Haruto's POV :
Parang tanga akong excited at kabado matapos pindutin ang doorbell ng isa sa mga mansion namin dito sa Pilipinas. Ilang segundo lang ang binilang ko bago may nagbukas ng gate para sa akin.
"Sino po sila?" Nakasandal sa hamba ng gate na tanong sa akin ng babae na minamata ako ngayon mula ulo hanggang paa. Kung kita lng nya ang gwapo kong face baka kinikilig na to ngayon.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa likod ng suot kong mask, kahit pa dalaga na ang anak ni nanny ay hindi ko makakalimutan ang mukha ng batang palaging nagseselos sa akin dahil inaagaw ko raw sa kaniya ang nanay niya.
"Umm, there's a package addressed to this house ma'am. It's been paid already all I need is the sign of the receiver as a proof of delivery." Iniabot ko ang package sa kaniya na alanganin naman niyang tinanggap at tinitigan.
I just hope na hindi niya nakilala ang boses ko, nag-ingles na ako dahil mabilis akong mahuhuli pag nagtagalog. Ewan ko ba naman kasi kung bakit sa pagtatagalog lang lumalabas ang japanese accent ko.
"Baka bomba to ah." rinig kong bulong niya at maingat na inilapit pa ang tenga sa kahon. Hindi maiwasang mapatawa sa tinuran niya, still cautious as always.
"Nanay may order ka ba? May delivery dito oh!" Kunot noong sigaw niya kay nanny na palabas na ng main door at mukhang papunta na rito sa gate.
"Ha? ako may order? alam mo naman anak na hindi marunong ang nanay sa mga ganiyang bagay ako pa ang tatanungin mo." Kakamot-kamot sa ulong bulalas ni nanny. Kampante naman ako na hindi niya ako makikilala dahil matagal na rin naman ang huli naming pagkikita, isa pa ay nakasuot ako ng cap at facemask.
"Sir, pano po 'yan eh wala naman akong order?" Nababahalang tanong niya at mukhang problemadong-problemado sa nangyayari ngayon kaya hindi ko maiwasang maawa sa kaniya.
"It's under your name ma'am so it's really yours. It's already and all you have to do is sign this papers and open the package." Lumapit ako sa kaniya para iabot ang clipboard at ballpen na hawak ko, nag-aalangan man ay napilitan siyang pumirma.
"Baka birthday gift sayo ng ugok na si Haruto 'yan nay?" Bigla ako napangiwi nang marinig ang itinawag sa'kin ng bruhang anak ni nanny. Sa gwapo kong to tatawagin lang akong ugok?
Habang binubuksan niya ang kahon na wala naman talagang laman ay dahan-dahang bumaba ang nakabusangot na si Doyoung alyas Dobby sa van na nakapark sa gilid.
Nang makitang nakatapat na sa akin ang DSLR na hawak ni Dobby ay tinanggal ko na ang suot kong cap at facemask dahilan para gulat na mapatutop si nanny sa bibig niya at makalipas lang ang ilang segundo ay sinunggaban na niya ako ng mahigpit na yakap at napaiyak na siya.
"Ikaw talagang bata ka, may paganito ka pa talaga nalalaman. Namiss kita, kailan ka pa nakauwi ng Pinas?" Umiiyak pa rin niyang bulalas ng makabitaw sa pagkakayakap.
"Kagabi lang po nanny, happy birthday po. Tumahan na po kayo nakavideo po tayo oh." Itinuro ko pa sa kaniya si Dobby na hawak-hawak ang camera. "Hoy ikaw ayusin mo 'yang pagvivideo ha! Ipapakita ko 'yan sa asawa ko." Nang-aasar na nginisihan lang ako ni Dobby na kahit wala siyang sinabi ay parang naririnig ko sa utak ko na sinasabi niyang may asawa ka? May asawa ka?
"Teka may asawa ka na? Jusko kang bata ka hindi mo man lang sinabi sa akin. 'Di ka na talaga baby 'nak." Tila naiiyak na pang-aasar sa'kin ni nanny.
"Nanny, i'm not a baby naman na po talaga. I'm a handsome badboy po 'di ba?" Natatawang pagbibiro ko sa kaniya kasunod ng parang batang pag-akbay ko sa balikat niya.
"Oo na, oh siya tara na sa loob. Mabuti na lang at nagluto ako kahit papaano." Natatawang sambit ni nanny at hinila na ko papasok sa loob ng Mansion na ineregalo ko sa kaniya nang sisantehin na siya ng parents ko dahil malaki na ako at hindi na kailangan pa ng nanny.
She clearly deserves it dahil para sa akin ay mas naging magulang pa siya kaysa sa parents ko. Grabe ang paghihirap niya sa pagpapalaki sa akin dahil aminado naman akong matigas ang ulo ko. Literal na wala akong pakialam sa paligid ko noon, nagbago lang naman ako dahil kay Viel at sa mga kabandmates ko. Hindi ko talaga alam kung saan na ako pupulutin kung hindi sila dumating sa buhay ko.
"Oks na 'yan tol, kain na tayo sa loob." Natatawang tinapik ko sa balikat si Dobby nang mapansin na nagvivideo pa rin siya.
To be honest hindi ko talaga alam kung papaano ko napapayag ang lalaking 'yan eh. I was just kidding him pero nagulat na lang ako kasi umoo siya. It's really unexpected kasi siya yung tipo ng tao na never mong mauutusang gumawa ng mga bagay-bagay para sayo, rich kid kasi masyado kaya 'di sanay na nauutusan.
Sa totoo lang ay naaawa na ako sa babaeng mapapangasawa niya dahil napakahirap niyang abutin lalo na ang pamilya nila. Matinding pressure dahil negosyante ang lolo niya, doctor naman ang mga magulang at kapatid niya siya naman mismo ay mayaman, gwapo, sikat at matalino. He's a catch honestly speaking. Kulang lang talaga siya sa kasipagan dahil nga lumaking mayaman at nakukuha lahat ng gusto.
Walang imik na sumunod na lang siya sa'min at kahit papaano ay medyo nawala na ang pagkakabusangot niya. Alam ko kasing gutom na ang isang to kanina pa eh. Maaga ko kasi siyang binulabog sa condo niya at kahit kakagising lang at 'di pa nakakakain ay pinagmadali ko na siya dahil kainan din lang naman ang pupuntahan namin.
Mabilis na lumipas ang oras at hindi ko man lang namalayan na pagabi na pala, hinihintay ko kasi na makabalik si Dobby para sabay na kaming umuwi. Wala pa rin siya hanggang ngayon pero hindi naman ako nainip sa paghihintay dahil dumating ang panganay na anak ni nanny kasama ang mga anak nito. Buong maghapon akong nakipaglaro sa kanila dahil sadyang mahilig ako sa mga bata, medyo namimiss ko na rin kasi ang kapatid kong babae kaya talagang sabik ako sa pakikipaglaro sa mga apo ni nanny.
Napatingin ako sa front door at napakunot noo nang makitang si Dobby pala ang pumasok, ngiting-ngiti siya ngayon at halatang good mood na siyang kataka-taka. May tsismoso instinct kicked in kaya tumayo ako mula sa sofang kinauupuan ko at nilapitan siya para magtanong.
"What happened? You look so happy, anong magandang nangyari sa labas?" Umakbay pa ako sa kaniya para marinig ko ng mas malinaw ang kung ano mang sasabihin niya. Ngiting-ngiti pa rin na tinanggal niya ang pagkakaakbay ko sa kaniya at bahagya pa siyang dumistansya.
"Nothing extraordinary. Ang OA mo, bakit ngayon mo lang ba ako nakitang masaya? Lagi naman akong nakangiti ah." Mabilis akong napabusangot sa sinabi niya, halatang may itinatago siya eh.
"Matagal na tayong magkaibigan kaya hindi mo ako maloloko Dobby, kilalang-kilala ko na 'yang likaw ng bituka mo." naniningkit ang mga matang sambit ko at pabiro siyang kinutusan.
"Oo na ang kulit mo talagang engkanto ka." nang-aasar na sambit niya na hindi ko na lang pinuna pa, baka magbago pa isip niya. Atat pa naman na kong malaman kung ano yung nangyari.
"Bro, naalala mo ba yung babae sa club na naikwento ko sayo kagabi? Yung inawat ko na maangas makipag sabunutan. Dito lang din pala siya sa village na to nakatira, nakasalubong ko siya sa park kanina. She's way different from my first impression of her, akala ko masungit at mataray siya pero sobrang mabait naman pala." Tuwang-tuwa na pagkukwento ni Dobby sa akin.
"Kaya lang mukhang medyo ilag sa lalaki bro. Kita mo naman kung gaano karami ang mga babaeng nagkakandarapa sa gandang lalaki ko 'di ba? Pero siya, parang hindi man lang apektado sa presensya ko. She's different! Ni hindi man lang nga tinanong kung ano ang pangalan ko eh." Hindi ko maiwasang mailing, magkaugaling-magkaugali talaga sila ng best friend niyang si Yedam. Para silang pinagbiyak na bunga. Sila yung tipo ng tao na kunyari ay ayaw magkwento pero kapag nagsimula ng magsalita ay with actions pa.
"Ah, 'yon na 'yon? Kala ko naman kung ano na." Nakangiwi kong pahayag, disappointed na yun lang pala ang ikinangingiti niya ngayon.
Sinamaan niya ako ng tingin dahilan para mapabuntong hininga na lang ako at mapataas ng dalawang kamay na para bang sumusuko sa pulisya. "Alam ko na iyang mga tinginan mo na 'yan, oo na tutulungan na kita." Nababagot kong sinabi ang bagay na alam kong gusto niyang marinig mula sa akin.
"Thanks bro." Nakangiting tinapik niya ako sa balikat na sinuklian ko lang ng isang walang kabuhay-buhay na reaksyon.
Napatingin kaming dalawa sa bulsa ng suot niyang pantalon nang marinig na mag-ring ang cellphone niya na nakalagay do'n. Mabilis niya iyong hinugot at iniharap muna sa akin ang screen bago sinagot ang tawag. It's my boy Yedam!
"Anong kailangan mo?" Pambungad na bati ni Dobby sa bestfriend namin. Dahil naka loudspeaker ay dinig na dinig ko ang malutong na pagtawa ni Yedam sa kabilang linya.
"We need your help, diyan kami magbabakasyon sa Pinas." Anunsyo ni Yedam na ikinalaki ng ngiti nitong katabi kong si Dobby, halatang may pinaplano na naman siyang kalokohan sa isipan niya.
"Sure thing, babalik kami ni Haruto diyan bukas kaya hintayin niyo na lang kami. Ako na mag-aasikaso ng lahat." Dobby grinned at agad na pinatay ang tawag. I wonder, ano na naman kayang mga kagaguhan ang gagawin namin ng magkakasama?