Pagkagising ko ay agad talaga akong bumangon ng biglang magsink sa utak ko ang lahat ng mga nangyari kagabi. Iniwan ko si Zakarias sa terrace at doon ko siya pinatulog sa papag. Nang masiguro ko ng tulog na tulog na siya ay saka ko na siya iniwan ng mag-isa. Siyempre nilagyan ko naman ng unan ang ulo niya at mabuti na lang at hindi ko naisipan na takpan siya ng unan. Hindi pa naman ako ganun kasama kaya napigilin ko pa ang sarili ko kahit pa inis na inis na ako sa taong grasa. Habang pababa ako ng hagdan ay naririnig ko ang ingay ng pamilya ko na nasa bandang kusina kaya iniisip kong naroon si Zakarias. Masasabon talaga sa akin ng husto ang lalaking yan! Ang lakas niyang mambulahawa kagabi at damay pa pati pangalan ko. Ano na lang ang ipapakita kong mukha sa mga kapitbahay ko na nak

