:1: Forbidden Woman
Malamig ang mga hanging dumapo sa buo kong katawan. Pinagmamasdan ko ang h***d at sugat-sugat kong katawan sa repleksyon ng ilog.
May mga bugbog ang mukha at ilang parte ng katawan ko.
Mapait akong ngumiti.
Ganito...
Ganito ang buhay ng taong walang nagmamahal sayo.
Tumapak ako ng ilang hakbang papalapit sa ilog, hanggang sa umabot sa
Paa...
Hita...
Bewang...
Dibdib...
Leeg...
Hanggang sa talungki ng ilong ko.
Ramdam ko ang mga batong natatapakan ko.
Ramdam ko ang pagpasok ng tubig sa ilong at bibig.
Ramdam ko ang lamig at halong init na yumayakap sa katawan ko.
Ramdam ko pagtabon ng tubig sa katawan ko.
Pero mas nanaig ang kakaibang sakit na bumabalot sa puso ko.
Ramdam ko ang kakaibang sakit at kalungkutan dito.
Ramdam ko ang hinagpis at masasamang sinapit ko.
Ramdam ko galit.
At higit sa lahat...ramdam ko...ramdam ko ang kakulungan ng puso ko.
Ang parteng makakapagpa-buo sana ng buing pagkatao ko.
Ang pagmamahal...
Pagmamahal na walang kahit sino mang magbibigay.
Pinabayaan ko na kapalaran na lumamon sa alin. Kung mabubuhay, o pupunta na ako sa ibang destinasyon.
Destinasyon ng kamatayan...
Napapikit ako bago ngumiti ng matamis...
Kahit ngayon man lang...
Kahit ngayon lang makangiti ako ng matamis, na hindi ko pa nagagawa dati.
Kahit ngayon lang.
Hinayaan ko ng lamunin ng dilim ang aking paningin.
Ang dilim na sumisimbolo ng hinagpis at sakit na naranasan ko.
Hinagpis at sakit, na tanging pinag-daan ng buhay ko...