias. “Taong grasa, huwag mong ikumpara ang sarili mo sa paborito kong kaklase dahil pinapahiya mo lang ang sarili mo. At bakit ba hindi ka na lang matulog at patuloy mo pa rin akong iniistorbo gayong alam mong may trabaho pa ako bukas?! Kung ayaw mong matulog huwag mo akong idamay! At kung pizza ang pinagpuputok ng butse mo ay huwag kang mag-alala at bukas na bukas din ay maaga akong aalis at aabangan na magbukas ang tindahan ng pizza at bibilhan kita magtigil ka lang!!!!!!!” Sinadya ko talaga ang maraming exclamation point sa dulo ng chat ko para malaman niyang inis na inis na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD