Hindi pa rin mawala sa isipan ni Lance ang babaeng nakadaupang palad niya kani-kanina lamang. Tulala ito habang nagpupunas ng mga mesa at para bang lutang ang isipan kahit may ginagawa. Hindi niya alam kung ano’ng mahika mayroon ang babaeng iyon kaya nagkaganoon siya. That was the first time he met a girl na talagang nagpabilis ng t***k ng kaniyang puso. Marami namang mga babaeng nagpapapansin sa kaniya pero kahit isa sa mga iyon ay hindi niya pinansin. Nakatatak na kasi sa bokabularyo niya na mas kailangan niyang buhayin ang sarili at mamuhay nang mag-isa. Kung magkakaroon man siya ng karelasyon, hindi siya sigurado kung mapaninindigan niya ang relasyon na gusto ng babaeng makakarelasyon. “Huy!” Napapiglas siya sa gulat nang bigla siyang hampasin sa balikat ng kaniyang kaibigan na si Bi

