“Lance.” Lance. Tumatak kaagad ang pangalang iyon sa isipan ni Beverly nang sandaling magpakilala ang binata sa kaniya. Hindi niya napigilan ang sariling mapatitig sa binata habang masigasig nitong hiniuhugasan ang mga pinggan. Nakakapanibago… Noon lang siya nakaranas makakita ng lalaking naghuhugas ng pinggan. Kaya siguro ganoon na lamang ang pagkamangha niya habang pinagmamasdan ang binatang nagpakilala sa kaniya bilang Lance. Napansin naman iyon ng binata at saglit na napatigil sa ginagawa. “What?” tanong ni Beverly. “Why did you stop?” May pagtataka siyang tinitigan ng binata. Marahang ibinaba ang pinggan at pagkatapos ay binanlawan ang kamay na may bula pa ng sabon. “Bakit ganiyan ka makatitig?” “Nothing. It is just, ngayon lang ako nakakita ng lalaking naghuhugas ng pinggan?”

