Maraiah's POV :
Matapos ng walang kwentang gulo na kinasangkutan ko sa club ay dumiresto na akong umuwi sa bahay na nagpupuyos pa rin sa magkahalong inis at sama ng loob. Sobrang pagod na nga ang katawan at isip ko sa stress sa trabaho may dadagdag pa na gano'n! Sobra sobra na to ha, kakasuko pero fighting.
Ilang malalim na buntong hininga na ang pinakawalan ko habang nakahiga na ako ngayon sa kama, nakapikit at pinipilit ang sarili na makatulog, hindi ko na nga din nagawa pang kainin ang nakahandang pagkain sa baba sa kagustohan na kalimutan na lang ang nangyari kanina. Nang lumipas ang ilang minuto pa na nasa ganoong pwesto lang ako ay staka lang ako nahimasmasan at paulit-ulit na napakatok na lang sa aking sarili.
Napatayo ako mula sa kinahihigaan ko at eksahaderang napatutop sa bibig ko nang marealize ang kahihiyang ginawa ko. I should've controlled myself better! Seriously nahihibang na ba ako? Ni hindi ko man lang naisip na halos kalahati ng empleyado sa kumpanya kanina ay kasama namin sa club. Paniguradong bida na naman ako sa tsismis nito bukas, ano pa ba ang aasahan ko?
Alam kong mali pero masyado na kasi ako napuno sa kanila, tao lang naman ako kaya may karapatan din naman akong magalit 'di ba? Impit na lang akong napabuga ng hangin at napapadyak nang maisip kong tiyak na madidisappoint si mommy sa akin dahil sa pagiging basagulera kong tao. Hay nako Maraiah!
Kamuntikan akong mapatalon nang bigla na lang may kumatok sa pinto at pumasok, agad akong napahawak sa dibdib ko nang makaramdam ng pagkirot ng puso ko dahil sa pagkagulat. Actually kanina pa ako nakakaramdam ng pain sa dibdib, pero keri lang ginusto ko naman makipag-away.
Palihim akong napangiwi nang makitang si mommy pala ang pumasok ng silid ko, hindi ko tuloy alam kung dapat ko na bang sabihin sa kaniya ang nangyari o ilihim na lang dahil baka maistress ko lang siya. Ayoko din naman makadagdag pa sa mga isipin nya.
"Nagulat ba kita anak? Sorry, akala ko kasi ay kung ano na ang nangyayari sayo dahil nagpapadyak ka diyan." maamong sambit ni mommy nang maisarado na niya ang pinto. "Ayos ka lang ba 'nak?" nag-aalalang tanong niya bago lumapit sa akin.
"Yes mom, ayos na ayos lang po." Sunod-sunod ang pagtangong ginawa ko para lang mas makumbinsi pa siya pero obvious naman na hindi 'yon uubra sa kaniya. Dahil kabisado na nya ako, malamang anak ako eh.
"Anak, hindi naman porke't matanda ka na ay hindi ka na magsasabi kay mommy ng problema mo. Tayong dalawa na nga lang ang magkaagapay pero naglilihim ka pa sa akin, a burden is lessened by sharing 'di ba? To be honest kanina pa ako nasa labas ng pinto mo para sana dalhan ka ng gatas, hindi lang ako agad pumasok dahil feeling ko problemado ka, halos malunod ka na sa lalim at dami ng buntong hininga mo kanina eh.” malumanay na sambit ni mommy na hindi ko mawari kung galit na ba o nagtatampo lang. Palagi lang kasing malumanay ang boses niya kaya naman mahirap alamin.
"Nevermind, hindi kita pipiliting mag-open up sa'kin, ubusin mo na lang 'yang gatas mo at lalabas na si mommy. Goodnight anak, pakatatag ka. Nandito lang palagi si mommy para sayo okay?" Hinalikan niya ako sa noo dahilan para lukubin na naman ako ng kakaibang emosyon na kay mommy ko lang nararamdaman, every time she's being sweet and caring like this I really feel like I'm the luckiest person alive. Ang sarap mahalin ng isang ina and it's something I won't trade for anything.
Tuluyan nang nakalabas si mommy ng kwarto ko kaya naman mabilisan kong nilagok ang isang basong gatas na binigay niya sa akin at pagkatapos ay nahiga para sana matulog na pero iba yata ang plano ng tadhana para sa akin dahil isang katangahan na naman ang ipinaalala ng utak ko sa akin. Masyadong stress tong araw na to sa akin kaya naman kung ano ano na lang ang naaalala.
Hindi ko alam kung paano pa ako makakatulog nito dahil talagang naiistress ako sa naging katapangan ko kanina at sa kung paano ko tinrato ang isang gwapong nilalang na umawat lang naman sa akin. Pumikit na lang ako at naiiritang tinabunan ng unan ang mukha ko, what an ugly night!
Ramdam ko ang init ng sikat ng araw sa balat ko na tumatagos sa kurtina, hindi ko alam kung anong oras pero alam kong madaling araw na akong nakatulog lalo pa't ramdam ko pa ang matinding antok.
Sa kabila ng antok na nararamdaman ko ay bumangon na ako dahil alam ko sa sarili kong hindi na rin naman ako makakatulog pang muli matapos kong maalimpungatan ngayon. Nag-uunat na napalingon ako sa orasan sa bedside table ko at nakitang alas otso pa lang ng umaga. Masyado pang maaga kung tutuusin pero naligo na ako at nagbihis muna ng pambahay. Mamaya na lang ako magpapalit pag papasok na ko ng trabaho. Biruin mo nga naman, ang lakas ng loob kong mag-inom kagabi kahit may pasok ako kinabukasan. Pero no choice naman ako kahapon kaya napasubo, big boss yun kaya di pwedeng tanggihan.
"Ohhh gising ka na pala 'nak, good morning. Hindi na kita ginising kasi alam kong 10 pa ang pasok mo ngayon araw." Nakangiting bungad ni mommy sa akin at niyakap ako ng pagkahigpit-higpit pagkababa ko pa lang ng hagdan. Kaya mahal na mahal ko siya kahit kasi matanda na ako ay itinuturing niya pa rin akong baby niya. Alagang-alaga at busog na busog ako sa pagmamahal niya kaya kahit na lumaki ako na siya lang ang pamilya ay never kong naramdaman na may kulang sa buhay ko. Dahil pinararamdam niya na sobra yun pagmamahal na deserve ko.
"Good morning din po mommy, baka gutom ka na po kain na tayo." Nakangiting paanyaya ko sa kaniya, kahit maaga nagigising si mommy ay talagang hinihintay niya akong magising para magsabay kami. Kaya nga bihira ako magpatanghali ng gising, dahil ayokong nalilipasan si mommy. Bihira kasi talaga siyang kumain kapag hindi ako kasabay.
"Nako anak, kasi ano pumunta rito kanina 'yung tita ninang mo na hindi pa nag-aalmusal kaya sinabayan ko na. Gutom na din daw kasi sya at di din sanay na mag-isa kumain, kaya no choice ang mommy." Ngiting-ngiti na pagkukwento ni mommy habang ipinaghahain ako ng pagkain, she looks so happy doing it kaya hinayaan ko na lang na asikasuhin niya ako.
"Okay na po 'yan mom, baka hindi ko na po maubos." Natatawamg pagpipigil ko sa kaniya nang makitang halos magmukha ng serving plate ang plato ko sa dami ng pinaglalagay ni mommy na mostly ay paborito ko, speaking frankly wala naman akong hindi paborito sa mga nakahain eh. Dahil kapag luto nya wala akong tinitira.
"O sige anak kumain ka lang ng kumain diyan at aasikasuhin ko lang yung mga halaman sa garden. Baka masira na sa sobrang init ng panahon ngayon." Humalik si mommy sa pisngi ko bago nagtungo sa garden. Yun mga bunsong anak naman nya ang aasikasohin nya.
Napatingin ako sa orasan namin sa kusina at mahinang napatawa nang makitang nine twenty na pala patunay 'yon na talagang matagal akong maligo. Mabilis lang akong kumain, nagbihis at nagpaalam kay mommy kaya nakarating na agad ako sa opisina ng isang minuto bago mag-alas dies. Never akong nalate kaya ewan ko kung bakit may nasasabi pa si Aliyah sa'kin lalo pa't umiiwas akong gumaya sa ibang mga katrabaho ko na halos ipasa na sa iba ang trabaho nila dahil sa sobrang late pumasok. Sila yung tipo ng mga tao na mas matindi pa sa company owner ang attitude, sila yung kumbaga sa klase perfect attendance lang ang gusto.
"Good morning." Masayang bati sa akin ng isa sa mga kaibigan ko rito sa company. Ngumiti ako pabalik sa kaniya pero bigla na lang nagsalubong ang kaniyang kilay at sumeryoso pa ang mukha niya.
"Teka nga, bakit ba masyado atang stresss 'yang mukha mo? Mukha kang walang tulog bakit hindi ka man lang naglagay ng light make up?" Halos matunaw ako sa tindi ng pagkakatitig niya sa mukha ko ngayon.
"Sa tingin mo ba kailangan ko pa ng makeup sa ganda kong to? Baka ma-inlove lang sa'kin lahat ng makakasalubong ko 'pag ginawa ko 'yon bagay nasinasabi mo 'di ba," mayabang na pahayag ko na kumindat pa sa knya.
"Ang hangin ha. Edi ikaw na ang natural beauty na maganda pa rin kahit puyat." Natatawang puna niya sa akin. "Pasensya ka na nga pala hindi ako nakasama kagabi, I heard what happened kasi. Sorry talaga nagkaproblema kasi sa bahay kagabi kaya 'di ako nakasama, wala ka tuloy back up."
Napabusangot ako nang ipaalala niya pa sa akin ang kagabi ko pa kinakalimutan. "Ayos lang naman 'yon pero sana 'di mo na pinaalala." Nakangusong paninita ko sa kaniya at napakunot noo nang mapansing kaming dalawa lang ang nasa loob ng opisina.
Dahil sa wala naman akong pakialam masyado ay dumiretso na lang ako sa pwesto ko para sana magsimula nang magtrabaho, kaya lang ay hindi pa ako nakakaupo nang magsilabasan silang lahat galing sa conference room. Hala? Nagmeeting sila ng wala ako? Hindi naman ako late ah? Maaga pa nga ako ng one minute eh.
"Pumunta ka raw sa office ni boss," sambit ni Aliyah sa akin na bigla bigla na lng sumusulpot, napangiwi naman ako ng mapansin ko na parang pasan niya lahat ng sama ng loob sa mundo. Maglalakad na sana ako papunta sa office ng CEO nang bigla ulit siyang magsalita na bahagya kong ikinahinto. "Pasensya na sa mga nasabi kong hindi maganda. Sorry." parang labas sa ilong na sambit niya pero napangiti na ako dahil do'n. I never expected na hihingi ng paumanhin sa akin ang isang tao na gaya ni Aliyah, as far as I know it's not her thing.
Ang ngiting nakaukit sa labi ko ay unti-unting nawala kasabay ng paggapang ng kaba sa dibdib ko. Nakatayo lang naman ako ngayon at nakatitig sa pinto ng opisina ng CEO. Malakas kasi ang kutob ko na tungkol sa naging ugali ko kagabi sa club ang pag-uusapan namin. Wala namang tsismis na hindi nakakarating dito kay big boss eh. Lalo pa’t party nya yun, pero salamat na din kasi wala sya nun oras na yun.
Kumatok ako ng tatlong beses bago binuksan ang pinto, bumungad sa akin ang boss namin na mukhang kanina pa naghihintay sa akin. s**t, masesesante na kaya ako?
Parang maamong tupa akong naupo sa silyang nasa harap ng office table niya at hindi magawang maiangat ang tingin ko dahil sa magkahalong kaba at hiyang nararamdaman ko. Parang bigla na lang nablanko ang utak ko dahil maski pagbati ng good morning ay nakalimutan ko ng gawin.
"I wanted to talk to you about what happened last night at the club." Mabilis akong napangiwi sa narinig at mas lalo lang kinabahan. "Are you okay? Are you hurt?" Tila nag-aalalang tanong niya. It wasn't the question I was expecting kaya naguguluhan akong napaangat ng tingin sa kaniya. Bakit parang masiyado naman ang level ng care niya sa akin? Ayokong mag-assume pero hindi ko kasi maiwasan. Alam kong single pa si boss pero ayokong mag-isip na nahuhulong siya sa akin dahil wala akong balak na saluhin siya. Oo nga't gwapo siya plus mayaman, pero hindi ko kasi talaga siya type. Isa pa ay ekis sa katrabaho lalo na sa may-ari ng kumpanya, ayokong maging sentro ng tsismis sa working environment ko lalo pa't mahal ko ang trabaho ko.
"Ayos lang naman po ako sir, kasalanan ko rin naman po kasi pumatol ako. Pasensya na po, nalasing po ata ako kaya hindi na ako nakapagpigil." Nakayuko't naiilang na paghingi ko ng paumanhin sa kaniya. Ewan ko ba kung bakit mahilig akong yumuko sa mga taong hinihingan ko ng sorry, maybe its my Korean instinct that's kicking in. On the other hand, napakaangas ko naman ata sa part na isinisi ko sa impluwensya ng alak ang ikinilos ko kagabi kahit pa hindi naman gano'n karami ang ininom ko.
"Ikaw talaga, ayos lang naman sa'kin 'yon. I understand na napuno ka na talaga sa kanila kaya mo nagawa iyon. All I want to know is kung ayos ka lang saka gusto ko lang ipaalam sayo na you don't have to worry about paying the damages, naayos na iyon ng kaibigan ko." Medyo napangiwi ako at mas lalong nahiya nang marinig na may damages pala akong nagawa na hindi ko man lang napansin, goodness gracious! Talagang nawala lahat ng delikadesa ko sa katawan kagabi!
"Salamat po sir, if you don't mind aalis na po ako para po masimulan ko na yung workload ko today," magalang kong paalam at tumayo para lang yumuko sa harapan niya. Ang pagtango niya ang naging hudyat ko para lumabas na ng torture chamber na 'yon.
Grabe! Para talagang torture chamber ang opisina ng boss. Masyado kasi siyang mabait sa akin kaya natatakot ako sa hihingin niyang kapalit in the near future isa pa ay nakakakaba na parang ikamamatay mo kapag boss mo na ang kausap mo. Kahit na ang tagal ko na dito ay di ako masanay.