Chapter 1
Maraiah's POV :
After a long tiring and stressful day, we ended up here at the BLT Club para magliwaliw. Our boss invited us to have a drink with him since it’s friday night naman, and we all agreed. Para mabawasan naman ang stress namin. Kaya lang ay maling desisyon ata ang ginawa ko. Kanina pa kasi ako nakaupo rito at parang mamatay na lang sa inis sa mga katabi ko na obviously ay may malaking galit sa'kin, kanina pa kasi ako pinagchichismisan ng harap-harapan. Hindi ko alam kung lasing na ba sila o talagang masama lang ang ugali nila at ako talaga ang target nila pagusapan. Stress tuloy ‘tong ganda ko sa mga tulad nila e.
Kahit anong pagpikit ang gawin ko ay hindi ko magawang ifilter ang mga panlalait na lumalabas sa bibig nila kaya lalo lang akong naiinis at naiirita sa kanila.
"Hindi ko nga rin alam kung bakit siya pinili ni boss. Wala naman siyang ambag, ganda lang." rinig kong bulalas ni Aliyah, isa sa katrabaho kong laging nangmamata sa'kin kaya naman nang-gagalaiti tuloy ako ngayon na tanggalin sa kanya yun malalaki niyang mga mata. Hindi ko alam kung mangingiwi ako sa sinabi niya o matatawa eh. Well atleast nagagandahan siya sa akin 'di ba?
"Gosh totoo 'yan, ginagamit lang niya yung ganda niya. Kaya siguro siya yung laging pinagkakatiwalaan ni boss sa malalaking project. Maybe she's sleeping with him kaya paborito, kaya siguro kada ipapatawag sobrang ganda ng ngiti paglabas." pangagatong ng katabi niya na malapit-lapit ko ng masabunutan dahil sa bunganga nyang nangangamoy. Hindi ko maiwasang mabadtrip sa kanila dahil sadyang nakakabastos na ang lumalabas sa bibig nila.
Maraiah calm down, kaya mong tiisin to. 'Di naman nila kayang abutin ang level ng ganda mo, never step as low as their ugly faces.
"True. I'm really sure na inakit lang niya si boss kaya lagi na lang siya ang pinipili." Tatawa-tawang sambit ng malditang pusakal na si Aliyah. Akala ba talaga nila na hindi ko naririnig yun mga sinasabi nila? Yeah, there’s a music but still, nasa harap lang nila ako oh. Hello!
"Oh my gosh, what a slut!" Nakitawa na rin sa kaniya ang kaibigan niyang mukhang pitbull. Nagdilim ang paningin ko at naputol ang pisi ng pasensya ko sa narinig ko. Dahil na rin sa hindi ko na natiis ang mga pagpaparinig nilang malayo sa katotohanan ay agad akong napatayo at bigla na lang hiniklat ang buhok nilang dalawa bago iniharap sa akin.
"Kayo ha kanina pa kayo!" Nang-gagalaiting sigaw ko sa kanilang dalawa at binitawan na ang pagkakahawak sa buhok nilang akala mo hindi nagshamshampoo, " kanina pa ako nagtitimpi sa bulungan niyong dinig hanggang labas, ano ba talaga ang plano niyo sa mga buhay niyo? Pag-usapan ang kapwa niyo ng wala namang katotohanan? Wala na ba talaga kayong magawang matino sa buhay niyo? tara ro'n sa office ni boss at doon kayo magreklamo ng mga pinagsasabi nyo ngayon para magkaalaman tayo ng totoo at hindi 'yung panay pag-aassume ang ginagawa niyo." Kulang na lang talaga ay may maglabasang usok sa ilong at tenga ko habang sinasabi sa kanila iyon, kulang pa nga yun dahil naguumpisa pa lng akong ilabas ang galit ko. Hintayin lang talaga nila akong mapuno.
"Why are you so angry? Guilty ka ba kasi totoo? Oh ayan sige show everyone what a b***h you are, kunyaring mabait pero basagulera pala." Ngingisi-ngising sambit ng alipores ni Aliyah kaya parang gusto ko na lang na ilampaso ang mukha niya sa sahig, kaso masyado pang maaga para don.
"Wow just wow, hindi ko alam kung gaano kakitid 'yang utak mo. Sinong hindi magiging war freak kung puro kabastusan lumalabas sa bibig niyo. Maybe dapat nag-aral muna kayong mabuti o bumili kayo ng utak bago nag-apply sa kumpanya dahil alam naman ng lahat na kaya hindi napipili ang proposals niyo ay dahil kasing useless ng existence niyo ang gawa niyo." Parang sasabog sa galit na sigaw ko sa kanila, walang pakialam kahit pa pinagpupustahan at nagbubulongan na kami ng mga tao kung sino ang mabubugbog. One thing is for sure tho, hindi ako papayag na maging ako 'yon. Sinagad nila ang pasensya ko kaya deserve nila ang galit ko.
"How dare you! For your information nagsasabi kami ng totoo, if I were you bitawan mo na ako kung ayaw mong mabaligtad ang sitwasyon natin." Napatiim bagang ako sa narinig ko sa halip na humingi ng paumanhin ay mas pinili niya pa ang pagbantaan ako? She's really getting into my nerves.
Napabuntong hininga na lang ako at niluwagan na ang pagkakakapit sa buhok nila. Kung walang may planong umawat sa amin ay ako na lang mismo ang aawat sa sarili ko dahil baka mamatay lang ako sa sama ng loob sa dalawang ito. Di naman nila keri ang gusto kong burol, kaya dapat ko lang irelax ang sarili ko.
Mabilis akong napangiwi dahil matapos ko silang mabitawan ay mabilis na nahablot ni Aliyah ang buhok ko, hindi na ako nakailag kaya sinabunutan ko na lang rin siya pabalik para maipaghiganti ang nanakit kong anit dahil sa ginagawa niya. Hindi ko alam kung adrenaline rush o sadyang malakas lang ako kaya bigla na lang siyang nadehado. Nagawa ko kasing tanggalin ang pagkakasabunot niya sa akin at itinulak siya pasubsob sa sahig. Sa katahimikan ko nayun may tinatago din akong lakas no.
"Kindness has its own limitation. Tao ako at hindi santo, stop messing with me dahil kapag sinimulan mo ang gulo ikaw ang tatapusin ko. Remember that always para di ka nadedehado." Nanlilisik ang mga matang pagbabanta ko sa kaniya, kahit na ganun ko na sila tignan ay masasama pa rin ang tingin nila sa akin. Sabagay sila ba naman malampaso kaya naiintindihan ko ang nararamdaman nila ngayon. Ganun ako maunawain na tao, kaso napuno nila ako eh. Kaya deserve lang nila yan.
"Ang landi-landi mo! Wala ka naman talagang ambag lagi, pero lagi kang best employee? Baka best haliparot! Palibhasa puro ka pacute kapag nag-rereport." Puno ng pang-gigigil niyang nilakasan ang pagkakasabunot sa buhok ko na parang hihiwalay na ata sa anit ko.
"Pasensya na ha? Parang kasalanan ko pa kasi na maging mas magaling sa inyo. Kapag inggit pikit, hindi 'yung puro paninirang puri ang lumalabas sa amoy imbornal na bunganga niyo. Kapag alam nyo ng masyado ng nangangamoy matuto nmn kayong huminto di yun go lang kayo ng go. Uulitin ko limitasyon, oh tagalog na yan baka di niyo pa maintindihan." Nang-gagalaiting sigaw ko habang pilit na kumakawala sa taong yumakap sa akin para umawat siguro.
"Napaka-yabang mo talagang babae ka, ako inggit sayo? Sige lang mag-assume ka pa." Mataray na pagmamatapang ni Aliyah na gaya ko ay kumakawala rin sa taong umawat sa kaniya. Mukhang gaya ko ay gusto rin ng round two sa pakikipagsabunutan, aba't hindi ako papaawat sa kaniya. Sino ba siya sa akala niya? Porket madalas akong tahimik ay easy target na ako? No freaking way! Hindi ako ipinanganak ng mommy ko para lang laitin ng gaya niyang talampakan ko lang naman.
Nang mawala na siya sa paningin ko ay saka ko lang napagtuunan ng pansin ang taong umawat sa akin na parang naenjoy na atang akapin ako, "pwede mo na akong bitawan." Salubong ang kilay na bulalas ko sa kaniya.
I must admit na gwapo siya pero sa init ng ulo ko ngayon ay wala ako sa hulog para iappreciate pa iyon ng mas matagal.
Nang makawala ako sa bisig niya ay agad kong kinuha ang gamit ko at nagpupuyos pa rin sa galit na umalis ng bar, what a great way to ruin my night Aliyah!
Doyoung's POV :
Pagkatapos naming tugtugin ang huling kanta ay nagdesisyon kaming manatili muna ng saglit sa club para magliwaliw at uminom bago tuluyang umuwi. Wala rin naman kasi akong ibang pagkakaabalahan sa bahay kung maaga akong uuwi.
Sa totoo lang ay may jetlag pa ako dahil dito na ako dumiretso pagkarating na pagkarating pa lang namin sa airport. As soon as we landed at the airport alam ko na sa sarili ko na gusto kong sulitin ang kalayaan ko rito, dahil wala naman akong ibang ginawa sa Korea kung hindi ang mabilanggo sa sarili naming mansion at tambakan ng maraming trabaho, isa pa ay naisip ko rin na magandang opportunity ito para mabisita ang mga kabandmates ko dito sa Pilipinas.
Nakaupo na ako sa paborito kong pwesto at nakahanda nang lumagok sa kopitang hawak ko nang may isang komosiyon ang umagaw ng atensyon ko, sa hindi kalayuan sa pwesto ko ay may nagsisigawan na kumpulan ng tao kaya naman nangibabaw ang kuryosidad ko kaysa sa kagustuhan kong makainom. Matapos hawiin ang ilang tao ay nakita ko rin ang pinagtutumpukan nila, mga babaeng nagsasabunutan pala. Hindi ko alam kung mga lasing na ba o matino pa pero may pinag-awayan na matindi kaya sila umabot sa ganitong sitwasyon, ayun lang sa pagkakarinig ko sa ibang tao at ganun din sa mga naririnig kong sagotan nila.
Nang magkaroon ako nang pagkakataon na masilayan ang isa sa mga kababaihan ay napasinghap ako, the woman looks very familiar to me pero hindi ko talaga mapunto kung saan ko siya nakita o nakilala. The more I stare at her, the more she looks familiar to me, pero kahit anong piga ko sa utak ko ay hindi ko talaga mahagilap kung sino siya and that's frustrating the hell out of me.
Tumulong ako sa pag-awat sa pamamagitan ng pag-akap sa kaniya patalikod, masyado na kasi ang sakitan nila kaya naman naki-awat na ako. Iniikot ko ang paningin ko at sa tingin ko walang may balak na umawat sa kanila kaya naman nanguna na ako. Sobrang lakas nitong babae na to pilit kasi siyang nagpupumiglas but I didn't let go of her dahil mas lalo lang siyang masasaktan and somehow a part of me doesn't like that idea.
Instead of thanking me mukhang galit pa siya sa ginawa kong pag-awat kaya hindi ko maiwasang maweirduhan sa kaniya habang pinapanood siyang maglakad palayo na mariing nakakuyom ang dalawang kamao at nangiginig sa galit. Napailing na lang ako bago bumalik sa pwesto ko, what a weirdo she is!
Habang pinapaikot ko ang kopita sa kamay ko ay hindi ko maiwasang mailing, ramdam na ramdam ko kasi ang titig ng mga tao sa akin. Halos matunaw na ako sa halo-halong tingin na natatanggap ko, mayroong mga humanganga, naiingit, naiinis at mayroon din namang mga parang hindi mapakali, maybe because I am too handsome for them to handle. Pero bakit kailangan ganiyan nila ako titigan? Kailan ba darating ang araw na makakainom ako ng rum ng mapayapa? Kakasawa talaga maging gwapo! Haystttt..