"I'VE been always praying that I'll be someone notable in life. I mean, hindi naman na kailangan may mapanalunan akong Nobel Prize for any category. 'Yung masasabi ng parents ko na they're both proud of me," wika ni Gisella.
Malalim na napasinghap siya nang masanggi ang mas maga niyang sugat sa paa.
"Ako na," aniya habang pilit na inaagaw na mula sa lalaking kanina pa niyang kasama ang hawak na nitong bulak at gamot na ipinapahid sa sugat niya.
"Ituloy mo lang ang kwento mo. Nakikinig ako," iyon lamang ang sinabi ng lalaki na 'di naman siya nagawang tapunan ng tingin kaya't 'di rin tuloy nito makita ang reaksyon niya sa tuwing dadampi ang bulak na may povidone iodine. Nagmatigas din kasi siyang ayaw magpadala sa kahit na ano'ng ospital o clinic upang ipatingin 'yon.
Higit sa lahat ayaw niyang malaman ng kanyang ama ang nangyari sa kanya.
Nakahanap sila ng maayos na pwesto kung saan sandaling umalis ang lalaki at pagbalik nito ay may dala ng gamot. Ang akala talaga niya kanina ay iniwan na siya nito ngunit buo yata ang desisyon nitong tulungan siya. Bukod doon ay may dala rin itong tsinelas para sa kanya upang hindi na gaanong lumala ang sugat niya gayong nakasuot siya kanina ng flat shoes.
"Angel," anang niya. Doon ay nag-angat na ito ng tingin upang pantayan ang mga mata niya. "Most people call me with that nickname, Angel."
Kung balak pa rin niyang magpanggap sa harap nito, kahit papaano sa pangalan na 'yon ay maipakilala niya ang sarili.
Hindi ito umimik.
"Your name?"
Katahimikan pa rin ang tugon na natanggap niya rito. Mukhang wala itong interes na ipaalam sa kanya ang pangalan. Nauunawaan naman lalo't kanina lamang silang nagkitang dalawa, at heto siya ngayon personal na nililinis nito ang sugat niya sa paa.
Gusto pa naman niyang nagkukuwento rito ng kahit na ano'ng bagay tungkol sa kanya. Pakiramdam niya kasi wala ng ibang tao sa ibabaw ng mundong handang makinig sa mga sasabihin. Tulad na lamang ngayon, pati rin yata ito ay sinukuan na siya.
"I'm sorry, if I somewhat offended you with my blabbering earlier. I know that I can't tell my family with those things. I don't have friends anymore. They're all mad at me. I just thought that we can be friends."
"Why do you think so?"
"Kasi hanggang ngayon tinutulungan mo pa rin ako kahit 'di mo naman ako kilala."
Hindi na naman ito nagsalita.
Inihilig niya ang ulo sa kanyang kanang balikat, para kahit papaano ay masilip niya ang reaksyong mayroon ito ngayon sa mukha.
"Kung magiging magkaibigan tayo, you'll become my first friend."
"What do you mean? Wala ka bang ibang kaibigan?"
"They don't consider me as one. Pwede bang maging magkaibigan ang dalawang tao kahit ayaw naman ng isa sa taong 'yon?"
"Well. You have a point. They don't like you?"
"Yeah. I guess."
"Thus, you never had a real friend?"
"Of course, I still did!"
"Did? I doubt that." Batid niyang natawa itong marinig ang bagay na 'yon.
"I thought I did."
"Who?"
"But, he's about to get married."
Nahagip ng paningin niya ang kakaibang kislap sa mata ng lalaki nang batid niyang napukaw ng sagot niyang 'yon ang atensyon nito.
"I can't be friends with him anymore. Yet, he's still a good person just like you."
"P—Paano mo nasabi na pareho kami. 'Di mo pa nga ako kilalang mabuti. What if, I'm really trying to kidnap you?"
Napukaw tuloy ng tanong na 'yon ng lalaki ang atensyon ng magkasintahan na dumaan sa gilid nila. Nagdududang napatitig ang mga 'yon sa kanya, at bumakas ang concern. She smiled, and made a gesture that the person with her is only joking. Mukhang naunawaan naman ng mga taong 'yon ang nais niyang sabihin kaya't umalis din ang dalawa.
There are still nice people around.
Saka sumagi sa isip niya ang isang bagay tungkol sa kaninang magkasintahan na dumaan. Ano kayang mangyayari kung nagkita sila ng personal ni Eston noon at totoong nagkatuluyan silang dalawa? Baka magkasama sila ngayon, they're going out on a date while holding hands. That's romantic!
"I exchanged letters to that certain man before. Iisipin mo bang masyado akong assuming kung akala ko talaga noon may spark sa 'ming dalawa? I really thought he likes me, I mean from the way he writes his letters for me."
Natawa na siya ng pagak. She felt helpless all of the sudden nang maalala ang bagay na 'yon.
"Ipinakilala sa 'kin ni dad 'yong friend niya na nag-aaral sa England. Everytime that he writes me letters, I can reallly feel his sincerity and interest from his replies. 'Yong simpleng sharing namin ng mga experience in our weekly activities. He knew me for my nickname Angel. Kasi bagay daw 'yon sa 'kin. He finds salvation from my letters and how caring I am kapag tinatanong ko siya kung kumusta na siya."
Agad niyang pinunasan ang luhang tumulo mula sa kanyang mga mata.
"I'm not crying because I'm sad. May naalala lang ako," mabilis na paliwanag niya.
Napansin niya kasing naiistorbo ng mga luha niya ang kamay ng binata lalo na sa ginagawa nito, kinailangan tuloy ihinto niyon 'yon.
"I'm sorry... But, I don't want to go home. If I go home, I'll be hurt again. That man I'm talking about, he's about to get married to my sister." Pilit na ngumiti siya, nagbabakasaling mapigilan niyon ang mga traydor na luhang patuloy pa rin sa pagbagsak mula sa mga mata niya. "He's a nice man... They're a perfect couple. Both of them are good in business world."
"But... why are you crying?"
"Because I know, I still love him..." Huminga siya ng malalim. "After all those revelations, alam ko naman na nangyari ang bagay na 'yon na magkatuluyan sila kasi marami silang pagkakaparehong dalawa."
Hindi na nakaimik ang kausap niya. Napansin niya ring patapos na ito sa ginagawa kaya ginagasa na lamang ang paa niya.
"You're good at this..." komento niya.
Matagal bago ito nagsalita. "Nang bata pa 'ko madalas akong masangkot sa mga gulo. I've been always hurt and bruised. That is my way to burden my father for taking me from my mother."
Siya naman ngayon ang gustong makinig sa sasabihin nito. "That's sad."
"I'm an illegitimate child. Bunga ako ng affair ng ama ko sa maid ng lolo ko. Pero katulad ng ibang tao, nasilaw sa pera ang ina ko kaya nang alukin siya ng salapi kapalit na ibibigay niya ako sa demonyo kong ama, ginawa naman niya, hindi man lang ako tinatanong if I wanted to go with him."
"Sa poder ng ama ko, akala talaga niya gaganda ang buhay ko. Pero sa totoo lang gusto lang ng ama ko na burahin ang existence ng affair niya, at habang ako naman ay nagdurusa sa kamay niya. I've been neglected, at tinrato na mas mababa pa sa basura ng hayop na taong 'yon. Kahit ano'ng gawin ko, palaging 'di siya nasasatisfy hanggang sa tumaliwas ako sa gusto niya. Doon mas lalong lumala ang trato niya sa 'kin. All this time, iniisip kong walang ibang tao na matatanggap ako kung sinoman ako, at may dahilan ba talaga kaya ako nakakadanas ng gano'n..."
Inabot niya ang isang kamay nitong kasalukuyang nanginginig ng mga oras na 'yon.
She gently smiled at him. Marahang pinisil niya 'yon.
"Halos pareho kayo ng kwento ng taong tinutukoy ko kanina. Don't worry, even if, there are hardships in your life even up to this point. I hope you also find someone who will accept you as a whole," buong pang-unawa niyang sabi sa lalaki.
Kahit papaano ay humupa ang panginginig ng mga kamay nito.
"Ihatid na kita," mayamaya'y anito.
"May kotse ka?" gulat niyang sambit.
"Mayro'n, galing sa pagtatrabaho ko, 'di galing sa demonyong sinasabi ko sa 'yo kanina."
Mukhang stress na ito, at 'di magandang gatungan pa niya. Hindi na lamang siya nagsalita nang muling buhatin siya ng lalaki.
Nakatayo na sila sa gilid kung saan nagdaraan ang taxi. Balak na sana niyang ipaalala ang sinabi nitong may kotse raw ito. Ngunit halata namang wala. Hindi naman niya huhusgahan ito kung wala talagang sariling sasakyan, ayaw niya lang na kinailangan nitong magsinungaling para lamang patulan ang sinabi niya.
Hinatid nga talaga siya ng lalaki hanggang sa may mismong gate ng bahay niya. Hindi ba't masama ang bagay na 'yon lalo't 'di man lamang niya nalaman ang pangalan nito? Pero may magagawa pa ba siya gayong siya naman ang may dahilan kaya wala ring pagpipilian ang butihing 'yon.
Saka mahusay ang pagkakabandage niyon sa paa niya. Naisip tuloy niyang baka nasa medicine ito o sanay talaga sa gano'ng bagay. Sana magkita uli silang dalawa, at magawa niyang mag-thank you ng maayos at humingi na rin ng pasensya tungkol sa sinabi niyang may kotse ito.
***
NANG gabing 'yon, halos lundagin ni Eston ang unang palapag patungo kung nasaan ang tinutuluyan niyang unit. Nasa ninth floor pa 'yon, pero 'di na siya makatiis na may mapatunayan agad.
Pagbukas ng elevators, nagmamadaling lumabas siya. 'Di na niya alam papaano'ng naitype niya ng mabilis ang pass code ng unit niya maging nang simulan niyang halungkatin ang mga nagkalat na gamit sa ibabaw ng mesa niya. Doon ay nakita niya ang maliit na notebook na ibinigay sa kanya ni Gisella.
Kumuha naman siya ng mga sulat na natanggap niya noon mula kay Angel na hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya ay si Genevieve.
Sinimulan niyang ikumpara ang handwriting sa hawak niyang liham at handwriting sa notebook ni Gisella.
Kumunot ang noo niya. Malaki ang kaibahan ng dalawa, kaya nagdududa na siya sa lahat ng binanggit ng dalaga kanina. Sinunod naman niyang ilipat-lipat ang pahina. Doon ay lalong naguluhan siya.
Mayroon kasi sa mga letrang nakasulat doon ang pagkakapareho sa ipinadala sa kanyang sulat. Ayaw niyang maniwala, pero habang maigi niyang inaanalisa ang bawat isa. Naroon ang takot at pangamba niyang baka nagkamali siya sa dalawang magkapatid.
Pero, hindi ba't unang nagkita sila ni Gennie sa England, nang dumalo ito ng isang seminar at saktong ginanap 'yon sa unibersidad kung saan siya nag-aaral?
He's confused.
How is that possible? Sino sa dalawang magkapatid ang nagsasabi sa kanya ng totoo? At tama ri bang basta na lamang siya naniwala sa mga sinabi ni Gisella?
He can still remember everything from the moment he approached Gennie a year ago.
‘You don't have to send me letters anymore. I much prefer if you text me instead’. Iyon ang mga salitang binitawan sa kanya ng dalaga, kaya naman dahil sa kagustuhan niyang magkaroon pa rin ng koneksyon dito ay bumili siya ng cellphone na kanyang magagamit upang patuloy na ma-contact ito.
Iiling-iling na siya. Ano bang gagawin niya kung mapatunayan niyang si Gisella pala ang taong kapalitan niya ng sulat at nagsinungaling lamang sa kanya si Gennie?
Hinilot niya ang sentido, pakiramdam niya ay umiikot na ang buong paningin niya. Siguro ay dahil din sa gutom. Nagtungo muna siya sa kusina upang kumuha ng pagkain. 'Di rin niya alam kung may makikita roong makakain o lalabas uli siya para bumili.
Nang buksan niya ang fridge at magtaas ang isa niyang kilay sa nakiya sa loob niyon. Bumungad kasi sa kanya ang ilang lunch box na nakaayos na nakalagay sa loob niyon.
Isinara niya uli 'yan upang tingnan kung may nag-iwan ng note sa pinto niyon.
Mula pala 'yon sa kanyang sekretarya. Sandaling binasa niya ang nakasulat.
Nang tawagan na niya ang huli.
"Mr. Cole? Mabuti napatawag kayo. Tinawagan din po ako ni Atty. Zoren kaninang madaling araw na 'di raw kayo makakapunta ng office dahil may biglaan daw kayong business venture," wika ng nasa kabilang linya.
Iyon pala ang sinabi ni Zoren kaya't siguradong walang mangungulit na hanapin siya.
"Ikaw ba ang nagdala ng pagkain sa unit ko?" tanong na lamang niya.
"Opo. Dinala ko na lang po Mr. Cole ang pagkaing ipinadala ni Ms. Lacanlale. Nanghihinayang po kasi ako, saka may iniwan din siyang note sa mga pagkain. Mukhang mahalaga din ang mga 'yon. Hindi ko na nasabi sa inyo dahil ilang beses din kayong umaalis agad ng opisina," saad nito.
Nagsalubong ang kilay niya. Umaalis agad siya ng opisina? Para atang maging siya ay nagulat sa bagay na 'yon na hanggang ngayon ay napapaisip pa siya kung totoo ang sinasabi ng sekretarya. Alam kasi niya sa sarili na kapag mahaba pa ang oras niya at 'di pa sumasapit ang alasdiyes ng gabi, 'di pa patay ang lahat ng ilaw sa palapag kung nasaan ang office niya 'di siya matitinag na umalis doon.
Binuksan niya muli ang fridge at tumambad muli sa kanya ang ilang lalagyan doon ng pagkain. Inisa-isa niyang tanggalin 'yon at ipatong sa kitchen top.
"Pupunta po ako ng unit n'yo bukas ng umaga para po alisin ang mga pagkain, ngayon pong wala rin kayo sa bansa," mayamaya'y wikang muli ng kausap.
"No need. Nasa bahay na 'ko," aniya nang buksan ang mga pagkain.
"Po?" Nagtataka marahil ito kung bakit naroon siya salungat sa sinabi ni Zoren dito.
Ibinalik niya ang paningin sa pagkaing nasa kanyang harapan. Talaga bang si Gisella ang gumawa ng mga 'yon? Lahat kasi ng mga putahi na 'yon ay paborito niya.
"Mr. Cole?"
"Pakihanda ang mga gamit ko sa office, papers na kailangan kong basahin at pirmahan. Tatawag na lang uli ako kapag may problema," aniya.
Nang may naalala siya.
"Nasa'n mo nilagay 'yong notes na sinasabi mong galing kay Ms. Lacanlale?"
"Huh? Ah! Nasa gilid malapit po sa coffee maker. Pero Mr. Cole—"
"Thank you. Good bye." Agad niyang pinutol ang tawag at tinungo ang coffee maker. Mayroon na maliit na basket doon katabi ng ibang mga sulat na ipinapadala sa kanya.
Nag-effort din ang dalaga na mag-iwan sa kanya ng sulat. Nang parehong nanlaki ang mga mata niya sa labis na gulat.
‘I promised you once that I'll cook for you some Filipino dishes that you like. I'm sorry if I offended you last time. I also wanted to congratulate you. Please, take good care of my Ate Gennie, she's a nice and loving person.’
- Angel
I think there is a big misunderstanding here... he suddenly thought.
Malutong na napamura siya nang huli na niyang mapagtanto ang lahat.
***