“Ano ‘yon?” Hindi mawari ni Lance kung anong dapat isagot sa kung anong pabor man ang hihingin ng dalaga. Iyon kasi ang unang beses na may nakiusap sa kaniya kaya nagdalawang-isip pa siya kung tama bang iyon ang itanong niya. Lumapit naman ang babaeng kaharap. Nakayuko at nasa likod ang mga braso na tila ba nahihiyang sambitin ang mga susunod na kataga. Nakita niyang nakaimpit ang mga labi at tumingala sa kanya. Medyo may katangkaran kasi si Lance kaya halos tumingala ang babae para lang magtama ang kanilang mga mata. Tila may pagdadalawang-isip ang dalaga sa mga mata. Mga ilang segundo ang lumipas bago lumabas ang mga unang salita sa bibig nito na tila nakapagpalaglag ng pang ani Lance. “Please, isama mo na ako.” Dalawang kurap ng mata at napalingon sa kanan — iyon ang naging reaksyon

