“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Drake?!” Ito kaagad ang naging bungad ni Dennis sa anak nang makalabas sila nang opisina at magpang-abot sa board room ng kompanya. Hindi maipinta ang mukha ni Drake sa inis at takot sa ama. Pakiramdam niya tuloy ay wala siyang kuwentang lalaki dahil sunud-sunoran lang siya sa kaniyang daddy. Sa edad niyang iyon, para pa rin siyang robot na kinkontrol ng ama at walang sariling desisyon sa buhay. Minsan nga ay naiisip na lang niya na ipinanganak lang talaga siya para maging tuta ng kaniyang ama. “Dad! This is not fair!” May panggigil na na winagayway ni Drake ang mga kamay upang ipakita ang kaniyang pagkadisgusto sa nais na mangyari ng ama. It wasn’t really his choice to be on that situation and to get married with the girl that she doesn’t love. Yes, it

