Chapter 4

1992 Words
“Girl, I heard may bagong coffee shop daw somewhere here. Can we just drop by to taste something new naman?” Hailey said while holding her phone. Kasalukuyan silang nakasakay sa kotse ni Leticia. Abala itong nag-i-scroll sa cell phone dahil inaalam nito kung saan ang location ng bagong coffee shop na Nakita raw ng mga kaklase nila nitong mga nakaraang araw. “Found it!” she quickly said and gave her phone to Leticia to show where it was. “Hmmm… malapit lang ‘yan dito. I think, we will arrive there in just ten minutes,” pahayag ni Leticia nang makita ang location ng lugar na sinasabi ni Hailey. “Really! O, God! I’m so excited. Maybe that place would be our new tambayan.” Halata sa mukha ni Hailey ang excitement. Pero napansin naman ng dalawa na tahimik lang si Beverly na nakatingin lang sa labas ng sasakyan. “Hey, girl. May problema ka ba?” In a quick snap, Beverly got their attention na kanina lamang ay parang may malalim na iniisip. “H-ha? Nothing. Saan ba tayo?” pagbabago niya ng usapan para hindi na usisain pa ng mga kaibigan ang kung ano pa man ang kaniyang iniisip. “Pupunta tayo sa new tambayan natin!” Hailey’s excitement raised as she said that. Para bang isang batang tuwang-tuwa sa nais puntahan ang naging asta nito. Pero bumalik ang hungkag na emosyon ni Beverly matapos marinig si Leticia. She really felt empty but she can’t tell it to her friends dahil alam na naman niya ang mga sasabihin ng mga ito. They always said that she has everything kaya hindi niya dapat maramdaman na may kulang sa buhay niya. But honestly, at her age, never pa niya naranasang makasama ang kaniyang ama nang matagal. He’s always busy at work. Madalas nga ay wala ito sa mga espesyal na okasyon ng kaniyang buhay. Malapit na kasi ang fashion expo niya bilang isang modelo. She will endorse another brand of couture pero sa tingin niya ay hindi na naman makakadalo ang kaniyang ama dahil ang araw na iyon ay may business trip na naman ito. She understands why her father doing those things. It is all for her. Iyon naman ang palaging reason ng ama niya na madalas ikinakatampo niya. Pero hindi na lang siya nagrereklamo. Yes, nakukuha naman niya ang lahat. Maganda ang buhay niya at kinaiinggitan siya ng lahat pero may iba pa siyang hinahanap — iyon ay ang kalinga mula sa kaniyang ama na matagal na niyang pinapangarap. Minsan nga ay naiisip niya: kung hindi ba namatay ang kaniyang ina, mabibigyan pa kaya siya ng atensyon ng kaniyang ama? Kung sakali bang kasama pa rin nito ang kaniyang mommy, magkakakaroon kaya ng oras sa kanya ang ang kaniyang ama. Kung buhay lang sana ang kaniyang ina… siguro, hindi magkakaganoon ang buhay nila. Marami kasing nabago simula nang mamatay ang kaniyang mommy. Hindi na rin ganoon kalambing ang kaniyang daddy sa kaniya. Para bang ang lahat ng gawin niyang pagsisikap at kahit anong uri ng achievement niya sa buhay ay balewala dahil sa mga trahedyang nangyari sa kanilang pamilya. “Girl, we’re here na,” pagtawag ng pansin sa kaniya ni Hailey. Doon pa lamang bumalik sa huwisyo si Beverly mula sa malalim na pag-iisip. “O, yeah! We’re here!” bigla niyang sigaw at binigyan ang dalawa ng masayang ngiti subalit halata naman sa mga mata nito ang kalungkutan. But just like the old times, her friends didn’t notice those emotions on her eyes. Para bang naging normal na lang sa dalawa niyang kaibigan ang madalas nitong pagkawala sa sarili kapag magkakasama silang tatlo. Marahil ay nasanay na sina Leticia at Hailey sa mga ganoong ugali ni Beverly. Iniisip kasi ng mga ito na material na bagay lang ang pinoproblema niya — pero hindi. It is more than that. Habang papasok sa loob ng cafeteria ay halata sa dalawa ang pagkamangha. Pero si Bevely, pormal lang na pumasok sa loob nang pagbuksan sila ng pinto ng crew. Hindi naman kalakihan ang cafeteria pero maganda ang ambiance sa loob na very modern ang design na tamang-tama lang sa edad ng mga napasok sa lugar na iyon. They decided to choose the table where they can see the majestic view of Tala Volcano. The coffee shop was located at Tagaylay city, that is why they are captivated by the sceneries. Kung hindi nga lang talaga sa kagustuhan nilang mag-relax ay hindi sila pupunta sa lugar na iyon. Kaya kahit napakalayo sa eskwelahang pinapasukan ay matiyaga nilang tinahak ang lugar para lang makapunta sa nasabing cafeteria. “Welcome to Nattivo Caffe,” ang bati ng crew na nagbukas ng glass door sa kanila at kaagad na pumunta sa counter para kuhanin ang order nilang tatlo. Halatang bago pa nga lang ang coffee shop na iyon dahil kulang pa ito sa tao. Pero hindi iyon naging dahilan para mawalan ng gana ang tatlong dalaga na pumasok sa loob. In fact, ang crew nagpapasok sa kanila ang agad na nakapukaw ng atensyon kay Hailey. Guwapo kasi ito at kahit nakauniporme ay kitang-kita pa rin ang tikas ng katawan dahil halos dumikit na ang manggas ng polo shirt nito sa kaniyang braso. “Ahm… Hi! Ako nga pala si Hailey,” pakilala ni Hailey sabay abot ng kamay niya sa lalaki. Nagulat naman ang binatang crew sa ginawa niya habang ang dalawa naman nina Beverly at Leticia ay natatawa na lamang sa ginawa ni Hailey. Well, Hailey has the personality of being outgoing and somehow… wild. Kaya hindi nab ago para sa dalawa ang ginawa ng kaibigan. “B-Billie po,” may kabang pagpapakilala ng lalaki sa kaniya na tila nagdadalawang-isip pa kung aabutin ang kamay niya o hindi. Pero wala na rin itong nagawa dahil costumer naman sila. Matagal bago binitawan ni Hailey ang kamay ng binata dahil tinitigan pa niya ito nang napakatagal. “Alam mo… ang guwapo mo.” Napangiwi ang binata sa mga sinambit ni Hailey na para bang hindi ito makapaniwala sa narinig. On Billie’s end, bihira lang kasi na may magsabi sa kaniya na guwapo siya kaya ganoon na lamang ang naging reaksyon niya sa mga sinabi ng dalagang kaharap. Kung hindi lang talaga nila costumer ang mga ito ay baka kung ano na ang nasabi niya. Pero bilang lalaki, he needed to respect her even she’s a costumer or not. Ang nasabi na lang ni Billie ay, “Thank you.” Tsaka pa lamang nito kinuha ang kaniyang mga kamay at kunwaring nagsulat sa note niya. Sa totoo lang, na-turn off si Billie sa ginawa ni Hailey. He felt like she’s too aggressive to do that knowing that they have different life status. Tagaprobinsiya si Billie habang si Hailey naman ay laking Maynila kaya ikinabigla nito ang bigla na lang paghawak sa kamay niya ng dalaga. Nang makahalata si Leticia ay lumapit siya kay Hailey at bumulong, “Girl, um-order ka na lang. Halata namang hindi ka bet ni kuya.” Umirap lang si Hailey sa kaibigan subalit hindi pa rin Nawala ang ngiti nito nang ibaling muli ang atensyon kay Billie. Halatang gusto niya ang binata kaya kahit halatang wala siyang pag-asang makuha ang atensyon nito ay hindi siya titigil. “Anyway, Billie. Ano’ng pinaka-best na maio-offer mo with us aside from you?” tanong ni Hailey sabay kindat. Billie just quickly got the menu and gave it to Hailey. “We have here a creamy mocha latte, which is the best-seller and cheese cakes.” Tumingin si Hailey sa dalawang kaibiban niya na nasa likuran niya lamang at pinakiramdaman kung okay sa kanila iyon. “I don’t like mocha latte. I want to try… hmmm?” Tiningnan ni Hailey ang menu bago nagdesisyon kung anong napili niyang order-in. “I want to try your coffee maccha because and carrot cake. I’m on a diet kaya need ko magbawas ng sugar.” Sunod naman na um-order si Leticia. “Frappe and chocolate cake na lang, kuya.” Nanlaki ang mga mat ani Hailey sa mga sinabi ni Leticia. “Are you serious, girl? Baka tumaba ka niyan?” may pangdudustang tanong nito. “Hailey, mabilis ang metabolism ko. Hindi katulad ng tiyan mo. So, don’t worry about me,” nakangiting sambit ni Leticia na para bang sinasabing kahit anong kainin niya ay hindi siya tumataba. “Sana all, hindi tumataba.” Hailey just flipped her hair and walk on the table where they chose. Napailing na lang si Leticia at Beverly sa naging reaction ng kaibigan. “Ikaw, miss. Anong order mo?” tanong naman ni Billie nang mapansing si Beverly na lang ang hindi pa nakaka-order. “Please gave me your best-seller.” Beverly just smiled then. Hindi na siya nag-isip ng iba pang kakainin dahil aksaya lang sa oras. “Noted. Just wait for your order, ma’am.” Nagpalipat-lipat ang tingin ni Billie kina Leticia at Hailey habang nakangiti. “Thank you,” Hailey just said before they went to their table. Pagkaupong-pagkaupo pa lamang ng dalawa sa kani-kanilang upuan ay natanaw na nila ang nakamamanghang view sa labas. The shop was made in glass wall kaya naman tanaw na tanaw ang magandang tanawin sa labas. “Girl, ang ganda rito, ‘no?” namamanghang wika ni Hailey. Hindi rin naman nakaligtas sa mga mata nina Leticia at Beverly ang mga nakikita; malawak at luntiang paligd, asul na kulay ng tubig at kalangitan, maliwalas na panahon at ang center of attraction ay ang Bulkang Tala mismo. Habang naghihintay ay nag-selfie muna ang tatlo para naman may ma-ipost sila na maganda sa kanilang social media accounts. Nakailang shots din silang tatlo at halatang ini-enjoy ang magandang background ng Tala Lake. After a few minutes ay dumating na rin ang pinakahihintay nila. Isang lalaki ang lumapit sa kanilang table dala-dala ang isang bilog na tray kung saan nakapatong ang mga pagkain at inuming in-order nila. Their eyed pinned on that guy while serving their food. "Miss, order ninyo." Marahan nitong inilapag ang tray sa mesa at ipinatong sa kani-kanilang tapat ang mga order nila. Ang huli ay ang mocha latté na order ni Beverly. Hindi sinasadyang maglapat ang mga kamay ni Beverly at ng lalaking nag-serve ng order nila. Nakapatong ngayon ang kamay ng lalaki sa kamay ng dalaga. Nagkatitigan sila at napako ang mga mata sa isa’t isa. Hindi naman maitatanggi ni Beverly na may kaakit-akit na mga mata. She felt a sudden jolt when their eyes met. Kasabay pa noon ang pagbilis ng t***k ng kaniyang puso. Gosh! Ang guwapo niya sa malapitan! Tila ba nalunod si Beverly sa malalim na mga mata ng binata. Pero hindi siya puwedeng magpadala sa emosyon. Masyado pang maaga para mag-assume. "Kuya, 'yong kamay ko," biglang wika niya sa lalaki na natauhan matapos ang narinig. "S-sorry po." Kaagad namang inalis ng lalaki ang pagkakapatong ng kamay niya sa babae at kinuha ang tray. Kaagad itong tumalikod at napakamot ng ulo. Marahil ay nahiya sa nangyari. She knew it wasn’t his intention to hold her hand pero noong mga sandaling iyon ay parang tumigil ang mundo sa pagitan nilang dalaw. “Girl, mukhang crush ka ni kuyang waite. Cute pa naman,” pang-aasar ni Leticia kay Beverly. “Oo nga, girl. Halatang type ka no’n,” segunda naman ni Hailey sabay inom ng kaniyang kape. “Ano ba?! Tumigil nga kayo. Baka marinig kayo ni kuya, nakakahiya!” pigil ang sigaw na pagsaway ni Beverly sa dalawa. “Tsaka, wala sa bokabularyo ko ang mag-boyfriend.” “Bakit?” usisa ni Leticia. “Ano ka ba? Malamang hindi pa ‘yan nakaka-move on kay Marco,” natatawang sambit naman ni Hailey. “Sinong may sabi na hindi pa ako nakaka-move on sa douchebag na ‘yon?” Tumikwas ang isang kilay ni Beverly matapos ang sinambit. “Halata naman, e. Ayaw mo pa kasi mag-boyfriend. Girl, 2020 na! Hindi na uso ang maghihintay ka sa wala.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD