“Oo, kahit holiday tuloy tayo sa trabaho dahil mukha tayong pera mga suki! Paki mine niyo na itong kulay green na blouse na fit sa small hanggang large. Lucky color ngayong taon ang green kaya unahan na kayo mga sissy!” at saka ko niladlad ng mabuti ang kulay green na blouse na may print sa harap ng camera ng cellphone ko. Salamat naman at magaganda na naman na ukay na damit ang nabili ko na per bale ang sa tindahan kung saan lagi akong namimili. Marami namang nag-mine at wala pang isang oras na naubos na lahat ng mga benta ko. “Maraming salamat sa lahat ng mga nag-mine. Merry christmas at happy new year mga sissy! Hintayin niyo ako sa bahay niyo at ngayon din. Oo, as in now na now din ay kakatok ako para ihatid na ang mga na mine niyo. Kaya paalam na muna.” At pagkatapos kong kumaway-k

