"Paumanhin Ginoo, ngunit sino ka? At bakit hindi ka nila nasisilayan, sapagkat hindi naman sila bulag?" Walang emosyong pinakita ang nilalang sa harap ko. Tanging malalim at seryusonvg titig lang anvg sinasagot niya.
"Ginoo?" Tawag ko. Bumuntong-hingina ito na animoy nakukulitan na ito sa akin.
Napansin ko 'din ang purong ginto ang kaniyang suot. Sa amin nayon ay ang mga puti at maharlika lamang ang may kakayahang bumili ng gintong kasuotan. Pero kaka-iba ang isang 'to. Ang kanyang suot ay bibihira lamang makita sa mga maharlika at puti. May mga alahas pa itong nakapalibot sa katawan. Kaka-iba 'din ang tingkad ng kulay ng mga mata nito. Ang kaliwang mata ay ginto, at ang kanan naman ay asul. Nakakamangha dahil ang Nawuang lahi lang naman ang may kakaibang magka-ibang mata sa amin.
"Isa ka 'din bang Nawuang?" May mangha sa tono nbg boses ko. Ang Nawuang ang namumuno sa limang nayon. Na-ikwento ng aking inay dati na mababait ang mga Nawuang. Ngunit kakaunti lang ang nakakakilala sa kanila. Maraming may alam na ang Nawuang ang namumuno sa mga nayon, pero hindi pa nila ito nakikita. At maswerte ako ng nakita ko ang isa sa kanila.
"Ginoo? Bakit pala ako humihinga? Sa aking pagkaka-alam ay kinitil ko na ang aking buhay—"
"—na hindi mo napagtagumpayan." Dagdag niya. Bumalik ang mga nangyare sa aking buhay na dapat ay tapos na. Hindi ko alam pero may naramdaman akong inis sa kaharap ko ngayon.
"Sandali lamang, ngunit ikaw ba ang nagsalba sa akin?" Singhal ko "Kung ikaw man iyon, bakit mo ito ginawa?! Sa ginawa mo ay mas lalo mo lang pinapahirapan ako." Bulaslas ko. Lubos akong naiinis sa Ginoo'ng ito. Hindi man lang natinag ang Ginoo.
"Pormal akong magpapakilala, ako si Evtoon Isaac. Isang Diyos. At narito ako para tulungan ka."
Napatulala ako sa sinabi niya, Isa siyang Diyos at may kapangyarihan siya.
"Kung isa kang Diyos, dapat alam mo kung anong paghihirap na dinanas ko. Kung isa kang Diyos, alam mo ang sakit at lungkot na dala-dala ko bago mo paman ako BINUHAY. Kung isa kang Diyos, dapat pinabayaan mo nalang akong mawalan ng buhay dahil wala naman iyong saysay!" nilabas ko na ang lahat nang inis at galit.
"At saang nayon tayo nakaroon? Bakit ibang panananamit ang suot ng mga nilalang kanina, bakit ibang lengwahe ang ginagamit nila? Bakit ibang pangalan ang tinatawag nila sa akin? At anong mundo ito?" sunod-sunod na tanong ko.
"Bakit mo nga ba ginawa ito ginoo? Gusto mong tumulong pero pinalala mo ang sitwasyon, ang dati'y mahirap. Ngayon naman dinagdagan mo pa! Sabihin mo Ginoo, may ginawa ba akong kasalanan sa'yo para gawin mo ang mga bagay na ito? Ni hindi pa nga kita nakilala sa tanang buhay ko..." Nagsisimula na akong humikbi.
Ayuko sanang maging mahina sa harap niya, pero hindi ko na kayang tiisin ang bundol-bundol na sakit dito sa ang puso.
Halos lahat ay pinagkaka-itan na ako.
Pati pa ba ang Diyos na hindi ko pa nakilala?
Bumuntong-hininga lang ito.
Mas lalo akong nainis, dahil sa paghinga nito ay nakikitaan ko ng walang pakialam sa nararamdaman at pinapakitang kalungkutan ko ngayon.
Sa hinaba-habang lintayang sinabi ko ay 'yun ang ibubungad niya.
"Nakikinig kaba Ginoo?" singhal ko.
Tumango-tango siya, "Oo. Nababasa ko ang isip mo at hindi imposibleng hindi ako nakikinig."
Batid nitong nakakarindi ako.
"Tama..." sinimangutan ko siya.
"Ginoo..." saad ko sa isip. Hindi ko inaasahang sasagot siya.
"Bakit?"
"Tama nga!"
Siyang tunay na Diyos. Nakakasiya naman na maging isang Diyos.
"Ginoo..."
"Bakit nanaman?"
"Siguro maraming humanga at nagmamahal sa'yo?"
Hinintay ko ang sagot niya pero wala akong natanggap.
May napansin lang ako sa kanya. Tamad ata siyang sumagot gamit ang bibig, pero sinasagot niya ako kapag sa utak.
May naisip ako!
"Alam ko ang iniisip mo... Wag na wag mo itong gagawin."
"Bakit naman Ginoo?"
"Mapaparusahan ang sinumang Diyos na magsisinungaling. Kaya't 'wag ka munang magtanong dahil hindi pa ako handang ibahagi sa'yo ang tungkol sa misyon mo..."
"Ngunit Ginoo—"
"Kaiel?"