:2: New World?

670 Words
"Kaiel..." Dinig kong pagtawag ng kung sino. "Kaiel..." Ulit nito. Pilit kong binubuklat ang mga talukap ko. "Kaiel..." Tawag ulit nito. Gusto kong tignan kung sino ba ang tinatawag niya. Ng tuluyan na ngang bumuka ito. Bumungad sa akin ang dalawang nilalang na nakasuot ng kakaibang mga damit. Napadako ako sa paligid at kunot-noo ko itong tinignan. Anong mga gamit ito? Halos mabingi ako nang sumigaw ang isang babae. "Kaiel! You're now awake! Yaya! Call mommy. Kaiel is already awake!" Sigaw nito at sinunggaban ako ng yakap. Halos masubsob pa kami sa hinihigaan ko. Halong pagkalito at saya. Saya na kailanman hindi ko naramdaman. Totoo ba to? Totoo bang may yumakap sakin? Binitawan niya naman ako agad at kumunot ang noo ko na basa na ang mga mata niya. Umiyak ba siya? Isa naman ang yumakap sakin. "I'm so soryy Kaiel. Naging pabaya si ate..." Sabi nito at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa atin. Litong-lito na ako habang pinagmamasdan sila. Kilala ko ba sila? At ano ang ilang lenggwahe ang ginamit nila? Ilang sandali ay bumitaw na siya, kasabay 'nun ang pagbukas ng pintuan at pagpasok ng isang babaeng may kaedaran. At katulad ng dalawang babae kanina ay sinunggaban 'din ako ng yakap. "Oh god thank you!" Sabi nito. Tinatawag niya ba ang diyos? "I'm sorry honey...I'm sorry..." Naramdaman ko nalang ang lamig na may halong init na likido ang dumaloy sa balikat at leeg ko. Luha... Nila... Para sakin... Nakakapagtaka! Sobra! Ano ba itong klaseng panaginip? Bakit parang totoo? "Kaiel...are you feeling good now?" Napakunot ang noo ko sa babaeng kaedaran. Napakaganda niya...ganun 'din ang dalawang babae. Halos magkakamukha sila. "Mom, why can't she talk?" Tanong ng naunang babae kanina habang nakatingin sa akin, at may halong...pag-aalala? "I don't see any signs of trauma. But I'll ask her's doctor about this." Sabi ng babaeng kaedaran. "Then do it now. 'Wag kanang magsayang ng oras pa. Halos mamatay na ang kapatid ko dahil sa kapabayaan mo." Mataray na sabi ng ikalawang babae. "Kien! Ina mo parin ako. Ako parin ang nagpalaki sa'yo! Sana bigyan mo naman ako ng konteng respeto." Sabi ng babaeng kaedaran. "Kien! Mom! Please stop. 'Wag muna ngayon...please. 'Wag muna. Look at Kaiel. Hindi siya mukhang okay. Let's be one. Just for tonight. Just for Kaiel..." May pagmamaka-awa sa tono ng pagsasalita nito. Hindi ko man maintindihan ang pinag-uusapan at ang ilang lenggwahe na lumalabas sa bibig nila, ay alam kong nagtatalo-talo sila. Bumuntong hininga ang may kaedaran, habang umirap lang ang pangalawang babae. "Whatever. Makaalis na nga..." Sabi nito at akmang kukunin ang bag ay pinigilan siya ng unang babae. "Babalik nalang ako mamaya pag wala na 'yang babaeng 'yan." Turo niya sa babaeng kaedaran. Bumuntong-hininga nalang ang unang babae. "Let her be, Kaie." Wala nang sinayang na oras pa ang babae at lumabas na ito ng silid. Napaharap sa akin ang dalawang babae. "Are you hungry cupcake?" Malambing na tanong ng unang babae. Pero hindi ako umimik. Ilang minuto pa at katahimikan ang bumalot sa buong silid. "Mom. What is happening to her?" Nag-aalalang tanong nito. Hindi naman sumagot ang babaeng kaedaran. "Kakausapin ko si Juancho..." Sabi nito at tumayo, tumango naman ang unang babae. Bago paman ito lumabas ay hinalikan niya ako sa noo. Hinalikan niya ako sa noo? "I need to go for now honey. Take a rest. Mommy will be back later." Hindi ako umimik dahil parin sa lito at gulat. Ano ba talaga ang nangyayare? Nasa loob parin ba ako ng panaginip? Nang makaalis na ito ay hinarap ako ng unang babae. "You, starving?" Hindi ako umimik. "You really can't talk cupcake? Or this is just an excuse para hindi mo kausapin si Mommy? You're still mad at her?" Litong-lito na nga ako sa nangyayre, pati paba sa kanilang lenggawahe? Ng napagtanto niyang hindi talaga ako sasagot ay bumigay na siya. "Okay...I'll just get you food." Sabi nito at hinalikan ako sa noo bago lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD