PADABOG na pumasok sa opisina si Genevieve. Hindi para magtrabaho kung 'di isama ang lahat ng empleyado niya sa kanyang galit.
Hinagis niya ang mga nadampot na papeles sa ibabaw ng mesa ng isang intern, makikitang nagkalat iyon sa buong sahig. May ilang nag-alisan sa mga working station at dumistansya sa employer dahil hindi pa rin kasi ito nakontento hanggang sa halos 'di na lubos maisip na dating maayos at organize ang palapag na 'yon ng building ang makikita.
Walang nagtangkang magsalita o pumipigl man lang sa nagwawalang si Genevieve. Minsan na kasing may ganoon ding pagkakataon na nangyari, kaya't ang lahat ay halos sanay na, at kamalas-malasan ding pinag-initan nito ang bagong intern na walang kaide-ideya sa nangyayari.
Kanya-kanya na lamang na hanap ng maayos na pwesto ang bawat isa na hindi sila ang mabuntuhan ng galit. May ibang nauna ng tumakbo palabas upang magtungo sa halos mapuno ng elevator.
"Nasaan si Garry?!" galit na tanong niya sa isang kulang na lamang ay lumipad makapasok lamang ng papasara na noon na elevator.
"S—Si Mr. Garry po ay nasa loob ng opisina n'yo, M—Ms. Lacanlale," nauutal pang sagot nito.
Nang alisin niya ang mga tingin niya. Batid niyang nagmamadali na itong sumakay ng elevator. "She's crazy!" sigaw pa niyon, hindi na niya nagawang tapunan ng tingin ang empleyado nang tuloy-tuloy na naglakad siya patungo sa pinto ng opisina.
Sakto namang pagbukas niyon ay bumungad agad sa kanya ang mukha ng sekretarya. Mabilis na siniil niya ito ng halik sa labi. Nagtaka siya ng hindi ito gumanti hindi tulad dati.
Pilit niyang nilaliman ang mga halik niya hanggang sa unti-unti na itong bumibigay. Unti-unti na rin niyang tinatanggal ang zipper ng suot niyang blazer nang magtaas siya ng isang kilay na pigilan ng isang kamay nito ang ginagawa niya.
Dumistansya na siya rito. "Damn it. Ano'ng problema mo?!" galit na bulyaw niya. Eh, samantalang ito nga ang palaging gustong-gusto kapag ganoon siya rito.
May sandaling sinulyapan ito sa bandang kanan niya. "Y—You have a visitor, Ms. Lacanlale," anito.
Dahan-dahan na ibinaling niya ang paningin sa tinutukoy nitong bisita.
Eston?
Agad na kinompose niya ang sarili na harapin ito ng maayos dahil tiyak na niyang nasaksihan nitong lahat ang mga pinaggagawa niya. Maging ang paghalik niya sa sekretarya sa mismong harapan nito.
Malamlam ang mga tinging ipinukol nito sa kanya. 'Di na siya nagugulat pang makita 'yon, at saka wala rin siyang balak na umastang inosente sa harap ng fiance. Natatawa nga lang siya na saktong-sakto ang timing nito, at mukhang maaga ring naroon sa opisina niya.
Nang may mapagtanto siya. Kung nasa loob pala ng office niya si Eston. Bakit wala man lang na text na ipinadala si Garry upang ipaalam sa kanya? Hanggang sa hindi na niya mapigilan pa ang sariling mapahalakhak.
Interesting.
Kaya bilib din siya sa talino ng sekretarya niyang ito. Umangat ang paningin nito at sigurado siyang para saan ang mga matang 'yon.
Makailang beses na ba silang nagsiping sa loob ng opisinang 'yon. Talagang sinadya nitong makita siya ni Eston ng ganoon.
She started to laugh hysterically. "What are you doing here, honey?" pumaskil ang isang pekeng ngiti sa mga labi niya.
Alam niya namang baliw na baliw ito sa kanya, sigurado siyang kaya nitong magbulag-bulagan sa mga nasaksihang ginawa niya sa mismong harap nito. Ngunit ang dating nakasanayan niyang kislap sa mga mata nito, wala na ngayon sa mga mata nito nito. Tila walang kahit ano na siyang nakikita roon bukod sa kalamigan.
Wala naman talaga siyang gusto kay Eston. Sa katunayan, ginamit niya lamang ito upang saktan si Gisella. Hindi naman niya na alam na ang katulad ni Eston Cole ay magkakagusto sa kapatid niyang istupida. Idagdag pang nahulog ang loob nito ng dahil sa walang kwentang palitan ng sulat ng mga ito.
Funny. Hanggang ngayon, 'di pa rin siya makapaniwala naloko niya ang tanyag na si Eston Cole na siya ang babaeng gusto nito. Sa halip na mahulog din ang loob niya sa pamamaraan nito na daig pa ang isang teenage boy kung ma-inlove ng sobra, hindi iyon tumalab sa kanya. Kahit bumilib din siya sa sinseridad nito na nagawang maging gentleman sa kanya. He never attempted to kiss her, ayaw din nitong i-take advantage ang pagpapanggap niyang babaeng gusto nito.
Sa totoo lang, katulad ng ginawa niya sa kapatid, she only wanted to hurt him. Ayaw niyang maging masaya ang mga ito habang siya ay miserable.
"I thought you wanted to save your first kiss to your future husband," puna nito.
Tingnan nga naman ang pagkakataon. "Oh, that? No, that's my way of greeting my employees. I can also do that to you. Kung 'yon lang pala ang problema."
Kababawan man ang katwiran niyang 'yon. Alam naman kasi niyang patatawarin pa rin siya ng lalaki.
"Did you lie to me all these times?" tanong nito.
"Ako nagsinungaling? No, I will never do that to you. Alam mo namang ikaw lang ang gusto ko."
Hindi niya mapigilan ang pagngiti, mukha kasing madadala na naman niya sa pagsisinungaling ang binata, at halatang tumatalab na naman 'yon. She never saved his number, even made him feel worst because of her kind of treatment. 'Di naman ito magtatagal kung 'di naman sa kanya ito baliw na baliw.
Siguradong inggit na inggit ang kapatid niyang si Gisella oras na makita ang desperasyon sa mukha ng lalaking mahal. Kahit sa totoo lang 'di niya type ang lalaki. He looked too much for her. Iba kasi ang mga lalaking natitipuhan niyang pangkama, naroon pa rin kasi ang fierce sa mga tingin ni Eston. He's rather scary. Gusto niya 'yong inosente na mapapasunod niya, pero sinubukan pa rin niyang i-consider ito lalo't madali itong mapasunod sa gusto niya.
Higit sa lahat, apo ito ng may pinakamalaking korporasyon sa Asya. Kahit nga 'di na siya magtrabaho habambuhay, kaya siya nitong sustentuhan at ang mga luho niya.
But why is he still glaring at her?
"Are you taking me for a fool Gennie?" may pagbabantang wika nito.
Nagsalubong na ang kilay niya. Agad niyang napansin na iba ang tono ng boses nito hindi katulad dati. Hindi na rin siya nito tinatawag sa endearment na nakasanayan niyang marinig mula rito kahit sa totoo lang ay nasusuka na siyang marinig 'yon.
"Iniisip mo bang niloloko kita?" balik tanong na niya.
Lahat na alam niyang akusasyon ay ibabato niya upang baliktarin ang mga sinasabi nito.
"Ikaw nga 'tong niloloko ako! Hindi ba't ikakasal na tayong dalawa, pero ilang beses ka pa ring nakikipagkita sa kapatid ko. May gusto ka ba sa kanya?"
Yes, take that, asshole!
"Ilang beses ka ng nakikipagkita sa kanya na kayo lang dalawa. Naisip mo ba ang mararamdaman ko?" Mukhang nagpapaawa na siya.
"Your sister was almost get killed if I didn't see her yesterday. Dalawa sa mga inutusan mo na sundan siya ang gusto siyang saktan. Sa tingin ko mas kataka-taka na ilalagay mo sa alanganin ang buhay ng sarili mong kapatid para lang i-monitor ako. But I doubt that, gusto mo lang matiyak na sa lahat ng oras ay may mata kang nakasunod sa kapatid mo."
Napahakbang ang isa niyang paa sa likod. "You're now accusing me?"
Nagtangis ang bagang nito. "Alam ko na ang lahat kaya 'wag ka na magmaang-maangan. Ang sekretarya mo rin ang nagsabi sa 'kin ng totoo."
Pinanood niyang may damputin ito sa ibabaw ng mesita. "You're taking all of your younger sister's letter for me for the last one year. Madali mo nga naman magawa 'yon kung may mga tao kang mauutusan na gawin 'yon para sa 'yo. Then, what?"
"What?"
"Ano'ng gagawin mo pagkatapos ng lahat ng kalokohan na 'to?"
***
SIGURADO si Eston na nagawa na niyang makastigo si Genevieve na aminin sa kanya ang totoo. Wala rin naman siyang balak na makipaglokohan pa rito. Sa lahat ng taong nakasalumuha niya, wala pa siya kahit kailan na nakaharap ng taong napaka-narcistic. Mahirap niya 'yon na malaman agad dahil mahusay na magtago ang kaharap ng katotohanan.
Sa katunayan, kahit 'di niya na marinig mula sa bibig nitong nagsinungaling lamang ito sa kanya, alam na rin naman niya lahat ng kagaguhang ginawa nito. Sa likod ng mapanlilang na mukha nito, nagtatago roon ang tunay na pagkatao nito. Sising-sisi siya na bastang agad na naniwala rito.
Naiyukom niya ang mga kamay sa sama ng loob.
Naghihintay siyang marinig ang sasabihin nito nang magsimulang humalakhak ito ng malakas.
"You know what Mr. Cole, I'm amazed on how you figure everything out this fast. Ang akala ko talaga kahit maikasal na tayong dalawa ay hindi mo malalaman ang totoo. Siguro kung 'di mo lang nakita ang kapatid ko, 'di ka kahit kailan magsususpetsa tungkol sa 'kin at sa mga lintik na basurang 'yan. Sa 'yo na 'yan. Wala rin namang silbi ang mga 'yan sa 'kin. Kahit ano'ng effort ang gawin ni Gisel ay hindi pa rin naman siya magbabago. Ngayon pa lang pinapaalalahanan kitang wala kang mapapakinabangan sa kanya. She's useless and stupid. 'Wag mo ng sayangin ang oras mo sa katulad niya."
Tama ba ang mga naririnig niyang nagagawa nitong sabihin ang mga salitang 'yon tungkol sa sariling kapatid.
"Pero kapag kinuha mo ang mga 'yan, 'wag kang umasa na pakakasalan pa rin kita. Alam mong malaking kawalan kapag basta mo akong pinakawalan, not only for your grandfather's company but even for your name. Walang Eston Cole kung wala ang pangalan ng pamilya ko ng kadugtong ng sa 'yo. Tandaan mo 'yan.
Umigting lalo ang panga niya. "Hindi mo kailangan sabihin 'yan sa 'kin. Of course, I'm taking all of the letter because to begin with these are not yours," mariing aniya.
Nang biglang tila may naalala ito nang akmang paalis na siya. "Damn it, I almost forgot. Tama lang 'yan na hindi nga talaga natin ituloy ang kasal nating dalawa. You're only an illegitimate child of Marcus Cole. Ayoko rin na mahaluan ang pamilya namin ng anak ng isang kabit. Kadiri."
Sa pagkakataong 'yon, sinubukan niyang hindi na muli ito lingunin pa. Oras na gawin niya 'yon baka masumpa niya talaga ang babae sa ibabaw ng lupa na ngayon lamang niya napagtanto na hinayaan niyang dumikit ang sarili niya roon.
Mas nandidiri siya sa ugaling mayroon ito kaysa sa pinagmulan niya. Laking pasasalamat na lamang din niyang ito na mismo ang nagmungkahing hindi na ituloy ang kasal nila.
"By the way, Mr. Cole. Baka iniisip mong oras na hiwalan mo ako ay malaya ka ng makakabalik sa babaeng totoong mahal mo. Well, you're already too late for that!" sigaw sa kanya ni Genevieve bago noon magsara ang elevator. "Good bye, Mr. Cole."
What does she mean?
Tumigil siya sa paglalakad malapit sa kalsada kung nasaan ang kotse niya. Nakaalis na siya sa gusali kung nasaan si Genevieve subalit pakiramdam niya nakasunod pa rin ang matinis na boses nito sa kanyang tainga, at hindi siya mapakali.
Kinakabahan siya at labis na nag-aalala para kay Gisella. Ngayong alam na niya ang totoo, wala na siyang ideya sa susunod niyang gagawin.
Personal ba niyang pupuntahan ang babaeng totoong mahal. Pero paano na lamang ang gagawin niyang paliwanag na nagkamali siyang isipin na ang taong totoong kapalitan niya ng sulat ay ito talaga. Saka inalok na rin niyang magpakasal si Genevieve, kahit na sabihing tumanggi na iyon.
Papaano niyang sisimulan na ipaliwanag ang totoong nangyari? Kaya ba palagi niyang hinahanap-hanap ang dalaga noong unang beses niyang nakita ito?
Malamig ang unang pakikitungo niya rito kaya alam niyang nasaktan ang dalaga ng dahil doon. Makailang beses din na sinubukan niyon na humingi ng tawad subalit sa lahat ng pagkakataong iyon ay 'di nagbago ang isip niya.
Naguguluhan na talaga siya ngayon. Sa lahat ng ginawang panggugulo ni Gennie, wala ring namang ginawa 'yon nang malaman niya ang totoo kung hindi tumawa. Walang pagsisisi ang makikita mula sa naging reaksyon nito matapos ang lahat ng ginawa.
She ruined everything from him. Ilang taon niyang inasam na makatagpo si Angel. Pero lahat 'yon nawalan ng saysay dahil sa pagiging padalos-dalos niya. He should have done some research subalit huli na niya iyon nagawa at heto siya at humantong sa pinakaworst case na pwedeng mangyari.
Malakas na nahampas niya ang manibela ng sasakyan. Nahagip ng paningin niya ang siguradong sulat na matagal na hindi sa kanya naipadala matapos na harangin 'yon ni Genevieve. Kung 'di pa 'yon sinabi sa kanya ng nagngangalang Garry, baka hanggang ngayon mukha pa rin siyang tanga sa harapan ng babaeng 'yon. Labis-labis ang pagsisisi niya subalit wala siyang kakayahan upang balikan ang simula ng lahat ng 'yon.
Sa katunayan, gusto na niyang maiyak. He really liked Gisella, the woman whom he originally exchanged letters. Saglit na inisa-isa niyang buklatin ang mga sulat. Marami iyon. Siguradong ang kabuuan iyon ng isang taon na 'di niya nagawang matanggap ang mga sulat.
Mabuti na lamang ay hindi pa nabubuksan ang karamihan doon. Hindi rin 'yon itinapon ni Garry kahit na dating ipinag-utos ni Genevieve dito.
Papaano niya nagawang paaminin si Garry? Money.
Kahit ano kayang gawin ng pera.
Lalo lamang siyang nasaktan ng mabasa ang mga sulat ni Gisella para sa kanya.
‘Hindi ka na nagpapadala sa 'kin ng sulat. It's okay if you're busy. I'm praying your safe and sound. I love you, Eston.’
Sinubukan niya ring buksan ang ibang ilang buwan lamang noong huling ipinadala ng dalaga. Ang agwat ng mga 'yon ay halatang hindi na ito nakatatanggap ng balita tungkol sa kanya. Naroon din kasi ang iba niyang sulat na hindi rin dumating sa dalaga. Napansin niyang hindi na nalalayo ang sulat kamay ni Gisella sa notebook na huli nitong ibinigay sa kanya.
‘I studied well to make my handwriting legible for you to read. Baka nahihirapan ka ng basahin ang mga sulat ko. I'm sorry, if they're really bad.
Please, keep in touch with me. This is my number... I'm going to England on the first Monday of March. If you're free, let's meet. I'll be waiting for you in the London Eye. I really love you, Eston.’
Halos gumuho ang mundo niya sa mga huling salita na 'yon sa sulat ng dalaga para sa kanya.
"I love you too," sambit niya habang patuloy sa pagbagsak ang luha sa kanyang mga mata niya.
Malutong na nagmura siya nang subukang tawagan ang numero ng dalaga na inilagay doon. Kaya lamang walang sumasagot sa kabilang linya, at tila nasa out of reach na area din 'yon.
Si Mr. George Lacanlale.
Iyon ang sinubukan naman niyang tawagan. Halos banggitin niya ang lahat ng santo na kilala niya para lamang sagutin ang naturang tawag niya na 'yon.
Nang ilang sandali lamang ay may sumagot niyon ng tawag niya. Sa totoo lang, 'di niya 'yon inaasahan lalo't alam niyang napakabusy na tao nito.
"Mr. Lacanlale, this is Eston Cole," agad na pakilala niya sa sarili.
Maingay sa kabilang bahagi ng linya. "Yes, she'll be all right, Minerva. Please, calm down..."
Narinig niya ang panaghoy ng isang babae na siguradong kasama ngayon nito. Nabahala tuloy siya sa kasalukuyang nangyayari. Nangamba naman siya, naalala niya si Gisella na bastang inuwi niya sa bahay ng mga ito kahit marami itong sugat. Tiniyak naman niyang nalinis niya 'yon ng maigi at nalagyan ng gamot, hindi na rin 'yon gaano'ng namamaga nang inuwi niya ang dalaga.
"Mr. Cole? Is this you?"
Agad na nagbalik sa kasalukuyan si Eston sa narinig na 'yon ng ama ni Gisella sa kabilang linya.
"Opo, may nangyari po ba?" tanong na niya.
Saglit na hindi ito umimik. "My daughter Gisella is in the hospital right now. I can't entertain some calls for the time being. Hindi kasi pwedeng ipasok sa loob ang kahit na ano'ng electronic na device."
"A—Ano po? Sa aling ospital po?"
Pakiramdam niya bumaligtad ang buong kalamnan niya mula sa narinig na 'yon sa ama ng dalaga. Nanakit bigla ang sikmura niya sa matinding pag-aalala.
Ibinigay nito ang ospital kung saan dinala ang dalaga. Hindi na niya alam ilang traffic violation ang nagawa niya, subalit tiniyak naman niyang walang nadisgrasya sa kanya. Si Atty. Zoren na lamang ang mag-aasikaso ng lahat ng iyon.
Patakbong pumasok siya sa may lobby at nagtungo sa information desk. May mabait na nurse na nagdala naman sa kanya sa isang private room. Doon ay naabutan niyang nakatayo sa labas ng isang silid si Mr. Lacanlale at dati nitong asawa na si Minerva, na umiiyak sa bisig ng isang doctor na naroon.
Nilukob ng matinding takot ang buong pagkatao niya. Pabigat nang pabigat ang bawat hakbang na kanyang ginagawa... he's clearly hesitant to hear what happened to Gisella.
Ayaw niyang maging huli na 'yon para sa kanila... Please, God. I will do everything just don't let this be the end.
***