Chapter 6

2190 Words

Abala sa pagtipa sa laptop at pagpirma ng mga papeles si Bernard. Hindi niya alintana ang oras na lumilipas. Hindi siya puwedeng mag-aksaya ng oras dahil nakatambak ang mga trabahong dapat niyang habulin. Ginugol niya ang oras niya sa negosyo simula nang mamatay ang kaniyang asawa. Nahirapan siyang patakbuhin ang negosyong iyon dahil tanging ang maybahay niyang si Eliza ang nagpalago nito. Hindi rin niya alam kung paano niya sisimulan noon ang buhay simula nang mamatay ang asawa sa sakit na Leukemia. Ayaw naman niyang mawala ang kinagisnan ng anak na marangyang buhay, hindi niya kakayaning makita itong naghihirap kaya kahit subsob na subsob na siya sa trabaho ay nagpatuloy pa rin siya. Hindi niya iniinda ang pagod dahil para sa kaniya ay ginagawa niya ang lahat ng iyon para sa anak niyang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD