“Ate, pagbilan mo nga kami ng bibingka. Ganun pa rin ang bilang.” Si Isko na tauhan ni Zakarias. Tumingin tuloy ako sa likod niya kung may kasunod siya. “Wala, ate. Huwag mong hanapin si boss at ako lang talaga nagpunta dito para bumili. Ewan ko ba kay boss. Ang init ng ulo. Sa tagal ko na sa kanya ay ngayon ko pa lang yata nakita na wala siya sa mood.” Kwento ni Isko na inabot na sa akin ang bayad sa mga bibingka. “Baka naman masama ang gising? Baka may problema kaya hayaan niyo na lang. Natural lang talaga sa tao ang minsan mainit ang ulo.” Payo ko na lang kay Isko. “Talaga ba, te? Bakit ikaw halos araw-araw mainit ang ulo mo,” biro naman ni Isko. “Naturalesa ako na ang pagiging masungit kaya masanay ka na. Hindi naman porket nakataas ang kilay ko ay naiinis na ako. Sadyang nakataas

