Nagpapahinga na ang pamilya ko sa kani-kanilang silid kay patay na halos ng mga ilaw sa bahay. Nag-double check na lang ako kung mga nakasara na ng mabuti ang mga pinto at bintana. Mahirap na masyadong kampante lalo pa at may nababalita na may mga magnanakaw raw na gumagala sa lugar namin. May nanakawan nga na bahay na malapit lang sa bahay namin. Dumarami talaga ang masasamang loob kapag may okasyon dahil ang lahat ng mga tao ay nangangailangan sa dami kasi ng gastos at taas ng bilihin. Iyon nga lang, sadyang may mga tao na mas pinipili ang gumawa ng masama kaysa ang lumaban ng patas. Pinatay ko na rin ang ilaw sa sala at iniwan na lang na nakabukas ang nasa labas at ang nasa kusina. Pagkatapos kong masiguro na okay na ang lahat ay saka na rin ako nahiga para magpahinga na rin. Ant

