"GISELLA, hija! Kanina ka pa namin hinihintay ng dad at ate mo," bungad ng ina ni Gisella na naroon din sa bahay upang pasyalan silang mag-aama.
Ganoon ang gawain ng ina na kahit hiwalay na ito sa dating asawa ay hindi pa rin kinalilimutan ang dalawang anak.
Pumuslit lamang si Gisella sa kanyang kwarto na walang ibang nakakakita kagabi sa pangamba na labis na mag-alala ang mga ito. Lalo na ang kanyang ama na masyado ng pagod mula sa trabaho at ayaw niyang dagdagan pa ang alalahanin tungkol sa kanya. Saka ligtas naman siyang nakauwi, kapag okay na siya, babalikan na lamang niya ang kotse na naiwan.
Dumako ang paningin niya sa amang nakatitig sa kanya habang ang kapatid niya ay nauna ng kumain.
"Pasensya na po, late na po akong nagising," agad niyang hinging paumanhin.
"May problema ba anak? You looked sick," puna ng ama.
Agad na umiling siya. "Ayos lang po ako, may nangyari lang po kahapon."
Ibinalik ng ama niya ang paningin sa pagkaing nasa mesa. "You can tell me everything hija. 'Wag kang mag-aalinlangan na magsabi sa 'kin kung may problema. Ama mo 'ko at maiintindihan kita agad kung ano man ang alalahanin mo," malumanay na saad ng kanyang ama.
Ngunit sa huli ay 'di pa rin niya magawang magkwento tungkol sa totoong nangyari kahapon.
"Thanks dad. I will."
Nang mapukaw ang atensyon niya ng kumalansing na kubyertos ng kanyang Ate Gennie.
"Maupo ka na, ano pang hinihintay po? Gusto mo bang may humatak pa ng upuan mo para umupo ka?" iritableng tanong nito nang balingan siya.
"Hindi po ate," aniya nang maupo na katapat ng silya ng kapatid niya.
"Please, Gennie. 'Wag mong kausapin ng ganyan si Gisel. Kakagising lang niya, and she's tired from work," saway ng ama niya sa anak.
Gennie snorted. "Kaya 'yan masyadong spoiled dahil hinahayaan n'yo lang siya. Simple lang naman ang gagawin niyang gumising ng maaga at sumabay sa atin na kumain. Pati 'yon 'di pa niya magawa."
"Gennie, please mind your words."
Pumalatak na ito. "Dad, hanggang kailan kayo magbubulagbulagan na nagpapainosente lang 'yan si Gisel. 'Tapos heto pa kayo kinukunsinti siya. And for your information dad, hindi siya nagtrabaho kahapon. Wala na rin siyang trabaho dahil tumanggi daw siya sa kontrata na inalok sa kanya na maging exclusive model."
"What?" gulat na usal ng ama niya sa narinig.
Binalingan na niya ang kapatid ng mga oras na 'yon na walang pinagkaiba ang tono ng pananalita kung paano siya kinausap ni Emmy kahapon.
"Sa tingin niya ba lahat ng tao ay umiikot sa sariling mundo niya dahil palagi n'yo siyang ini-spoil. You're giving everything to her na hindi man lang siya naghihirap to earn those. Papaano niya maiintindihan na hindi gano'n kadali ang lahat. Kaya wala pa rin siyang silbi hanggang ngayon!"
Malakas na hinampas ng kanilang ama ang mesa at marahas na binalingan ang panganay na anak. "Watch your words, Gennie. Hindi kita pinalaki para magsalita ng ganyan sa kapatid mo!" galit na bulyaw na nito.
"I—I'm sorry dad," agad naman na hinging paumanhin ni Gennie. Kagat na nito ang ibabang labi, at naroong nanginginig ang dalawang kamay. "But, its Gisella's fault all this time why the company is still suffering!"
"Cut it out. Hindi ko kahit kailan in-spoil ang kahit sino sa inyong dalawa. I've been a lenient father because I want the two of you to feel an equal love. Kami ng mommy n'yo, pareho naming alam na 'di kami perpektong magulang, but we're still trying our best for the happiness of you two."
"That's not true! Mas matimbang pa rin sa inyo ni Mom si Gisella, kahit noong bata pa lamang kaming dalawa. Wala kayong bukambibig na dalawa kung gaano n'yo siya kamahal, na you're even willing to sacrifice the company for the sake of her. Dahil ayaw niyang malubay sa inyo, nalagay tuloy n'on sa alanganin ang kompanya. Ikaw po lahat n'on sumalo, pero ni minsan 'di kayo nagalit sa kanya!"
"I'll do the same for you Gennie."
Matalim ang mga tinging ipinukol sa kanya ni Genevieve na animo'y ano mang oras ay handa na siyang sunggaban katulad dati sa tuwing nagagalit ito at marahas na hinahablot ang buhok niya.
"Genevieve, I know quite well that you're trying your best to be recognized by me. I am grateful for that.
"Grateful? Kahit minsan 'di n'yo ko pinagmalaki sa mga kaibigan n'yo, you never praise me for any of my achievement. Pero ayan si Gisel, walang kwentang trabaho ang mayroon siya, at walang saysay ang ginagawa niya pero todo support kayo ni Mom!"
Ano mang oras ay sasabog na ang kapatid niya sa matinding galit. Ngunit katulad nito ay nagpipigil din ang ama nila.
"Anak, please. You don't have to shout. Itigil mo na rin ang mga hindi magandang ginagawa mo sa kapatid mo. Hindi siya kahit kailan nagsasabi sa 'kin ng problema niya, at mali ang iniisip mo sa kanya. She's a wonderful daughter just like you..."
"Ano'ng ginagawa ko sa kanya? A—Alam n'yo?" Bumakas ang labis na gulat sa mukha ng kapatid niya.
Nakatuon ang mga mata ng butihing ama nila sa pagkain nito nang maramdaman ni Gisella na lumapit ang ina sa kanya upang hawakan siya sa magkabilang balikat. "What is happening mom?" 'di na niya mapigilang itanong.
May hindi ba siya alam?
Pagak na tumawa na ang kapatid niya, gumuhit ang pagkawili sa reaksyon sa mukha nito na wala siyang ideya sa ngayong nangyayari.
Nakangising binalingan na siya ni Genevieve. "Alam n'yo pareho pero nagpapanggap lang pala kayong dalawa all these times? Siguro tuwang-tuwa kayo dad at mom nang malaman ang mga bagay na 'yon?"
Siya na ngayon ang bumaling sa ama. Nais na niyang umiyak ng nga oras na 'yon. Mabigat ang atmosphere sa pagitan ng lahat subalit siya lamang ang walang alam sa mga nangyayari.
"Dad, please tell me. Ano pong nangyayari at ano po'ng ginawa ni Ate Gennie?"
"Shut up Gisella, hindi ka kasali sa usapang 'to. Gusto ko munang marinig ang sasabihin nina daddy at mommy tungkol sa papaanong nagawa nilang itago sa 'yo ang lahat. Ang buong akala ko talaga ay mahal ka nila, pero pinagmukha ka lang pala nilang tanga!"
"Ate!" malakas na sigaw niya sa kapatid.
Iyon ang salitang ayaw na ayaw niyang marinig mula rito. Oo, minsan may pagkahangal siya ngunit hindi ibig sabihin niyon lahat ng mga masasakit na salitang ibabato nito sa kanya at matatanggap niya lamang ng basta. She had enough of her own sister's conceited way to bully and harras her. Wala naman siyang ginagawa ritong masama. Sinubukan pa nga niya ang lahat para lamang matanggap nito.
"Kung 'di ka titigil Gennie, siguro magandang umakyat ka na muna sa kwarto mo," usal na tuloy ng kanilang ama. Saka naman siya binalingan din nito. "Ikaw din Gisella. Ayokong mas lumaki pa ang isyu na ito. Mabuting sa kwarto n'yo na muna kayong dalawa at magpahupa ng mga nararamdaman ninyo."
"No, dad. Hindi puwede! Bakit ako na lang palagi ang may kasalanan sa pamilyang 'to? Ako na lang palagi ang black sheep, well in fact, it was Gisella's fault for being so ignorant!"
Hindi na siya nakapagpigil nang sunggaban niya ang buhok ng kapatid. Malakas na sinampal niya rin ito sa mukha.
"I'm not!" malakas na sigaw niya.
Doon ay humantong sa pagsasabunutan nilang dalawa. Pilit namang inaawat sila ng kanilang ina't ama. Subalit wala sa kanilang gustong magpaawat.
"You b***h! Akala mo ba hindi ko alam na nilalandi mo ang fiance ko!" hiyaw nito sa kanyang mukha.
"I will never do that!" ganti naman niya.
Bawat hatak nito ng buhok niya ay tinitiyak niyang gaganti siya. Sawa na siyang unawain ang masamang ugali na mayroon ito, kahit ang ama pa niya ang minsang nakiusap sa kanyang huwag na huwag siyang papatol dito. Pero wala siyang magagawa kung katulad nito ay sumabog na rin siya sa matinding sama ng loob at galit na kinimkim niya sa kapatid na simula bata pa lamang silang dalawa ay ganito na talaga ang pakikitungo sa kanya.
"You're a slut! Ikaw na kahit alam mong ikakasal na sa 'kin si Cole, panay pa rin ang pakikipagkita mo sa kanya para akitin mong malandi ka! Siguro iniisip mong papatulan ka pa rin niya at tatanggapin ka ng pamilya niya. Eh ni wala ka ngang alam na gawin bukod sa ibalandra sa harap ng maraming tao 'yang hubad mong katawan. Kadiri ka!"
Bumuhos lalo ang mga luha sa kanyang mga mata hanggang sa parehong nanghina na ang mga kamay niya at binitawan ito.
Saka niya nakitang tumama ang matalim na bahagi ng kuko nito sa kanyang mukha na naging dahilan upang magdugo 'yon. Nakita niya ang labis na kagalakan sa mukha nito nang masaksihan ang pagkakasugat ng isang bahagi ng mukha niya. Nasapo niya 'yon ng kamay upang patigilin ang patuloy na pagdurugo.
Balak pa sana siyang lapitan muli ni Genevieve nang hablutin na ang isang braso nito ng ina.
Nanlaki pareho ang mga mata niyang makitang malakas na sinampal ito ng kanilang ina.
"Enough, Gennie! Tumigil ka na," mariing wika nito na bakas ang matinding disgusto.
Umismid si Gennie. "Oh? Ngayon gusto n'yo akong lahat na pagtulungan dito mismo sa pamamahay na 'to? Kampihan ninyo pang dalawa si Gisella, pero hanggang diyan na lang 'yan."
"I said enough!" awat pa rin ng kanilang ina.
"Okay, titigil na 'ko. Pero sabihan n'yo muna 'yan si Gisel na 'wag mang-agaw ng fiance nang may fiance. Saka 'wag kayo magmaang-maangan na 'di n'yo alam na magkasama silang dalawa maghapon at gabi. Hinatid pa nga siya eh. 'Yan ba ang 'di daw mang-aagaw. Well, I don't care anymore... Ayoko na rin sa pamilyang 'to. I'm out. Bahala na kayong lahat, kaya ko na ang sarili ko at 'di ko na kailangan na i-please pa ang lahat. Kaya good bye!"
Kinuha nito ang bag saka dere-deretso na naglakad palabas ng dining area.
Bumanaag sa mukha niya ang labis na pagkabahala sa tono ng pananalita ng kapatid. Animo'y wala na itong pakialam pa kahit magalit na ang parehong magulang sa inaasta nito maging sa pambabastos na ginagawa.
"Genevieve," muling tawag ng ama nila sa panganay.
"What?" Huminto tuloy niyon itong maglakad. "Baka magbago pa ang isip ko dad, papuntahin ninyo na lang si Gisel sa ibang bansa. Tutal naroon naman ang ‘trabaho’ niya, right?"
"No. I will not do that. Hindi mo rin ako makukumbinsi na gawin 'yon. 'Di rin lingid sa kaalaman ko ang ginawa mo kaya nakapasok sa ganoong trabaho si Gisel. Dati mong kaklase si Emmy Inocencio, ikaw ang lumapit sa kanya para alukin si Gisel ng trabaho. Kung iniisip mong 'di marangal na trabaho ang mayroon ang kapatid mo, I don't think so. She's trying her best to do what she can. Hindi rin siya hangal para bastang pumayag na pumirma sa inaalok sa kanyang kontrata. I will make sure na 'di na mauulit ang nangyari four years ago. Alam ko na rin na 'di kasalanan ni Gisel ang nangyaring leak ng information ng kompanya kaya muntik na tayong malugi. Lahat 'yon kagagawan mo, kaya, please tumigil ka na bago ko pa maisipan na itakwil ka bilang anak."
Dumilim ang anyo ng mukha ni Genevieve, at mayamaya'y mababakas na namutla 'yon.
Habang nagsimulang mamawis ang mga kamay niya. Nanlalim pareho ang mga mata niya nang mapaluhod na siya sa sahig habang naroon naman ang kanyang ina at handa ng aluin siya at yakapin ng mahigpit. Ibinaba muna ng ina ang hawak na panyo upang takpan ang sugat niya sa mukha.
"Hangga't kaya kong maging mabuting ama sa inyong magkapatid ay gagawin ko. Pero sumobra ka na, hindi ko na 'to hahayaan pang magpatuloy. Kung nagkulang ako, I'm sorry hija. Kahit ilang beses kong ulitin sa 'yo na proud ako sa 'yo, sa mga achievements mo, hindi mo man marinig na ipinagmamalaki kitang anak. I'm sorry, and I still love you. But, I can't just let you ruin the life of your sister because of your selfishness. Bakit palaging nasa kapatid mo ang atensyon ko—namin ng mom mo? Because we know you'll hurt her, over and over again."
Nasaksihan niyang lumuha sa harapan nilang pamilya ang kilala niyang ama na hindi basta-basta panghihinaan ng loob. Sa kabila ng lahat ng pagsubok na pinagdaanan nito, batid niyang natibag ang bakod na matagal na binuo nito ng dahil sa anak na panganay.
"It's up to you, if you'll stay Genevieve. Pero tandaan mo, 'di kita pipigilan sa ano man na piliin mo. Masyado mo ng nasaktan ang sarili mong kapatid. Oo, alam kong malaking parte sa nangyayari ngayon ay kasalanan ko. I am very sorry. Naging selfish ako, sa sobrang dami ng nangyari sa inyong dalawa na magkapatid, naghiwalay kami ng mom ninyo ten years ago dahil gusto na niyang sumama sa taong mahal niya—hindi ako 'yon. At ayokong pati kayong mga anak ko ay mawala sa 'kin kaya nagbulag-bulagan ako. Pasensya na mga anak. Naging duwag akong harapin ang katotohanan..." buong pagsisising sambit ng ama nila.
Ilang sandali na namayani ang katahimikan sa loob ng maliit na silid na 'yong kung nasaan silang lahat, pawang ingay lamang nang labis na pag-iyak ng ama nila ang maririnig sa bawat sulok.
Mayamaya'y walang ano-ano'y tuluyan ng lumabas si Genevieve na walang sinasabi. Nagdesisyon na itong umalis, at batid 'yon ni George, ang kanilang ama. Pinili ng anak na umalis. Matagal na pinanghawakan ng haligi ng tahanan na hindi muling mawatak ang pamilyang pangarap nitong magkaroon. Ngunit kahit iba man ang may kasalanan niyon, inako pa rin nito ang lahat nagbabakasakaling may natitira pang pag-asa.
Lumapit naman kay Gisella si George. Bakas sa mukha nito ang pagsisisi, at kahihiyan sa malaking pagkakamaling ginawa. Sa huli, paghingi lamang ng tawad ang nagawa nito.
"We're very sorry hija," anang nito sa mababang boses at buong pagmamahal na ibinalot ang isang kamay niya upang halikan. "Patuloy akong hihingi ng sorry sa 'yo hija dahil nagkaroon ka ng walang kwentang ama na katulad ko. Patawad... patawad..."
Mapang-unawa siyang ngumiti. "No, dad. Hindi ninyo kailangan na humingi ng tawad sa 'kin. Mahal ko kayo, at nauunawaan ko kaya n'yo 'yon ginawa. It was me who should be apologizing right now. Hindi ko man lang 'yon agad na napansin. I'm really slow and really not smart like what Ate Gennie said."
"Hindi 'yan totoo! Wala sa lahat ng sinabi ng kapatid mo ang totoo, kaya 'wag kang maniniwala sa mga bagay na 'yon. Sa katunayan, sinira ng kapatid mo ang dapat na confidence na nag-grow sa 'yo. She ruined everything and I let her do that to you..."
Sunod-sunod na pag-iling niya. Desisyon niya ang bagay na iyon na nagpaapekto siya gayong palagi ngang nasa tabi niya ang ama upang i-comfort siya.
"I know it's too late for me to say this. Pero nagsinungaling din si Gennie kay Mr. Cole tungkol sa mga sulat. Nagbakasakali ako noong nakaraan na baka maayos pa ang misunderstanding na 'yon kapag personal na nagkita kayong dalawa dahil pakiramdam ko hinahabol ako ng konsensya ko. 'Di lingid sa kaalaman ko na may gusto kayo sa isa't isa subalit wala man lang akong ginawa habang alam na alam ko sa sariling ibang tao ang inalok ni Mr. Cole ng kasal. Ikaw dapat 'yon hija. I'm very sorry."
Nilukob ang puso niya ng labis na kalungkutan. She was crying all this time. Subalit lalo lamang siyang nalungkot nang malaman ang bagay na 'yon.
Saglit na nag-isip siya, at ibinaon sa kadulu-duluhan ng puso niya ang sakit na nararamdaman. Totoong first love niya si Eston. Ngunit kung patuloy na sisisihin ng kanyang ama ang sarili dahil 'di nito nagawang ipaalam sa binata ang totoo.
Para sa kanya, mabuting tanggapin na lamang niya ang katotohanan na hindi talaga sila puwede ng binata. Taos-pusong tatanggapin niyang ang tuluyang paglimot dito at ang nakaraang mayroon sila ang magbibigay ng kapayapaan sa puso at isip ng kanyang mahal na ama.
"Matagal ko na pong natanggap na hindi talaga kami para sa isa't isa ni Eston, dad. Wala na rin po akong nararamdaman para sa kanya lalo na po noong nalaman kong ikakasal na po pala siya kay Ate Gennie," aniya.
Sandaling tumitig sa kanyang mga mata ang ama. "Hija."
Pilit na bumakas sa mga labi niya ang isang munting ngiti. "Wala kayong dapat na ipag-alala dad. Ayos lang po ako, saka 'di rin po ako galit sa inyo ni mommy. Marami na po kayong isinakripisyo para po sa 'kin at kay Ate Gennie. Kaya po, thank you, thank you so much dad and mom for everything."
Niyakap siya nang mahigpit ng ama. Gumanti rin naman agad siya.
Imposible na na magkaroon sila ni Eston ng ikalawang pagkakataon. Lalo't personal niyang nakita kung gaano pinahahalagahan ng lalaki ang kapatid niya, lahat kasi ng katangian na maaaring magustuhan nito sa isang babae ay taglay ng kapatid niya. Siya? Wala, dahil sa lahat ng sinabi ni Genevieve sa kanya. Kalahati roon ay totoo, and that breaks her heart more, na para pang pinipipi iyon nang pinipipi ng pinong-pino.
Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga ngayon...
"Gisella!" ang malakas na sigaw lamang na 'yon ng ama nang unti-unti na mawalan ng lakas ang mga paa niya, at doon ay unti-unti na pumikit ang mga mata niya.
***