Chapter 11

2857 Words
"OH, God! Are you okay Em?!" nag-aalalang tanong agad ni Giselle nang makitang nakatayo sa 'di kalayuan ang kaibigang si Emmy. Kasalukuyang abalang may kinakausap ito ng mga oras na 'yon. Nilingon naman siya nito nang marahil marinig ang boses niya. Natigilan siyang makitang ayos lamang ito, hindi katulad ng kaninang iniisip niya base sa tono ng boses nito sa kabilang linya nang tawagan siya. "Nandito ka na pala, Angel," masayang wika nito. Naguguluhang napatingin siya sa mga nakasama nilang photographer kahapon, naroon din kasi si Matthew ngunit nakatutok ang paningin sa harap ng cellphone. "I thought you're hurt," aniya tinutukoy ang paghingi nito ng saklolo mula sa tawag. "Mamaya na tayo mag-usap. Sa loob na muna tayo, alam kong galing ka sa mahabang biyahe." 'Di na siya nakaimik nang iginaya siya nito sa isang establishment. Nang makapasok sa loob ay saka lamang niya napagtanto na coffee shop 'yon. "Are you sure that you're okay?" muling tanong niya. "I'm not hurt. Alam ko kasing 'di ka papayag na magkita tayo kapag sinabi kong may sasabihin lang akong mahalaga sa 'yo." "You can say that to me through call." "I know you'll say that." "But..." Sinulyapan niya si Matthew na bakas ang pagkainip sa mukha. "The pictures of the photoshoot went superb." "Hindi ba't kahapon lang 'yon? I'm glad to hear that." Hindi talaga siya mapakali habang may ibang tao rin silang kasama roon. Ayos lang sana kung ang kasama lamang niya ay si Emmy, pero 'di pa niya gaanong kilala si Matthew at ang dalawang taong nakaupo rin sa mesa nila ang parehong mga mata ay maiging nakatutok sa kanya. She felt uncomfortable, kaya't hangga't maaari ay gusto na lamang niyang matapos 'yon sa lalong madaling panahon. Malakas na tumikhim si Em upang pukawin ang atensyon niya. Saka niya nakitang may inilapag ito sa mesa. "Tinawagan talaga kita to offer to move with me in Paris. 'Di ba nabanggit mo sa 'kin before na maganda ang place doon saka nandoon din naman talaga ang work mo, kaysa palaging need mo pang bumiyahe every now and then para bumalik ng bansa," saad nito. 'Di agad siya nakahulma mula sa narinig. "Kasama ko rin pala ngayong araw ang dalawang agent from Intimate to offer you a contract to become their brand exclusive model. Isn't that great?!" masayang dagdag pa nito. "Mademoiselle Angel, we're from Intimate. We've seen some of your photoshoots, and as per checking, you've been working for more than half a year already under freelance models. It's time for you to take this step to become an exclusive model of our lingerie products. I have brought with us, the contract that you can read and sign today." Napakunot-noo naman siya. Hindi ba siya na-corner masyado ng mga ito at tila sinadyang kompleto na ang lahat ng bagay at pirma na lamang niya ang hinihintay, samantalang wala pa nga sa mga 'yon ang lubusang naintindihan niya. They're leaving her no choice but to read the contract. Naroon na rin ang ballpen sa ibabaw ng mesa. Binalingan niya muna sa kanyang tabi ang kaibigan na dahilan kaya siya naroon. "Hindi pa 'ko handa," pag-amin naman niya. Wala talaga sa isip niyang maging exclusive model, lalo na ng lingerie. Totoong freelance lamang siya, at karaniwang ito ang kumukuha sa kanya upang maging modelo. Hangga't maaari, gamit niya ang lengguwaheng hindi maiintindihan ng dalawang foreigner na kasama nila roon. Ayaw man niyang maging rude, pero ayaw din naman niyang pagsisihan 'yon sa bandang huli na naging masyado siyang padalos-dalos. "Makakasama mo naman ako roon. Hindi ba't maganda rin 'to para sa image na bini-build mo para marecognize ka ng family na you can do something aside from business." Totoo naman 'yon. "But, I don't think I can do this yet." Nagsalubong na ang kilay nito. "Hey, what are you saying? Iniisip mo pa rin bang makakapasok ka ng kompanya ng dad mo?" Sinulyapan nito ang dalawang nagtatakang lalaki. "My model didn't understand what you mean earlier. I'll speak with her again." Nahimigan niya ang iritasyon mula sa boses nitong tila hindi nagustuhan ang kanyang naging sagot. Ibinalik nito ang atensyon sa kanya. "Mag-usap muna tayo," maawtoridad na sabi na nito. Wala siyang nagawa kung hindi sundan ito upang malayo sa mga kasama nilang makapag-usap silang dalawa. "What the hell are you talking about, you can't do this yet? Paano'ng mangyayari 'yon? You've been modeling for me for more than a half a year already!" singhal nito nang sila na lamang dalawa. Nanibago siya sa animo'y mabilis na pagbabago ng tono ng boses nito. "It's not what I mean." "Teka, ano ba kasing problema? 'Di mo pa nga nakikita ng buo ang kontrata. For sure it'll be beneficial for you!" "I know." "You know naman pala. Ano pa 'yang arte mo na parang 'di ka pa ready?" Labis na 'di siya makapaniwala sa narinig mula mismo sa itinuring niyang kaibigan. Hindi naman siya nag-iinarte, ang gusto lamang niya ay binigyan muna siya ng mga itong makapag-isip. That's not something she needed to sign immediately without hearing all of the details. Saglit na napaisip siya. Napakalaki kasi ng ipinagbago ni Emmy habang kinakausap pa lamang siya. "Hindi ka ba magsasalita? Ano maghihintayan tayong dalawa? Aren't you embarrassed na lumipad 'yung dalawang employee from the main branch just to see you and personally talk to you?" "I'll think of this first. I don't want to regret any of this in the future." Pagak na natawa na ito. May pang-uuyam sa mga mata nitong nakatingin sa kanya. "Regret? Ano'ng pagsisihan mo? As if naman may ibang company na mag-aalok uli sa 'yo na magtrabaho sa kanila, katulad mong walang ibang background bukod sa mukha at katawan mo?" Doon na siya nakaramdam ng disgusto mula sa taong kausap. Nagsalubong na ang kilay niya. Nang maramdaman ang daliri nitong dinuro na siya sa kanyang noo. "Hoy, spoiled brat. Pasalamat ka nga ikaw ang pinili kong kunin na model. Naisip mo ba ang mga paghihirap na ginawa ko para lang matuto kang humarap sa camera at rumampa sa stage. Walang Angel na makikilala sa fashion industry kung 'di dahil sa 'kin. Tapos ngayon biglang laki ng ulo mo? 'Di ka ba nahihiya sa 'kin na tumulong sa 'yo at umabot ka ngayon sa puntong 'to?" "You shouldn't be saying that..." mariing wika niya. Ngumising aso na ito. "Bakit? Are you going to call your dad para sabihing may nambubully sa 'yo ngayon? Well, ano nga bang maaasahan mula sa anak na 'di na mapakinabangan ng pamilya niya ss business, pati sa simpleng argumento, gusto rin ng may tumulong sa kanya. What a pathetic b*tch!" "Em! Please!" Kinumpas nito ang isang kamay sa hangin. "'Wag mo 'ko pinagtataasan ng boses. Ikaw na walang talento! Tama nga ang dati mong sinabi sa 'kin, wala ka ngang silbi. Ayoko na rin mag-aksaya ng oras para kausapin ka. Pasalamat ka na lang dahil kahit papaano napakinabangan 'yang katawan mo, siguradong maraming lalaki rin ang naglaway diyan." Hindi na niya nagawang umimik pa. Naiyukom na lamang niya ang dalawang kamay sa pagpipigil na makapanakit ng kapwa. "Bakit 'di mo na lang kaya ibuka 'yang mga binti mo sa ibang mga lalaking maraming pera? Baka kahit sa part na 'yon—" Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi nito nang 'di na siya makapagpigil. She will never sell her body like that, and she'll never sleep with anyone just for money! Balak din sana siyang gantihan nito nang mapansin niyang natigilan itong ituloy ang gagawin. Sapo lamang nito ang nasaktang bahagi ng pisngi nang sa huling pagkakataon ay hinarap siya ng matagal niyang itinuring na matalik na kaibigan. "There is a limit of how stupid you can be. Be glad that even if you're useless, your sister Genevieve is still trying to help you get a job." Naiwan siyang nakatayo habang pinapanood ang papalayong pigura ng dating kaibigan. Sa huli ay nawalan na rin siya ng lakas ng loob na bumalik pa sa mga taong batid niyang kasalukuyan pa ring naghihintay sa kanya. She had enough of the things she heard. Lumabas siya ng coffee shop. Hindi siya dumeretso kung saan niya pinark ang sasakyan. Saglit siyang huminto sa paglalakad nang mapagtantong wala rin siyang ideya kung saan siya dadalhin ng mga paa. Pero wala na siyang pakialam. Naroon na pinagtitinginan na siya ng mga tao. Bakas kasi sa mukha niyang animo'y naliligaw siyang tuta na hindi alam saan siya patungo. Patuloy lang siya sa paglalakad, alam niya kasing sa dulo ng daan na tinatahak niya may dulo pa rin 'yon. Ngunit sa layo ng nilarakan niya, bigo siyang matunton ang dulo niyon. She helplessly breathed out some air from her lungs. Kasalanan ba niyang wala siyang kahit na ano'ng talento. Unti-unti nang nagsi-sink in ang mga salitang kaninang binitawan ni Emmy. She rests after realizing that her feet started to feel really sore. Alam niyang masyado niyang sinagad ang mga paa na pagaling pa lamang ng mga 'yon. Duda siyang batid 'yon ni Emmy ngunit inaya pa rin siyang lumabas niyon. Tila sirang plangka na nanumbalik sa isipan niya ang mga salitang binitawan ng huli sa kanya. "I'm not spoiled brat!" nasambit na lamang niya kahit 'di lingid sa kaalamang wala namang makakarinig ng bagay na 'yon. "I think so too." Binalingan niya ang pinanggalingan ng boses na 'yon sa likod niya. Napapiksi siyang napaatras sa kanyang kinapupwestuhan. Natumba tuloy siya ng mawalan ng balanse. Pero naroon ang pagkaalerto niya sa biglang pagsulpot nito sa kanyang likod. Inilibot niya ang paningin sa buong palagid. Wala kasing gaanong tao roon sa eskinitang napasukan niya. Naroon na nagsimulang magrigodon ang puso niya sa matinding pangamba. "There she is!" Dumapo ang paningin niya sa dalawang lalaking nakauniporme nasa likod ng lalaking nagsalita kanina. "Take her!" Gulat at 'di pa rin nakakabawi ay bastang sinunggaban ng una ang kamay niya. Pero nang malalim na napasinghap siya, napadako tuloy ang paningin nito sa mga paa niyang nagdurugo na ng mga oras na 'yon. Nawalan na tuloy ito ng ibang pagpipilian kung hindi buhatin na siya. He run as fast as he could away from the two suspicious men. Teka, 'di ba parang siya nga ngayon ang mas nasa panganib dahil 'di rin naman niya kilala ang lalaking may buhat sa kanya ngayon! Nang huminto ito ay rinig na rinig niya ang malalim na paghabol nito ng hininga habang hinihingal. Ngunit, hindi na niya nagawa pang pansinin 'yon. Mas mahalagang mapagtuunan niya ng pansin ang sariling kaligtasan. "Put me down!" sigaw na niya. Malakas ang boses niyang 'yon nang makita niya ang labis na gulat mula sa mukha ng lalaki. "My da—I mean, tatawag ako ng pulis! You're k********g me, right?!" Hindi ito umimik. Nagtaka naman siyang wala naman 'tong pag-aalinlangan na ibinaba rin siya tulad ng sinabi niya. Napaangat na siya ng paningin. "Hey, niligtas ko nga buhay mo eh..." iritableng sabi nito at sandaling naupo sa may sulok at sumandal sa pader ng isang gusali. His voice is still raspy. Kasalukuyang habol pa rin nito ang hininga nang pantayan na ang mga mata niya. "Ikaw nga 'tong basta mo lang akong hinila," aniya ginagaya ang tono ng boses nito. Itinaas nito ang isang kamay para sandaling patahimikin siya. Humugot muna ito ng malalim na hininga. "Wait lang, kanina nakita kitang naglalakad sa gilid ng kalsada habang wala ka sa sarili mo. Nag-alala lang ako na baka may mangyari sa 'yong 'di maganda, lalo't napansin ko ring nakasunod sa 'yo 'yung dalawang lalaki kanina. They looked suspicious while trying to follow you around." Nag-alala? Totoo ba ang sinasabi nito? Talaga namang wala siya sa sarili kanina. Aminado naman siya sa bagay na 'yon. Pero mukha namang nagsasabi ito ng totoo. "Okay..." Nanlalaki ang mga mata nitong matagal na tumitig sa kanya. "Naniwala ka naman agad?" "Sabi mo 'yon 'di ba?" Saka siya saglit na napaisip. Umawang ang kanyang mga labi. "Ibig bang sabihin kinidnap mo nga ako?!" bulalas na niya. Muling nagulat ito. Marahas na bumuga ito ng hangin. "As if. May pera ka ba?" Teka, 'di ba siya nito kilala? Naguguluhan na talaga siya sa mga salitang sinasabi nito. "I—I don't have any money..." sambit niya. Doon niya lamang narealize na nawala na niya ang hawak na bag. Mukhang naiwan niya pa 'yon sa coffee shop dahil sa pagmamadali. "Wala ka naman palang pera. Kung umasta ka worth ka ng lahat ng pera sa ibabaw ng lupa." Grabe naman pala 'tong lalaking kausap niya. Daig pa niyang kumakausap ng paslit sa lansangan. Parang luging-lugi ito sa pagtulong sa kanya. Baka gusto lang nitong jumackpot ng ibang mayaman. Nahagip naman ng paningin niya ang isang daliri nitong kamay na nagdurugo ng mga oras na 'yon. "You're hurt," aniya tinutukoy ang sugat nitong marahil noong tumatakbo ito. "Maliit na sugat lang 'to. Pero isipin mo muna ang mga paa mo, mukhang kanina pa 'yan nagdurugo," puna na nito. Tiningnan niya mga 'yon. "I know. Kahapon pa talaga 'yan." "Kahapon?" "Masikip kasi ang ipinasuot nilang sapatos sa 'kin kahapon sa photoshoot. I didn't complain because I know that everyone is already tired from the delay caused of our designer. Still, I shouldn't have done that." Ewan niya pero parang magaan sa pakiramdam niyang magkwento sa estrangherong lalaking naroon at 'di naman umiimik habang nagsasalita siya. Iisipin na lang niyang nakikinig talaga ito. Habang nakaupo siya sa kabilang side ng kausap. Isinandal muna niya ang ulo sa kanyang mga tuhod. Nakaramdam na kasi siya ng pagod. "I'm tired of everything..." usal niya. She's tired of doing something that only please other people. Ngunit sa huli ay hindi naman pala ng mga 'yon na-appreciate ang effort niya. "At least, you're trying your best," wika ng kausap. "Thanks." Wala ng nagsalita sa pagitan nilang dalawa. "Your wounds, we need to see a doctor to check those." "Ayoko," mabilis na sagot niya. Batid niyang nakatayo na ito sa harap niya ngunit 'di siya kumilos sa kanyang kinauupuan. Nakayukyok lamang ang ulo niya sa tuhod. "Ayokong malaman ni dad ang nangyari sa 'kin. Mag-aalala lang siya sa 'kin." "Ano'ng plano mo?" "Magpapahinga lang ako sandali pagkatapos kapag okay na ang mga paa ko uuwi din ako." "Baka nga kahit makalakad ay 'di mo magawa ngayon. Saka hindi magiging okay 'yan kusa." "I don't care. I won't be leaving this place." Naroon na komportable siyang sagutin ang bawat patutsada nito sa kanya. Wala na siyang pakialam, ang mahalaga 'di siya nito kilala. Nang mayamaya'y naramdaman niyang umangat pareho ang mga paa niya mula sa lupa. Muling binuhat na naman kasi siya ng lalaki. "Okay. But I have to go now, and I'll be bringing you with me." Nagpumiglas siya saka naalalang may sugat nga pala ito sa kamay. Naroon ang pagbangon ng konsensya sa kanya ay tinigilan din agad niya 'yon. "I'm heavy," aniya. "I know." "'Di ka man lang gentleman na sabihing hindi." "Eh 'di nagsisinungaling lang ako kapag ganoon. It's better for me to say the truth." "I like eating sweets," pag-amin na tuloy niya. "You smelled strawberries." "Honest ka masyado." "Are you creeped out?" Umiling siya. "I already know a lot of people who state facts without realizing how would I feel." "Hmm." "Do you know how to keep secrets?" "I don't think I can." "But you don't know me." Hindi ito umimik. "My father is a successful man. He owns a lot of companies around the world." "You shouldn't be saying that. What if I took advantage of you?" Inilibot niya ang paningin sa buong paligid. Maraming tao niyon kaya alam niyang 'di magtatangka ang lalaking gawin ang ano mang masamang plano nito gayong sisigaw talaga siya ng malakas. "Hindi mo rin sasabihin 'yan kapag may gagawin kang masama," aniya. "You're too naive." "Yeah. I know." "Then?" Gusto ba nitong ituloy niya ang sinasabi? Walang pag-aalinlangan na itinuloy na niya ang kwento. "Mahusay at mabait na businessman ang dad ko. Dedicated din siya, kaya kahit noong bata pa ako palagi akong nakasubaybay sa lahat ng achievements na natatanggap niya kasabay n'on 'yong paglaki ng negosyo niya. He is a hardworker kaya alam kong deserve niya 'yon lahat. Kaya naman gusto kong sumunod sa yapak niya. I studied well back in college. Pero 'di lamang pala pwedeng you studied well. Marami pang factors na kailangang i-consider if you're already there. At lahat 'yon ay 'di ko naacheive. I'm a big failure to my dad." "Hindi naman lahat achiever at first. Syempre, may stages 'yan. Nasa point ka na minsan madadapa." "Oo, nadapa ako. Maraming tao ang na-disappoint sa failure ko na 'yon, and they think I'll never be worth it again of the trust they once lent me. Palagi ko tuloy iniisip, what if kasing talino at talented din ako ng ate ko. Siguro 'di sana ako aabot sa point na 'yon, 'di ko madidisappoint sina mom and dad. Kahit ang ate ko." "I think, they're still proud of you." Saglit na 'di siya agad nakasagot. "Ate Gennie is not." Mariing isinara niya ang mga mata nang maalala ang mga salitang binitawan ng kapatid sa kanya. "You're a failure, and you're forever will be a failure." ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD